0 Crime Case, No Crimes been Reported. A Beautiful, Peaceful, and the Safest City in the country, that's "LA PAZ CITY". Where there is no crimes, even thief cases, NONE. But why I feel like this City is hiding something, something that is not good? Something deep. Something that they are afraid of exposing it? What would happen to me now? Could I still live the way I plan before going here? --------------------+-------------------------+----------------------- Stephen De Chavez, a Medical Technology student and the only heir of the " DE CHAVEZ INDUSTRY,. Inc." Nagpunta si Stephen dito sa La Paz para makapagsimula nang bagong buhay. Malayo sa masakit na nangyari sa kanyang buhay. Dalawang taon syang nagluksa at naghanap nang hustisya para sa pagkamatay nang mga magulang niya ngunit kahit nakuha na niya ang hustisya ay hindi parin maalis sa kanyang isipan ang kagimbal-gimbal na nangyari sa kanyang mga magulang. And La Paz is the perfect place for him, bukod sa Picture-perfect na lugar ay sinasabi ding ito ang pinaka-safe na lugar sa boung bansa. Ngunit sa ilang buwang pananatili nya rito ay may natuklasan syang isang sikreto, na pilit ibinabaon at tinatago nang mga namamahala sa lugar na ito. Sekretong magpapabago sa kanyang pananatili sa La Paz. What will happen to Stephen when he uncover the secrets of the place? Mananatili pa kayang safe ang lugar na ito, o mapupuno nang pangamba at takot?
Finally at nakarating din. The place was beautiful, at ang sarap nang sariwang hanging aking nalalanghap. Nakarating na nga talaga ako sa lugar na sinabi nang magaling kong pinsang, si Mark. We we're suppose to come here together but a week ago his mom got on accident, hindi ko na sya pinasama pa mas kailangan sya ngayon ni tita Angeline, his mom, they are the only relative I have.Magdadalawang taon nang patay ang mga magulang ko kaya silang pamilya lagi ang tinatakbohan ko kapag may problema ako.
But this time gustong kong bagohin ang takbo nang buhay ko. Ayaw ko nang maging depende sa kanila at maging malapit pa sa kanila. Honestly, ayaw kong mapalapit sa kahit na sinong tao sa ngayon, dahil sa kadahilanang sa tuwing may taong magtatangkang maging malapit sa akin ay laging nanganganib sng kanilang buhay. My parents died because of me, because they are protecting me, protecting their only son na walang ginawa kundi ang magbigay nang sakit nang ulo. 'Ah! nagiging emosyonal na naman ako'.
I look around to the place where i will live for now.
"WELCOME TO LA PAZ" -mga salitang nakapaskil sa sign board nang terminal nang bus.
La Paz was a Beautiful City, yan ang masasabi ko. They also said that, it was the Peaceful and Safest City in the Country. Zero crime cases, literally, there's no crimes that were reported here. Wala kahit isang kaso man lang nang pagnanakaw, or maybe meron din naman sigurong mga cases pero hindi lang nila pinapaalam baka dahil its just a small cases.
Naghanap na ako nang aking masasakyan papunta sa tu-tuloyan kung bahay ngayon. Yes, bumili talaga ako nang sarili kung bahay dito gamit ang perang iniwan sa akin nang mga magulang ko. May-ari nang isang maliit na kumpanya ang aking mga magulang na sa akin naipamana. Pero hindi ako ang namamahala ngayon kundi si Tito Gilbert, Mark's dad. Si Tito ang namamahala ngayon sa kompanya ayon narin sa kagustohan ko. Ayaw ko munang pamahalaan ang kumpanya dahil masyadong masakit parin para sa akin ang nangyari sa mga magulang ko kahit pa 2 years na ang nakakaraan, and the company reminds me of them everything on that place reminds me of them and the nightmare they both face. Pero kahit ganun lagi naman akong ina-update ni Tito patungkol sa mga nangyayari sa company.
Ilang minuto ko ding inililibot ang paningin ko at sa wakas may nakita akong pampasaherong jeep. Madali na akong lumapit sa jeep dahil gusto ko nang makarating sa bahay at makapagpahinga dahil na pagod talaga ako sa byahe.
"Manong dadaan po ba ito nang Maligaya Street?" tanong ko sa driver nang makasakay na ako sa wakas.
"Ai oo iho, doon ka ba bababa?"- tanong naman ni manong driver
" Opo, magkano po bang pamasahe manong?
"Sampung peso iho, bago ka lang ba dito iho?"
"Ay opo, kakarating ko lang din po galing maynila" sagot ko at nag-abot na din ako nang dalawampung piso.
"Ah ganon ba iho, Welcome to La Paz iho. mabuti nakatyempo ka kaagad sa jeep ko kundi maghihintay ka pa nang tatlong oras sa susunod na jeep at malapit isang oras naman bago umalis ang jeep, sukli mo pala iho" at inabot ko rin man yung sukli ko.
"ah ganon po ba manong? Bakit po ang tagal yata nang susunod?"
"kasi iho dalawa lang kaming pumapasadang jeep dito. Hindi naman kasi kalakihan ang La Paz atsaka halos lahat nang bahay merong sasakyan so malimit lang ang nagco-comute" sabi ni manong bago pinaandar ang jeep kahit hindi pa ito puno. Inilibot ko ang paningin at pagkuway pinagmasdan ang mga taong sakay nang jeep na ito, labin-dalawa kaming lulan nang jeep na ito, anim sa kanila ay pawang estudyante siguro high school yung apat dahil sa kanilang suot na uniform na white polo with blue blazer on top and a blue skirt with a gold lining sa babae at sa lalaki naman ganun din white polo with a blazer na blue but a blue pants with a gold lining on the side, ang cute tingnan nang uniform nila, at ang dalawa naman sa paningin koy college student na puro puti ang suot na uniporme. May matanda rin nakasakay rito na ngumiti sa akin nang makita nyang akoy tumingin sa dako nya ngumiti narin ako bilang paggalang.
Naisip ko rin kailangan ko rin palang magpunta sa university rito bukas at dito na ako magpapatuloy nang aking pag-aaral.
Makalipas ang tatlum-pong segundo ay bumaba na ang apat na high school gayon din naman ang dalawang college student. Tumanaw aka sa labas nang jeep at nakita ko ang malaking campus, at sa gate may na ka lagay doon na, "Cortez College", pumasok ang mga high school students na sumakay sa jeep at may nakita rin akong mga bata sa loob nang campus kapareho nang uniform nila pero light blue nga lang yung blazer nila at sa kanila namang skirt at pants imbes na gold lining katulad nung mga high school ay silver ang sa kanila. Tumingin naman ako sa kabilang banda nang sasakyan kung saan tanaw ang unversity, ang " Cortez University", kung saan ako mag-aaral. Malaki din kung titignan ang university. Hindi ko na masyadong napagmasdan ang Uni dahil umandar narin pala yung jeep.
Makalipas ang sampung segundo pagkuway tinanong ako ni manong driver, na agad nagpaalala sa akin na hindi ko pala alam kung saan yung bahay at dali-dali kung tiningnan cellphone ko para sa impormasyon nang bahay.
"iho nakarating na tayo sa Maligaya Street, saan ka banda ba bababa?
" ai dyaan nalang po ako sa ma babaan manong"
"sure ka iho? baka mawala ka?"
'ang bait naman ni manong' sa isip ko
"opo manong sure po ako naghihintay kasi yung caretaker nang bahay ko dyan"
"ah sige iho" - at itinabi na niya ang jeep at bumaba na man ako kaagad.
Pagkababa ko ay lumapit naman ang isang lalaking hindi naman masyadong matanda nasa mga mid 30's or 40's pa yata.
"Magandang hapon po Sir, kayo po ba Si Sir Stephen De Chavez?" aniya na may pagaalinlangan
"Ahh opo, Kayo po ba yung caretaker nang bahay?"
"Opo sir, ako po pala si Carlitos, Karl nalang po itawag niyo sa sir"
"ahh sige kuya Karl, at Steff nalang din yung itawag nyo sa akin at wag nyo napo akong i-Sir parang ang tanda-tanda ko nang pakinggan kapag tinatawag akong sir kaya Steff na lang po"
"sige po, tulongan ko na po kayo sa mga gamit nyo"
Hindi narin ako tumanggi kasi pagod narin ako at sumasakit na yung mga kamay ko. Nagsimula na kaming maglakad papuntang sa isang bahay. Hindi naman masyadong malaki ang bahay, may dalawang palapag ito, at Fully furnished na ang bahay dahil sa pinaayos nato ni Mark sa mga taohan niya. Pagkapasok sumalubong sa akin ang laki nang espasyo nang sala. May mga sofa sa left side na nakaharap sa isang TV. at sa likod naman nito ay ang hagdan paakyat sa 2nd floor. At umakyat na ako papunta sa aking kwarto at nang makapagpahinga dahil nga napagod ako sa byahe.Nauna na yung caretaker na umakyat dala yung ibang gamit ko na inilagay nya sa loob nang kwarto. Pagkapasok nakita ko ang queen size bed na may itim na mattress, lumapit na ako rito at umupo bago humiga nagbilin na ako kay kuya Karl na ako na ang bahalang magasikaso sa mga gamit ko at magluto nang kakainin kapag nagutom ako at magpapahinga na muna ako dahil pagod ako sa byahe at i-lock nya na lang yung bahay pag-alis nya.
"Sige po, Aalis na po ako. Kapag may kailangan po kayo tawagan nyo nalang po ako mag-iiwan nalang po ako nang number ko sa baba o di kaya po'y puntahan nyo nalang po ako sa bahay. kasunod lang po nang bahay nyo yung bahay namin"
"sige kuya Karl salamat ho"
Pag-alis niya ay agad na akong tumayo at ini-lock ang pinto ng kwarto at agad naghubad nang damit maliban nalang sa aking boxer short at agad humiga. Mamaya na ako mag-aayos nang mga gamit pagkagising ko.
Ilang sandali lang ang lumipas nang humiga ako ay nakulog na rin ako.