webnovel

Año Luz Aparte... (Light years apart) Book 1

Kallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and the most powerful leaders on Earth. They climbed aboard the first ever space craft that can travel as fast as the speed of light. They embarks on their journey to discover the mysteries of the universe but accidentally travelled back in time.... And Kallyra experienced the most exciting life she could only dreamed of and something she never dreamed of... ...that is love. ******** Broken Hearted. Lucas left the capital and went to a place where he can mend his broken heart. But who knows? Destiny can be playful. It must be a joke, or he must be dreaming. How can he move on when the person he desperately wants to forget is now standing coldly and glaring right in front of him? How did two people look extremely alike? Well, not really. This woman is outrageous! His beloved is way different, for she was virtuous, gentle, sweet, kind and always have her bright smile that he loved the most. But this woman is too arrogant, she shows too much skin that can tempt even the most faithful monks and dared to flirt and kissed a man in broad daylight! Disgraceful! Scandalous! And she dared to warn him not to fall in love with her? Hah! She must be dreaming. He would never fall for someone like her who acts like a man. Well, she could even put any man in shame. He would never like her. Ever. Not in his wildest dream. Not even close. .... On second thought, If she could be a little bit nicer to him and won't always think of leaving. Then maybe.. He might reluctantly change his mind. *********** This was a love story between the two people from different space and time.

Laidhen · History
Not enough ratings
70 Chs

Capitulo Treinta y cuatro

Sa Pugad (kampo) na matatagpuan sa Calle Azcattaga ay nagpatawag ng lihim na pulong si Andres Bonifacio na siyang tumatayong pansamantalang pinuno ng grupong El Comienzo (Ang Simula) na may labing-limang miyembro.

Makikita ang alab ng rebolusyon sa muka ng mga naroon sa pagtitipon. Si Jose ay isa sa mga unang miyembro ng El Comienzo, isang mayamang ilustrado at mag-aaral ng medesina, dahil sa nakapag-aaral ay malinaw niyang nakikita ang kabulukan ng ginagawang pamamahala ng mga kastila sa kaniyang bansang Pilipinas.

Itinaas niya ang kaniyang kamay upang magpahayag ng mungkahi at saloobin sa mga kasamang pawang mga ilustrado rin, mga kabataang ayon sa kanilang pinuno ay silang pag-asa ng kanilang bayan.

"Anong iyong mungkahi Cuatro."

"Habang wala ang ating pinuno ay mas mabuting hindi tayo gagamit ng dahas upang ipahayag ang ating adhikain para sa mga pilipino at ang ating pagtuligsa sa mga patakaran ng Kastila."

"At sa paanong paraan mo nais ipatupad ang nais mong mangyari." Si Teodoro Plata na tinaguriang 'Onse' ng grupo.

"Sa pamamagitan ng mga polyeto." aniya. "Hindi ba ay hawak na ng pamilya ni Señor Georgio (Siete) ang gawaan ng mga polyeto at bibliya mula sa pamamahala ng mga Zamora?"

"Maganda ang iyong naisip Cuatro. tulad ng iyong Nobelang 'Noli Me Tanghere' ay magagawa nating iparating ang ating mga saloobin sa payapang paraan. Maari mong pangungunahan mo ang proyektong ito kasama nina Catórce (Marciano) at Quince (Juan). "

"Mayroon rin akong kilalang maaring makatulong na mag-imprenta ng mga nobela sa La Solidaridad at makapaglabas ng serye sa El Nuevo Regimen na isang kilalang pahayagan sa Madrid." ani Señor Georgio.

Nagpatuloy ang mahabang pagpupulong at hindi alintana ang paglipas ng oras. Pagsapit ng A la seis ng hapon ay nagsipag-uwi na sa kani-kanilang tinutuluyan ang mga kasama. At si Jose ay tumuloy sa kanilang malaking bahay sa Calamba. Sinalubong siya ng kaniyang nag-aalalang ama at ina ng marating ang mataas na tarangkahan ng kanilang bahay.

"Por qué no fuiste e casa temprano Hijo?" bakit ginabi ka ng uwi iho?

"Lo siento Madre, bakit gising pa kayo?"

"Narito si Ginoong Lucas, ang anak ng Alkalde Mayor kanina pa siya naghihintay sa iyong pagdating anak." ani Don Francisco. Siya ang doktor ng Ginoo kaya natural lamang na kausapin siya nito subalit nakapagtatakang dayuhin siya ng Ginoo dito sa Laguna.

Hindi kaya ay nagkaroon ng implekasyon ang sugat nito sa ulo? Subalit ilang buwan na ang nakalipas at nang huli niya itong tingnan ay maayos naman ang paghilom ng sugat.

O hindi kaya nalaman nitong isa siya sa mga espiyang itinalaga ng pinuno sa kanilang tahanan. Bigla siyang nakaramdam ng kaba sa naisip.

Ipinilig niya ang kaniyang ulo upang alisin iyon sa kaniyang isipan at nagmamadaling sumunod aa kaniyang ama at ina papasok ng kanilang tahanan.

Tumayo ang kanilang bisita ng makita sila at yumukod ng bahagya bilang pagbati. Isinama niya ito sa kanilang teresa upang doon sila makapag-usap ng walang istorbo.

Sa loob ng mahabang sandali ay tahimik lamang sila ng kaniyang amang nagmamasid sa kalangitan. Alam niyang mayroon ding malalim na iniisip ang kaniyang mahal kasama. Subalit hindi niya ito tinanong at hinintay na ito ang magkwento.

Naglabas ito ng tabako at nagsindi. "Nakilala mo ang aking kasintahan?" napalingon siyang bigla sa ginoo. Sa tono nito ay mayroon iyong bakas ng kasiguruhan, at hindi niya maaring pabulaanan.

"Tama ka Ginoo, masasabi kong kami ay naging magkaibigan."

Nagbuga ito ng usok pagkatapos ay nakangiting tumingin sa kaniya. "Ang kaibigan ni Lyra ay kaibigan ko na rin."

Nabigla man ay tinanggap niya ang alok nitong pagkakaibigan. Napabuntong-hininga si Rizal. "Kung ganoon ay hayaan mo akong magbigay ng munting payo bilang bago mong kaibigan Ginoong Lucas."

"Walang problema." anito na muling humithit ng usok mula sa pinausukang tabako.

"Ang sabi ng iba ay ang buhay sa nakaraan ay malungkot, ang kinabukasan ay nakakatakot at ang kasalukuyan ay nakakainip. Subalit sa aking paningin ay ang ngayon ay kahapon at ang bawat sandali ay ang hinaharap."

Napalingon ito sa kaniya, kunot ang noo at hinihintay na ipaliwanag niya ang nais niyang sabihin.

"Kung iniisip mong sa hindi mo paggalaw at pananatili sa kung saan ka naiwan ay nagkakamali kang gagawa ang tadhana ng daan at ipagkakaloob sayo ang iyong kahilingan." diretsong wika niya.

Natigilan ang kausap, napatungo at blankong napatitig sa kawalan. "Hindi ko alam kung saan magsisimula."

"Sa aking pagkaka-alam ay nagnanais na magtungo ang binibini sa Estados Unidos. Subalit hindi ako nagkaroon ng pribelehiyong malaman ang kaniyang dahilan." Kamakailan lamang ay nagpadala ng telegrama ang kaniyang kaibigang si Alejandro na naroon sa Madrid, kasapi din ito ng kanilang samahan at ito ang naatasan ng kanilang pinuno na mangalap ng mga impormasyon ukol sa kalagayan ng ekonomiya sa Estados Unidos.

"Estados Unidos?"

"Tama Ginoo, walang kasiguraduhan subalit kahit papaano ay may direksyong maaring tukuyin. Ang aking kaibigang si Alejandro ay maraming maikukwento tungkol sa iyong kasintahan."

Sa hitsura ng binata ay tila nagkaroon ito ng pag-asa. "Papaano ko makikilala ang iyong kaibigan at saan siya nanunuluyan sa Madrid?"

"Sa Ghent, Ginoo. Aalis ako sa darating na Sabado at magkikita kami sa Madrid, maari kang sumulat kung mayroon kang mga katanungan sa kaniya at personal kong ihahatid ang iyong liham."

Madilim na nang magpa-aalam ang kaniyang bisita. Tumanggi ito ng ayain ng kaniyang ama at ina ng hapunan. Humayo at natulog na ang kaniyang mga magulang samantalang siya ay nanatiling gising.

Matiyagang nagpatuloy sa pagsusulat sa kaniyang bagong manuskrito, sa kabila ng nagaagaw-buhay na sindi ng ilaw mula sa kaniyang gasera.

*********

"Lucas anak... " napakurap Lucas at nilinga ang ina. Mayroong pag-aalala sa mga mata nito.

"M-may sinsabi ba kayo ina? Paumanhin mayroon lamang akong naalala, hindi ko nakausap si Ginoong Fausto kaya hindi ko nasabi ang iyong mga bilin." pagsisinungaling niya, agad siyang umiwas ng tingin at nag-umpisang kumain.

Hindi na siya muli pang tinanong ng ina. Nanatii namang tahimik ang kaniyang ama. Pilit niyang nilulunok ang tila matigas na papel ang mainit na kanin. Magalang siyang nagpaalam sa mga ito at nagtungo sa hardin sa likod ng kanilang bahay.

Madalas niya iyong ginagawa, nagmamasid ng mga bituin hanggang sa siya ay dalawin ng antok. Humithit siya sa may-sinding tabako na nakaipit sa kaniyang dalawang daliri pakatapos ay binuga pataas ang usok. Bahagyang natakpan noon ang makikinang na bituin sa ulap.

Nakakatulong ang paghithit niya ng tabako sa pagpakalma ng kaniyang magulong isipan at upang makatulog din siya ng mahimbing. Naramdaman niya ang presensiya ng kaniyang ama sa likuran niya. Tumabi ito sa kaniya, may hawak din itong umuusok na tabako.

"Katarating mo lang galing sa Calamba, hindi ka pa ba magpapahinga?"

"Mamaya na papa, hindi pa ako inaantok."

Muling binalot ng katahimikan ang paligid. Muli siyang humithit ng usok at patingalang binuga iyon. Sandaling lumabo ang kinang ng mga bituin ng matakpan iyon ng usok na nagmula sa kaniyang bibig. Inulit niya ang ginawa hanggang sa mangalay ang kaniyang leeg.

"Ilang buwan na din ang nakakalipas, magagawa mo din siyang kalimutan anak."

Tinungo niya ang ulo at hinilot ang nangangalay na leeg pagkatapos ay payak na tumawa. Imposible ang sinabi ng ama. Si Kallyra ay tila isang bagyo, dumating na parang delublyo at iniwan siyang wasak at hindi makabangon.

"Magtutungo ako ng Estados Unidos Papa." subalit hindi siya papayag na maiwan. Hahanapin niya kung nasaan ito at sasama siya kung saan man nito balak magpunta. Magiging sentro siya ng buhay nito tulad ng mata ng bagyo.

"Kung ganoon ay gawin mo at huwag kang matakot anak, kung alam mo kung saan mo siya matatagpuan. Hanapin mo ang iyong kaligayahan at magiging masaya kami ng iyong ina. Ang nakikita naming padurusa mo ay parang patalim na humihiwa sa aming dibdib at sinisikil ang aming paghinga..."

Hindi namalayan ni Lucas ang luhang tumulo sa kaniyang pisngi.

"Huwag kang matakot na iwan kami ng iyong ina, alam kung iyon lamang ang pumipigil sa iyong sundan siya. Ang kaalamang magiging masaya ka ay nakapagpapaluwag sa aming damdamin. Inihanda na ng iyong ina ang mga kakailanganin mo sa iyong pag-alis. Siguradong matagal at mahaba ang gagawin mong paglalakbay, higit pa roon ay magiging mahirap din ang iyong paghahanap."

"Hindi ko kayo magagawang iwan, lalo na si ina." nalilito niyang wika, naglalaban ang pagnanais na sumang-ayon sa kaniyang ama at ang kalungkutang maiiwan ang kaniyang pamilya.

"Huwag kang mag-alala sa amin ng iyong ina. Matatanda na kami at naging napakasaya ng aming naging buhay, samantalang ikaw, anak... parang nauna ka pang sumuko sa buhay."