webnovel

Overnight With Them (Part 1)

Nang makarating kami sa bahay nila ynah ay bumaba ako sa sasakyan dahil kailangan mag doorbell para papasukin kami duhh!

**dingdong**

Nang bumukas ang gate ay ang mama pala ni ynah

"Good evening po tita" sabay beso ko sakanya

"Good evening po" sabi naman ng nasa likod ko at tinignan ko din siya at tumingin ako kay tita pero yung tingin ni tita nang aasar

"Teka bubuksan ko tong gate para maipasok niyo sasakyan niyo" sabi niya samin kaya pumasok na ako at hinintay sa isang gilid si kumag para di siya mahiyang pumasok.

Nang maipasok niya yong kotse ay pumasok na kami sa loob at ayon na nga nag ingay na yong dalawang impaktita.

"Sierraaaaaaaa namiss ka naminnnn" sabi nila at yumakap sakin.

"Sierra sino yang kasama mo" tanong sakin ni ynah

"Ahh si Joseph hehe pinasama sakin ni mama eh" sabi ko naman sakanila at ipinakilala si seph sakanila.

"Hi Sierra long time no see" ngiting sabi sakin ng isang kuya ni ynah na si kuya carl

"Hello kuya" sagot ko naman dito habang nakangiti

"Tara na at kumain" tawag samin ng mama ni ynah

Pumunta na kami lahat sa may dining table at umupo na ako kaso yung isang kuya ni ynah na si Jerald nakikipag agawan pa ng upuan sa tabi ko dahil ayon mga may gusto daw siya sakin.

Pero pinaalis siya ni ynah at ang pinaupo eh si seph kaya naka simangot yong isa hahaha.

"Hello sayo joseph ang gwapo mo sa suot mo" sabi ni shyra sakanya habang nakatingin siya kay joseph nubayan bat mo tinititigan yang kumag na yan.

"Teka pinag usapan niyo ba yang suot niyo?" tanong samin ni ynah kaya tinignan ko mga suot namin ni seph at oo pareho nga. Pero di naman kami nag usap ah

"Hindi namin pinag usapan" sabi ko sakanila kasi nga pareho kaming naka white shirt as in plain white tapos naka black shorts ako at siya black pants. Coincidence hahaha

Kumain ako ng kumain kasi masarap kumain wala talaga akong hiya pag andito ako hahaha.

Diko napansin na pinag uusapan na pala nila kami

"Yan si sierra wala pang nagiging boyfriend yan" sabi ni ynah sa mama niya

"Hindi niya ba boyfriend yang kasama niya?" tanong naman ng mama niya

"Malamang magiging boyfriend niya na yan ma pinasama ng mama niya eh hahahaha" tsaka sila nagtawanan. Ano saya kayo? Bahala kayo dyan.