webnovel

Año Luz Aparte... (Light years apart) Book 1

Kallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and the most powerful leaders on Earth. They climbed aboard the first ever space craft that can travel as fast as the speed of light. They embarks on their journey to discover the mysteries of the universe but accidentally travelled back in time.... And Kallyra experienced the most exciting life she could only dreamed of and something she never dreamed of... ...that is love. ******** Broken Hearted. Lucas left the capital and went to a place where he can mend his broken heart. But who knows? Destiny can be playful. It must be a joke, or he must be dreaming. How can he move on when the person he desperately wants to forget is now standing coldly and glaring right in front of him? How did two people look extremely alike? Well, not really. This woman is outrageous! His beloved is way different, for she was virtuous, gentle, sweet, kind and always have her bright smile that he loved the most. But this woman is too arrogant, she shows too much skin that can tempt even the most faithful monks and dared to flirt and kissed a man in broad daylight! Disgraceful! Scandalous! And she dared to warn him not to fall in love with her? Hah! She must be dreaming. He would never fall for someone like her who acts like a man. Well, she could even put any man in shame. He would never like her. Ever. Not in his wildest dream. Not even close. .... On second thought, If she could be a little bit nicer to him and won't always think of leaving. Then maybe.. He might reluctantly change his mind. *********** This was a love story between the two people from different space and time.

Laidhen · Histoire
Pas assez d’évaluations
70 Chs

Capitulo Treinta y cinco

Malalakas ang hampas ng alon at dinuduyan noon ang malaking barkong kinalululanan ni Lucas. Minsan ay napapaangat siya sa kaniyang kinatatayuan at sumasabay siya sa pag-sayaw nito. Patungo sa direksyong kanluran ang binabagtas nila at mahigit animnapong araw na silang naglalakbay.

Marahas na hinahampas ng hanging may kasamang tubig ang kaniyang muka sa tila nagwawalang panahon, kahit tanghaling-tapat pa lamang ay madilim na ang paligid dahil sa madilim na kalangitan. Naririnig niya ang malakas na ugong ng hangin at ng tunog ng mga along humahampas sa kanilang barko.

Nakaramdam si Lucas ng matinding lamig, nasa gitna na sila ng napakalawak na karagatang pasipiko, nagkalat ang mga malalaking tipak ng yelo na animo'y mga batong may iba't-ibang hugis. May ilang animo'y mga bundok sa gitna ng marahas na karagatan na pilit nilang iniiwasan.

Mahigpit siyang humawak sa madulas na balustreng bakal ng malaking barkong naghahatid ng mga kalakal sa malalayong bansa. Naririnig niya ang pagkakagulo sa loob ng mga tao maging ang mga halinghing ng mga hayop na kasama nila sa paglalakbay na nasa ilalim na bahagi ng barko.

Ramdam niya ang nakakasakal na takot at matinding kaba ng kaniyang mga kasama. Lumiwanag ang buong paligid kasunod noon ang malakas at nakapanghihilakbot na dagungdong ng kulog. Nilamon ang mga malalakas na hiyaw ng kaniyang mga kasama. Paulit-ulit at kung saan-saan humahagupit ang mga kidlat na nagngangalit. Kitang-kita niya ang pag-guhit ng mga ito mula sa madilim na langit patungo sa mapanganib na karagatan.

"Ginoong Lucas!!!!" napalingon siya sa tumawag sa kaniyang pangalan. Halos hindi niya iyon marinig dahil sa lakas ng mga kulog at hampas ng mararahas na alon. Nakita niya ang di matatawarang takot sa mata nito na tingin niya ay ganoon din kung ilalarawan ang kaniyang nararamdaman sa mga oras na iyon.

Hindi ito ang kaniyang unang paglalakbay sa malayong bansa sa kanluran subalit ito ang unang beses na naranasan niya ang ganito kalupit na bagyo at sa gitna pa ng malawak na karagatan. Nakita niya ang paghampas ng kamay nito sa hangin kinakampayan siya nito halos buong katawan at buong lakas kasabay ng pagsigaw nito.

Hindi na niya marinig ang boses nito dahil tinatalo ng nakangingilong tunog ng nagngangalit na bagyo. Naroon siya sa unahan sa labas ng barko at mahigpit nakayakap sa balustreng bakal. Nakikita niya ang paulit-ulit na pagbuka at pag-sara ng bibig nitong tila tinatawag siya at inuutusang pumasok sa loob ng barko.

Subalit hindi niya maigalaw ang kaniyang naninigas at nanginginig na katawan dahil sa sobrang lamig at labis na takot. Mas lalo pang gumewang ang kanilang barko at halos bumaligtad iyon at tumama sa kung saan. Muntik na siyang makabitaw subalit dahil sa mahigpit na kapit ay nanatili siya roon.

Nanlaki ang kaniyang mga mata ng makitang nagsisitakbuhan paakyat sa pinkamataas na palapag ng barko ang mga sakay ng barko, kaniya-kaniyang nagsipulasan. Nakita niyang pilit na kinokontrol ng mga gwardiya sibil ang mga nagpipilit kumuha ng kanikanilang mga bangka, ang iba ay nagsisitalunan sa takot at nilalamon ng marahas at mababangis na alon ng karagatan.

Nakarinig siya ng ilang putok ng mga baril, at tila bahagyang nagsikalma ang mga nagkakagulong sakay ng malaking barkong iyon. Isa-isang pinasasakay ng mga gwardiya sibil ang mga babae at bata sa mga nakabiting bangka at kapag napupuno ay marahang ibinababa sa masungit na karagatan.

Binabaril ang lahat ng lalaking nagtatangkang mauna mapamatanda o binata. Napansin niyang wala roon ang kapitan ng kanilang barko. Napasigaw ang lahat sa matinding takot ng unti-unting tumatagilid ang barko at unti-unting nang nilalamon ng tubig.

Muling humagupit ang kidlat at tinamaan noon ang nakalubog na bahagi ng barko, nagsingisay ang mga nasa tubig at tila mga isdang nagpupulasan pagkatapos ay nagsilutang sa tubig na mga wala ng buhay. Ang ilang bahagi ng barko ay nagsimulang magliyab, maririnig ang mga palahaw ng nga kababaihan at ilang mga kalalakihan, ang iba ay nagdadasal sa diyos upang iligtas ang kanilang buhay.

Pakiramdam ni Lucas ay nilalamon na ng takot ang matinong bahagi ng kaniyang isip at inaalis ang kaniyang katinuan. Para siyang mababaliw sa karima-rimarim na tanawin sa kaniyang harapan. Ilang minuto pa ay tuluyan ng lulubog ang barko at mahihimlay sa ilalim ng misteryosong karagatang pasipiko at maglalaho na lamang sa mga lilipas na panahon.

Bumitaw si Lucas sa mahigpit niyang kapit at nakapikit at nakatihayang hinintay niya ang paghampas ng kaniyang katawan sa nagwawalang mga alon. Subalit tila kay bagal ng kaniyang pagbagsak. Muli niyang iminulat ang mga mata at pinagmasdan ang madilim na kalangitan tinatago ang mga makikinang na bituing siyang nag-uugnay sa kanila ni Lyra.

Naalala niya ang nakangiti at mapang-unawang mukha ng kaniyang ama ng gabing kausapin siya nito, naalala niya ang luhaang mukha ng kaniyang ina at ang mahigpit nitong yakap bago siya tuluyang sumakay ng barko.

Nakikita niya ang magandang mukha ni Lyra na nakangiti sa kaniya at ang matatamis nitong mga salita na naghahayag ng labis na pagmamahal sa kaniya. Hindi na niya ito kailanman makikita pa...

Subalit sa kabila ng labis na sakit at panghihinayang sa kaniyang buhay ay nagpapasalamat pa rin siya, nagkaroon siya ng masaya at kumpletong pamilya, at higit sa lahat nagpapasalamat siya dahil nakilala niya ang babaeng nagbigay ng ibang kahulugan sa kaniyang buhay at nagturo sa kaniyang magmahal ng labis at walang katapusan.

Meron lamang siyang isang hiling, sana sa susunod niyang buhay ay makasama niya ng mas matagal ang dalaga. Sisiguruhin niyang susulitin niya ang bawat segundong kasama niya ito upang kung muli siyang mamamatay ay wala na siyang pagsisisihan pa...

Malakas ang naging paghampas ng kaniyang katawan sa nagyeyelong tubig ng karagatan. Naramdaman niya ang pagkabali ng ilan sa kaniyang mga buto at ang malakas na epekto ng pagbagsak sa kaniyang puso at baga, agad siyang kinapos ng hininga. Pinasok na maalat na tubig ang kaniyang ilong at bibig, hindi niya maigalaw ang katawan dahil sa sobrang lamig.

Unti-unti siyang lumulubog pailalim ng pailalim, padilim rin ng padilim ang ilalim ng dagat at wala na siyang makita, unti-unting nilalamon ng kadiliman ang kaniyang kamalayan hanggang sa tuluyang pumikit ang kaniyang mga mata kasabay ng paghinto ng tibok ng kaniyang puso.

"Hanggang sa susunod na buhay, sana'y muli tayong magkita mahal kong Lyra, mamahalin pa rin kita hanggang sa wakas hahanapin kita...pangako."

Ang huling laman ng puso at isipan ni Lucas bago tuluyang nawalan ng hininga at malubog ng tuluyan sa kaibuturan ng malalim at madilim na nagyeyelong karagatan.

**********

Napabalikwas ng bangon si Maxwell mula sa mahimbing na pagkakatulog. He was covered with sweat and his hands was shaking, he can still feel the coldness of the water, suffocating him, hinahabol pa rin niya ang paghinga.

Sa kaniyang panaginip ay unti-unti siyang lumulubog sa napakalalim at napakalamig na karagatan. Naririnig pa rin niya ang malalakas na dagundong ng kulog at ang malalakas at mababangis na hagupit ng mga alon at kidlat.

Marahas na inihilamos niya ang dalawang magaspang na palad sa kaniyang mukha at deretsong isinuklay sa makapal at maitim na buhok. He start having those dreadful nightmares when he woke up after being brain dead for years. He was afraid to tell it to anyone because they might find it weird.

Minsan na niya itong nabanggit sa ama subalit iniiwasan lamang nito ang kaniyang mga tanong. Instead, his father will tell him stories about his life before the accident, about Kallyra Romanov Sarmiento that she is his wife and that she betrayed him and their family that results of his mother's death.

He don't remember any of those memories that his father keep telling him. Nang magising siya ay tanging matinding kalungkutan at sakit ang naramdaman niya at tila mayroon siyang taong hinahanap parang may malaking bahagi ng kaniyang pagkatao ang nawawala at may malawak na puwang sa kaniyang puso na nais niyang punan. He keeps on calling Lyra even when his asleep or awake, that's when his father told him about his wife.

Subalit ang mga kwento ng kaniyang ama ay hindi tugma sa kaniyang mga panaginip, katulad ngayon, his father told him that the reason why he was in coma is because of a terrible car accident kasama ang mama niya. But in his dream, he was in a ship in the middle of the ocean, lumulubog ang barko kasabay ng kaniyang paglubog. At sa kaniyang panaginip ay naramdaman niya ang paghinto ng kaniyang pag-hinga.

Patamad siyang bumangon at nagtungo sa maliit na refrigerator sa kaniyang silid at kumuha ng plastic bottle na may lamang malamig na tubig. Inubos niya ang laman noon at humakbang patungo sa loob ng banyo upang mag-hilamos at mag-toothbrush. Inihagis niya ang nayuping plastic bottle na wala ng laman sa nadaanang basurahan.

Nakapaligo at maayos na ang kaniyang bihis ng lumabas sa kaniyang silid. Lumabas siya sa kaniyang bahay at nagtungo sa parking lot, binuhay at ini-unlock ang nakaparadang sports car bago tuluyang makalapit gamit ang maliit na remote control na nakakabit kasama ng mga susi, tumunog iyon at binuksan niya ang mababang pinto ng makalapit.

Sa daan ay gumugulo pa rin sa kaniyang isip ang mga panaginip. Lumala iyon ng makaharap na niya ang kaniyang strange wife. He had a sudden urge to run and hug her tight, he wants to feel her soft body against him the first time he saw her. Tinatalo noon ang galit na dapat niyang maramdaman para dito.

He gave in to that urge, he stopped her with his warm embrace when she was about to walk out in that restaurant. He was glad he was able to composed himself bago pa man niya ipagkanulo ang sarili.

He should not let the old feelings they said he have for her ruin his plan to destroy her. Subalit hindi siya kailanman minahal ng kaniyang asawa. She is also the reason why his cousin Diego kill himself dahil sa labis ding pagmamahal dito. He don't remember him, not even his face and he felt really bad for him.

Kallyra Romanov Sarmiento's charm is dangerous and deadly, her beauty is timeless, she has a body of a goddess, and her IQ is above average, she definitely knows how to use it to get what she want, and even though everybody knows that, men still keep chasing after her, sell their soul for her, kill for her. And he was once smitten, they said he fall for her really hard. He was obsessed. But he is wiser now, he will not repeat the same mistake again.

Ipinarada niya ang sasakyan sa gilid ng mataas na building na pag-aari ng kanilang pamilya. Kaagad siyang sinalubong ng parking attendant. Inihagis niya dito ang susi ng kaniyang sports car ng makababa at dere-dretsong pumasok sa mataas na building nasalo naman nito iyon. Sumakay siya sa kaniyang private elavator at pinindot ang numero sa pinakatuktok ng building.

The whole floor is his office and his assistant na kaagad siyang binati at sumunod sa kaniya. May dala na itong kape na kaagad ipinatong sa ibabaw ng kaniyang malapad na office table ng makalapit sila sa mesa niya.

"What's the update?" malamig niyang tanong. Dalawang taon siyang nagsanay bago siya hinayaan ng kaniyang ama na humawak ng isa sa marami nilang kumpanya.

He literally was stupid and illiterate when he woke up from a long coma, kakaunti lamang ang kaniyang kaalaman and he don't even have any idea how to use a computer or any freaking gadgets not even cellphone. He was so stupid that he don't even remember how to use any electric device and he don't remember how to drive a car.

Kaya wala siyang ginawa kung hindi mag-aral ng halos walang pahinga, he has a lot of tutor, they were very patient and he was more than eager to learn. Binigyan din siya ng mahusay na assistant ng kaniyang ama, he was actually the president of the company that he was managing right now. Mr. Suarez was assigned to train him until he can do everything on his own.

Up until now he still doesn't know much, nag-aaral pa rin siya tungkol sa mga bagay-bagay. At mayroon din siyang regular check up sa kaniyang doctor, dati ay kada-linggo. Nabawasan na ngayon kaya dalawang beses na lamang every month.

"Mahigit kalahati na ang nabibili nating shares, kung gugustuhin mo ay maari ka nang magpatawag ng meeting sa lahat ng mga board members at mga stockholders, siguradong nasa iyo ang pabor, your father will definitely back you up in this campaign."

Pantay ang tinig nito, kalmado at seryoso. He is a tall man, katamtaman ang laki ng katawan, nakasoot ito ng formal suit. He never saw him wear casual shirt or jeans anyway like his father.

"Good. But I don't want to do that just yet. Meron pa akong kailangang gawin. Ituloy mo lang ang plano." he said.

"Mayroon lang akong ipinagtataka." si Mr. Suarez. Nanataling pantay at seryoso ang tinig nito.

Kumunot ang kaniyang noo at sandaling huminto sa binabasang dokumento. "What about?"

"Ms. Romanov was----"

"Mrs. Sarmiento." mariing pagtatama niya dito.

"Yes, your wife was known to be beautiful and genius."

Tumigas ang kaniyang bagang. "Do you find her beautiful Mr. Suarez?"

"N-no. I mean yes but I am not attracted to her if that's what you-----"

"I don't care if you like her or not, I don't love her and we are not really together, so what are you trying to say?" he coldly asked.

Tumikhim at ini-adjust ang suot na salamin. "I am sure she is aware of what we are doing, imposibleng hindi. Sa kinikilos niya ay parang wala siyang paki-alam. Parang hinahayaan lamang niya tayo. I'm afraid she was planning something. Hindi basta-basta ang iyong napangasawa Mr. Sarmiento. Sigurado akong mayroon siyang binabalak at kung ano man yun ay wala akong ideya kung ano."

Sandali siyang natahimik. "Ako na ang bahala sa bagay na iyan. Go back to your work I will call you if I need something." payak niyang tugon pagkatapos ay muling binalik ang atensyon sa binabasa.