webnovel

3:02 Times Up

"Sweet Lips but im not your first kiss.It's 3:02 Time's Up lets BREAK UP." The Cover Photo is not mine... Source:Pinterest

sweet_KupKaKes · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
62 Chs

53

Riri

Changes my mind

Isang linggo na matapos ang naging usap namin ni Vaigan pero hanggang ngayon nandito pa rin lahat ng sinabi niya saakin nung araw hindi-hindi ko makakalimutan iyon lahat

So akala ko pala na niloko lang niya ako pero oo may katotohanan naman iyon pero gagawin na pala niya iyong real pero kahit ganun galit ako kasi sila na pala ang dahilan kung bakit nakulong ang mga magulang ko 3 years ago

Di ako alam kung anong magandang desisyon kasi ang alam ko mali na ito una palang hanggang ngayon di ko alam kung dapat ko tong paniwalaan lahat-lahat mg mga sinabi ni Vaigan

Kasi ayokong magtiwala basta baka mamaya isa na naman itong patibong nagtanda na ako sa lahat ng bagay na nagawa niya at nangyare nung mga taon na yun

Nakatingin lang ako sa labas ng aking condo tinitingnan ang mga sasakyang dumadaan sa stritong ito bumuntong hininga ako at ininom ang wine na hhawak ko

Narinig ko aang isang katok mula sa pintuan ko kaya agad kong binaba ang wine glass ko at dumretso sa pintuan tiningnan ko muna sa peep hole kung sino iyon dahil alam kong wala akong bisita ngayong araw at baka si Vaigan iyon

Si Bluce pala iyon

Nang buksan ko iyon ay amoy alak at bigla itong bumagsak sa aking balikat lasing na lasing ata ito inalis ko muna ang mukha nito sa balikat ko at dahil sa ginawa kong iyon mas naamoy ko ang alak sa kanya

"Ano ba yan!"asar na ani ko at sinaklay ang kamy nito sa aking balikat papunta sa kwarto nang mailapag ko ito sa kabilang kwarto ay agad akong bumalik sa pintuan dahil nakalimutan kong isarado ang pintuan

Nang masara ko yun ay agad akong kumuha ng mainit na tubig at panyo at kailangan kong punasan si Bluce.Sa totoo lang di ko pa ito nagagawa kaya wish me luck guys hahaha!

Nang matapos kong mapakulo ang tubig ay dumretso ako sa kwarto pinatong ko muna ang tubig at panyo sa mat side table at hinubad ko muna ang medyas at sapatos nito

Huminga ako ng malalim at umiling-iling dito siguro nahawa na ito kay Vaigan na pasaway ano?

Hinubad ko ang polo nito at pinunasan na iyon.Aaminin ko may abs siya pero im not the girl na attractive duon kasi hanggang ngayon nagwo-wonder ako kung bakit at ano ang purpose ng abs sa mga lalaki

Di na rin bago saakin ang itaas na katawan ng lalake dahil nakikita ko naman sila Kuya Lucs,kuya eman,at si papa na walang pantaas kaya siguro nasanay na lamang ako duon

Nang matapos ko itong punasan nilagay ko ang pnayo sa may palanggana ng magsalita si Bluce na kinatigil ko hawak nito ang aking kamay tumingin ako sa kanya at ang pares ng mata nito ay may sakit na ipinapakita

"Bakit si Vaigan ulit?"tanong nito di ko alam pero kinukurot ang puso ko sa sinabi niya di ko kasi masuklian ang pagmamahal na binibigay niya eh

"Bakit di na lang ako?Ako na aalalay sayo?Na bibigyan ka ng higit na pagmamahal?Na kaya kang alagaan ng habang buhay?"tanong nito na nakatingin saakin umuurong ang dila ko sa mga sinabi niya

Hanggang ngayon di ko rin alam kung anong isasagot ko sa kanya

"Huh?"sa wakas ay nakapagsalita na rin ako pero isang word lang ang nasagot ko unti-unti nitong pinikit ang kanyang mga mata

Suguro ay nadala na lamang siya ng alak kaya niya nasabi iyon pero alam ko ang mga lasing ay nagsasabi ng totoo lumabas ako kasama ng palanggana at tulalang sinara ang pinto ng kwarto

Di ko alam pero ang sakit dahil may nasasaktan ako tao dahil saakin sana ay mahanap niya ang taong magmamahal sa kanya kase una pa lang ay mukhang hindi na ako yun dahil wala akong pagtingin at sywmpre di rin mahigitan ang pagmamahal na kayang kong ibigay sa kanya

Dinala ko ang palanggana sa may lababo at piniga ang towel na nagamit tinapon ang tubig sa may lababo at nang matapos ay pinatong ko ang kamay ko sa lababo

Andaming tanong na di ko masagot kapag siya na ang nagtatanong kasi pakiramdam ko isang salita lang makakasakit na sa kanya.Parang katumbas ng salita ko ang isang kutsilyong na may lason lason na unti-unting pumapatay sa puso niya

Di ko namalayan umiiyak na rin pala ako unti-unti akong napa-upo sa sahig dahil sa sakit na nararamdaman ko

"Sana ikaw na lang."

Nagising ako na nakapatong ang ulo ko sa may upuan mukhang nakatulog ako kagabi rito dahil sa kaiiyak ko.Tumayo ako at pumunta sa kwarto ni Bluce at tulog pa rin ito hanggang sa ngayon ngumiti na lamang ako at dumeretso ako sa kusina para magluto ng agahan naming dalawa

Nang matapos ay agad akong dumretso ng kwarto at naligo dahil papasok pa ako sa trabaho ko nilagay ko na ang gagamitin kong damit sa kama

Habang nagsa-shower ako ay narinig akong yabag kaya naman mabilis sa alas-kuwatro kong sinara ang pintuan halos madulas na nga ako eh

"A-anjan ka ba?"tanong nito at napapikit ako at tumango kaso naisip kong di niya yun makikita kaya sumigaw ako ng 'Oo'

At mukhang paalis na ito at bumalik na ako sa shower nang mabilis na bumukasang mata ko dahil sa hiya mukhang nakita nito ang binalandra kong Panty at Bra sa may kama

"Nako alam niya na kulay ng bra at panty ko!"mabilis akong nagshower kaagad at nang matapos ay lumabas ako ng nakatapis at wala akong nakita anino nito dito

Sinara ko ang pinto at mabilis na sinuot ang panty at bra ko sinuot ko na rin ang ang wrap blouse at ang pencil skirt huminga ako ng malalim at tumingin sa salamin

"Bakit ka ba kinakabahan ha!?Dapatsiya ang kabahan."ani ko sa sarili ko umupo ako sa dresser tulad ng dati blower at aayusan ko ang sarili kong buhok

Gusto ko maayos lagi ang buhok ko ayoko ng may lugay naiinis ako ang init eh.Braid ang napili kong ipit kinuha ko ang make-up at nagsimula ng ayusan ang mukha ko

Nang matapos ay nilagay ko na ang accessories at nag-perfume na rin.Kinuha ko ang T-straps heel ko at sinuot na iyon at lumabas na ng kwarto nakita ko si Bluce na kumakain na

"Masarap?"tanong ko rito at tumango naman siya umupo ako sa harap niya at kumha ng pagkain

"Kamusta tulog?"

"Ayos."

"Nahihiya ka ba?"natigilan ito sa tanong ko at ngumiti naman ito saakin ng nakakaloko

"Hindi kaibigan naman kita eh!"ani nito at nadismaya ako sa sinagot nito sarap nito kurutin

"Naalala mo pa sinasabi mo kagabi?"tanong ko rito at nanlaki naman mata nito saakin

"A-ano?"namumutlang ani nito ngumiti ako at umiling nagulat ako ng bigla itong nagalit at nagpaliwanag ng pagkahaba-haba

"Kalimutan mo na iyon ah!?"

"W-wala naman akong sinabing magpaliwanag ka a?"tanong ko at umiling naman ito at sinenyasan akong kumain na lang

Weird.

Tumayo ako at kinuha sa loob ng kwarto ang bag ko at tumingin sa kanya pinilig ko ang ulo ko tinuturo ang pinto mukhang nagets naman nito

"Paalisin mo na akom?"

"Feel mo condo mo?"

"Oo."kinurot ko nga ito sa kanyang tagiliran itong lalake na ito sobrang kulit pero masaya siya kasama

"Wait lang liit."kapwa kami natigilan sa sinabi nito at tumingin ako sakanya na bukas pa ang bibig at siya naman ay nag-peace sign at kumaripas ng takbo

"Ang kupal na toh!"