webnovel

(FILIPINO; SPG) POWER OF DESIRE (UNEDITED VERSION)

Matapos mapag-alaman ang tungkol sa ginagawang panloloko sa kaniya ng kaniyang nobyo na si Norman ay labis na nasaktan si Aria. Pero hindi niya inakala na ang masakit na pangyayaring iyon ng kaniyang buhay ang magdadala sa kaniya kay James.Gwapo, mayaman pero babaero.At si James ang klase ng sitwasyon na alam ni Aria na hindi niya makakayang iwasan kailanman.O maaaring alam niya at ang totoo ay ayaw lamang niyang gawin iyon?Pero anak lang ang kailangan nito sa kaniya. At siyempre kasama narin doon ang bagay na alam niyang siya man gugustuhin niyang maulit dahil hinahangad narin niya.Paano naman ang puso niya?Ano ang katiyakan na hindi siya iibig sa binata kung ang lahat ng hinahanap niya sa isang lalaki ay kay James niya nakita? ***** “Save your heart Aria, sex at anak lang ang gusto ko. Kapalit ng perang kailangan mo” -James

JessicaAdamsPhr · Urbain
Pas assez d’évaluations
4 Chs

TRUTH HURTS

"SORRY late ako" ang humahangos na bungad kay Aria ng nobyong ai Norman.

Nakakaunawang ngumiti lang ang dalaga sa nobyo. "Okay lang, halika na" aniya saka naglalambinh na ikinapit ang kamay sa braso ng binata.

"Baka nagugutom ka, kumain muna tayo?" si Norman nang naglalakad na sila papunta sa sakayan ng jeep.

Mahigit isang taon narin niyang kasintahan si Norman na matanda lang ng dalawang taon sa kanya. Katulad niya ay merchadiser rin ito. Ang kaibahan nga lang ay sa supermarket ito naka assign habang siya ay kahera sa department store ng malaking mall na iyon kung saan sila nagkakilala.

Tapos si Aria ng kursong Hotel and Restaurant Management. Pero daahil mahirap maghanap ng trabaho, hindi na importante sa kanya kung malayo sa kursong tinapos niya ang trabahong pinasok niya. Ang importante kasi sa dalaga ay kumikita siya.

"Hindi na, okay lang ako" sagot niya saka na sumakay sa pinarang jeep ni Norman.

Gaya ng dati dala ng pagod ay nakatulog si Aria sa byahe habang nakahilig sa balikat ng kanyang nobyo. Ganoon sila araw-araw. Ginigising nalang ito ni Norman kapag bababa na sila.

"Dinner ka muna?" nasa may gate na sila ng kanilang bahay noon.

Magkakasunod na umiling ang kanyang nobyo. "Uuwi narin ako," anitong bakas sa mukha ang matinding pagod at pagmamadali.

Tumango-tango si Aria saka tinugon ang halik sa kanya ni Norman sa mga labi. "Rest day mo bukas?" ang binata nang pakawalan nito ang mga labi niya.

Nakangiting tumango ng magkakasunod si Aria. "Bakit?" kabisado na niya ang tanong na iyon ni Norman, at hindi nga siya nagkamali.

"Dun tayo sa apartment ko bukas? Ipagluluto kita lunch"  nito saka nanunuksong kinagat ang kanyang punong tainga.

Mabilis na tinablan si Aria sa ginawing iyon ni Norman. "S-Sige, puntahan kita" sagot niya.

Muli siyang dinampian ng simpleng halik ni Norman bago ito tuluyang nagpaalam.

"GOOD morning Dad," si James na mahinang tinapik sa balikat ang amang si Jaime na inabutang niyang kumakain na ng almusal sa komedor.

"Tinanghali ka yata ngayon hijo?" anitong dinampot ang tasa nito ng kape saka humigop.

Nagmamadali ang mga kilos na sinimulan ni James ang pagkain. "Nakatulog ulit ako Pa,"aniyang sinundan ang sinabi ng mahinang tawa.

Umangat ang daalawang kilay ng matanda. " Masyado kang stress anak, why don't you take a break. Kahit mga isang buwan, walang kaso iyon" payo nito sa kanya.

Nagkibit lang ng balikat si James. "Pag-iisipan ko, Pa" aniya.

Naiiling na muling humigop ng kape nito ang matanda. "Gusto ko ng magkaroon ng apo" anito sa seryosong tono.

Agad na natigilan si James sa narinig saka tahimik na tinitigin ang ama.

"You heard me right anak, matanda na ako at gusto kong maranasan ang magkaroon ng apo. Alam mo naman ang kundisyon ko" ang makahulugan nitong sabi saka pinakatititigan ang binata.

"Pa," nasa tono niya ang makahulugang protesta at nakuha naman ni Jaime ang ibig niyang sabihin.

Mapait ang ngiting pumunit sa mga labi ng kanyang ama. "Hindi lahat ng babae kagaya ng Mama mo" anito.

Noon tahimik na ipinagpatuloy ni James ang pagkain. Kaya naman muling nagsalita ang Papa niya. " Akala mo ba hindi ko alam na iyon ang dahilan kaya ka nagkakaganyan?"

Kahit kailan, mula pagkabata ay pirming sa ganitong paraan siya kinakausap ni Jaime. Malumanay. Pero hindi niya maipaliwanag ang epekto ng style nito. Dahil totoong tinatalaban siya ng matinding guilt at hiya.

"Darating ang araw mawawala ako, mag-iisa ka. Totoong marami kang pera pero iba parin ang pamilya. Iba parin ang may anak at asawa" dugtong pa nito.

Ngumiti lang si James saka tuluyang tinapos ang pagkain. "Pag-iisipan ko, Papa" aniyang hinalikan ang ulo ng matanda bago lumabas ng komedor.