webnovel

Chapter 12

Tamang Panahon

Darating ang araw na malilimutan kita,

Ang iyong haplos, boses, at ang iyong mukha,

Darating ang araw na hindi ka na hahanapin pa,

Tatalikuran ko na ang masasaya at masakit na alaala.

Darating ang panahon na maghihilom din,

Ang mga malalim na sugat na iyong idiniin,

Darating ang araw na hindi ka na maiisip,

Mawawala na ang nararamdaman sa dibdib na masikip.

Darating ang panahon na muling makakaiwas,

Sa lahat ng mga sakit at dusa na ipinaranas,

Darating ang araw na matatapos din ang lahat,

Lalo na ang pag-ibig saiyo na hindi naging sapat.

Darating ang araw na magiging masaya,

Ang tamang tao ay mahahanap at makikila,

Darating ang tamang panahon para sa akin,

Puso'y muling bubuksan, nadarama'y sa kanya ibabaling.

-----Nyebe-----

Kahit malayo sa isa't isa ay hindi nawala ang communication nila James at Billie. Halos buong araw sila magkausap sa chat. Kapag may free time ang bawat isa ay sa video call sila nag-uusap.

"Hindi ba kayo nagsasawa sa pagmumukha n'yo? Aba, baka magkapalit na kayo ng mukha n'yan." Natawa sila James at Billie sa sinabi ni Logan. "Inggit ka lang, Dre. Mag-girlfriend ka na din kasi." Sabi ni James. "Nakow, sakit lang sa ulo pati sa bulsa." Tumaas ang kilay ni Billie sa sinabi ng pinsan. "Ahh, ganon!?" Sabi ni Billie sabay amba ng suntok kay Logan. "Oo at isa ka na dun. Biruin mo, linggo-linggo may bulaklak sa pinto. May kasama pang chocolates. Saan ka pa?" Patuloy ni Logan. "As if naman hindi mo dinudukot sa ref ang mga chocolates." Sabi naman ni Billie. "Dre, kapag nahanap mo na ang "the one" mo panigurado, hindi lang 'yan ang gagawin mo." Sudlong naman ni James. "Ha'ay nako, maiwan ko na nga kayo. Baka pati ako ay kagatin ng langgam." Sabi ni Logan at iniwan ang love birds na muling bumalik sa paglalambingan.

.....

"Okay ka lang dyan sa kinakain mo?" Nakataas ang kilay na tanong ni Lyza kay Billie na sarap na sarap sa talong at bagoong. "Oo naman, sarap kaya." Sabi ni Billie sabay alok sa pinsan na todo naman ang iling. "Normal na 'yan noh. Noong isang araw french fries na sinasawsaw sa sundae nga ang sinasabakan n'yan." Sudlong naman ni Angela. "Weird ng mga taste mo ngayon ha?" Sabi ni Lyza na nginitian lang ni Billie.

.....

"Billie, Billie, baka malate ka n'yan, bangon na." Gising ni Angela sa dalaga. "Antok pa ko..." Sagot naman ni Billie. "Maryosep ka, maghapon ka ng nagtutulog nitong weekends, antok ka pa din?" Hindi na nakasagot si Billie sa pinsan dahil nakatulog na ulit siya.

.....

"Hey, okay ka lang?" Tanong ni James sa girlfriend na mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa sa itsura. "Ayokong makita ka." Nakasimangot na sabi ni Billie. "What? Ano bang ginawa ko?" Takang tanong ni James. "Wala, basta ayoko lang makita ka." Nainis si Billie ng pinagtawanan lang siya ng boyfriend. Nang makita ni James na nangilid ang luha ng dalaga ay tumigil siya sa pagtawa. "Sorry, sorry." Sabi ni James. "Miss na miss na kita." Tuluyan ng bumagsak ang luha ni Billie. "Oh, kanina lang ayaw mo kong makita, ngayon miss mo na ko?" Biro ni James. "I hate you." Sabi ni Billie sabay end ng video call. Tumawag namang muli si James at agad naman sinagot ni Billie.

"Konting tiis na lang, huh? 'Pag nakatapos na ako dito ay uuwi na agad ako, okay?" Tumango lang si Billie. "I love you." Patuloy ni James. "I love you too." Sagot naman ni Billie.

.....

"Ang putla mo Billie, okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Elijah sa pinsan pero tango lang ang sagot ng dalaga. Nasa mansion silang lahat ngayon dahil weekends na kinabukasan. "Kung masama ang pakiramadam mo ay uminom ka na ng gamot." Sabi ni Oliver at tango lang din ang sagot ni Billie. "Ilang araw ng ganyan 'yan. Pati nga si James nag-aalala na sa kanya." Sabi ni Lyza. "Inaaya naman namin magpacheck up, ayaw naman at okay lang daw siya." Dugtong ni Angela. Si Logan ay seryoso lang nakatingin sa dalaga. Tatayo na sana ang dalaga mula sa dinner table ng makaramdam siya ng hilo. Mabuti na lang at nasalo siya agad ni Logan bago bumagsak sa sahig. Nagmamadali silang magpipinsan na sinugod sa ospital si Billie dahil may nakita din silang bahid ng dugo sa damit na suot ng dalaga.

.....

"Congratulations! She's 4 weeks pregnant." Napangangang bigla ang mga Pascual maliban kay Logan na naikuyom ang kamao. Si Billie naman ay lalong namutla sa nadinig.

.....

Ring lang ng ring ang phone ni James. Ilang beses ng tinatawagan ni Billie ang boyfriend para sabihin ang magandang balita. Napanatag siya dahil naintindihan siya ng mga pinsan kahit halata sa mga ito lalo sa kila Logan, Elijah, at Oliver ang pagkadismaya na alam naman niyang hindi para sa kanya. Nang may mag-angat na ng linya at biglang nakaramdam ng kaba si Billie. Kaba kung paano niya sasabihin sa boyfriend na buntis siya. Matutuwa kaya ito gaya niya?

Nagulat si Billie ng boses ng babae ang sumagot sa phone ng boyfriend. "Hello, who's this?" Tanong ng babae sa kabilang linya. "Hello, where's James?" Tanong ni Billie. "Oh, he's still sleeping, he's too tired." Sagot ng babae kay Billie na bigla naman kinabahan sa nadinig. "Who...are...you?" Hindi malaman ni Billie kung iintayin pa ang sagot ng babae o i-end call na niya ang tawag pero mas pinili niya ang una kahit alam niyang baka ito ang maging dahilan ng pagbabago ng lahat. "I'm Cassandra, he's partner...in bed." Sagot ng babae na sinabayan pa ng malanding tawa.

Maraming salamat po sa Hugot ng Makata (Nyebe) sa pagpayag na maisama ko ang kanyang mga tula sa mga susunod na chapters.

Mahirap talagang move-on sa isang relationship lalo kung naibigay mo na ang lahat, pero kailangan mag-move lalo na kung wala ng pag-asa na muling magkaroon ng "kayo". It's a very very very long process bago mo masabi na "I remember the boy or girl but I don't remember the feelings anymore." Ask His guidance, gumawa ka ng mga bagay para maging busy ka. Hobbies, sports, anything na mag-eenjoy ka. I've been there and napakahirap but, I have my loved ones na tinulungan ako to move on and I have my daughters. Sabi nga, hindi ibibigay sa iyo 'yan kung hindi mo kaya.

These insights have nothing to do with my story. Just sharing lang po, baka may matutunan lalo na yung mga may pinagdadaanan.

Thank you po sa mga views. Feel free to comment and vote po. Enjoy reading...

arrettecreators' thoughts