webnovel

(FILIPINO; SPG) POWER OF DESIRE (UNEDITED VERSION)

Matapos mapag-alaman ang tungkol sa ginagawang panloloko sa kaniya ng kaniyang nobyo na si Norman ay labis na nasaktan si Aria. Pero hindi niya inakala na ang masakit na pangyayaring iyon ng kaniyang buhay ang magdadala sa kaniya kay James.Gwapo, mayaman pero babaero.At si James ang klase ng sitwasyon na alam ni Aria na hindi niya makakayang iwasan kailanman.O maaaring alam niya at ang totoo ay ayaw lamang niyang gawin iyon?Pero anak lang ang kailangan nito sa kaniya. At siyempre kasama narin doon ang bagay na alam niyang siya man gugustuhin niyang maulit dahil hinahangad narin niya.Paano naman ang puso niya?Ano ang katiyakan na hindi siya iibig sa binata kung ang lahat ng hinahanap niya sa isang lalaki ay kay James niya nakita? ***** “Save your heart Aria, sex at anak lang ang gusto ko. Kapalit ng perang kailangan mo” -James

JessicaAdamsPhr · Urban
Not enough ratings
4 Chs

ONE NIGHT STAND

ONE MONTH LATER

PARANG binibiyak sa sakit ang ulo ni Aria nang magdilat ng mata ang dalaga. Ilang sandali niyang ininda iyon bago matuon ang pansin sa nananakit na ibabang parte ng kanyang katawan.

Napaungol siya nang biglang gumuhit ang sakit sa likuran ng kanyang ulo. "Hangover" bulong niya saka niyakap ang malambot na unan na nasa kabilang bahagi ng kamang kinahihigaan niya.

Nang mga sandaling iyon tamang nakarinig siya ng malakas na lagaslas ng tubig mula sa banyo.

May naliligo... Ang kabilang bahagi ng isipan niya habang nanatili sa ganoong ayos. Ilang sandali pagkatapos ay natigilan siya kasabay ng mabilisang paglamon ng kaba sa kanyang dibdib.

Inalis niya ang unan na nakatakip sa kanyang mukha saka nanlaki ang mga mata.

"Diyos ko, anong pong ginagawa ko?" ang takot na takot niyang tanong habang nakatitig na salaming kisame ng silid.

Iginala niya ang kanyang paningin. Actually hindi lang ang ceiling ang salamin kundi ang kabuuan ng silid.

Natilihan siya roon saka napabalikwas ng bangon. Sa sahig nagkalat ang ilang pamilyar na piraso ng damit.

Nag-init ang mga mata ng dalaga saka nagmamadaling bumangon at nagbihis.

Hindi na ako malinis. Hindi na, nasayang lang lahat ng pangaral sa'kin ng mga magulang ko. Wala akong kwentang anak. Wala akong kwentang tao! Ang kabilang bahagi ng isip niya nang mapagmasdan ang pulang stain sa kulay puting bedsheet.

Nagpahid siya ng mga luha saka dinampot ang bag niyang nakapatong sa bedside table. Noon nahagip ng paningin niya ang isang black calling card.

JAMES SEBASTIAN JR, President & CEO, Sebastian International Bakeshop.

Ang nakasulat sa card. Pagkatapos ay nagmamadali nang lumabas ng silid saka naglakad palayo.