Kanina pa hinahanap ni Dice ang White T-shirt niya na kaninang umaga lamang ay nakahanger pa sa terrace pati na rin ang iba pa sa mga ito. Unang araw pa lamang ng trabaho ay nakalimutan na niyang pumasok. Ngayong tanghali lamang niya naalala. Napahinga siya ng maluwag nang maalala niyang wala siyang klase sa umaga. Tumingin siya sa orasan, 11:30 na.
Dali dali siyang gumayak.
Mahigit alas dose na nang mayari siyang gumayak, tapos na rin siyang kumain.
Maya-maya pa ay biglang nagring ang phone niya. Balak niya pa sana itong hindi pansinin ngunit naaninag niya ang pangalan ni Shi na nakaflash sa screen nito kaya sinagot niya rin ito.
["Hello?"]
"Ba't napatawag ka?"
["May problema akooo."]
"What's new? You're a troublemaker, remember?"
["Im serious!"]
"What is it?"
["I took the wrong shirt kaninang umaga!"]
"So?"
["It's your shirt!"]
Bumuntong hininga siya.
"Kaya pala nawala."
["Dalhan mo 'ko ng damit dito please?"] Pakiusap ng dalaga.
"Ha? Why?"
["Natapunan kasi ako ng pagkain kanina."]
"Clumsy"
["Hey, I heard that!"]
"Bakit mo ba ko inuutusan."
["Di kita inuutusan. Kaya nga nagplease ako diba?"
"Then, anong kapalit?"
["I'll... Ah! Ill do the dishes for today!"]
Hindi siya sumagot.
["Then, for two days!"]
"..."
["Fine. One week!"]
"Deal."
"By the way, where should I get your clothes?" Tanong ni Dice.
["Inside my room, nandoon yung closet ko. Basta hanapin mo, baka nakahanger o kaya nakatupi. Nakalimutan ko na. Basta, mahahanap mo din 'yan. White shirt ha."]
"Bakit white shirt pa, uniform na lang."
["Oo nga noh, di ko naisip 'yon hehe."]
Habang naghahanap siya ay aksidente niyang nakita ang mga underwear ni Shi kaya bigla niya itong isinara.
*Blag*
Oops. Medyo napalakas ang pagkakasara niya kaya narinig ito sa kabilang linya. Aminin niya man o hindi, naramdaman niyang nag-init ang kaniyang mukha kaya napahawak siya dito para takpan kahit wala namang nakakakita.
["Bakit? Ano 'yon?"]
Nagulantang siya lalo dahil sa boses ni Shi sa kabilang linya. Binilisan niyang maghanap, hanggang sa mahanap niya ito na nakahanger sa closet.
"Nothing. F-found it."
Kaagad naman siyang naghang-up.
Hindi na siya nagulat nang makita niya ang iba pa niyang puting T-shirt na kanina pa niya hinahanap na nakahanger din doon.
Bahagya siyang natawa.
"Stupid." Bulong niya.