webnovel

Chapter 13

Hanggang Kailan Maghihintay?

Hanggang kailan kailangan maghintay?

Hanggang kailan dapat sumubaybay?

Hanggang kailan uulit ang pag-ikot?

Puso'y napapagod na, napapagod na maglibot.

Sana'y dumating na ang para sa akin,

Sana'y dumaan na at sakin ay palapitin,

Sana'y matagpuan na ang nararapat,

Ano pa ba ang kulang? Ano pa ba ang dapat?

Yung taong matatawag kong akin,

Yung taong mananatili lang sa akin,

Yung taong hindi mawawala sa'king piling,

Yun lang ang dasal at natatanging hiling.

Kailan pagbibigyan ang pusong sawi?

Kailan maghihintay na mga sakit ay mabawi?

Kailan pa ba puso'y titibok ng totoo?

Hanggang kailan maghihintay na ako'y maging buo?

-----Nyebe-----

Naging mahirap para kay Billie ang lahat. Ang pagbubuntis niya, ang pag-aaral niya, at lalo na ang nalaman niya tungkol kay James. Pero hindi siya pinabayaan ng mga Pascual. Sila ang naging sandalan ni Billie, sila ang tumayong magulang at kaibigan para sa dalaga. Sila ang naging iyakan ni Billie, sila ang naging karamay niya kaya naman laking pasasalamat ni Billie sa mga pinsan pero kailangan niyang lumayo pansamantala para sa sarili at sa anak kaya nagdesisyon siyang pumunta sa mga magulang sa Canada. Laking pasalamat din niya sa mga magulang dahil kahit ano'ng masasakit na salita ay hindi siya nakadinig mula sa mga ito. Tinanggap siya ng buong buo pati ang bata sa kanyang sinapupunan.

Si James ay walang kaalam-alam sa pangyayari pero nagtaka siya ng hindi sinasagot ni Billie ang mga chat, text, at tawag niya. Miski sa mga Pascual ay wala din siyang ma-contact. Hindi siya mapakali kaya nagsabi siya sa ama na uuwi sandali at babalik na lamang kapag nalaman niya kung ano ang nangyari.

.....

Dahil sa pag-aalalang umabot sa hindi magandang komprontasyon ang magkakaibigan ay sila Lyza at Angela na lamang ang humarap kay James na ngayon ay nakatayo sa harap ng kanilang mansion. Kahit galit ang umiiral sa kanila ngayon ay hinarap pa din nila ang binata ng maayos.

"Bakit ka nandito?" Nagtaka si James sa malamig na pakikitungo ng dalawang dalaga sa kanya. "Nasaan si Billie?" Tanong ng binata. "Wala na siya dito." Sagot ni Lyza. "Ly, wag ka naman magbiro ng ganyan." Sabi ni James. "Hindi siya nagbibiro." Sagot naman ni Angela. "Ano bang nangyayari, Angel? Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko tapos ngayon sasabihin n'yong wala siya dito?" Medyo nagtaas na ng boses si James. "Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo!?" Tumingin silang tatlo sa malakas na boses na nadinig nila. "Dre, ano bang nangyayari?" Tanong ni James. "Umalis ka na habang kaya ko pang pigilin ang sarili ko na baliin ang mga buto mo! Sinabihan na kita na wag ang pinsan ko!" Malakas pa din ang boses ni Logan na ikinabahala na nila Lyza at Angela. Hindi naman natinag si James. "Sabihin n'yo muna sa akin kung ano ang nangyari kay Billie!?" Malakas na din ang boses ni James. Papasugod na sana si Logan, buti na lang ay napigilan siya nila Elijah at Oliver. "Magmula ngayon ay huwag ka ng magpapakita sa amin lalong-lalo na kay Billie dahil sa susunod na makita ko ang pagmumukha mo baka mapatay na kita!?" Hawak pa din ng dalawang lalaki ang pinsan dahil sigurado nila na masasaktan talaga nito si James. "Please, James, umalis ka na. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao." Paki-usap ni Lyza pero hindi nakinig si James. "Billie? Billie? Lumabas ka dito, pag-usapan natin 'to!" Sigaw ni James. "Ang kapal talaga ng mukha mo!" Sigaw ni Logan. "Ano ba James! Wala nga dito si Billie. Please lang, umalis ka na." Paki-usap naman ni Angela. Nang makita ni James ang seryosong mukha ng dalawang dalaga ay wala s'yang nagawa kungdi ang umalis sa lugar dahil dumadami na din ang nakikiusyoso sa kanila.

.....

Araw-araw ay naghihintay si James sa labas ng mansion ng mga Pascual pero lagi lang siyang bigo na makita si Billie. Tuwing gabi ay lagi din s'yang lasing na umuuwi sa kanila. Nag-aalala na ang kanyang mga magulang pati na din sila Bo, Adan, at Arlo pero wala silang magawa dahil alam nilang nasasaktan ang binata sa nangyari. Minsang umuwi siyang lasing na lasing ay naaksidente siya, buti na lang at minor lang ang mga tinamo niyang mga sugat pero kailangan niyang manatili sa ospital ng ilang araw sa kagustuhan na din ng kanyang mga magulang. Parang natauhan siya ng makita niya ang kanyang ina na halos maglupasay na sa pag-iyak ng dahil sa pag-aalala sa kanya. Kaya kahit durog pa ang puso niya ay kailangan niyang umayos para sa ina. Bumalik siya sa States at pinagpatuloy ang buhay na akala niya ay hindi niya magagawa. Kahit na nasa States siya ay hindi siya tumigil sa paghahanap sa dalaga kaya nag-hire siya ng tao para maghanap dito pero gaya niya ay bigo din ito. Pinasubaybayan din niya ang mga Pascual pero dahil sa maingat ang mga ito ay wala din siyang nakuhang lead na magtuturo kung nasaan si Billie. Hanggang sa pinatigil na din niya ang pagmamanman sa mga ito. Nakikibalita na lang siya sa mga kaibigan sa mga nangyayari sa mga Pascual.

.....

Nang makapanganak si Billie ay saka niya pinagpatuloy ang kanyang masteral sa Canada. Naging lakas niya si Lucas. Pinagpatuloy niya ang kanyang buhay na kasama ang mga magulang at anak. Ang mga pinsan kahit malayo ay laging nakasuporta sa kanya. Nang makagraduate ay nagdesisyon na siyang umuwi ng Pilipinas dahil mas gusto niyang doon magtayo ng clinic at ng makasama naman ng kanyang anak ang mga tito at tita nito na tuwang-tuwa sa kanya. Hindi sana payag ang kanyang mga magulang pero napapayag din niya ito bandang huli. Alam niyang hindi habang panahon ay makakapagtago siya kay James pero gagawa at gagawa siya ng paraan para makaiwas dito.

Pero talagang kapag nakatadhana ang isang bagay, kahit ano pang iwas mo dito, dadating at dadating ang panahon na ito ay mangyayari...

Another poem from Hugot ng Makata. Tagos na tagos!

"Waiting" o paghihintay na walang kasiguraduhan kung babalik pa o may babalikan pa, kung magiging kayo o mananatiling magkaibigan na lang, kung mamahalin mo o mamahalin ka din ba. Sabi nila, kapag sa'yo ay sa'yo talaga at kapag hindi, kahit ano'ng gawin mo ay hindi magiging sa'yo. Waiting is alright, waiting is fun, pero be sure na may iniintay ka nga kasi baka mamaya, at the end of your waiting ay masasaktan ka lang din. Mahirap maghintay lalo kung alam mong nag-iintay ka lang sa wala.

Enjoy reading!

arrettecreators' thoughts