webnovel

Chapter 41 How the real sweet things run

>>> Deo>>>>>>>

( Wow naman Author. Akin 'to? Seryoso?.

Hehehe... Don't stare me like that Author... I'm thankful na kasali pala ako sa kwento..)

Ginamit na naman ni Sir Zhio ang Code na yun. Isa lang ang panigurado... Wala na naman yung cellphone niya.

Aasikasuhin ko na sana ang kailangan niya ng tumawag si Atty. Wenziel.

" Sir..."

" Di umuwi si Zhio kagabi. Nagkaroon ba siya ng emergency flight?"

" Hindi po. Ngunit alam ko po kung nasaan siya at natitiyak ko pong nasa maayos siyang kalagayan"

" Ibig mong sabihin... Dika niya kasama?"

" Hindi po."

" Paano mo nasisigurong ligtas siya."

" Tumawag po siya mga kanina lang po... Buhay naman at walang sinabi."

Saka niya ako binabaan.

Ganito ang trabaho ko...

Tinalo ko pa ang Journalist upang alamin ang nangyayari sa boung paligid.

" Sir Deo.. Yung Files po ninyong hinihingi."

" Salamat."

Ang pagkaibahan nga lang ang dami kong galamay... At maayos ko silang pinapagalaw.

Pumasok ako sa suite ni Sir Zhio..

May damit siya roon.

Inilagay ko sa.Paper bag...

Lumabas at muli yun nilock.

Binilin ko ang isa sa empleyado na wala munang papasok aa office ko.

Mahirap na eh...

Ako lang ang nakakaalam ng magulong Pagka-organiza ng Office ko.

Nagmadali akong lumabas. Teka anong ginagawa ni Sir Zhio dun at biglang naligaw sa lugar na yun... ?

Sumakay ako sa sasakyan na ginamit ko papunta dito kanina lang .

May kalayuan pa naman ang lugar na yun.

Ngunit after thirty minutes natuntun ko ang lugar.

Nang makapasok ako... Diretso kong tanong sa information Desk.

" Deo Suidie..."

Yep. Pati pangalan ko hinihiram ni Sir Zhio.

" Sino po sila?."

" John Rey.."at ipinakita ko ang pekeng Id... Na sadyang ginawa namin para maitago ang personality namin.

" kayo pala. Inaaasahan na nila ang pagdating ninyo. Room 17...second floor."

Agad kong tinungo. Kumatok sa pinto ng Room 17.

" Tss. Ang tagal mo." Yun ang bumati sa akin ng pagbuksan ako ni Sir Zhio.

" Heto po Sir yung pinapadala niyo."

"Shhh... Don't call me Sir."

Ha?

" Yan.. Naipagtimpla na kita ... Zhion."

Boses ng isang babae... At ng masilip ko ... Si Miss Claire.... Anong ginagawa ng dalawang 'to dito?.

" Tsk. Huwag mo nga ako tignan ng ganyan Deo."

" Deo?." At nakita ako ni Miss Claire.

" Magandang umaga Miss Claire."

Ngumiti siya sa akin.

" Ikaw?... Oo ikaw nga yung lalaking naglalagay ng bulaklak sa kapilya."

" Siya ngA... "

" Pasok ka... Ipagtitimpla din kita."

Tinignan ko si Sir Zhio... Tumango siya... Ngunit ng dumaan ako sa kanya... Mahina niyang sinabi sa akin...

" wala siyang alam kung sino ba talaga ako."

Napatango ako.

Kaya naman pala Zhion ang tawag ni Miss Claire sa kanya.

Naupo kami sa maliit na harap ng mesa.

" Heto... Mag-agahan muna tayo."

... Simple lang ang nasa mesa... Yung menu yata ngayong umaga ng hotel.

" Magkaibigan ba kayo ni Zhion."

" ... Oo."

" Nga pala Claire siya na muna ang maghahatid sa'yo sa inyo."

" Ay wag na. Nakakaabala pa ako.."

" Tss... Sinong may sabi."

" Zhion, siya maghahatid sa akin hindi ikaw."

" Ayos lang sa akin Miss Claire."

" Miss. Claire?.. Claire na lang... Sigurado ka?"

" Sigurado po."

" Kung gano'n salamat ha. Kain na tayo."

Kumain na kami...

Hindi sana ako kakain.. Kaya nga lang ayoko magpahalata.

" ... Ay oo pala. Kinakabahan na ako kung ano ang sasabihin ko sa kanila..."

Tinignan siya ni Sir Zhio. At tinignan ako...

" Don't worry si Deo na sa'yo ang bahala. Di'ba Deo." Na ikinatango ko...

Pero? Ha?

" Baliw ka talaga Zhion,Wala ngang kamalay malay 'tong kaibigan mo ..."

" Im not. Pagkatapos nito... I-uwi mo na siya Deo."

" ... Sure."

Natapos na kaming kumain...

" Halika na Miss Claire."

Natigilan siya...

Tinignan niya ang paa niya...

"... Lalabas akong nakapaa?"

" Tss.. Gusto mo buhatin pa kita papunta sa sasakyan."

" Hindi.... Ehh... Tignan mo naman magpapakamalan akong baliw.."

" Andyan si Deo... Saka yang mga paang yan muntikan na akong patayin kagabi.".

" Ha?"

" Deo.. Pumunta ka muna sa convinient store bilhin mo ang kailangan niyan."

" Si Zhion oh makapag-utos sa kaibigan niya parang boss siya nito. Tsk. Huwag na lang ..."

" size niyo miss Claire..."

" Ah eh... Wag na sabi. Tara na iwan na natin ang bakulaw na ito."

Tinignan ko ang paa niya ... Maliit lang size 38.

" Babalik na lang ako."

Pagpapaalam ko.

Yun may iniisip pa ako... Yung idadahilan ko para kay Miss Claire... Bakit kasi dumating sa puntong yun...?

Tinawagan ko ang sumusunod kay Miss Claire... At ikinuwento yung nangyari kagabi... Yun nakakuha ako ng ideya.

" Kumuha ka ng isang tauhan dyan sa Bar... At kausapin mo tungkol sa gusto kong mangyari."

Nasa harapan na ako ng convinient store...

" Magandang Umaga Sir."

" hmm... Isang pares ng Doll shoes size 38."

"dito po Sir..."

Kumuha ako ...

" ito siguro.."

At pagkakuha ko ng binili ko agad akong bumalik...

" tss... Ang baho ng hininga mo kagabi!"

" ... Sino kaya 'tong may nangangamoy na kili-kili...!"

Kumatok ako...

Bumukas si Miss Claire.

" Salamat naman.."

" here..."

" I-uwi mo na yan. I have no Body Odor! "

Isinuot ni Miss Claire... Tama lang.

" Tara.. Aalis na kami."

Saka dinuro ni Claire si Zhio...

" tsk.. Tsk... Oo pala sinuntok mo kagabi si Derick. Ba-bye!"

Sinarhan na niya ang pinto...

Pero muling binuksan at...

"Thank you!"

Yun lumabas na kami ng...

" Deo..."

Lumingon kami...

At hinagis sa akin yung Coat.

" Ipasout mo sa baliw na babaeng yan."

Saka niya sinara ang pinto.

" Isout mo daw."

Isinuot naman niya...

" Gusto lang niya labhan ko' to... Paano ka nakakatagal sa pang-asar na ugali ng kaibigan mong yun.?"

Heto. Kailangan ko sigurong ihanda ang sarili ko sa mga tanong ni Claire at pagsisinungaling ko.

Go Deo! My favorite Secretary ???

International_Pencreators' thoughts
Next chapter