41 Chapter 40 Sweet Night with Her

<<< CLaire>>>>>>>>>>>>>

Tinignan ko si Zhion... Agad siyang nakatulog.

Ibig ba niyang sabihin magkatabi kami matutulog?

Tinignan ko ang oras sa relo niya... Malapit ng mag-ala una.

Biglang may kumatok. Nang buksan ko...

" Mam, iyong pampatulog na hiningi ng Mr. Ninyo para sa inyo."

Mister? Ha-Ano?

" Ah... Salamat."

Nilingon ko si Zhion... Tulog na tulog.

Kung di dumating ang lalaking 'to... Ano na kaya ang nangyayari sa akin ngayon.

Salamat Zhion.

Pumasok ako ng banyo. Naghilamos at nag palit ng bagong-bagong Pajama..

At blouse...

Masakit na rin ang ulo ko.

At yung mata ko ang hapdi... Kakaiyak ko siguro.

Lumabas ako ng banyo...

Inusog ko ng kunti si Zhion...

Saka nahiga ako. Magkatalikod kami...

Haist. Napagastos ng dis-oras sa akin si Zhion.

At unti-unti akong napapikit at nakatulog.

<<<<<<<< Zhio>>>>≥>

Tsk!

Nahihirapan ako huminga. Kaya nagising ako ng dis-oras.

Ayun ... May katabi pala ako.

Agad kong inalis ang mga paa niyang nakaunan sa dibdib ko.

Napaupo ako.

Ganito ba kagulo matulog ang babaeng 'to.

Tss.. Laway na laway...

Inayos ko siya at muli akong nahiga.

Ngunit I can't sleep because

Of her little snor... Tsk. Itinabon ko ang unan sa tenga ko...

Nang maramdaman ko... Biglang may sumiksik sa likuran ko... At parang pinunas ang laway niya sa likod ko.

" F*ck." Na ikinabangon ko. Inilayo ko siya sa akin. Saka ako nahiga... Ngunit maya-maya naramdaman ko... Papalapit na naman siya sa akin...tss. Bumangon ako at dun nahiga sa hinigaan niya na siguro Trip niyang matulog sa pwesto kong yun.

Tinalikuran ko siya ng higa.

Pero bigla akong napabangon ng...

Marinig ko...

Blagg!

Nang tignan ko ayon nahulog....

" A-ray..." Ngunit nakatulog parin siya... Tss sa lakas ng impact... Ganon lang ang reaksyon niya... Ang himbing ng tulog ng babaeng 'to.

Binuhat ko siya. Ibinalik sa higaan. Tsk. Alas tres na ng umaga. Matutulog na sana ako... Ng naramdaman ko... Parang gusto pa niya ulit mahulog. Humarap ako sa kanya... Isang galaw pa niya... Mahuhulog pa muli siya.

Hinila ko siya palapit sa akin... Wala na akong nagawa kundi ikulong siya sa mga bisig ko.

Nakatulog ako.

At nagising ako...ayon sa nakasanayan ng katawan ko.

Eight o' clock . Tulog na tulog parin siya.

Bumangon ako...

Ano pa nga ba masakit ang ulo ko.

Nakita ko ang telephono sa side table.

Agad kong kinuha at diniall ang numero ng kompanya sa may contact list na nasa libro.

" Zel Cantheliz Corporation. How may I help you."

" Tss... Code 007 ... Ipaabot mo ang tawag na' to kay Deo."

" Good morning Master Zhio. Just wait a minutes."

Nang bumalik ang boses.

" Nasa linya na po Si Sir Deo, Master Zhio."

At boses na ni Deo ang pumalit.

" Sir.."

" Hatiran mo ako ng damit dito sa Vill-A-Mos Hotel."

" Sige Sir."

Ibinaba ko na.

Napahikab ako sa hitsura ng katabi ko... Parang di babae kung matulog.

avataravatar
Siguiente capítulo