webnovel

Hey, Kid! (TAGALOG)

Auteur: emi_san
Sports, voyage et activités
Actuel · 164.9K Affichage
  • 39 Shc
    Contenu
  • audimat
  • NO.200+
    SOUTIEN
Synopsis

"Hey, kid!" Sigaw ni Dice. "BAKIT. PO. SIR?" sagot ko naman. "Don't call me 'Sir', wala tayo sa school." Utos niya. "HMP." pagsusungit ko. "Ano na naman bang problema mo?" - Dice "WALA." "E bakit ang sungit mo na naman? Don't tell me it's because of that time of the month again?" "..." "Ugh. You're making me crazy." "..." "Just fvcking tell me already!" "You!" "What you?!" "You are my problem, Sir!" "Didn't I told you not to call me Sir? Aside from that, we're only seven years apart! At bakit naman ako ang pinoproblema mo ha?" "How about you? bakit mo ko tinatawag na kid? Im not a kid anymore!" Bigla niya akong hinila papalapit sa kaniya pero pumalag ako. "Bakit mo ko hinahawakan, pervert!" Sigaw ko, dahilan para magtinginan ang mga tao sa paligid namin. "Bakit, nakalimutan mo na ba?" He asked. Inilapit niya ang sarili niya sa 'kin. "YOU'RE MY WIFE." He whispered. Yes. This guy here, is my stupid husband. Akala ba niya ginusto ko din 'to?! Just- just, what am I gonna do with this stupid arranged marriage?!

Étiquettes
3 étiquettes
Chapter 1Chapter 1: Parent's Will

"Okay, class, eto na siguro ang huling lesson natin." Sabi ng homeroom adviser namin na teacher din namin sa Fundamentals of ABM.

"Awwww" Sagot naman namin.

Today is the day before our final exams, meaning, summer vacation naaa!

*phone vibrates*

I raised my hand politely to catch my teacher's attention.

"Yes, Ms. de Dios?"

"May I answer this call, Ma'am?"

"Oh, okay, you may."

Dali-dali akong lumabas ng room namin para sagutin ang phone ko. Nakaflash sa screen ang salitang "Mama" kaya naexcite ako bigla.

"Hello, Ma?"

["My dear daughterrrrrr! Kamusta ka naman jan?"]

"Okay lang Maaaa. Kamusta naman vacation niyo ni Papa?"

["Ay, sobrang saya 'nak! Siya nga pala, nakauwi na kami ngayon sa ating house."]

"HAH? Bakit di niyo agad sa akin sinabi para nasundo ko kayo?" Jusq.

["Saka na natin yan pag-usapan Shihandra, may ibabalita ako sayo!"]

"Ano po yo-"

["May mga bisita tayo mamaya, kaya mag-ayos ka ha."]

"Sino po?"

["Bastaaa, malalaman mo rin mamaya."]

"Sige, babay Ma, may klase pa kami."

["Okay, luv u nak."]

"Luv u too Ma"

Payuko akong pumasok sa room hanggang sa nakarating na ako sa upuan ko. Patuloy pa ring nagdidiscuss si Ma'am kaya nakinig na lang ako.

Hapon na at tapos na magligpit ng gamit ang lahat ng klase ko. Sabi ni Mama mag ayos daw ako kaya dumiretso ako sa CR. Nagsuklay ako at naglagay ng konting liptint. Okay na siguro 'to.

Naglakad na ako palabas ng CR nang mapansin ko na hindi ko pala hawak ang phone ko. San na ba napunta 'yooon? Kinapa ko ang bulsa ko pero wala akong nakapa. Ugh, mini heart attack. Inilagay ko sa bandang harapan ang backpack ko para doon maghanap. Focus pa rin ako sa pagkalikot ng bag ko habang naglalakad, hindi ko na napapansin ang mga dinadaanan ko.

Nagliwanag ang mukha ko ng makita ko ang phone ko na nakaipit sa binder notebook ko. Agad kong pinindot ang power button para tignan kung anong oras na. Shocks. 10 minutes na pala ang nakalipas pagkatapos madismiss ang klase namin kaninang 5pm.

Umalingawngaw ang tunog ng mga gamit ko na naglalaglagan sa sahig nang bigla akong mabunggo ng kung sino man. Nakakalat na ngayon ang gamit ko sa sahig. Hindi na ako nagsorry kahit na alam kong may mali ako, pinulot ko na lang ang mga gamit ko.

"Sino kaya 'yung guy na 'yon? He's hot!"

"Grabe nabunggo niya si Shihan, okay lang kaya ang Goddess natinnn?"

Bigla akong napatingala para tingnan yung nakabunggo sa akin. Numiti naman siya saka ako tinulungan kuhanin ang mga gamit ko. Pagkatapos maayos ang gamit ko, tumingin ulit ako sa kaniya saka mahinang nagsabi ng "Thank you." Ngumiti naman siya.

"Are you okay? I'm sorry, nagmamadali kasi ako e." He said.

Tumango na lang ako saka umalis na. Pagkalabas ko sa gate ng school namin, dumiretso agad ako sa waiting area.

"Ang gwapo ng lalaki kanina no?"

"Oo nga, what's his name kaya?"

"Nabunggo nga daw niya si Shihan kanina e."

"Anong nangyari? Nagreact ba?"

"As usual, straight face lang ulit siya."

"Alam mo, sometimes, I wonder what's wrong with her. She looks like a robot."

"Yeah, ikr. Tapos marami pang nagkakagusto sa kaniya dahil sa pagiging ganon niya. Im envious of her!"

"She's pretty cute naman kase talaga, aminin niyo yan girls!"

"Hindi naman gaano, maybe she's using makeup kaya ganon kawhite ang skin niya."

"Or maybe, plastic surgery?"

"HAHAHAHA"

"Shhhh. Gurls, quiet, nandon lang siya sa waiting area."

Kung makapagsalita naman sila akala mo di ko naririnig. Ganyan sila palagi, sanay na akong napag-uusapan at napagtsitsismisan. Hindi na nga lang ako nagrereact e, para wala na gulo at para di na humaba. Halos di na nga rin ako nagsasalita kapag unnecessary.

May humintong kotse sa harap ko na parang pamilyar sa akin. Bumukas naman ang bintana nito,

"My dear daughterrrrrr!"

Ay, kotse pala namin 'yon. Haha.

Dali dali naman akong sumakay.

"I miss youuu anaaak!" Sabi ni Mama.

"I miss you too, Ma." Sagot ko naman.

"How are you, Shi? Halos one month ka ding mag-isa, hindi ka ba nalungkot?" Tanong naman ni Papa.

"Medyo po, hahaha." Sagot ko.

"By the way, may mga bisita tayo. They'll come over at our house later, we'll have dinner with them."

"Okay po."

Nang makarating na kami sa bahay, dali dali akong hinatak ni mama papunta sa kwarto ko.

"Anak, kailangan maganda ka. Mag-ayos ka daliii!"

Hinila niya ako papunta sa walk in closet ko at inilabas yung mga magagandang damit ko.

"Pili tayo ng bagay sayo. You have to be pretty, even though you're already pretty. I mean, you need to be stunning!"

"Para saan po ba to?"

"Basta anak, sumunod ka na lang."

Nagniningning ang mga mata ni Mama. Ewan ko ba pero parang kinakabahan ako sa mga nangyayari. May kakaiba.

Inayusan ako ni Mama, simple lang pero elegante. Nakasuot ako ngayon ng off shoulders na dress na hanggang tuhod. Pure white ang kulay nito at chiffon ang ginamit na tela.

Si Mama din, nakaayos na.

Someone knocked on the door.

"Honey, Shi, nandito na sila." Boses iyon ni Papa.

"Comiiiiing!" Sagot naman ni Mama.

Lumabas na kami ni Mama para magtungo sa dining room. Pababa pa lang kami sa hagdan pero kumakabog na nang sobra ang dibdib ko. May nararamdaman akong kakaiba. Pakiramdam ko may kaduda-duda.

"Grace, Anton!" Sigaw ni Mama. Nagyakapan sila nila Papa at nagbeso-beso.

"Eto na ba ang inyong unica hija?" Tumingin sakin ang dalawang bisita namin. "In fairnes, mana kay Sandra, napakaganda!"

"Kay Sandra lang?" Tanong naman ni Papa.

"Syempre, pati sayo Shion."

Nagtawanan naman silang lahat.

"Hehe. Thank you po, ahm-" Napahinto ako, hindi ko kasi alam kung anong itatawag ko sa kaniya.

"Call me Mommy Grace, or, Mommy na lang." Sagot nito. Mommy? Why?

"Okay po, M-mommy." I said.

Napangiti naman silang lahat.

"Then, I am your Daddy- in law." Sabi naman nung lalaking kasama niya.

Medyo nagbuffer ako sa sinabi niya. Hindi ko kasi masyadong naintindihan.

Napatingin ako kina Mama at Papa. Ano 'to? Ampon lang ba ako? Ipinapakilala na ba nila ako sa mga tunay kong magulang? Waaaaah.

"Anak, okay ka lang ba? You look so pale." Nag-aalalang sabi ni Papa.

"O-okay lang po ako." I answered.

"Kung ganoon, tara na."

Kinabahan ako bigla. Paano kung ampon nga lang ako? Ayokong sumama sa kanila huhu.

Nagsipasok na kami sa dining room at nagsiupo. Si Papa sa gitna, kung saan laging nakaupo ang mga padre de pamilya sa mga drama. Sa kanang side naman ng table nakaupo si Mama and me. Sa left side naman sina Mommy, at Daddy.

"Nasan nga pala ang bunsong anak niyo?" Tanong ni Papa.

"Ah, paparating na 'yun, susunod na lang daw siya e." Sagot naman ni Daddy.

Ibig sabihin, may kapatid ako? Bunso daw, so mas nakababata sakin? Gusto kong magkaroon ng kapatid pero hindi naman sa ganitong paraan. Huhu!

Nagsimula na kaming kumain. Napansin ko rin na sobrang daming pagkain at nakalabas lahat ng mga paborito at mamahaling mga gamit sa bahay. Pati sa garden namin, may mga LED lights na nakadecorate. Mayroon bang may birthday? O may sinecelebrate sila?

Maya-maya pa may narinig kaming yapak ng paa. Iyon na siguro ang bunsong kapatid ko. Inaamin ko na medyo naeexcite ako dahil magkakaroon na ako ng kapatid. Lalaki kaya siya o babae? Gusto ko sana babae para aayusan ko siya na parang barbie. Pero gusto ko rin naman ng lalaki. Ahhhh! Im so excited! Pero hindi ako titira sa bahay nila, gusto ko kila Mama at Papa lang ako.

Napailing ako sa pag-ooverthink. Wala pa naman, kung ano-ano na iniisip ko.

Parang nagslo-mo ang paligid. Bawat hakbang ng lalaking papalapit sa amin ngayon ay umeecho sa tenga ko. Nakasuot ito ng grey slocks na tinernuhan ng kakulay na americana at white na polo sa loob. Ang ayos ng buhok niya at katulad ng mga nasa anime, medyo fluffy at abot hanggang kilay.

Napaiwas lang ako ng tingin nang bigla siyang ngumiti. Narealize ko kasi na kanina pa ako nakatitig. Eto na ba yung bunsong kapatid ko? E mukhang mas matanda pa sakin 'to e. Sa bagay, may edad na rin kase si Mommy at Daddy, siguro, the same age lang with my parents. Siguro mga nasa late 30's or early 40s just like my parents. Si Mama ay 39, then si Papa is 42.

"Dad, Mom," bumeso ito sa mga parents niya at sunod naman sa parents ko.

Pagkatapos ay bumaling naman ang tingin niya sa akin. He smiled. And that somehow irritated me, ugh, idk.

"So, are you Shihandra?" He asked.

"Y-yes, Just call me Shi, or Shihan, for short." I answered. Why am i stuttering?! Kanina pa ako nauutal ah.

"Then I'll call you Han." He said with a alluringly. I felt chills on my spine. Sinasadya ba talaga niya 'yon? That sounded like Hon, short for Honey!

Nagtawanan na naman sila. What is this, a Gag show? Magkapatid kami, hello?

"Nah, just kidding. My name is Dice. Nice to meet you, Shi." Dagdag nito.

Ngumiti naman ako ng peke. "Me too, KUYA Dice."

Nagtinginan naman si Mommy at si Mama.

"Hija, Don't call him Kuya. Hahaha." Sabi ni Mommy.

"Yes anak, you should not." Dagdag ni Mama. Im getting confused, seriously.

Ipinagpatuloy na namin ang pagkain habang nagkwekwentuhan. I mean, sila lang pala. Taga-react lang ako.

Long story short, pinag-uusapan nila kung paano sila nagkakilala noon. Yung pamilya pala namin at yung pamilya nila ay matagal nang magkakilala. Parang best friends, ganon. Tapos medyo matagal daw na hindi nagkita, bata pa daw ako non, dahil lumipat sila Daddy sa ibang bansa para doon na tumira. Pero hindi raw naputol ang communication nila.

Another topic, fresh graduate daw si Dice from Harvard. Wow ha. He's currently looking for a job here in the Philippines as an experience. Marami na raw ang nag-aagawan sa kaniyang mga companies in the field of business. Kesyo he's from Harvard daw, and, he's young, handsome and skillful. He's only 23 yet he excels in many ways. Sabi daw nila, sa chess, mayroong pinaka powerful and useful piece, which is the Queen, and he is comparable to that. Ganoon daw siya kagaling.

Ako lang ba or sobrang overrated nitong si Kuya Dice, I mean, ni Dice lang pala.

And, bakit ganon, ang tagal naman nilang ireveal na kapatid ko 'tong lalaking to at ampon lang ako, tapos sila ang tunay kong parents? Bakit kailangan pa nilang magpaimpress sa isa't isa ng achievements nila? Im getting frustrated.

"Ang haba na ng napag-uusapan natin ah HAHAHA. Pero bago matapos ang araw na ito, we have to say this quickly." Papa said.

"Yes, that's right. It's been decided since we were young na one of our children should get married. It's so nostalgic." Daddy added.

"I agree, this is the real purpose behind this dinner." My mother said.

"Well, should I be the one to tell them? I volunteer!" Mommy said.

Ayan na, irereveal na nila. Tho, expected ko 'to.

"But I already know." Pagsingit ni Dice.

"Oh, oo nga pala, we told them last month." Dagdag pa ni Daddy.

"So si Shi na lang ang hindi nakakaalam?" Isa pang pagsingit mula kay Dice. Tumingin naman silang lahat sa 'kin. Medyo nailang tuloy ako.

"I know it too." Hirit ko. Well, ang obvious naman kase.

"Sweetie? You already know?"

"Since when?"

"Well, tell us what you know."

"Im adopted, and they're my real family?" I answered.

Pagkatapos na pagkatapos kong sabihin yon, they all bursted out laughing.

"Sweetie, you're so funny." Mommy said while stuttering out of laughter.

"Yes Hahaha. My dear daughter that's not true, they will become a part of our family soon." Pagpapaliwanag ni Mama. "And, hindi ka ampon."

"How?" Pagtataka ko.

"Mommy is your future mother in law." Mommy said.

"This Daddy," Daddy pointed himself, "is your future father in law."

Kinakabahan ako. Parang ayaw na rin mag function ng isip ko.

"And this young man here," Mommy paused.

"That's me." Hirit ni Dice.

"... Is your future husband." Pagpaptuloy ni mommy.

Future husband

Future husband

Future husband

Future husband

OoO

Whaaaaaaaaat?!

Vous aimerez aussi