webnovel

7 Deadly Sin, Done ✔

Haven De Vera is just a normal nursing student and an orphan. While doing her part time job, a man approach her and offer a job with a good salary. Your task is to turn seven bad guys into good one. Kaya ba? Pitong lalaki at nag iisa ka lang. Uurong ka ba? Hindi na pwede. Nandyan ka na. Bawal ang sablay dahil buhay mo ay dito nakasalalay.

EmionEtyel · Urbain
Pas assez d’évaluations
40 Chs

Sies

Haven POV

"Anong nangyari sa mukha mo, Sir Cinco?" Nag aalalang tanong ko

Matutulog na sana ako pero naisipan kong mag timpla ng gatas. Nagulat ako ng makasalubong ko si Sir Cinco na may gasgas sa pisngi at putok ang labi.

"Napaaway lang, Haven. Don't mind me." Saad niya

Kaagad kong inilapag ang baso ng gatas at pinaupo ito sa sofa sa living room.

"Anong don't mind me ka dyan? Pwedeng maimpeksyon 'yan. Teka lang kukunin ko 'yung first aid kit." Saad ko

Nag mamadali akong pumunta sa lagayan ng first aid kit at binalikan si Sir Cinco. Alam kong aalis siya kung hindi ako mag mamadali.

Hindi nga ako nag kamali dahil papatayo na siya sa sofa ng makapunta ako sa kaniya. Tinignan ko siya ng may naninigkit na mata kaya wala itong nagawa kung hindi ang umupo.

"Diba galing ka sa Chairman niyo? Bakit naman nag karoon ka ng ganyan?" Tanong ko

Nilagyan ko ng ointment ang gasgas sa mukha niya at hinipan iyon dahil kitang kita ko ang pag lukot ng mukha niya sa hapdi noon.

"How's your first day of being Uno's secretary?" Pang iiba niya ng usapan

Sigurado akong hindi siya basta basta napaaway lang.

"'Wag mong ibahin ang usapan, Cinco." Umpisa ko, halatang nagulat siya dahil sa pag tawag ko ng pangalan niya, "Saan mo nakuha 'yan?"

Nanatili itong nakatingin sa akin kaya naman mas diniinan ko ang pag pahid ng ointment sa gasgas niya. Halos mamilipit ito sa sakit.

"Kay Chairman!" Pasigaw na sagot niya

Kaagad akong napahinto sa pag lalagay ng ointment sa kaniya at binigyan siya ng nag tatakang tingin.

"Ano kamo? Sa Chairman? Bakit niya naman gagawin 'yan?" Tanong ko

"You don't need to know." Sagot niya

Napabuntong hininga ako dahil tinapos na niya ang usapan sa pamamagitan ng sagot niya. Pinag patuloy ko nalang ang pag gamot sa kaniya. Lumipat na ako sa pag gagamot sa gilid ng labi niya.

"Okay fine. Ginawa niya ito dahil alam niyang gusto kita. One of us will be the Chairman because we don't have parents. He is manipulating our life. Boring siguro ang kabataan ng lolo ko. Tss." Saad ko

Kaagad ko itong binatukan dahil sa mga pinagsasabi niya patungkol sa lolo niya.

"Maswerte ka dahil may lolo ka pa. Kung ako sayo, mag focus ka nalang sa career mo. 'Wag na sa akin. Hindi ako mag tatagal dito, mag babayad lang ako ng utang." Saad ko

Pinag patuloy ko ang pag gagamot sa gilid ng labi niya. Panay ang pag lukot ng mukha niya dahil sa hapdi noon. Panay rin tuloy ang pag hipan ko doon.

"What the hell are you guys doing?" Tinig iyon ni Sir Tres

Nang marealize kung anong iniisip ni Sir Tres ay agad akong lumayo sa mukha ni Sir Cinco. Iniangat ko ang ointment sa harap ni Sir Tres upang ipakita ang ginagawa ko.

"Mali kayo ng iniisip, Sir Tres. Wala akong ginagawang masama. Ginagamot ko lang ang sugat niya." Kaagad na dipensa ko

Ngumisi ito at umiling iling.

"Calm down, Haven. I'm just asking." Saad ni Sir Tres

Just asking pero parang mananapak agad. Tsk. May saltik.

"Alam mo na kung anong mangyayari kapag nag karoon ng koneksyon sayo ang isa sa amin diba? Sana si Cinco na ang huling halimbawa mo." Saad ni Sir Tres

Pumunta na ito sa mini bar at kumuha ng alak niya. Inimis ko na ang first aid kita at bahagyang ngumiti kay Sir Cinco.

"Tapos na. Matulog ka na." Saad ko

Tinapos ko nang inumin ang gatas ko at hinuguasan ang baso. Nang maibalik ang first aid kit ay natulog na rin ako.

Kinabukasan ay panibagong araw na naman para mag trabaho. Same as them dahil papasok silang lahat sa trabaho ngayon. Maski ako ay naka bihis na dahil secretary nga ako ni Uno.

No 'sir' dahil wala na akong amor na galangin siya. Hindi ko parin malilimutan ang pag buga niya sa akin ng usok sa mukha!

Nagulat ako ng tumunog ang cellphone ko, may tumatawag na unregistered number. Sinagot ko iyon kahit na nag aalinlangan.

"Hello? Sino po ito?" Kaagad na tanong ko

Sa dulo ng hallway ay nakita ko nang nag aantay si Uno kaya naman nag lakad ako papunta sa kaniya kahit may hawak na cellphone.

"This is me, Chairman Armando." Seryoso ang boses ng Chairman kaya napahinto ako sa pag lalakad

Para akong nayelo dahil sa boses niya.

"Good morning Chairman!" Saad ko at yumuko

Mukha akong engot na nakayuko sa harapan ni Uno. Kaya kaagad akong napatunghay. Kitang kita ang nanunuyang tingin ni Uno kaya inirapan ko lang ito.

"Kamusta d'yan? Alam kong nahihirapan ka na mag linis kaya naman mag papadala ako ng mga mag lilinis mula dito sa Mansion ko. 'Wag kang mag alala, hindi ko naman babawasan ang sweldo mo." Saad ng Chairman

Sa totoo lang mahirap talagang linisin ang buong Castillo dahil nga sa laki nito. Mabuti nalang talaga at naisipan ng Chairman iyon.

"Maraming salamat po. Hindi na po dapat kayo nag abala pa. Huwag po kayong mag alala, pag bubutihan ko po ang trabaho ko dito." Saad ko

"Mabuti at nag kakalinawan tayo. Iyon lang, magandang umaga." Saad ng Chairman at ibinaba na ang tawag

Napapunas ako ng pawis dahil doon. Napakahirap talagang kapain ang ugali niya. Minsan ay seryoso, minsan rin ay palabiro. Alam ko na kung saan nag mana ang mga apo niya. Lalong lalo na si Sir Tres.

Nauna akong nag lakad papaalis at pumunta sa kusina. Naabutan ko na naman si Sir Dos na nag luluto.

"Good morning Chef. Wala kang pasok?" Pag bati ko dito

"Meron. Pero mag hahanda muna ako ng breakfast." Nakangiting sabi niya

Napansin kong may mga nahanda na siya kaya naman inilagay ko na iyon sa mesa. Kasunod ko na si Sir Dos na dinala rin ang mga ulam para sa umagahan.

Nanlaki ang mata ko ng maamoy ko ang paborito kong ulam. Chicken Curry!

"What are you doing, Haven?" Natatawang tanong ni sir Dos

Itinuro ko naman ang kalalapag palang niya na chicken curry at ngumiti.

"Sobrang paborito ko 'yan." Lumingon ako sa entrada ng dinning area at hinanap ang mga mag kakapatid, "Ang tagal naman nila bumaba. Gusto ko na matikman eh."

Narinig ko ang bahagyang pag tawa ni Sir Dos dahil doon. Umupo na siya sa harapan ko kaya naman umupo na rin ako. Sobrang tagal na rin kasi noong nakatikim ako ng Chicken Curry. Noong may pasok pa iyon at doon kami kumakain ni Mona sa tapat ng Univeristy. Palagi niya kasi akong sinasabayan kahit di kami mag kaibigan.

Laking tuwa ko ng mag labasan na ang mag kakapatid. Nag sipwesto sila kanikaniyang pwesto. Nagulat pa ako ng makitang nakabihis rin si Siete.

"May pasok ka? Summer pa ah?" Tanong ko

Umiling iling ito at ngumiti.

"May pupuntahan lang akong conference about sa course ko Ate." Saad ni Siete

Napatango tango ako dahil doon. Nailibot ko ang paningin ko sa kanilang lahat na nag uumpisa nang kumain. Nakakatuwang makita si Sir Cuatro na nakabihis ng pang Kapitan ng barko.

"Can I take Haven with me?" Tanong ni Sir Cuatro pero pabiro lang naman iyon

"Ano namang alam niya sa barko, Cuatro? Don't tell me siya ang pag mamanehohin mo ng barko? Tamad." Saad ni Sir Cinco

Natawa ako dahil doon.

"Kain na, Haven. Diba favorite mo 'yang Chicken Curry?" Saad ni Sir Dos

Tumango tango ako sa kaniya at ngumiti. Masaya kong kinuha ang sandok at sumandok ng chicken curry. Matapos sumandok ay kumuha na ako sa pinggan ko ng chicken curry para sana sumubo na, ngunit biglang tumayo si Uno at binitbit ang leather bag niya.

"Let's go. I have plenty of patients in this morning." Saad ni Uno

Naibaba ko tuloy ang kutasara at malungkot na tumayo.

Bye, Chicken Curry. Hanggang sa muli.

"Ingat kayo." Saad ni Sies

Bahagya akong ngumiti dito at sumunod kay Uno na nauna na. Nakanguso ako hanggang sa makarating kami sa ospital. Nawala ako sa mood na mag trabaho dahil pinakaaasam ko talaga ang chicken curry na iyon.

"Buy me a coffee." Utos ni Uno nang makarating kami sa opisina niya

As in kakarating lang namin dito sa pinakatuktok ng ospital tapos ngayon lang niya iuutos 'yan.

"Are you deaf?" Tanong ni Uno

Inis ko itong nilingon.

"Hindi ako bingi. Pinoproseso lang ng utak ko 'yung bakit kung kailan nandito na tayo sa pinakatuktok mong opisina eh ngayon ka lang mag uutos, Uno. May saltik ka ba?" Inis kong sabi

Inis akong lumapit sa kaniya at binuksan ang leather na bag na nakasukbit sa kaniya. Hinaluglog ko ang bag niya at kinuha doon ang wallet niya.

Tumingin ako dito at inirapan ito. Tinalikuran ko ito at umalis na sa opisina niya. Pasalamat siya dahil may malapit na coffee shop dito. May nadaanan akong bakery at bumili na rin ako ng tag limang pisong tinapay. Kamalas malasang hindi ko dala ang sling bag ko na kung saan nakalagay ang cellphone at wallet ko. Wala akong nagawa kung hindi ang bumawas sa pera ni Uno.

Nang makabalik sa opisina ni Uno ay naabutan ko itong nag babasa ng chart. Inilapag ko nalang ang kape at wallet niya sa table niya at nag tungo sa sofa.

Gusto kong batukan ang sarili ko dahil wala akong tubig na dinala. Hays!

Tumayo ako at kumuha ng tubig doon sa may despenser at bumalik ulit sa kinauupuan ko.

"Bumawas ako ng sampung piso para sa tinapay." Saad ko

Napatingin tuloy ito sa akin ng nakaangat ang isang kilay.

"Did I give you a permission to do that?" Tanong niya

"Sorry ah? Nakalimutan ko kasi yung sling bag ko at nandoon ang wallet ko." Saad ko at kumuha sa wallet ko ng sampung piso. Lumapit ako dito at inilapag iyon sa table niya, "Oh ayan na oh. Baka hindi ka pa makapag trabaho ng ayos dahil sa sampung piso mo."

Sinamaan ako ng tingin nito at tumayo sa kinauupuan niya. Napatingala tuloy ako dahil ang tangkad niya.

"You are being rude lately. Baka nakakalimutan mong ako ang boss dito?" Saad niya

I crossed my arms and smirk to him.

"Oo ikaw ang boss ko pero hindi mo pwedeng kontrolin ang inis ko sayo, Uno. Sabi ng lolo mo pwede kong gawin ang lahat sa inyo." Saad ko

"Ah so that's where you got the audacity to act like that?" Nang iinis na tanong niya

Ngumisi ako lalo dito at inilapit ang mukha ko para mas lalo itong mainis.

"Oo naman. Bakit? Natakot ba kita? Dapat lang, Uno." Saad ko

Tumalikod ako dito at prenteng umupo sa sofa. Dahil nga hindi ako nakakain ng almusal ay ngayon ako kumain ng tinapay.

Narinig ko ang muling pag upo ni Uno pero hindi ko ito nilingon. Mabilis ko nalang tinapos ang pag kain ko ng tinapay para makakilos ako mamaya ng ayos.

Lumipas ang buong umaga na nakaupo lang siya doon. Pero ang sinabi niya kanina marami daw siyang pasyente? Kainis!

"Papirmahan mo nga ito kay Dra. Alcantara." Utos ni Uno

Wala man lang pakisuyo. Tss.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at kinuha sa table niya iyong chart. Lumabas ako ng office at nag umpisa nang mag tanong sa mga nurse. Ang sabi nila nasa E.R raw ang Dra. Alcantara na hinahanap ko kaya naman nag punta na ako doon.

Pag dating ko doon ay ang daming tao at nag mamadali silang lahat. Bigla ay nafreakout ako dahil nihindi ko nga alam kung sino ang papipirmahin ko.

Nang may makita nurse ay agad kong hinawakan ito sa braso. Bapalingon ito sa akin ng may nag tatakang tingin.

"Hehe alam niyo po ba kung nasaan si Dra. Alcantara?" Tanong ko

Tumango tango naman ito at itinuro ang Dra. na nasa dulong part ng E.R. Wala na akong inakasayang oras at nag punta na sa kaniya. Mabuti at kakatapos niya lang sa isang patient kaya nakalapit agad ako.

"Dra. Alcantara, pinapapirmahan po ni Uno--Sir Uno." Saad ko at ngumiti

Mabilis niyang kinuha ang isang ballpen at pinirmahan iyon. Aalis na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko.

"Nursing ka 'no?" Tanong sa akin ni Dra. Alcantara

Tumango tango ako bilang tugon. Nakatitig lang ito sa kamay ko at para bang sinusuri iyon.

"Nalaman niyo po dahil sa pag hawak sa kamay ko?" Gulat kong tanong

Natatawa naman itong tumingin sa akin at umiling iling pa.

"Hindi 'no. May nag OJT kasi dito, Jino ang pangalan. Sabi niya ang may mag OOJT raw dito na sobrang galing na babae. 'Yung kamay ay katulad ng sayo." Saad niya

Hindi ko kaagad iyon naintindihan. Ano bang meron sa kamay ko?

"Ano po bang mayroon sa kamay ko?" Tanong ko

Ngumiti ito at binitawan na ang kamay ko.

"Iyon daw mukhang kayang mag ligtas ng tao." Nakangiting sabi niya

Mag sasalita pa sana ako pero tinawag na siya ng isang nurse dahil may bago na namang pasok sa ER. Dahil wala na naman akong gagawin sa E.R ay bumalik na ako sa opisina ni Uno. Naabutan ko itong nag papalit ng polo kaya kaagad akong napatakip ng mata.

May banyo sa opisina ang loko pero dito nag palit? Tss!

Paatras akong pumunta sa table niya at inilapag ang chart na pinapirmahan niya. Mag lalakad na sana ako papunta sa sofa pero hinatak niya ang braso ko.

"Let's have a lunch. I'm sick of hospital food." Saad niya

Mabuti at binitawan na niya ang braso ko. Doon palang ako nakahinga ng maluwag. Paano ay nararamdaman ko ang hininga niya sa batok ko!

Dali dali akong lumakad sa sofa at kinuha ang sling bag ko. Akala ko ay mauuna nang lumabas ng opisina si Uno pero laking gulat ko ng intayin ako nito.

Anong nakain mo? Siguro dapat na kitang painumin ng kape na binili ko.

Kapantay ko lang itong nag lakad hanggang sa nakababa kami sa lobby. Ayun parin at nag yuyukuan parin ang mga staff dito kay Uno. Kung ako sa kanila ay hindi ako yuyuko sa mayabang na 'yan. Sasakit lang likod nila.

Akala ko ay malayo ang pupuntahan namin ni Uno. Nakarating lang kami sa isang restaurant malapit sa hospital. Mukhang nakapag pareserve siya dahil dinala kami ng staff sa VIP room. Well, ano pa nga bang aasahan ko?

May ari ng ospital, apo ng isang Chairman at may posibilidad pang maging Chairman. Astig rin talaga.

"Orderin mo lahat ng gusto mo." Saad ni Uno

Aba? Nag iba talaga ang ihip ng hangin niya?

Binuksan ko iyong menu at kumislap agad ang mata ko ng makita ko ang chicken curry! Hindi ko napigilang ngumiti dahil talagang gustong gusto ko iyon.

Nang dumating ang waiter ay agad na umorder si Uno. Nang turn ko na ay ngumiti ang ng malawak sa waiter at itinuro ang chicken curry.

"I guess that's your favorite food, Maam. Wait for a minute." Nakangiting sabi ng waiter

Tumango ako dito at ngumiti. Nang makaalis ito ay feeling ko natupad ang pangarap ko. Napatingin naman ako kay Uno na parang wala na namang interes sa paligid niya. Hawak lang niya ang cellphone niya at nag scroll.

Nag vibrate rin ang cellphone ko at tinignan ko kung sinong nag text. Si Uno?

From: 1st Prince Bugnutin

Don't smile. You're so pangit.

Umuwang ang bibig ko dahil doon. Tumingin ako dito at naabutan itong walang ekspresyon na nakatingin sa akin.

"Ano na namang trip mo? Gusto mo na naman ng away?" Tanong ko

"I'm just stating the truth." Saad ni Uno

Mag sasalita pa sana ako kaso dumating na ang inorder namin. Nawala kaagad ang galit ko ng maiserve na ang iniorder ko. Mabuti at matapos noon ay nakakain rin ako ng matiwasay.

Matapos kumain ay napag pasyahan na naming lumakad papaalis doon. Nagulat naman ako ng ibang way ang dinadaanan ni Uno kaya napapantay ako sa kaniya ng lakad.

"Hindi na tayo babalik sa ospital?" Tanong ko

"Obvious ba?" Tanong niya rin

Napangiwi ako dahil doon. Pero isinantabi ko nalang iyon dahil baka mabatukan ko lang siya. Kaya pala dala niya ang kotse niya kahit malapit lang ang pupuntahan namin.

Naging pamilyar sa akin ang daanan at nalaman kong papunta ito doon sa dati kong tirahan. May kung anong excitement ang naramdaman ko noong itigil ni Uno ang kotse sa kanto.

"Chairman said to bring you here. Don't expect something." Saad ni Uno

Napatawa ako dahil doon. Ano bang inaakala ng loko ito?

"Hoy Uno, anong inaakala mo? Akala ko ba ieexpect kong dadalhin mo ako dito ng kusa? Ha! Hakdog!" Saad ko at tumawa

Nauna akong umalis sa kotse at excited na nag lakad na papasok sa eskinita.

"You should wait for me! If something bad happened to me here you'll be dead." Saad ni Uno

Kaagad akong napahinto sa pag lalakad dahil doon. Mabilis akong pumunta sa tabi niya dahil totoo naman iyon. Marami talagang masasama dito sa amin.

"Haven!" Bati ni Mang Toni na patakbo pang lumapit sa akin

Nang makalapit ito sa akin at agad akong inakap nito. Akala mo ay ako ang nawawala niyang anak.

"Halika at dadalhin kita kay Minda. Matutuwa iyon kapag nakita ka niya." Excited na sabi ni Mang Toni

Kumalas ito sa pag kakaakap sa akin at lumipat ang tingin kay Uno. Tinignan niya pa ito mula ulo hanggang paa.

"Tara na doon, Mang Toni. Excited na akong makita si Aling Minda." Saad ko

Kaagad kaming nag tungo sa bahay nila Mang Toni at hindi iyon kalakihan. Malamang ay hindi sanay si Uno doon. Panay lang ang tingin nito sa paligid at parang nanunuri pa. Napailing iling nalang talaga ako sa arte niya.

"Haven ikaw na ba yan?!" Gulat na tanong ni Aling Minda

Gaya ng pag salubong ni Mang Toni ay inakap niya rin ako ng mahigpit. Tyaka niya lang ako binitawan ng makita na niya si Uno. Agaw pansin kasi talaga dahil ang tangkad ng lalaking ito. Hanggang balikat niya lang ako.

"Haven sino siya?" Tanong ni Aling Minda

Awkward ko itong tinignan. Hindi ko pwedeng sabihin na nakatira ako kasama ang pitong lalaki at katulong ako. Paniguradong kukuhanin niya ako sa Castillo at pipiliting buhayin dito. Hindi pwede iyon.

Huminga ako ng malalim at nag salita.

"Boyfriend ko po!" Saad ko

Kaagad akong pumunta kay Uno at hinawakan ang kamay niya. Pinisil ko iyon kaya naman napatingin siya sa akin. Mabuti at naintindihan niya ang tingin ko kaya kinapitan niya rin ang kamay ko.

Phew. Mabuti at may puso pa itong lalaking ito.

"Kailan ka pala ikakasal, Haven? Twenty-five ka na eh." Saad ni Mang Toni

Literal na napanganga ako dahil sa tanong ni Mang Toni. Sigurado akong namumula ako sa oras na ito.

"Pwede naman po bukas." Sagot ni Uno

Nag hampasan ang nag asawa dahil sa kilig nila. Hindi makapaniwala naman akong tumingin kay Uno at laking gulat ko ng bumulong ito.

"You owe me something. You need to pay for my talent fee." Saad ni Uno

Imbis na ako ang komontrol sa kaniya ay ako na ang makokontrol niya. Mukhang ito na nga yata ang karma ko dahil siya ang pinipilit kong maging Chairman kaysa sa mga nakababata niyang kapatid.

Katapusan ko na talaga.