webnovel

Overnight With Them (Part 2)

Nang matapos kumain ay nagsi puntahan na kami sa may sala nila dun din kami matutulog lahat kasama yung tatlong kuya ni ynah kaming tatlong babae at si seph.

"Movie Marathon muna tayo" sabi ni shyra samin kaya nagsipag tanguhan naman sila.

Naglatag muna kami ng mga kutson na piang tabi tabi at nilatagan din yon ng kumot para hindi maalis sa pagkaka tabi tabi.

Ako nag momovie marathon pero maya maya aantukin na ako. Bahala na sila kung san sila pupwesto wala namang mangyayari kasi lahat kami nasa sala.

Sa mga kuya ni ynah sana tatabi si seph pero sa pinaka gilid ko siya pinatabi. As in siya yung nasa gilid at ako yung katabi niya.

"Dito ka" sabi ko sabay pinagpag yung sa may gilid ko kaya pumunta siya dun sakin. Nakatingin pa sila shyra pero naka ngiti lang sila

seph-ako-shyra-ynah-kuya carl-kuya dennis-kuya martin

ganyang ang pwesto namin sa may banda ni seph may couch kaya di siya maisiksik sa silong kung sakali hahaha

At nung plinay na nila yung movie patayan na nakakatakot at nakasandal muna kami ni seph sa may couch kasi nagpapa baba pa ng kinain.

At maya maya pa lang ay nagugulat na ako sa mga sound effects anak ng! May naka kumot sakin habang nakaupo kami. Tinignan ko ang iba ay talagang tutok sila at maski itong katabi ko tutok. Sanaol!

Nung nasa part na kami ng dahan dahan na naglalakad yung babae kasi himahanap niya sa madilim yung psycho. Biglang may nasagi siyang vase kaya napasigaw kaming mga babae dahil sa gulat. Ang tahimik ng paligid niya tapos biglang may masasaging vase kaya napatago ako sa loob ng kumot. Hindi ko na binalak manood at humiga na. Si seph naka upo padin. Inalis ko ang pagkakatalukbong ko ng kumot at humarap sa banda ni seph inalis ko yung kumot kasi naiinitan ako. At itutulog na sana pero nakita ko si seph na kinuha yung kumot at kinumutan ang half body ko naka short nga lang kase ako.

(SEPH POV)

Nakita kong humiga na siya sa may tabi ko. Inalis niya buong kumot tumingin muna ako sa mga kasama namin at nakatingin sila lahat kay sierra na humiga na at nakabalandra ang legs. Ano ba naman tong babaeng to. Pasalamat ka gusto kita. Oo gusto ko siya matagal na.

Kinuha ko yung kumot namin at ikinumot sa legs niya. Nakabalandra tsk may mga lalaki pa naman na nakatingin.

Nang matapos kong kumutan si sierra tumayo muna ako at lumabas saglit kinuha ko yung jacket ko dahil....basta! mahirap iexplain.

Pagkapasok ko ay gising pa din sila bukod kay sierra na natutulog na. Ginising ko saglit si sierra para isuot yung jacket sakanya. Pero nung nagising siya at umupo bigla siyang napayakap sakin sa sobrang antok niya kaya napatingin ako sa mga kasama namin at nakatingin din sila samin. As in titig na titig kaya minadali ko na sa pagsuot kay sierra ng jacket ko at inihiga na siya. Nakaharap siya banda sakin at pabor sakin yon kasi matititigan ko siya.

"Ah matulog na din ako hehe" paalam ko sakanila kasi nakatitig padin sila samin

"Oo sigeee tulog na kayo" sabi naman sakin nung isang babae na shyra ata ang pangalan at nung tignan ko yung isa pang babae ay tumango at ngumiti lang siya. Tinignan ko din yung tatlong lalaki at tumango naman sila isa isa. Kaya bago ako humiga kinumutan ko muna si sierra hanggang sa may chest niya at isiniksik yung kumot sa may bandang malapit sa pwetan niya mahirap na baka may makita pa. Bago ako humiga nakatitig ulit sila sakin kaya tinignan ko din sila tsaka itinuro yung tv na puro pangalan nalang ng cast ng movie ang lumalabas ng hindi nila nalalaman. Kaya nagsitinginan sila sa tv at humiga na ako at itinaas pa ang kumot at humarap na din kay sierra may space naman at may respeto naman ako ayoko lang talaga na may makakitang iba ng kung ano sakanya kaya isiniksik ko yung kumot para di maalis.