webnovel

Chapter 11: Erine

[Erine]

Bumili muna ako ng pagkain namin, hindi ko na inaya pa Shihan dahil mahina ang sense of direction niya, baka kasi mawala pa siya sa dami ng tao ngayon dito sa school. Hindi ko na hahayaang mangyari ulit 'yong nangyari dati. Kay Ciro na lang sana ako magpapasama kanina kaya lang inatake na naman ng pagkatamad. Habang si Snow naman ay nasa CR.

Hindi ganoon karami ang nabili kong pagkain dahil baka hindi ko kayang dalhin iyon lahat.

Aish. Sinasabi ko na nga ba hindi ko 'to madadala lahat. Tumingin ako sa paligid habang nagbabakasakali na sumunod sila Shi dito pero hindi ko sila nakita. Nakita ko naman si Sir. Lucrenze na humahaba na ang leeg kalilingon sa paligid. Matangkad siya kaya madali ko siyang nakita.

Sa totoo lang ayoko sa lalaking 'yon. Bigla na lang siyang lilitaw at sasabihing kasal na sila ni Shi. Tapos bigla na lang din niyang sasabihin na dito na siya sa school namin nagtatrabaho bilang teacher namin. Ano na lang ang mangyayari kapag nabunyag na ang relasyon nila ni Shi kahit na sabihing arranged marriage lang yon ng mga magulang nila? Salamat na lang at makapangyarihan ang pamilya nila Shi at ganoon na rin ang pamilya ng lalaking yon. Pero nalulungkot pa rin ako dahil hindi na kami madalas magkita ni Shi. Ngayong kasal na sila, may mga responsibility na si Shi na kailangan niyang gampanan at hinahadlangan niyon ang bonding naming magbestfriend. Tapos yung ugali ng lalaking yon ay sobrang lala. Two faced, at hindi ko rin siya maintindihan.

Ilang sandali pa ay umaliwalas ang mukha ni Sir Lucrenze ng makita niya ako. Dali dali siyang lumapit sa akin na ikinagulat ko naman.

"Eri— Ms. Rosales, nakita mo ba si Ms. de Dios?" Tanong niya. Oo nga pala, masyadong maraming tao ngayon para ilabas ang tunay na budhi  nya.

"Wala po, tulog, umalis." Sabi ko.

"Can you just... tell me?" Bulong nito.

Dali dali kong kinuha 'yung mga binili ko, laking gulat ko dahil tinulungan ako ni Sir Lucrenze. Sinenyasan ko naman siya na sumunod sa akin.

"She's there." Itinuro ko ang kinaroroonan nina Shi nang makarating na kami sa open space. Lumapit naman kami sa kanila pero parang hindi nila napansin. Hindi ko maipaliwanag ang ekspresyon ng mukha ni Shi ngayon, ano na naman bang ginawa ni Ciro?

Pakiramdam ko talaga, may gusto si Shi kay Ciro at ganoon din si Ciro sa kaniya.

"Shihan." Tawag ko. Nagulat naman si Shi nang makita ako at si Sir Lucrenze.

"Bakit magkasama kayo?" Tanong naman ni Ciro.

"Ah, hinahanap niya si Shi." Tinuro ko si Sir Lucrenze na nakatitig lang sa dalawa ngayon. Tumingin naman si Shi sa kaniya na para bang inaabangan kung ano ang sasabihin ni Sir.

"I have something to tell you." Seryoso namang tugon ni Sir.

"Ah." Yun na lang ang nasabi ni Shi. Ibinaba ni Sir yung dala niya kung saan ko ibinaba ang mga pagkain na binili ko. Hindi tuloy ako nakapagpasalamat sa pagtulong niya sa akin dahil naglakad na siya palayo. Tumayo naman si Shi para sundan si Sir. Nakita ko pang lumingon si Shi kay Ciro bago tuluyang makalayo. Hindi ko alam pero parang may ibig sabihin anh mga tingin nilang dalawa. Pinagmasdan ko naman si Ciro at kinilatis ang ikinikilos niya. Napansin ko na parang kinakabahan siya na ewan.

"Sabihin mo, tama ba ang hinala ko?" Sabi ko habang nakatingin pa rin kina Shi at Sir Lucrenze na nag-uusap sa di kalayuan. Mukha naman nagets ni Ciro ang sinasabi ko.

"Oo, tama ang naiisip mo tungkol kay Shi. Kahit na hindi niya sabihin, nahahalata ko." Ani Ciro. Tumingin ulit ako sa kaniya, nakangiti siya habang nakatingin din sa kina Shi. Bigla akong nakaramdam ng kung ano, hindi ba dapat nagseselos siya dahil may kasamang iba si Shi? Bigla siyang tumingin sa akin kaya napaiwas ako ng tingin. Ibang klase din talaga ang lalaking 'to.

"So, anong gagawin mo?" Tanong ko.

"May dapat ba akong gawin? Ah, you mean kung ako ang nasa sitwasyon niya?" Sabi naman niya. Mukhang di niya ako nagets kaya nakinig na lang ako sa kaniya. "Siguro, aamin ako. Malay mo, gusto pala ako ng taong gusto ko? At kung hindi naman, edi gagawa ako ng paraan para magustuhan niya ko." Ngumiti siya ng nakakaloko pagkatapos ay bigla siyang umubo at nagbago ng ekspresyon. "E-ehem. Pero pag ayaw niya talaga, okay lang. At least nalaman niya ang nararamdaman ko." Dagdag pa niya habang nakatingin sa malayo.

"Hays, ang corny mo." Sabi ko na lang. Natawa naman siya. Sa mga oras na ito, habang nakatingin ako kay Shi habang kausap si Sir Dice, medyo nainggit ako. Lalo na ngayon na narinig ko ang panig ni Ciro, siguro ang ibig niyang sabihin ay hindi naman ganoon kahirap magustuhan si Shi. Gusto niya lang siguro na manggaling mismo sa mga labi nito bago siya kumilos. Bumuntong hininga ako. "Bakit 'yung may asawa pa." Bulong ko.

"Ha? Anong sabi mo?" Mukha namang hindi iyon narinig ni Ciro.

"Hakdog" iyon na lang naisagot ko.

Hindi ko maintindihan. May asawa na si Shi, at kahit pa hindi nila gusto ang isa't isa ay kasal pa rin sila at mahirap nang baliin 'yon. Oo ayoko kay Sir Dice para kay Shi at mas gusto ko pang si Ciro ang makatuluyan niya pero... parang gumagawa ng dahilan ang isip ko para isipin kong hindi sila pwede. Maging ako ay nalilito na dahil sa nangyayari.

Natapos nang mag-usap sina Sir at Shi, buti na lang ay hindi nakasuot ng uniform na pangteacher at iba ang style ng buhok niya ngayon kaya hindi naman siguro magdududa ang mga tao sa kanila. Open gate din kase ngayon kaya pwedeng pumasok ang mga outsider. Sa mga regular na pasok naman ay nauuna laging lumabas si Shi at pasikretong sumasakay sa kotse ni Sir kaya himalang wala pang nakakahalata.

Nainis tuloy ako bigla dahil parang may mali. Mali na may asawa na siya tapos may nagugustuhan pa siyang iba. Like, magkakaroon na ba ng kabit thingy? Ugh. Im so frustrated.

Maya maya pa ay natanaw ko na si Shi na pabalik na rito habang si Sir naman ay paalis na. Pagbalik ni Shi dito ay kaagad siyang tumabi sa akin. Kinuha ko naman agad 'yung binili kong pagkain at sinabihan sila na kumain na rin. Kinuha na rin ni Ciro iyong pinabili niya sa akin kanina.

"Bakit bawas 'to?" Tanong ni Shi. Siya lang ang nagpabili ng tubig sa amin kaya alam niyang sa kaniya iyon. Teka, bakit nga ba bawas 'yon?

Ah, naalala ko na.

"Ah, tinulungan kasi ako ni Sir Dice kanina na dalhin 'yang mga yan." Sabi ko.

"Ito pala 'yung sinasabi niya..." Sabi naman ni Shi saka bahagyang natawa. Naninibago ako, akala ko aso't pusa pa rin silang dalawa ng asawa niya pero mukhang nagkakasundo na sila ngayon. Dati kasi inis na inis siya kapag pinag-uusapan namin si Sir Dice at minsan naman ay normal lang reaksyon niya.

Kaagad namang inalok ni Ciro si Shi na magpalit na lang sila ng drinks pero tumanggi si Shi.

"Ayos lang." Sabi pa ni Shi. Di siya nagdalawang isip na inumin ito agad. Sa sobrang init siguro dahil sa dami ng tao at sa pagod sa pagtakbo namin kanina ay ganoon na lang siya kauhaw.

Wait.

"Indirect kiss!" Mahinang sigaw ko. Bigla namang napatigil si Shi sa pag-inom. Ilang segundo pa kaming nagkatitigan bago niya naibuga ang tubig na nasa bibig niya. Napakainosente talaga ni Shi, hindi ba niya alam ang bagay na 'yon?

Ilang segundong katahimikan ang namayani at halos nagtitinginan lang kaming tatlo. Magsasalita pa sana si Shi kaso biglang dumating si Snow kaya napatigil siya. Bakas sa mukha niya ang pamumula dahil sa nangyari kanina pero pinili lang niyang tumahimik. Tumingin naman ako kay Ciro na tahimik lang din. Affected kaya siya?

"Bakit ang tahimik niyo? May namatay ba?" Tanong ni Snow. Naupo siya sa tabi ni Ciro at kinuha ang pagkain niya. Hindi pa rin kami umiimik. Sinulyapan ko muna saglit si Shi na namumula pa rin ngayon habang nakatulala. Nag-ooverthink na naman siguro.

Hay. Napabuntong hininga na lang ako. Kinapa ko 'yung orange juice na binili ko kanina sa gilid ko saka ito ininom.

Teka nga lang bakit lasang grapes 'to?!

"Bakit?" Tanong ko kay Shi na ngayon ay nanlalaki ang mata. Lumagok ulit ako. "Bakit ba?!" Tanong ko ulit nang makitang nanlalaki rin ang mata ni Ciro habang nakatingin sa akin.

"Ang weird niyo guys." Sabi naman ni Snow.

"Indirect kiss." Bulong ni Ciro na hindi pa rin kumukurap. Nagsimula na rin siyang mamula kaya napaisip ako. Wait wait wait. Tinikman ko ulit 'yung juice na hawak ko.

Grapes.

Bigla namang may nagflashback sa isip ko.

"E sa drinks? Ano gusto niyo?" -me

"Sa akin grapes!" -Ciro

"Ako strawberry." -Snow

"Water na lang siguro sa akin." -Shi

Fvck.

Sa sobrang gulat ay bigla kong naibuga sa pagmumukha ni Ciro 'yung iniinom ko pero hindi pa rin siya gumagalaw. Napapikit lang siya.

"Bakit di nyo agad sinabiiii?!" Sigaw ko. Tulala pa rin sila habang si Snow naman ay parang naiirita. "Okay lang, it doesn't m-matter, right... Ciro?" Sabi ko pa. Umiwas naman ng tingin si Ciro pagkatapos ay humawak sa batok niya dahilan para makita ko ang namumula niyang tainga. Wutdaf— kay Shi mo dapat yan nararamdaman!

Lumipas ang natitirang mga oras sa first day ng foundation week nang hindi kami nag-iimikan. Kinakausap naman ako ni Shi pero si Ciro at Snow hindi. Dahil na rin siguro sa awkward na sitwasyon namin.

Kinabukasan ay nagpatuloy lang sa normal ang mga plano namin. Parang wala lang nangyari. Pero napapansin ko na palaging magkausap si Shi at si Ciro. Hindi ko naman narinig ang pinag-uusapan nila dahil halos pabulong lang. Anong mayroon sa dalawang 'to? Sobrang nacucurious ako, AaaaaaaAaaa. Pilit namang pumapagitna sa kanilang dalawa si Snow, at sa tingin ko ay nahahalata na rin niya ang ikinikilos ng dalawa.

Third day na ng Foundation week. Ganoon pa rin ang mga pangyayari. Noong una ayoko lang pansinin pero ngayon ay napipikon na ako. Pinipilit kong magtimpi. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis gayong dapat nga ay maging masaya ako para sa kanilang dalawa.

Bandang tanghali pagkatapos naming maglunch ay bigla na lang naglaho sina Shi at Ciro. Tinawagan ko si Shi pero ang sabi niya ay umuwi na raw siya dahil sumasakit ang tiyan niya. Pero may naririnig akong mga boses sa kabilang linya. Imposible namang ganoon kaingay sa condo nila ni Sir Dice dahil silang dalawa lamang ang nakatira roon at wala sa bahay ngayon si Sir Dice.

Sunod ko namang tinawagan si Ciro na at ang sabi naman niya ay may emergency raw sa bahay. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi. Si Snow din, hindi ko na mahagilap. Tinawagan ko siya pero hindi siya sumasagot. Isa pa 'tong babae na to. Bigla kasi siyang nagbago, hindi na siya katulad ng dati.

Hay. Wala akong oras para magdrama. Dahil wala naman ang mga kaibigan ko dito ay nagpasya na lang akong umuwi.

Kinahapunan, tumawag sa akin si Snow.

"Hello?"

["Hello Erine? May kailangan kang malaman."]

Bigla akong kinabahan. Hayan na naman, lahat naman siguro kinkabahan sa tuwing nangyayari ang pasuspense na moment na ito.

"Ano 'yon?"

["Sinundan ko kanina sina Ciro at Shi."]

So ibig sabihin magkasama talaga kanina sina Ciro at Shi? Bakit naman kailangan nilang magsinungaling sa akin? Pwede naman nilang sabihin sa akin ah. Mukha bang hindi ako mapagkakatiwalaan? Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko, nakakapagtampo.

"Kaya naman pala nawala kayo kanina— bakit mo ba sila sinundan?" Tanong ko, kahit kailan talaga ay napakatsismosa nitong si Snow.

["Basta. Ikukwento ko sayo ang nangyari. Ganito kasi 'yon, nakita ko si Shi at Ciro na pumunta sa isang store tapos paglabas nila ay may binigay na letter si Shi kay Ciro, susunod naman ay huminto sila sa isang flower shop. Basta, ganon, parang nagdate sila."] Kumirot na naman ang puso ko dahil sa sinabi ni Snow. Ewan ko kung bakit. Hindi na ako nakasagot pa.

["Bakit naman kailangan pa nilang isikreto sa atin? At higit pa diyan ay nagsinungaling sila. Kung tunay talaga ang tingin nila sa atin ay hindi nila 'yon gagawin. Like— ugh Im so irritated! Basta, may isesend ako sayo, tingnan mo na lang."]

Agad niyang ibinaba ang phone kaya dali dali ko ring chineck ang messenger ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang kairita si Snow. I mean naiinis din ako pero  —

Naibagsak ko ang phone ko nang makita ko ang picture na sinend ni Snow.

Am I just mistaken? They're kissing! Nasa tapat sila ng isang flower shop. Hindi masyadong malinaw sa camera dahil malayo pero parang pilit na naniniwala ang isip ko na ginawa nga nila iyon.

Ikaapat na araw na ng foundation week at isang araw na lang ay matatapos na ito. Hindi ko pinansin sina Ciro at Shi habang si Snow naman ay pilit na pumapagitan sa dalawa. Pinilit kong iwasan sila at hindi kausapin dahil hindi ko alam kung anong irereact ko. Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Ewan ko, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ang ikinikilos ko.

Nakita ko si Sir Dice na may kasamang isang matangkad na babae na kung pumorma ay talagang mapapalingon ka. Hay, parang nakalimutan ata niya na may asawa na siya at ganoon din ang asawa niya.

Tanghali na. Hindi na ako naglunch dahil wala naman akong gana. Nakasulubong ko ulit si Sir Dice at kasama niya pa rin 'yung babae kanina.

"Ms. Rosales, nakita mo ba si Han?" Nanlaki ang mata ko. Han? Sino 'yon? Kinindatan naman niya ako, dahilan para magets ko ang sinasabi niya. Sino pa nga bang hahanapin niya sa akin kung hindi si ShiHANdra, ang Mrs. Lucrenze na nagtatago bilang Ms. de Dios.

"Hindi ko siya kasama. Kasama niya ang kabi— este si Ciro." Muntik ko nang masabi na kasama ni Shi ang KABIT niya. Nagpaalam naman ang babaeng kasama niya at sinabing pupunta muna siya sa CR.

"Bakit di mo sila kasama? Akala ko ba may ibang plano kayo ni Ciro kaya mag-isa lang siya ngayon?" Sunod sunod na tanong ni Sir Dice.

"Ha? Walang ganoon." Sagot ko naman.

"Kung ganoon, nasaan sila?" Tanong pa niya.

"Hindi ko alam, simula noong lunes ay lagi na silang magkasama at magkausap. Mula kaninang umaga ay sila na rin ang magkasama kaya sa ngayon ay wala akong alam kung nasaan na sila." Paliwanag ko.

"Is that so... Okay." Sabi niya saka tumalikod na.

"Bakit mo nga pala siya hinahanap?" Tanong ko naman.

"She asked me to hangout with her." Aniya saka umalis na.

Ang gulo. Sobrang naguguluhan ako. Dapat ko bang sabihin sa kaniya ang nakita ko?

Chapitre suivant