webnovel

SAMUEL [Tagalog]

Auteur: Rosebelt25
Horreur
Terminé · 51.8K Affichage
  • 11 Shc
    Contenu
  • audimat
  • N/A
    SOUTIEN
Synopsis

May anim na magbabarkada ang masayang nagbabakasyon sa isang villa, kung saan may na tatanging ganda kaya sila nagtungo doon. Ngunit sa kanilang pagbabakasyon ay mauuwi lamang sa madilim na karahasan at kalunoslunos na magtatapos sa kanilang buhay. Pano kaya nila matatakasan yung killer? At sino si Samuel?

Étiquettes
2 étiquettes
Chapter 1Chapter One

PAPUNTA ang van na sinasakyan nina Kailyn Montez sa isang liblib na daan patungo sa gubat. Malawak at patag ang daan na tila walang gaanong sasakyan ang dumaraan. Tanging van lamang nila.

Madaling araw pa lang kanina ay bumiyahe na sila kung kaya't mahigit pitong oras na silang nasa byahe ngayon at kalahating oras na lang ay malapit na sila sa kanilang destinasyon. Nang lumipas ang kalahating oras ay sakto naman na 7:23am na sila nakarating sa Villa.

Ang Villa ay isang tagong ilog sa kalupaan ng bahagi ng pangasinan sa San pablo. Hindi ito masyadong pamilyar sa ibang tao sa bayan dahil sa malayo ito marating at iilan lamang ang nakakapunta, kundi ang mga taong nagbabakasyonista. Bukod pa roon ang lugar na ito ay tinatawag na The Villa Mysterious dahil narin sa mga nagbabakasyonista na hindi na nakakabalik.

Huminto ang sasakyan nila sa tapat ng isang store na medyo may kalumaan na at bulok-bulok na kahoy ngunit kahit ganoon ang itsura ng store ay mukhang buhay pa rin ito.

"Hey, magtanong kaya tayo dyan kung nasaan yung ilog dito?" Wika ni Benjamin Ramos na siyang nagmamaneho ng kanilang sasakyan. Hindi pa sila nakakababa ng sasakyan.

"Oo nga, ligong-ligo na ko!" Maarteng saad ni Tisay Flores. Habang ang boyfriend naman niyang si Johan Lindo ay nakayakap sa kanya at hinahalikan ang leeg niya.

"Guys parang ang creepy naman ng store na 'yan!" Umaaktong takot na sambit ni Cassandra Yu.

Sinuri ni Prelim Reyes ang kabuuan ng store na nasa harapan nila. "Mukhang may tao yata sa loob!" Wika nito. Sabay bumaba ng van.

"Prelim!" Tawag pansin ni Kailyn. Bumaba narin siya ng sasakyan. Kasunod naman niya sila Benjamin, Cassandra, Tisay at Johan.

Habang nakatayo sila sa tapat ng store ay bigla siyang kinalibutan at nanlamig ang katawan niya sa kakaibang aura na nakapalibot sa paligid niya. Hindi niya malaman kung bakit ganoon ang nararamdaman niya basta bigla na lamang siya sinalakay ng kaba. Ilang saglit pa ay nakaramdam siya ng pangingilo kaya napapikit siya't napahawak sa ulo at pilit na nilabanan ang hilo.

"Kailyn okay ka lang?" Nag-aalalang sambit ni Cassandra na siyang unang nakapansin kay Kailyn.

Kaya ngayon napunta ang atensyon nilang lahat kay Kailyn. Nag-aalala naman lumapit si Prelim kay Kailyn sabay inalalayan ito.

"O-Oo, ayos lang ako" tangong tugon ni Kailyn, kasabay niyon ang pagkawala ng hilo niya kaya't dumilat na siya. Tumingin siya kay Prelim na hanggang ngayon ay nakaalalay parin sa kanya. "Okay na ako Prelim, salamat!" Kasabi niyang 'yon ay binitiwan na siya ni Prelim.

"Oh ano pasok na ba tayo?" Wika ni Benjamin na may hawak ng sigarilyo at sinindihan iyon sabay hithit at ibinuga iyon sa mukha ni Cassandra.

Napangiwi si Cassandra, "Pervert!" Galit na singhal nito sabay tulak kay Benjamin na ngayon ay tuwang-tuwa sa ginawa nitong kalokohan.

"Napakagago mo talaga Ben!" Natatawang komento ni Johan habang ang girlfriend naman niyang si Tisay ay nakayakap sa kanya at nakikisabay din sa pagtawa nila.

"Tama na 'yan Ben," suway ni Prelim kay Benjamin. "Pumasok na tayo sa loob!" Dugtong aniya.

"Okay ka lang?" Balik na tanong ni Kailyn kay Cassandra.

"Nah ah! Unless may kasama tayong adik!" Inis na parinig ni Cassandra.

Wala naman nakapansin sa sinabi ni Cassandra maliban kay Kailyn dahil yung iba ay nakapasok na sa loob ng store. Pagkapasok nila sa loob ng store ay tumambad sa kanila ang iba't-ibang food, ngunit kapansin-pansin ang mga panakol na nakasabit sa kisame. Maging sa bahagi ng counter ay may mga kutsilyo na nakabaon sa kahoy. Tuloy ay bigla silang kinalibutan at nakaramdam ng takot sa kanilang nakita.

"Shocks! Kapag tayo nahulugan isa sa mga panakol na nasa itaas mamamatay tayo nyan!" Animo'y takot na sabi ni Tisay. Mas lalo pa nito idinikit ang sarili kay Johan na abala kumuha ng mga beer sa glass fridge.

"Magtatanong lang naman tayo," tugon ni Prelim habang inililibot pa rin nito ang paningin sa kabuuan ng store. Hindi niya namalayan na nakarating na siya sa may counter at di niya inaasahan na may maaapakan siyang isang malapad at medyo manipis na kahoy na nakaangat sa ilalim na bahagi ng counter.

ANG kahoy na naapakan ni Prelim ay may pako sa ilalim nito na pinulupot pa ng sulid na nagdudugtong sa itaas isa sa mga panakol na nakasabit sa kisame. Nagulat si Prelim at nakalikha tuloy ng konting ingay ang kahoy dahil sa marupok na ito. Sa di inaasahan pagkakataon ay biglang bumagsak ang panakol malapit sa kinatatayuan ni Benjamin na abalang tinitignan ang isa sa mga magazine, na may model nakasuot ng bikini.

LAKING gulat ni Benjamin nang muntik na siyang tamaan ng panakol buti na lamang ay kaagad siyang nakaiwas at sakto naman na hindi mismo sa kisameng kinatatayuan niya nanggaling yung panakol. Napasipol pa siya nang makitang nakabaon ang panakol sa kahoy. Maging ang mga ibang kasama niya ay nagulat sa nangyari at tumakbo pa ang mga ito papalapit sa kanya na tila may nangyaring trahedya sa kanya kung kaya't ang mga ekspresyon ng mukha nito ay parang hindi maipaliwanag dahilan, naghahalo-halo ang pag-aalala at takot.

"Ben ayos ka lang?" Nag-aalalang wika ni Prelim. Hingal na hingal na ito at halatang namumuo ang pawis nito sa noo.

Hindi siya sumagot, "Natamaan kaba ng panakol ha! May sugat kaba? Nasaan?" Sunod-sunod na tanong ni Cassandra, bakas sa boses nito ang pag-aalala. Mukhang hindi pa ito nakuntento, lumapit ito sa kanya at tinignan ang kabuuan ng katawan niya kung may sugat o dugo. "Wala naman pala!" Dagdag nito nang makita na wala siyang tama ng kahit na anong panakol.

Napahalakhak siya sa reaksyon ni Cassandra na ngayon ay nakasimangot na. "Ang epic ng face mo Cass!" Natatawang sambit niya. "Walang nangyari sa'kin, tangina sino bang gago ang may gawa niyon?" Tanong niya nang hinahanap niya kung sino yung naghulog ng panakol.

"Buti na lang Ben muntik kana don!" Komento ni Johan. Nakaakbay ito sa balikat ni Tisay na magkakrus ang mga braso. Habang si Kailyn naman ay kita parin sa mga mata nito ang takot.

"Sa tingin ko patibong ang may gumawa nito," seryosong saad ni Prelim na nakahawak pa baba at nakamaewang pa, sabay tingin sa panakol na nakabaon sa kahoy na inaapakan nila.

"Matatakot na ba kami niyan?" Birong sabi niya sabay tawa.

"Isipin mo Ben! Sinong matinong tao ang gagawa nito ha!" Inis na sumbat sa kanya ni Prelim. "Paano kung... Natuluyan ka?!" Mahinahon sambit nito sa huling sinabi.

Bigla siyang natigilan sa sinabi nito at napaisip, Oo nga paano kung tinamaan ako? Eh di tigok na! Ani ng isip niya. "Wooaaahh! Relax Prelim buhay pa ko, okay!" Tatawa-tawang sabi niya, kahit ang totoo sa loob-loob ay binabalot na siya ngayon ng takot.

"Tama na 'yan!" Awat ni Kailyn, "Pasalamat na lang tayo na walang nangyaring masama kay Benjamin, mas mabuti pa kung umalis na lang tayo!" Usal nito.

"Oo nga! Ayoko na dito, shocks sobrang creepy ng lugar na 'to!" Sang-ayon ni Tisay.

ORAS na siguro para lumabas, anang kausap niya sa sarili. Kanina pa siya nagmamasid sa mga magbabarkada at kitang-kita sa mga mata niya na nag-eenjoy siya na mapanuod ang bawat kilos at pakikinig sa mga usapan nito. Ngumiti siya't handa na siya para lumabas at magpakitang gilas sa mga bisita niya.

LALABAS na sana ang magbabarkada sa store nang may marinig silang nagsalita.

"Welcome kayo sa aking tindahan mga bisita!" Masayang wika nito. Kung kaya't napalingon silang lahat sa counter.

Vous aimerez aussi

THE DEVIL'S MOUNTAIN (Tagalog)

"There is something happening right now!, were not alone." Sambit ni Kennyth at lumabas na rin, sumunod naman si Ashlire. Nang nakalabas ang binata ay biglang napansin ni Azul ang kakaibang pagngisi ng binata at agad ring nawala, kaya napakunot ang noo nito sa pagtataka. Ngunit sumunod rin. Paglabas nila ay napansin ng dalawa ang biglang pagbunot ni Azul ng damo sa gilid, sunod-sunod nitong binunot ang mga damo hanggang sa wala nang damo sa gilid, at dun nila napansin ang parang isang buto, sinipa naman ito ni Azul papunta sa harapan ng dalawa, at tama nga, isa itong buto ng tao, Isang bungo!. "Wahhh!." Mahinang sigaw ni Ashlire sa gulat. "Bakit mo sinipa iyan papunta sa amin!!." Hindi makapaniwalang anas ni Ashlire. "Hindi lang basta nagpatayan ang mga tao rito! May massacre na nangyari noong araw ng pagsilang ng demonyo!." Malamig na anas ni Azul. Dahil roon ay biglang binunot naman ni Kennyth ang iilang baging sa gilid at nakita ang iilang buto na parang kamay. Kaya bigla nalamang nakaramdam ng panlalamig ang dalawa, ang ibig bang sabihin nito ay.... Pinapalibutan sila ngayun ng mga buto ng tao?. "We're doom!." Mahinang sambit ni Azul. "Az-----" Akmang magsasalita pa sana si Ashlire ng..... "Waaaahhhhhhhh!." Malakas na sigaw ng kung sino sa loob, kaya napalingon sila sa bahay at biglang naalala ang kaibigang naiwan sa loob, kaya nanlalaki ang kanilang mata sa gulat at mabilis na tumakbo papunta sa loob, nagkanda-dapa-dapa ang tatlo sa pagmamadaling makapasok, nang makapasok sila sa kwarto kong saan naiwan ang kaibigan ay napansin nila itong nasa kama... NAKAHIGA!. "W-warren! Bakit nandiyan ka!." Utal na tawag ni Ashlire sa kaibigang nakahiga sa kama. Nauna namang lumapit si Ashlire sa binata, nang makita nito ang ang binata ay biglang nangantog ang paa nito at napasalampak sa sahig sa gulat at takot. "W-w-warren." Nanlalaking mata nitong anas kabang napatulala sa gulat. Agad namang lumapit ang dalawa, nang makita ang mukha ng kaibigan ay napamaang ang dalawa sa nasaksihan, habang ang binata ay napamura sa pagkakagulat. Si Azul naman napaluhod sa pagkakagulat at takot. Dilat na dilat ang mga mata ng binata habang nakanganga ang bunganga, at nakahiga sa kama, habang ang kamay at paa maging ang leeg ay nababalotan ng maitim na likido. Nilapitan naman ni Kennyth ang Kaibigan at akmang ititikom ang bibig nito at isasara ang pagkakadilat ng mata ay pinigilan ito agad ni Azul, at umiling. "Don't!." Mariing anas ni Azul habang Unti-unti naring nagsituluan ang mga luha.

Blue_PenTulip · Horreur
Pas assez d’évaluations
6 Chs