"Ang sangkatauhan ay papasok sa panibagong panahon. Kayong maliliit at walang kwentang nilalang ay magdudusa at magkakagulo. Lahat ito ay para sa'ming mga Bathala. Magsigalak! Kayong mga mabababang nilalang ay magiging kasayahan naming mga kataas-taasan. Ito ay isa lamang laro. Kailangan niyo lang gawin ang lahat ng makakaya niyo para mabuhay! Ipakita niyo sa'ming mga Bathala na karapatdapat kayo sa bagong mundo na ibibigay namin sa inyo! Kami, ang mga Bathala, ay nananabik na makita at matunghayan ang nakaka-aliw niyong mga buhay!" Simula ng narinig 'to ng lahat ng tao, ang mundo ay nagsimulang magbago. Ang unang pagsubok ay dumating, ang tema? -- Zombie Apocalypse.
Chapter 1
Nagising si Rick dahil sa kakaibang ingay. Para 'tong tunong ng alarm clock at busina na pinagsama. Nakaka-irita at nakakabuwisit.
Sinubukan niyang bumangon, pero hindi niya nagawa dahil sa tiyan niyang mas malaki pa sa mga buntis.
"... kailan pa lumaki ang tiyan ko?"
Nang napatingin siya sa katawan niya, napagtanto niyang hindi lang tiyan ang malaki sa kaniya. Braso, leeg, hita--- para siyang higanteng lobo na nasobrahan sa hangin. Sa laki at bigat ng katawan niya, para makatayo, kinailangan niya munang gumulong at sumandal sa kama.
Makalipas ng ilang minuto at nakakahingal na mga subok, nagawa niya ng makatayo!
Habang nasa harapan ng salamin, hindi napigilan ni Rick na manlaki ang mga mata. Hindi siya makapaniwala sa mga nakikita niya. Ang dating katawan niya na pinagtitilian at pinagnanasaan ng lahat ay naging sobrang taba na halos hindi na siya makagalaw ng tama!
"... sino 'tong halimaw na 'to? Kailan pa 'ko naging ogre?"
Ang dating makinis at ala-bad boy niyang mukha--- ay naging mataba, oily, puno ng tigyawat, bigote at balbas. Ang mga mata ay namumula at meron pang malaking eyebags dahil lagi siyang walang tulog. Hindi niya napigilan ang sarili niyang mandiri.
Habang nagrereklamo at nilalait ang sarili, bigla niya ulit narinig ang kakaibang ingay. Nang susubukan na niyang hanapin kung saan nanggagaling ang ingay, bigla niyang napansin na may mga lumulutang na iba't-iba at kakaibang mga simbolo. Naka-linya ito sa maayos na paraan.
Dahil naku-curious, naisipan ni Rick na hawakan ang isa sa mga simbolo. Pero bago niya magawa 'yun, ang mga simbolo ay biglang nagliwanag, kumilos na parang mga ahas at ini-ayos ang mga sarili. Tapos nahati ang mga ito sa dalawang parte. Alpabeto at alibata.
"Ang sangkatauhan ay papasok sa panibagong panahon. Kayong maliliit at walang kwentang nilalang ay magdudusa at magkakagulo. Lahat ito ay para sa'ming mga Bathala. Magsigalak! Kayong mga mabababang nilalang ay magiging kasayahan naming mga kataas-taasan.
Ito ay isa lamang laro. Kailangan niyo lang gawin ang lahat ng makakaya niyo para mabuhay! Ipakita niyo sa'ming mga Bathala na karapatdapat kayo sa bagong mundo na ibibigay namin sa inyo!
Kami, ang mga Bathala, ay nananabik na makita at matunghayan ang nakaka-aliw niyong mga buhay!"
Matapos ito basahin ni Rick, ang mga salita ay naging liwanag pumasok sa loob ng katawan niya. Pero bago pa siya maka-react, biglang nagkaroon ng kakaibang impormasyon sa isip niya.
[ Rick Goltova: Male
Level 1
Title: None
Strength: 6(10)
Agility: 4 (10)
Vitality: 6 (10)
Stamina: 4 (10)
Spirit: 9 (10)
Stat Points: None
Skill Points: None
Skills: None
Special Skills: None ]
Nang nakita ito ni Rick, hindi niya napigilan maalala ang mga games na kina-adikan niya nitong mga nakaraang buwan. Nagkaroon din siya ng unting takot at kaba dahil sa mga nangyayari.
Dati pa siya tumigil sa pagte-take ng mga droga. Halos isang taon na. Pagtapos niyang humiwalay sa iba't-ibang bisyo, dahan-dahan din siya humiwalay sa mga walang kwenta niyang tropa. Hindi nagtagal nakahanap ng paraan si Rick na magenjoy ng walang ginagawang iligal.
At 'yun ay paglalaro ng mga games online!
"Isang taon na 'kong walang bisyo.... malinis na sistema ko." bulong niya. "Dahil ba masyado ba 'kong adik sa games.... kaya naghahallucinate ako ng ganito?"
Habang kinakausap niya ang ang sarili niya, bigla niyang napansin na meron na siyang hawak na kahoy. Hindi niya alam kung saan galing 'yun. Basta bigla na lang siya nagkaroon ng halos isang metrong makinis at matigas na kahoy. Susubukan niya sana 'tong iwasiwas nang biglang nakarinig siya ng malakas na pagsabog.
Naku-curious, mabilis siyang tumakbo papunta sa bintana ng kwarto niya. Sa kalat ng kwarto niya, na parang basurahan na binagyo, kinailangan niyang tumalon, magside-step at mag-ala-ninja para lang makarating sa destinasyon niya. Pagdating sa bintana, inalis niya ang kurtina at tumingin sa labas.
Hindi niya napigilang mapanganga sa mga nakita niya.
Ilang mga kotse ang nagbanggaan at umuusok. Meron ding ilan na mga sugatan, duguan, at 'yung iba wala ng buhay. Ang mga tao ay nagkakagulo. Lahat sila tumatakbo habang umiiyak at para bang hinahabol sila ng kamatayan. Ang imaheng 'to ay parang katapusan na ng mundo.
"Anong... katarantaduhan 'to?"
Hindi na maganda ang kutob ni Rick. Mabilis siyang tumakbo sa lahat ng pintuan at siniguradong naka-lock ang mga ito. Tsinek niya din ang mga bintana kung lahat ito ay sarado ng mahigpit. Matapos niyang libutin ang buong lugar at nasiguradong walang problema, doon pa lang siya nagsimulang kumalma. Napa-bugtong hininga siya at napa-upo sa sala. Tapos napatingin siya sa paligid niya.
"Kailan pa naging dump site ang condo ko?"
Simula nang humiwalay si Rick sa mga walang kwenta niyang tropa, halos naging bihira na lang siya lumabas. Madalas ibubuhos niya ang oras niya sa harapan ng computer at maglalaro hanggang himatayin na siya pagod.
Dahil wala na siyang oras para gawin ang ibang bagay, nagpapa-deliver na lang siya ng mga pagkain, tinatapon ang mga gamit niya sa kung saan-saan, at hindi na naglilinis.
"Mukhang naging sobrang tamad ako nitong mga nakaraang buwan.."
Dahil alam niyang may hindi magandang mangyayari, naisipan niyang ayusin ang lahat. Base sa nabasa niyang mga salita, sa kakaibang impormasyon sa utak niya, kahoy na hawak niya, pati 'yung kaguluhan sa labas. Siguradong pwedeng manganib ang buhay niya.
Halos tatlong oras ang lumipas bago natapos niyang linisin ang buong condo. Pagtapos niya gawin 'yun, ang buong katawan niya ay pawis at pagod. Naligo siya ng halos kalahating oras at nagpahinga sa sala. Binuksan ang T.V. nanuod ng ilang mga balita.
Ayon sa mga napanuod niya, ang buong mundo ay nagkakagulo. Katulad ni Rick, ang mga tao sa buong mundo ay nakakita ang mga salita sa iba't-ibang lingwahe. Pagtapos, napansin nilang may kakaibang impormasyon sa utak nila. Ilang saglit pagtapos nun, nagsimula na ang delubyo.
Iba't-ibang mga tao daw ay nakakita ng mga 'payat na tao' na nananakit at nangangagat ng mga tao. Mukha daw 'yung mga bangkay, o mga kalansay na nilagyan lang ng balat.
Aatakihin daw ng mga 'to ang lahat ng tao na nakikita nila. Ang sobrang kakaiba pa daw dito, lahat ng mga 'payat na tao' ay malalakas at mabibilis.
".... zombies.. zombies ba 'yan?"
Dahil sa takot, nagmadali ulit si Rick para i-check ang buong lugar. Tinignan din niya kung gaano karami ang pagkain niya. Sa gulat niya, nalaman niyang maliban sa mineral water, wala siyang kahit na anong pagkain. Nasa dilemma siya, pagnagstay siya magugutom siya, pero masisigurado niyang ligtas siya. Kapag lumabas naman siya para bumili ng pagkain, magiging delikado ang buhay niya pero masisigurado niyang hindi siya magugutom.
"Ah! Tama.. pwede ako magpadeliver. Damihan ko na rin para sigurado..." bulong niya.
Umorder siya sa apat na iba't-ibang restaurant. Sinigurado niyang ang in-order niya ay hindi masyadong marami, pero hindi rin masyadong unti, para masiguradong mabilis madedeliver.
Alam niyang nagkakagulo ang buong mundo, pero sa tingin niya hindi pa naman ganun kalala. Kahit zombie apocalpyse pa ang mangyari, siguradong hindi mawawasak ang mundo sa isang araw lang, tama?
Halos mahigit kalahating oras lang ang hinintay niya para dumating ang unang deliver. Para makasigurado, kinuha niya ang makinis na kahoy para maging sandata. Tinanggal niya ang mga lock sa pinto at dahan-dahan niya 'tong binuksan. Tinignan niya ang delivery guy pati 'yung paligid. Nang nasigurado niyang walang kakaiba, doon pa lang niya binuksan pinto. Pero sinigurado niyang alerto ang buong pagkatao niya.
Sa labas ang delivery guy ay namumutla. Meron siyang sugat sa kaliwang braso na mukhang kagat ng aso. Mula sa sugat, merong ilang mga itim na ugat ang unti-unti kumakalat sa katawan niya. Dahil sa mga nakita ni Rick, lalo niyang hinigpitan ang hawak niya sa kahoy.
"A..ayos ka lang ba?" tanong ni Rick.
"Ah... ayos lang. May baliw kasi kanina tapos kinagat ako. Mamaya pagtapos ko nito, magpapaalam ako para magpacheck-up."
Habang nagsasalita ang delivery guy, ang mga itim na ugat kumakalat na sa mukha niya. Paulit-ulit ding umiiring ang leeg at ulo niya na para sinasapian. Pero bukod doon, mukhang wala namang problema ang delivery guy.
Kinuha ni Rick ang supot at handa na sanang magbayad nang biglang umungol ang delivery guy. Biglang kinabahan si Rick at dahan-dahan siyang lumayo habang pinapanuod ang delivery guy na manginig. Nang sinubukan na ni Rick na isarado ang pinto, biglang nagwala ang delivery guy at sumugod sa kaniya!
Hindi nasarado ni Rick ang pinto kaya ang ginawa na lang niya ay ihampas ng malakas ang kahoy na hawak niya. Bam! Natamaan ang delivery guy sa leeg at bumagsak. Mabilis kinuha ni Rick ang supot ng pagkain at pinasok 'yun sa loob. Sa lakas ng hampas niya, siguradong hindi magigising ang delivery guy ng ilang mga minuto o oras. Kaya inuna niya muna ang pagkain.
Pagbalik niya, sa gulat at takot ni Rick, nakita niyang tumatayo ang delivery guy kahit nakatabingi ang leeg! Ang mga mata nito ay walang buhay at namumula.
"... zo.. zombie?" nanginginig na sabi ni Rick.
Matapos manginig ng delivery guy ng ilang saglit, mabilis itong tumakbo papunta kay Rick. Pero handa na si Rick. Bago pa ito makalapit, nahampas na ulit siya ng kahoy ni Rick. Mukhang nabali ang braso ng delivery guy. Pero hindi siya tinigilan ni Rick!
Paulit-ulit niyang hinampas ang delivery guy hanggang sa kumalat ang dugo, bumagsak, at tuluyan itong mamatay. Para makasiguradong hindi na 'to babangon, hinampas niya ng dalawang beses ang ulo.
Kahit laki sa yaman si Rick, madalas pa rin siyang napapa-away nung highschool at college days. Ilang beses nga nahuli pa siya ng mga pulis at dinala sa prisinto. Kung hindi dahil sa Tito niya na paulit-ulit siyang nilalabas at nililinis ang pangalan niya, baka ngayon nasa kulungan na siya!
Kaya kahit madugo at medyo brutal ang ginawa niya. Ang tutuo wala siyang paki. Mas importante ang kaligtasan niya!
Ang paninibago niya lang ay sobrang bilis niyang mapagod at hingalin. Dati kahit makipagbanatan siya sa sampung tao o mahigit, sigaradong hindi siya mapapagod at may lakas pa siya para mambabae! Samantalang ngayon, isang tao lang ang tinumba niya, pero halos nangamatay na siya sa hingal!
"... kailan.. ha.. pa 'ko.. haa.. ahh.. naging ganito kahina?"
Habang sinusubukan ni Rick na pakalmahin ang sarili, bigla niyang narinig ang tunog ng busina at alarm clock. Tapos biglang nagkaroon ng panibagong impormasyon sa ulo niya.
[ Your Level has risen! You now have 2 additional Stat Points and 1 Skill Points! ]
Hindi napigilan ni Rick na mapanganga at matulala sa mga nakikita niya. Anong level? Ano 'to game?! Halos matunaw ang lahat ng taba niya sa gulat!
"Anong... anong nangyayari dito?"
Mabilis lumapit si Rick sa bangkay ng delivery guy. Gamit ang kahoy na hawak niya, binaliktad niya ang katawan ng delivery guy. At tulad ng inaasahan, sa ilalim ng katawan ng delivery guy, merong isang puting libro na may ancient characters o letters na hindi mabasa ni Rick. Sa tabi nito, merong isang kulay tanso na barya. Mas malaki ito ng tatlong beses sa normal na barya.
Nang pinulot ni Rick ang barya, nakita niyang meron ding ancient letter o character sa harap at tatak naman ng korona sa likod. Sunod, pinulot naman niya ang puting libro. Pero nang binuksan niya, walang nakasulat sa loob.
Naguguluhan, tinignan ni Rick ang buong libro. Nang hinanwakan niya ang ancient characters sa harapan ng libro, bigla ito nagliwanag. Tapos may panibagong impormasyon ang pumasok sa isip niya.
[ Level 1 Skill Book: Zombie Tamer (Beginner)
Description: The user would be able to contract a zombie.
Requirements: The user must have at least 8 points in Spirit. 2 Skill Points are required to Learn this Skill.
Note: The Zombie Tamer (Beginner) Skill can only contract 1 zombie. The zombie has to be 2 Levels lower than the user for it to succeed. To contract a zombie, the user must use his/her blood and make the zombie drink it.
Special: The contracted zombie has the chance to Level Up or Evolve. ]
Alam ni Rick na halos lahat ng mga nangyayari ay katulad sa game. Pag pumatay ka ng monster, makakakuha ka ng exp (experience) at mga loots. Pero, kahit nakikita na 'to ni Rick, hindi niya pa rin mapigilang mapanganga!
Naku-curious naisipan niyang matutunan ang Skill.
"Teka paano ba 'to?" bulong niya habang hinahawakan ang ancient letters sa puting Skill Book. ".. 'Di kaya voice command kailangan dito?"
Huminga siya ng malalim.
"Ah... Learn the skill."
[ Before you reach Level 30, you can only learn 3 Skills. Are you sure you want to learn the Skill Zombie Tamer (Beginner)? ]
"Mukhang voice command nga ang kailangan..." bulong niya. Tapos sumigaw siya ng-. "Yes!"
[ You have insufficient Skill Points to Learn this skill. ]
".. haha.. tama. Isa nga lang pala Skill Points ko. Pero meron akong dalawang Stat points..."
Dahil sa Level Up, ang lahat ng pagod at hingal ni Rick ay biglang nawala. Pero kahit ganun, matapos lang ng ilang saglit na hinila niya ang katawan ng Delivery guy sa pinaka sulok ng sala, hindi niya napigilang magpawis at medyo hingalin.
"Mukhang napaka-walang kwenta ng stamina ko ah.." bulong niya sabay ngiti. "Allocate my 2 Stat Points in my Stamina."
Narinig ni Rick ang kakaibang tunog ng busina at alarm clock. Kasabay nito ay ang pagdaloy ng kakaibang init sa buong katawan niya. Ang init na 'yun ay binibigyan siya ng kakaibang pakiramdam. Para bang kayang niyang tumakbo ng ilang kilometro at hindi siya mapapagod.
[ Rick Goltova: Male
Level 2
Title: None
Strength: 6(10)
Agility: 4 (10)
Vitality: 6 (10)
Stamina: 6 (10)
Spirit: 9 (10)
Stat Points: None
Skill Points: 1
Skills: None
Special Skills: None ]
"Ngayong tinitignan ko ang stats ko... pakiramdam ko napaka-laki kong basura!"
Kung tama ang hinala ni Rick, ang average na stats ng normal na tao ay at least 8-10. Pero sa kaniya, lahat ng stats niya below average! Maliban sa Spirit (na medyo wala siyang idea kung para saan), lahat ng stat niya ay matutulad sa bata o sa matandang manang na hindi nage-ehersisyo.
Habang naaawa siya sa sarili niya, biglang nakarinig si Rick ng katok sa pinto. 'Tok tok tok!'. Tapos biglang naalala ni Rick na hindi nga pala niya naisarado ang pinto! Mabilis na naging alerto ang isip niya at mahigpit na hinawakan ang kahoy.
Pagdating niya sa may pintuan, nakita niya ang bagong delivery guy. Pero itong delivery guy na 'to ay walang sugat na kahit ano. Maayos at mukhang normal din ang kulay ng balat niya.
"Excuse me, sir. Kayo po ba nagpa-deliver ng-."
Bago matuloy ng delivery guy ang sinasabi niya, napansin niya ang dugong nakakalat sa sahig. Tapos nakita niya si Rick na dahan-dahan naglalakad papalapit sa kaniya habang may hawak na isang metrong kahoy na nababalot ng dugo.
Hindi napigilang matakot ng delivery guy. Mamatay tao kaya siya.. ang tumatakbo sa isip niya.
Napansin ni Rick ang titig ng delivery guy kaya naisipan niyang magpaliwanag.
".. may nauna sa'yong delivery guy. Ang sabi niya nakagat daw siya ng baliw. Namumutla ang balat niya at mukha siyang sabog. Habang kinukuha ko na 'yung pagkain, bigla niya kong sinugod tapos sinubukang kagatin. Kaya gumanti ako."
"Ga-ganun po ba?"
Kahit mukhang walang paki ang delivery guy. Ang tutuo, natatakot na siya sa customer niya. Inatake niya ang delivery guy! Hindi normal 'yun! Syempre hindi naniniwala ang delivery guy sa sinabi ni Rick.
Nakagat ng baliw? Sinubukan siyang atakihen? Ano 'to zombie apocalypse? Imposible!
"Bakit 'di na lang ganito.." panimula ni Rick. "Takot ka sa'kin. Takot din ako sa'yo. Kaya bakit hindi mo na lang iwan ang pagkain diyan at dahan-dahan kang lumayo?"
Hindi makapaniwala ang delivery guy! Ito ang unang beses na nakakita siya ng customer na tinakot ang delivery guy dahil ayaw niyang magbayad! At ginawa niya 'yun harap-harapan! Napakatigas ng balat at taba ng lalakeng 'to--- ang tumatakbo sa isip ng Delivery guy.
"Hindi po tama na takutin niyo ko dahil ayaw niyong magbayad." panimula ng delivery guy. "Kahit takot ako sa inyo, mas takot po ko sa boss ko na baka kaltasan ang sahod ko dahil hindi ko nakuha ang bayad."
".... sinabi ko bang hindi 'ko babayaran? Magbabayad ako!"
"Kung ganun, ibaba o itapon niyo po 'yang hawak niyong kahoy! Delikado po 'yan."
Napataas ng kilay si Rick. Hindi niya pwedeng gawin 'yun! Mas delikado kapag hindi niya hawak 'to.
"Bakit 'di ganito... ihagis mo na lang ang pagkain, at ihahagis ko din 'yung bayad. Tapos sa'yo na ang tip."
"Hindi po pwede 'yun! Paano kung delikadong bagay ang ihagis mo? Bata pa po ako, Tay! 26 pa lang ako, marami pa 'kong pangarap sa buhay."
Sira-ulo 'to, ah-- bulong ni Rick. Mas bata pa si Rick sa delivery guy ng apat na taon! Anong 'Tay'? Purket mataba at puno ng bigote at balbas mukha niya ngayon, naging Tatay na siya? Hindi tama 'to, isang malaking diskriminasyon 'to!
Balak na sanang sumagot ni Rick nang biglang nagbago ang expression niya sa mukha. Nakita niyang merong kalansay na binalutan ng balat, ang nakatitig sa likuran ng delivery guy.
"Sa likod mo! Takbo bilis!" Nagmamadaling sigaw ni Rick.
"Tay, wala pong ganiyanan. Nagtatrabaho din po ako. Kung ayaw niyo pong magbayad, wag na po kayong mago-order..."
Hindi na nakinig si Rick sa mga sinasabi ng delivery guy dahil nakita niya ang kalansay na zombie ay mabilis ng tumatakbo papalapit sa bobong delivery guy!
Hinigpitan ni Rick ang hawak sa kahoy at mabilis na tumakbo para tulungan ang delivery guy. Pero nang nakita 'to ng delivery guy, hindi niya napigilang matakot at mapa-atras. Nang balak na sana niyang sumigaw, naramdaman niyang may biglang yumakap sa kaniya galing sa likod. Nang titignan na ng delivery guy kung ano 'yun, nakaramdam siya ng matinding sakit sa kaniyang leeg. Kasabay nito ay ang pagtagas ng dugo! Unti-unti, naramdaman niyang nawawalan na siya ng malay. Hanggang sa pinaka-huli, hindi alam ng delivery guy kung sino at paano siya namatay.
Sa mga oras na 'to, si Rick ay nasa harapan na ng delivery guy. Hindi niya ito nagawang iligtas, pero sisiguraduhin niyang itutumba niya ang kalansay na 'to para sa delivery guy!
Gamit ang buong lakas, hinampas niya ang bungo ng zombie. Ang kalansay na zombie ay nahiwalay sa katawan ng delivery guy, at tumilapon ng halos dalawang metro. Mukhang hindi pa patay ang kalansay na zombie, pero bago pa ito makabangon, mabilis ng kumilos si Rick at paulit-ulit itong pinalo sa bungo!
Nawasak ang bungo at nakita sa loob ang kulay pula at bilugang jelly. Sa bilugang jelly, merong mga itim na ugat ang nakakonekta at mukhang nakakakalat sa buong katawan ng kalansay na zombie. Kung tama ang hinala ni Rick, ito ang 'utak' ng kalansay na zombie. Pagnawasak niya 'to, mamatay na ang pusang-galang 'to!
Hindi niya alam kung tama ang hinala niya, pero mabilis niya pa rin tong sinubukan. Mabilis at malakas niya itong pinalo ng pinalo hanggang sa magsikalat ang pula at bilugang jelly. Halos naging pulbo na ang buong bungo ng zombie dahil dito.
Nang nakita ni Rick na wala ng ulo ang zombie, mabilis na siyang huminto.
Hindi niya napigilang magulat. Ang bungo ng ng delivery zombie guy kanina ay hindi ganito katigas. Kinailangan niya lang itong hampasin ng buong lakas ng dalawa-hanggang-apat na beses bago ito mamatay. Pero itong kalansay na zombie, kinailangan niya itong paluin sa bungo ng walo-hanggang-sampong beses para lang mamatay.
Hingal na hingal na si Rick at halos nangamatay na. Pero may hindi siya napansin.
Kanina, pagtapos niyang paluin ng tatlo-hanggang-limang beses ang delivery zombie guy, pagod na pagod na siya. Pero ngayon, napagod at hiningal lang si Rick matapos niyang pumalo ng buong lakas ng walo-hanggang-sampung beses. Ibig sabihin tumaas ang kaniyang Stamina sa nakakagulat na paraan!
"Le-level up kaya ulit ako?" bulong niya habang nakatingin sa kalansay na zombie at dahan-dahang pinapakalma ang sarili.
Hindi nagtagal, narinig niya ulit ang kakaibang tunog ng busina at alarm clock.
[ You killed an Alpha Zombie! As your reward, you would be given 1 Bonus Stat Points! ]
[ Your Level has risen! You now have 2 additional Stat Points! ]
[ Your Level has risen! You now have 2 additional Stat Points and 1 Skill Points! ]
"Alpha Zombie? Special type zombie ba 'yun?"
Naguguluhan man, hindi niya ito ganung pinansin. Ang mahalaga meron siyang 1 Bonus Stat Points!
Sa laban niya sa dalawang zombie, na-realize niyang ang Stamina at Agility ay importante. Kung mas mabilis lang sana siya tumakbo, baka nagawa niyang iligtas ang delivery guy. At kung sakaling mas mababa ang Stamina niya ng kahit unti lang, baka hindi niya napatay ang Alpha Zombie. Baka bumangon pa 'yun, at inatake na si Rick.
Dahil dito, dinagdag ni Rick ang 3 Stat Points sa Stamina at 2 Stat Points naman sa Agility.
[ Rick Goltova: Male
Level 4
Title: None
Strength: 6(10)
Agility: 6 (10)
Vitality: 6 (10)
Stamina: 9 (10)
Spirit: 9 (10)
Stat Points: None
Skill Points: 2
Skills: None
Special Skills: None ]
Dahan-dahan, ang bulok at masakit tignan na Stats ni Rick ay nagsisimula ng tumaas. Hindi man ganung halata, alam niyang may mga nagbabago sa kaniya. Hindi bobo si Rick, matapos niyang makapagpahinga at inisi-ayos ang mga nangyari, mabilis niyang napansing tumaas ang Stamina niya.
Ibig sabihin, basta magawa niyang pataasin ang Stats niya, mas lalong gaganda ang performance ng katawan niya. Kasabay nito, tataas din ang tsansa niya na maka-survive sa nagbabagong mundo.
Habang iniisip ni Rick ang mga susunod niyang gagawin, nakarinig siya ng malakas na sigaw hindi kalayuan sa kaniya. Nang napatingin siya, napansin niya ang isang babae na nawalan ng malay, at ang delivery guy na namumutla, sumusuka at naliligo sa dugo, habang may malaking butas sa leeg.
Naglalakad ang delivery zombie guy sa napili niyang biktima!
------
Hi, Author here.
Based on standard word count of qidian, I think this chapter is waay~ too long. But I coudn't help it, I thought this kind of chapter is a lot more better than... chapters with so many words but story isnt progressing. I specially hate that kind of shit.
So the chapter may be kinda long, but I made sure that it has a lot of content.
Ahem.. well then, if you read this and actually enjoyed it... then let me tell you this-- this shit is going to be a lot more bad-ass!
Thank you for reading!