webnovel

3:02 Times Up

"Sweet Lips but im not your first kiss.It's 3:02 Time's Up lets BREAK UP." The Cover Photo is not mine... Source:Pinterest

sweet_KupKaKes · Teen
Not enough ratings
62 Chs

52

Third

Sa di malamang dahilan ay lumalambot ang puso nito ng makita ang nagyayare kay Vaigan.Nararamdaman nito na gusto lamang ni Vaigan na magkaroon sila ulit ng closure pero paano niya gagawin iyon

'Araw-araw akong natatakot na baka sa susunod na paggising ko nasa piling ulit siya ng iba.'

Kung tutuusin ay wala na itong maramdaman sa binata pero simula ng nangyare ay mukhang mas lalong naging makulit ito sa pagsuyo kahit ayaw niya dahil nasaktan niya na ito nuon

Natatakot ito na baka mamaya isang patibong iyon.Malaking pader na ang nagawa niya para talikuran ang nakaraan pero sa patuloy na paglapit nito sa kanya ay parang nawawalan ng saysay ang lahat ng ginawa niya for the past years

Ayaw nitong maging isang talunang babae ulit kasi di niya alam kung paano babangon ulit

Siguro ay dapat lamang na magdusa muna si Vaigan dahil sa mga kasalanang nagawa nito sa kanya iyon ang sinasabi ng kabilang utak niya pero ang kabila naman ay sinasabi nitong magpatawad siya

Naguguluhan ito sa mga desisyon niya pero mas pinili na lamang niya na sundin ang utak nito.Ilang minuto ang tinagal bago sila makapunta sa condo unit nito

Nang makapasok siya ay agad siyang nagpalit ng joggers at cami bilang pambahay nito.Nakita nito na mas lalong lumakas ang ulan napabuntong hininga ito at ininom ang protein drink habang binubuksan ang T.V para manuod

Nang mabuksan iyon ay napatingin siya sa kanyang cellphone na nakalapag sa may mesa ng kitchen niya kinuha niya iyon at umupo sa sofa ng living room nito

Nagulat siya ng may tumawag mula sa Hotel

"Yes hello?"tanong nito at napatayo ito ng wala sa oras dahil sa narinig niyang balita

Hanggang ngayon daw kasi nandun pa rin ang lalakeng nasa tapat ng hotel pinapaalis na nila ito pero ayaw daw sumunod binabanggit ang pangalan ng dalaga

Kinuha ni Riri ang susi nito at dumretso agad sa parking lot para pumunta sa Hotel para puntahan ang lalake

"Pasaway kasi!"bulong nito at niliko ang kanyang kotse para makaalis na sa loob mg Parking Lot at pumunta na ruon at nang makarating na ruon ay nakita niya ang lalake na nandun pa rin

Ginilid niya ang kotse niya at lumabas kahit malakas ang ulan ay kita pa rin nito ang basang sisiw na si Vaigan

'Ano bang ginagawa mo Vaigan ha?'

Nagulat ito ng malapit na itong bumagsak kaya agad siyang tumakbo rito ngayon ay kapwa na sila basang-basa ginising ni Riri ang binata pero mukhang nawalan na ito ng makay sumaklolo ito at tinulungan naman siya ng mga guards na buhatin ito sa kanyang kotse

Dinala niya ito sa pinakamalapit na Ospital agad naman siyang inasikaso ng mga nurse ruon at siya naman ay nag-aalala sa mga posibleng mangyare umupo na lamang ito at inintay ang sasabihin ng doctor

Dumating ang doctor na kumunsulta sa binta agad nitong pinuntahan ang doctor at nagtanong kung anong nangyare rito

"Kaano-ano ang pasyente?"natigilan siya sa sandaling iyon di niya alam kung anong sasabihin jiya sa mga sandaling iyon huminga siya at sumilip sa mukha ni Vaigan

'Pasaway ka talaga!'

"Girlfriend po n-niya ako."ani nito at tumango naman ang doctor muli niyang sinulyapan ang binata at lumunok

"Nagkaroon ng mataas na lagnat ang binata dahil sa ulan.Pero bibigyan namin siya ng gamit para bumaba iyon sa ngayon titingnan namin ang pasyente para mabantayan ang lagnat nito maiwan na kita."ani ng doctor at umalis na pumasok naman si Riri ruon at nadama nito lalo ang lakas ng aircon kaya mas lalong itong nilamig

Nilapitan niya ang binata at tinitigan iyon

"Ano bang nasa isip mo at nagpaka-basa ka sa ulan?Nasiraan ka na ba?"tanong nito at ggakit-galit bumuntong hininga ito at umalis ng kwarto sinabihan niya ang nurse na nagbabantay dito na babalik siya oras na magising ito pero sa ngayon gusto mo na niyang mapag-isa andaming ganap ngayon araw na ito kaya gusto niyang magpahinga

Ayaw nitong mag-stay sa loob ng Hisoutak dahil na rin sa kasuotan niya baka siya naman ang magkasakit niyan

Ilang araw ang nakalipas.....

Nabalitaan ni Riri na maayos na ang lagay ng binata kaya pinuntahan niya iyon sa gitna ng meeting nito.Di niya alam pero laking tuwa ang nararamdaman nito ng malaman iyon

Pero nandun pa rin ang side na dapat di siya matuwa dahil lang dun.Nang makarating siya sa kwarto ni Vaigan ay nakita niya gising ito nagulat ang binata ng makita siya nito pero napalitan din iyon ng ngiti

Lumapit siya rito at umupo sa gilid pinitik nito ang ulo ng binata nasaktan dahil dun ang binata at kunot-noong tiningnan niya iyon

"Bakit ka ba nagpakabasa sa ulan ha!?"galit na singhal nito at nakapamaywang pa natawa naman ang binata dahil sa akto nito

"Nag-aalala ka ba?"

"HINDI!"

"Oh?Chill!"

Umupo si Riri at tumingin ng masama kay Vaigan ngumiti ng kaunti si Vaigan dahil pakiramdam nito ay mukhang nakukuha nito ang loob ng dalaga

"Ano bang ginagawa mo ha!?"tanong niya rito na may galit pa rin sa tono nito

"Pasenysa na po minessage kita ng maraming beses kamahalan pero wala kang naging tugon kaya naman naghintay ako sayo ng matagal sa duon sa labas."pagpapaliwanag nito kinuha naman nito ang kanyang cellohone at nakita nga ang maraning messages nito lalo na ang isang emoticon na pamilyar na sa kanya

Itong pasaway na to pati emoticon ko kinuha eh!

"Alam mo ikaw di ko alam kung anong nasa utak mo."ani nito at tumawa naman si Vaigan dahil duon

"GM."nahampas ni Riri ang hinata sa braso nito at natawa na lamang ang binata habang ang dalaga naman ay masama ang tingin hinawakan nito ang kanyang buhok mabilis naman umilag ang dalaga duon

"Wag mo ngang hawakan ang buhok ko."inis na ani nito at ngumiti na lamang si Vaigan duon

Sa totoo lamang ay gusto nang umalis nito sa Hospital dahil may gagawin oa ito peroxdi niya maiwan ang binata dahil masyado itong makulit at kulang na lang ay itali siya nito sa kama

"Galit ka ba?"

"Ay hindi."

"Sorry na?"

"Bakit ka nagso-sorry tayo ba?"

"Papunta na rin dun"humagikgik ito ng mahina na kinatuwa ni Riri dahil ang sarap nitong pakinggan

"Baliw ka na."ani nito at iniba ang direksyon ng tingin dahil malamang sa alamang ay namumula ito

Lintek na Vaigan na toh!

"Oyy kinikilig!"ani nito at sinundot sundot ang kanyang tagiliran patgal ng patagal ay nagiging sweet at clingy na ito sa kanya

"Talaga ba?"humarao si Riri dito na may inis sa mukha at ngumisi na lamang si Vaigan at narinig ni Riri ang pag kulo ng tyan ni Vaigan kaya nagkatinginan ang dalawa

Alam na ni Riri ang nais ipaliwanag ng binata dito tumayo ito lumabas.Habang naglalakad si Riri ay di niya alam kung bakit napapalambot na siya nito pero kung maari ay wag naman sana dahil di pa.siya handang harapin ang mga mangyayare sa susunod

Bumili lamang ito ng chips,noodles at pagkain,tubig at bumalik na ulit sa kwarto ni Vaigan nang bumalik siya ruon ay nakita niyang natingin lamang si Vaigan sa bintanan ng kwarto nito

Nilapag niya ang mga napamili niya at umupo para kumain na hbang si Vaigan ay tulala pa rin.Ilang minuto lamang ay napnsin ni Vaigan ang pagkain ni Riri dito

"Kumakain ka na?"

"Obvious ba?"

"Sungit..."

"Tsk."

Kumain na lamang sila ng tahimik at matapos ng pagkain na iyon ay nakaramdam ng antok ang binata kaya natumog ito habang si Riri namay natog.na rin sa sofa

Dalawang oras ay nagising na si Vaigan habang si Riri naman ay tulog pa rin.Nakita ni Vaigan ang dalaga na natutulog lumapit siya rito at inayos ang buhok na nakaharang sa mukha ni Riri

Habang nakatitig to ay nakita nito ang pagkamngha sa mukha ni Riri mas gumanda ito lalo ang mahahabang eyelashes nito na natural at makapal na kilay at pointy nose nito ang mas nakaka-attract rito

Ngumiti si Vaigan kung bakit napakatanga niya kung bakit pinaglaruan niya ang isang anghel na tulad ni Riri.Masyado siyang maraming naging kasalanan dito

Hinawakan nito ang nakapilit na mata ni Riri at kasabay nuon ay ang pagmulat ng mata nito nagulat si Vaigan pero agad siyang tumayo at pumunta ulit sa kanyang kama

Kahiya ka!

Tumayo si Riri at sinipat ang wall clock ng kwarto ganun na lamang ang gulat nito ng alas-syete na pala agad itong tumayo para lisanin ang kwarto

Pero pinigilan iyon ni Vaigan dahil hinawakan nito ang kanyang braso at hinila ito papunta sa kanya at niyakap niya ito

Nagpimiglas ang dalaga pero nagsalita ang binata sa seryosong tono

"Hayaan mo ko na gawin ito sayo Kyryll kahit ngayon lang."lumambot ang puso nito sa sinabi niya hinayaan na lamang niya ito

"Sorry kung andami kung maling nagawa at kasalanan sayo Kyryll.Pinagsisihan ko iyon simula ng umalis ka minahal kita nuon Kyryll bumalik si Trinity hinayaan ko para mapunan ang pangungulila ko sayo."

"Nung araw na iyon na nagsabi ako ng Break Up sayo nagalit ka pero alam mo ba kaya ako nakipag break sayo dahil gusto kong gawin real na ang lahat pero pinangunahan ka ng galit mo di na kita sinuyo pa dahil alam kong galit na galit ka saakin nun at dun ko nalaman na bumalik ka na sa province mo."nagulat ang dalaga sa siniwalat ng binata sa kanya at di rin ito makapaniwala sa mga sinasabi niya seryoso ito sa tono nito kaya alam niyang di ito nagbibiro

"Gusto ko ring sabihin sayo ang tungkol duon sa case ng mother mo na naresolva na rin naman 3 years ago si Daddy ang may pakana nun nagalit ako nun kasi kayo pala ang pinuntirya niya wala akong magawa kasi walang akong mapagmamalaki eh."lumandas anguha ng dalaga sa mga naririnig niyang iyon sa binata galit ang nangingibawbaw sa kanya

"SORRY."tumatangis pa rin ang dalaga sa mga siniwalat ng binata unti-unting kumalas sa yakap si Riri at lumabas ng kwartong iyon

Napaluha na rin si Vaigan dahil dun pero mas pinili nitong ngumiti dahil alam niya ngayon na wala na siyang tinatago kay Riri at totoo na ito ngayon....