webnovel

Win Over Mr. Perfect - Tagalog

Dahil sa kahirapan, nagsusumikap at nagtatiyaga si Sonny na makapagtapos ng pag-aaral. Hindi siya susuko kahit pa marami sa kaniyang mga kaklase ang binubully siya dahil sa estado ng kaniyang buhay. One time, ininsulto siya ng anak ng principal ng William University na si Ken. Sinabihan siya nito na hindi siya bagay sa paaralang iyon. Ken challenged her, kung matatalo niya si Ken sa academics aaminin nito na nagkamali siya at magso-sorry ito sa kaniya. Ngunit, kapag si Ken ang nanalo ay kusa siyang aalis sa William University at aaminin niya na hindi talaga siya bagay sa paaralan. Will she win or not? Magawa niya kayang matalo si Ken Krizian D. William na isang perpekto dahil sa taglay nitong kayamanan, kagwapuhan at higit sa lahat ay katalinuhan? O matatalo siya at kusang aalis sa sikat na paaralan?

Teacher_Anny · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
9 Chs

Fall

Kitang-kita sa salaming nakaharang sa bintana ng gym ang panahon sa labas. Palitaw na ang haring araw at nagbabadiya nang magbigay ng matinding init sa lahat. Naniningkit ang aking matang tumitig sa kalangitan. Ilang araw na pala akong nasa William University. Nagawa kong magtagal dito sa kabila nang pagtrato sa akin ng mga kaklase ko.

"In your own words, what is Physical Fitness?" pambungad na tanong ni Maam Jean, ang professor namin sa PE.

Kanina pa pala ako wala sa sarili. Kung hindi magtatanong si Maam ay baka wala pa rin dito ang atensiyon ko.

Nagsimula akong bumuo ng depinisyon ng Physical Fitness sa aking isipan. Inaamin ko na hindi ako magaling sa recitation, hindi dahil sa hindi ko kaya, ang totoo ay kaya ko pero hindi lang siguro ako sanay na nagsasalita sa maraming tao.

Ngunit kailangan kong subukan. Lakas ng loob lang talaga ang kailangan.

Nagtagpo ang mata namin ni Maam Jean kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin. Ginawi ko ang aking atensiyon sa ibang direksiyon ngunit nagsimula pa rin bumilis ang pagtibok ng aking puso.

"Yes Sonny, para sa 'yo...What is Physical Fitness?"

Tama nga ang pumasok sa isip ko kanina. May hinala na ako na tatawagin ako ni Maam Jean.

Dahan-dahan akong tumayo sa aking upuan habang nag-iisip ng maaaring isagot sa tanong ni Maam.

"For me...Ahhmm...Physical Fitness...From the word itself, it is being physically fitted and capable in doing certain task or activities."

Lumingon ako kay Maam, naghihintay ng magiging response niya sa sagot ko.

"Para sa 'yo...if a woman is sexy and a man has a well body building...Do we consider it physically fit?"

Napalunok ako sa follow-up question ni maam.

"Y-yes..." nagdadalawang-isip na sagot ko.

"How?"

Lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko. Nagsimula kong halungkatin ang mga ideyang nasa aking utak. Ngunit sadiyang hindi nagpa-process ang utak ko ngayon marahil dahil sa pagkabigla sa pagtawag ni Maam sa akin. Hindi pa rin rumi-rehistro sa utak ko ang follow-up question na iyon.

"Maam."

Lumingon ako kay Ken nang magtaas ito ng kamay.

"Yes, Ken."

Tumayo si Ken at humarap kay Maam. Marahan naman akong bumalik sa pagkakaupo.

"For me... it's not. In my own opinion, Physically Fit is an over all well being, being healthy in all aspects, being able to perform physical activities. Maraming mga well figure na tao sa panahon ngayon...payat and skinny but hindi nila kayang gumawa ng physical activities dahil hindi sila sanay in doing it."

"Very good Ken. Tama siya. Hindi porket sexy at balingkinitan ang isang tao ay physically fit na. They are born na ganun ang figure nila but...Can they run in a long distance? Can they hold a heavy things in a long time? Baka ipahawak mo lang ang isang latang may laman hindi na nila kaya?"

Nagtawanan ang mga kaklase ko sa huling sinabi ni maam.

"What I mean is, it is a matter of practice and excercise. Kung hindi mo kayang buhatin ang isang lata ng sardinas...you can develop it. Kailangan mo lang magbanat-banat. Kailangan mo lang ng excercise."

Tumango-tango ang mga kaklase ko sa sinabi ni Maam. May punto naman si Maam. Hindi porket sexy ang isang tao ay physically fit na. Paano kung sakitin pala siya? Paano kung mahina ang endurance niya? Pero sabi nga ni Maam, it can improved through practice or exercise. Through conditioning your body.

"Kaya nga sa subject ko...hindi lang written test ang mahalaga, hindi lang quiz...mas malaki ang percentage ng performance niyo sa akin."

Nagsitanguan muli ang mga kaklase ko. Mediyo nalungkot ako dahil sa written exam ako may advantage pero kailangan ko rin galingan sa performance task.

Nagsimulang i-demo ng ilan sa mga kaklase ko ang iba't ibang activity na gagawin namin, matapos iyon ay nag-stretching na kami para kami naman ang gagawa ng basic exercise.

"Sonny!"

Napalingon ako kay Sean. Nakangiti ito habang naglalakad palapit sa akin.

"Sean, bakit?"

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. Napalunok ako at tumingala dito. Magkalapit na magkalapit ang mukha namin sa isa't isa.

Nagbaba siya nang tingin kaya nagkasalubong ang aming mga mata.

"Partner tayo."

"Ah-eh... S-sige."

Nakahinga ako ng maluwag nang tanggalin ni Sean ang kamay sa balikat ko. Siguro ganoon lang talaga siya, hindi niya binibigyan ng kahulugan ang mga bagay na ginagawa niya. Kaya dapat ganoon din ang gawin ko. Magkaibigan lang kami ni Sean.

"Ken! Partner tayo!"

Napatingin kaming dalawa sa direksiyon nina Ken at Ishiah. Inaaya ni Ishiah si Ken na maging partner nito.

Napatingin din sila sa direksiyon namin kaya nagkatinginan kami ni Ken. Naalala ko ang nangyari sa amin sa garden. Iyong ginawa niya sa akin. Napahawak ako sa aking labi, naalala ko ang pagdampi ng labi niya sa labi ko. Marahan kong pinilig ang aking ulo upang makalimutan ang senaryong naalala ko.

Nag-iwas ako ng tingin kay Ken. Nahihiya ako sa nangyari at naiinis ako sa ginawa niya. Pero, kailangan kong makipag-sabayan sa kaniya. Kailangan kong galingan para matalo ko siya.

'Ayokong matalo sa kaniya!'

"Galingan natin!"

Binalik ko ang atensiyon sa katabi ko. Sinimulan naming gawin ang long jump, kung saan susukatin kung gaano kalayo ang naitalon namin. Sumunod ang ball pass, pagkatapos ang sit-up.

Mas malaki talaga ang advantage ng mga lalaki sa babae. Mas malakas sila kumpara sa mga babae. Nakagawa ako ng eighty sit-ups samantalang lampas one hundred na ang kay Sean pero hanggang ngayon ay patuloy pa rin ito sa pag-sit-up.

Napalingon ako sa dalawang katabi namin. Magka-partner si Ken at Ishiah. Katulad namin, nagpalitan din sila ng posisyon sa sit-up. Kanina si Ken ang kumukontrol sa paa ni Ishiah ngayon ay si Ishiah naman. Nakapatong ang mga tuhod ni Ishiah sa paa ni Ken at nakahawak sa tuhod ng lalaki. Pinipigilan nitong gumalaw ang mga tuhod ni Ken.

Ano kayang score ni Ken? Sigurado akong malaki ang puntos niya. Malakas at lalaki siya kaya malaki ang lamang niya sa akin.

"One hundred thirty, one hundred thirty-one..."

Si Ishiah ang nagbibilang sa ginagawang sit-up ni Ken habang si Ken ay patuloy pa rin sa pagtaas-baba. Madami na ang nagawa ni Ken ngunit hindi pa rin mababakas sa mukha nito ang pagkapagod. May kakaunting pawis sa PE t-shirt nito ngunit hindi ganoon karami. Maayos pa rin ang buhok nito na para bang hindi siya nahirapan si ginagawa.

"Sonny, naka-ilan na'ko?" Binalik ko ang atensiyon kay Sean na hindi pa rin tapos mag-sit-up. Napanganga ako nang bahagya. Nawala sa isip ko na ako rin pala ang nagbibilang ng nagawa ni Sean.

"Ah Eh..."

"Ang galing mo Ken...two hundred one, two hundred two..."

Napalingon kami ni Sean kay Ishiah na hindi pa rin tumitigil sa pagbibilang. Nagkaroon ako ng ideya nang marinig ang bilang ng sit-ups na nagawa ni Ken.

"Two hundred eight, two hundred nine..." patuloy ko na lamang sa pagbibilang. Hindi naman nalalayo ang score ni Sean kay Ken. Sa katunayan ay mas nauna pa ngang nagsimula si Sean at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya natatapos.

Ilang segundo ang lumipas nang mapagdesisyunan ng dalawang lalaki na tumigil. Two hundred thirty ang nakuha ni Sean at Two hundred fourty ang kay Ken. Ganoon sila kagaling at kalakas. Kinaya nila ang ganoong karaming sit-ups.

Inaamin ko na talong-talo talaga ako ni Ken pagdating dito. Sino ba naman ako kumpara sa katawan niya?

Tumingin ako sa braso ko. Ang liit ng braso ko kumpara sa kaniya.

Huminga ako nang malalim. Kailangan kong bumawi sa exam.

"Sonny."

Nilingon ko si Sean. Nakahiga ito sa sahig. Inangat nito ang dalawang kamay at pilit na inaabot sa akin.

"Tulungan mo akong tumayo," nakangiting sabi nito.

Lumapit ako rito upang abutin ang dalawa niyang kamay. Hinila ko siya upang tulungan siyang makatayo. Ngunit masiyadong mabigat si Sean. Kumuha ako muli ng bwelo bago ko siya muli hinatak nang buong lakas.

Sa paghatak ko ay nagawa ko siyang patayuin. Kaya nga lang ay ako naman ang nawalan ng balanse. Hahakbang pa sana ako paatras upang maitukod ko ang aking paa ngunit huli na para roon. Tuluyan na akong nawalan ng balanse.

Namalayan ko na lang ang sarili na unti-unti nang bumabagsak. Naramdaman ko pa ang ang paghawak ni Sean sa kamay ko. Sinubukan niya akong tulungan ngunit maging siya ay nadamay at nahatak ko pababa.

Bumagsak kaming dalawa ni Sean sa sahig. Nakahiga ako sa sahig at nakapatong naman siya sa akin.

Nanlaki ang mata ko dahil magkatapat ang mukha namin ni Sean. Magkalapit ang mukha namin. Ramdam ko ang mainit na paghinga nitong tumatama sa aking pisngi. Unti na lang, kung hindi siguro nagawang itukod ni Sean ang dalawang kamay ay marahil tuluyan na itong sumubsob sa mukha ko.

"Sean." Bahagya ko siyang nilayo sa akin saka tumayo. Nagpagpag ako ng sarili dahil nalagyan ako ng alikabok sa aking likod.

Nag-iwas ako ng tingin sa mga kaklase ko. Pilit kong iniiwasang itaas ang ulo upang hindi nila makita ang aking mukha. Kahit hindi ko sila nakikita, nararamdaman kong nasa akin lahat ang atensiyon nila.

May paimpit na hagikgikan at bulong-bulungan malapit sa akin na lalong naging dahilan upang makaramdam ako ng pagkahiya.

"Lampa talaga."

"Shhhh...Huwag kang maingay, marinig ka niya."

"Ano ba 'yan! Ang tuod naman kasi."

Napakuyom ako ng kamay. Mahina man ang pagkakasabi nila ngunit umaabot pa rin iyon sa aking pandinig. Pakiramdam ko mas sinasadiya pa nilang iparinig sa akin ang mga salitang iyon.

"Sean, magpapalit lang ako."

Hindi na ako nag-abala pang lumingon kay Sean, ni hindi ko na rin hinintay ang sasabihin nito. Tumakbo ako palabas ng gym.

"Sonny!"

Hindi ko na pinansin ang pagtawag ni Sean sa akin. Nagdire-diretso lang ako palabas. Nakayuko lang akong nagpatuloy sa pagtakbo.

Pumunta ako sa Locker room. Magpapalit ako ng damit tutal patapos na rin naman ang PE time at may next class pa kami, magpapalit na ako ng regular uniform.

Mabuti na lang at patapos na rin ang PE at mabuti hindi ang regular uniform ko ang nadumihan. Masiyadong mahigpit ang William University. Kailangan araw-araw naka-complete uniform. Ganoon ang rules nila. Noong first day lang pinagbigyang magsibilyan ang mga estudyante dahil ang iba ay hindi pa nakakabili ng uniform. Exclusive lang kasi ang uniform sa William University, tanging dito lang sa school na ito mabibili iyon. May sariling uniform designer ang school kaya no choice ang mga mag-aaral, kahit gusto nilang pumorma ay hindi nila magagawa.

Kung ako lang din ay mas pipiliin kong magsibilyan dahil may kamahalan ang uniporme nila rito. Iisa nga lang ang uniform ko kaya araw-araw akong naglalaba. Kung hindi ako maglalaba ay wala akong maisusuot kinabukasan at saka wala akong magagawa dahil kailangan ko talagang sumunod sa rules.

Napabuntong-hininga ako nang maalala ko na naman ang nangyari. Naisandal ko ang ulo sa locker ko. Palagi na lang! Bakit kasi hindi ako nag-iingat? Kasalanan ko rin kung bakit ako napapahiya eh! Totoo naman silang lampa ako! Oo, lampa nga ako. Kasalanan ko rin 'to.

"You lose."

Nagmulat ako ng mata nang may magsalita. Nanlaki ang mata ko nang makita si Ken sa harap ko. Unti-unti itong lumapit sa akin.

Napalunok ako. Ano na naman ang gagawin niya?

Pasalampak siyang humawak sa locker upang ikulong ako. Sa lakas ng pagbagsak ng kamay niya sa pinto ng locker ko ay lumikha iyon ng animo'y tunog-lata.

"Talo ka na naman," aniya.

"H-hindi pa tapos. Babawian kita sa exam," paliwanag ko rito.

"Sige...pataasan tayo ng grades sa First Semester. Kapag natalo ka...alam mo na ang gagawin."

Napalunok ako. Para bang nagsisisi na ako sa naging desisyon ko. Dapat pala hindi na lang ako nakipag-deal sa kaniya. Nasa alanganing sitwasyon tuloy ako ngayon.

"Pe-pero."

"Anong pero? Wala nang atrasan. Aalis ka rito sa ayaw mo at sa hindi. Ayoko nang makita ang mukha mo."

Tumingin ako dito. Walang makikitang ekspresiyon sa mukha nito. Mukhang seryoso talaga ito sa sinabi niya. Ganoon talaga ang kagustuhan niyang hindi ako makita.

Sino ba siya para paalisin ako rito? Oo, anak siya ng may-ari ng school pero hindi siya ang may-ari niyon? Hindi ko siya maintindihan. Bakit ganoon na lang ang kagustuhan nitong mapaalis ako rito? Ano ba talagang problema niya sa akin? Galit ba talaga siya sa akin?

Marahan ko siyang tinulak palayo sa akin.

"Sige...pero kapag natalo ba kita? Okay na ba? Tanggap na ba ako sa school na 'to?"

Nag-iwas siya ng tingin sa akin.

"Hindi pa rin. Mas sasaya ako kung aalis ka rito."

Matapos niyang sabihin iyon ay iniwanan na ako nito. Hindi ko siya maintindihan. Hindi ko malaman kung ano ba talagang gusto nitong mangyari. Mas gusto niyang umalis ako rito kaysa ang mag-stay. Pero ayoko! Gusto kong mag-stay. Hindi lang para may patunayan sa kaniya, sa kanila kundi pati na rin sa aking pamilya. Umaasa sila Mama at Papa sa akin kaya hindi ko sasayangin at sisirain ang pag-asang iyon. Kapag nakapag-tapos ako ay magagawa ko na silang matulungan. Maiaahon ko na rin sila sa kahirapan.

'Kaya Sonny...Okay lang 'yan. Laban lang!'