webnovel

After You Fall Asleep

Vampire

xiarls · Fantasy
Not enough ratings
22 Chs

Chapter 12

MARGARETTE'S POV

Dalawang buwan na ang nakakalipas at wala namang nangyaring pagbabago sa buhay ko. Pero naging maayos naman kasi hindi na ako umiiyak ngayon. Mas lalo lang naging komplikado dahil hindi ko pa rin alam kung sino sa kanilang dalawa ang pipiliin ko.

"Anong ginagawa mo?" Tanong sa akin ni Jason. Gumagawa kasi ako ngayon ng Halloween costume kasi inimbitahan ako sa bayan para sa Halloween party mamayang gabi.

"Ah, ito costume para mamayang gabi." Sagot ko.

Tahi dito, tahi doon.

"Ah. Pwede bang sumama?"

Tinigil ko ang pagtatahi at hinarap siya.

"Sure." Sagot ko at ngumiti.

Gumanti naman ang loko.

"Kumain ka na?" Biglang tanong niya. Lagpas 10:30 na ng umaga at kanina pa ako tahi ng tahi na hindi man lang nakakain.

"Hindi pa."

"Ipaghahanda kita." Aalis n asana siya sa harap ko pero pinigilan ko siya.

"Mamaya na ako kakain, sabay na lang sa lunch." Sabi ko.

Tumango siya at umupo sa harap ko.

"Tutulungan na kita."

"Geh, tahiin mo lang 'to. Mag ccr lang ako." Binigay ko sa kanya 'yong damit at umalis na para mag-cr sa kwarto ko pero natigilan ako sa pag-akyat nang makita ko si Lennard sa taas.

Ngumiti siya pero hindi ko 'yon pinansin.

"Anong ginagawa mo dito?" Mahinang tanong ko habang paakyat.

"Namimiss ko lang naman ang nililigawan ko." Nakangising sagot niya.

Hindi ko na lang pinansin at pumasok na lang ako sa kwarto ko at nag cr. Paglabas ko andun siya sa kama ko nakaupo.

"Saan ka dumaan?" Tanong ko.

Lumapit siya akin at niyakap at pero maharas ko siyang hiniwalay.

"Umalis ka na nga! Hindi kita kailangan at mas lalong hindi na kita papayagang manligaw sa akin!" Sigaw ko sa kanya.

Ngumisi lang siyang nakakaloko at hinawakan ako sa balikat at matiim na tinignan. Parang may ginagawa siyang kakaiba sa mata niya at nag salita.

"Kahit anong gagawin mo, sa ayaw at sa gusto mo, liligawan pa rin kita at sasagutin mo na ako bukas!" Sabi niya at ngumiti.

Pumikit ako at humingang malalim at sa hindi ko lang malamang dahilan napatango ako sa sinabi niya.

"Good, see you tonight." Ginulo niya ang buhok ko at lumabas sa bintana ng kwarto ko. Hindi na ako magugulat sa ginawa niya, bampira siya at lahat na mahihirap na bagay na hindi kayang gawin ng mga tao kaya nilang gawin sa ayaw at gusto nila.

May kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya binuksan ko iyon. Si Tita Agnes pala, Mama ni Jason.

"Kain na tayo, hija." Sabi niya kaya lumabas na din ng kwarto ko.

Weird ko lang, noon hindi ko matanggap na mga bampira ang mga kasama ko dito sa bahay pero nagtagal nasanay na din ako at parang ayaw ko na din silang paalisin dito sa bahay. Naisip ko din noon, paano kung magkaaway ulit kami ni Jason at gagawin akong bampira, possible bang pagkakagat niya sa akin lalabas agad ang pangil ko at parang gusto kong uminom ng dugo? Pfft. Ano ba 'tong iniisip ko? Gutom lang 'to.

Magkatabi kaming kumain ni Jason, kaharap namin ang mga magulang niya. Tahimik lang kaming apat. Nag-iba na din ang pananaw ko sa mga magulang niya. Alam na din nila na alam ko kung ano ang pagkatao nila. Mabait naman sila sa akin at alam kong binabantayan nila ako sa ibang mga bampira kapalit ng pagpatuloy ko sa kanila.

"Anong oras tayo aalis mamaya?" Biglang tanong niya. Tapos na siyang kumain pero ako, ito parang walang ganang ngumunguya dahil naalala ko na naman ang sinabi ni Lennard kanina.

"Ah. Mga 7pm." Sagot ko at kumuha ulit ng pagkain para hindi niya mahalatang wala akong gana.

Nabigla ako nang hawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil.

"May problema ba?" Halata sa boses niyang nag-aalala siya.

Uminom ako ng tubig bago ko siya sinagot.

"Wala naman." Diretsong sagot ko.

"Sure ka?"

"Oo."

"Hmm, tapusin mo na ang pagkain mo."

Tulad ng sinabi niya, pilit kong inubos ang pagkain ko. Nakakailang lang kasi pinanood niya akong kumain. Saktong 1:30 ako natapos kumain. Daig ko pa ang pagong sa kabagalan sa pagkain.

--

Mag-aalas sais na din kaya nagbihis na ako. Sinuot ko ang tinahi kong costume kanina. Simpleng damit lang naman iyon pero dapat nakakatakot tignan.

Lumabas na ako ng kwarto bumaba. Nadatnan ko si Jason sa sala at bihis na bihis na din siya. Lumapit siya sa akin at tumingala kasi nasa hagdan pa lang ako. Sumipol siya at nagsabing…

"You're gorgeous, baby." Sabi niya.

Napasimangot ako sa sinabi niya pero hinalikan niya ang pisngi ko kaya nagwawala na naman ang puso ko. Sinabit niya ang kamay ko sa braso niya.

"Tara na, baka mahuli pa tayo." Sabi niya. "Ma, Pa, alis na kami!" Sigaw niya. Narinig ko namang sumagot si Tita pero hindi ko na initindi 'yon.

Gulong gulo ang isip ko ngayon. Ano na naman itong nararamdaman ng puso ko? Hindi ko na ata kaya. Pero ito na lang ang huling gabi para magkasama kami. Ano ba kasi 'yong ginawa sa akin ni Lennard kanina at bigla na lang ako napatango sa sinabi niyang dapat sasagutin ko na siya bukas? Hindi ko naman mapigilan ang sarili kong hindi siya sasagutin, kinompel niya ako. Alam kong masama 'tong gagawin ko kasi ako na naman ang mananakit ng damdamin ng iba, damdamin ng lalaking kasama ko ngayong gabi. Nababahala din ako dahil alam kong nandun din si Lennard mamaya.

"Ba't ang tahimik mo?" Biglang tanong niya. Umiling na lang ako bilang sagot.

Sumakay kami sa kotse niya. Oo, may kotse ang loko. Hindi ko alam kung saan niya 'to nakuha at basta na lang siyang dumating nung nakaraang buwan na dala 'to.

Kinabitan niya ako ng seat belt at nagsimula na siyang mag-drive patungo sa bayan.

Paano ko ipapaliwanag sa kanya ang sinabi ni Lennard? May parte sa puso ko na siya dapat ang sasagutin ko pero ang utak ko si Lennard ang gusto. Mahirap sabayin ang puso at utak pero mas mahirap manakit.

Hindi ko namalayang nakarating na kami sa bayan, basta niya na lang ako kinalasan ng seat belt at lumabas siya para pagbuksan ako ng pinto. Naglakad kami patungo sa gitna ng mga nagsasayaw pero ang mga mata nila sa akin nakatingin, iba-iba ang itsura ng mga naki-enjoy dito.

"Sh.t!" Rinig kong bulong ni Jason, nakaakbay siya sa akin.

"Bakit?" Tanong ko.

"Hindi na sana tayo pumunta dito." Nababahalang sabi niya.

Tinignan ko siyang nakataas ang kilay ko.

"At bakit naman?" Masungit na sabi ko at inalis ang braso niya sa balikat ko.

"Puro mga bampira ang mga tao dito." Bulong niya.

Nanlaki ang dalawang mata ko sa sinabi niya. Nilibot ko ang paningin ko at nakita kong ang masamang tingin nila sa akin, na parang may binabalak silang masama.

Hinila niya ako pabalik sa kotse niya pero pinigilan ko siya.

"Huwag tayong umalis. Diba sabi mo babantayan mo ako laban sa kanila? Huwag tayong magpahalata na natatakot baka sugurin tayo nang wala sa oras." Sabi ko sa kanya.

Napabuntong-hininga siya at hinawakan ako sa balikat.

"Oo babantayan kita, pero kailangan nating umalis kasi sabik sa dugo ng tao ang mga 'yan."

May halong pag-aalala na ang sinabi niya. Oo natatakot din ako sa gagawin nila mamaya, pero hindi naman masamang mag-enjoy muna kahit isang oras lang diba?

"Isang oras lang, please?" Pagmamakaawa ko.

Sumimangot siya na mas lalong nagpasingkit sa mga mata niya.

"Sige na, wala namang masama kung mag-enjoy kahit isang oras lang diba?" Parang bata na ako kung himingi ng permiso sa kanya.

"Sige na nga. Pero huwag kang lumayo, dito na lang ako sa kotse."

"Naman eh! Samahan mo ko! Diba ikaw na rin ang nagsabi na mga bampira ang mga 'yan tapos iiwan mo kong mag-isa? Tsk! Dyan ka na nga!" Umalis na ako sa harapang niya pero ako makalayo hinila niya ako pabalik at siniil ng halik sa labi.

"Joke lang, sige sasamahan na kita. Pasalamat ka mahal kita."

At siya na ang humila sa akin sa gitna.

Kumuha siya ng inumin at sumayaw kami sa gitna. Wala akong pakialam sa mga bampirang nasa paligid ko. At natapos lang ang isang oras na sayaw at tawa ang ginawa namin.

'Pasalamat ka mahal kita.'

'Pasalamat ka mahal kita.'

'Pasalamat ka mahal kita.'

'Pasalamat ka mahal kita.'

'Pasalamat ka mahal kita.'

Sa hindi ko nalamang dahilan niyakap ko siya sa sinabi niya at nagsalita.

"Mahal din kita. Pero sorry, may iba akong gustong sagutin."

Nanigas siya sa sinabi ko kaya napahiwalay ako sa yakap ko.

"A-anong sinabi mo?"

Huminga ako ng malalim.

"W-wala." Tumalikod ako sa kanya dahil nagbabadyang tumulo ang luha ko.

Masakit din pala na ikaw ang mang-reject na kahit alam mong mahal mo siya. Pero mas masakit sa kanya dahil siya 'yong una pero hindi ko siya magawang sagutin dahil sa ginawa sa akin ni Lennard kanina. Mahirap talagang paasahin 'yong tao kahit alam mong maraming madadamay.

"Sorry, pero magkaibigan na lang muna tayo." Sabi kong humihikbi.

Pinaharap niya ako sa kanya at pinunasan ang luha ko.

"Si Lennard ba?" Tanong niya.

Hindi ko alam kong ano ang isasagot ko sa kanya nang biglang may sumagot mula sa gilid namin.

"Oo, ako nga." Si Lennard, kasama ang tatlo.

"Ah, bantayan mo siya ah?" Sabi ni Jason nang hindi tumitingin kay Lennard.

Yumuko ako pero inangat niya ang ulo ko.

"Best friends na muna tayo? Kasi alam kong iiwan ka din niya." Nakangiti niyang sabi pero ramdam ko ang sakit sa pananalita niya.

"Maghihintay ako." Patuloy niya at hinalikan ako sa noo at niyakap.

Dun na mas lalong tumulo ang luha ko. Pero alam ko namang nandyan pa rin siya para protektahan ako.

"Hihintayin kitang umuwi."

Tumango ako bilang sagot kaya humiwalay na siya sa akin at hinila ako ni Lennard sa kanya.

Alam kong mali ang ginawa ko ngayon kasi sabi ng isa bukas pa pero naisipang kong ngayon ko na siya bastedin para hindi na siya mas masaktan bukas.

Bahala na, alam kong magagalit siya pero alam ko namang babantayan niya pa rin ako.