webnovel

Fooled

"Pass your paper."

Matapos ang salitang iyon ng aking mga kaklase, ang bawat isa ay nagpasa ng kanilang sinagutang pagsusulit. Pinasa ng mga nasa likod ang kanilang papel sa mga nakaupo sa harapan at nang nakarating ang lahat ng papel sa pinakaunang row, pinasa ng mga naka-upo sa unang row ang mga papel sa center aisle.

Ang mga pinagpatong-patong na papel ng aking mga kaklase ay kinuha ni Maam Sanchez, professor namin sa College Algebra.

"Goodbye BSEd-Math!"

"Goodbye Ma'am!"

Umingay sa aming room nang makalabas si Ms. Sanchez. May nagsisitayuan, nagsisilabasan at may nagku-kuwentuhan tungkol sa nalalapit na Acquaintance Party.

"Sonny, ano na? Sasali ka ba?"

Lumingon ako sa lalaking umupo sa bakanteng upuan ni Ken.

"Ahh ehh, pumayag sila Mama at Papa...p-pero parang ayoko na. Tutulong na lang ako sa pagtitinda sa kanila."

Lumungkot ang mukha ni Sean. Halata sa kaniyang reaksiyon ang pagkadismaya. Tinapik-tapik ko siya sa kaniyang balikat.

"Sayang naman yung ticket na nabili ko."

"Sean naman eh, naku-konsensiya tuloy ako."

"'Yon talaga ang gusto kong mangyari," tumawa siya nang malakas pagkatapos ay mariing pinisil ang aking pisngi.

"Ang cute mo talaga," aniya.

"Aray ko Sean," reklamo ko sa kaniya. Marahan kong inalis ang kaniyang kamay sa aking pisngi.

"Sama ka na kasi."

"Nahihiya kasi ako..."

"Kasama mo naman ako eh."

Napatitig ako sa mukha ni Sean. Ngumiti siya sa akin dahilan upang magpakita ang biloy sa kaniyang pisngi. May pinapahiwatig ang ngiti niyang iyon sa akin. Tiyak na ang sinumang makakakita ng kaniyang ngiti ay hindi makakatanggi rito.

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya nang tumitig din siya sa akin.

"Sama ka na please," pagmamakaawa niya.

"S-sige na nga," napipilitang sagot ko.

"Yes! Promise hindi kita iiwan sa Acquaintance Party."

"Classmates, Ma'am Judith will not meet us. May pinuntahan siyang seminar pero may iniwan siyang gawain..."

Napatingin kaming lahat sa nagsasalitang si Ken. Lahat ng atensiyon ay napunta sa kaniya.

Siniko ko ang katabi kong si Sean.

"Nand'yan na si Ken, umalis ka na sa upuan niya."

"Ano ba 'yan! Gusto kitang katabi eh...Lipat ka na lang kaya sa upuan ni Ishiah? Wala naman siya eh." Nginusuan ni Sean ang upuan ni Ishiah na katabi ng kaniya.

"P'wede ba?"

"Oo, p'wede 'yan." Hinila ako nito papunta sa upuan ni Ishiah.

"Teka sandali." Kinuha ko muna ang aking notebook at ballpen bago tuluyang nagpatangay sa hila niya.

Nasalubong namin si Ken na papunta sa kaniyang upuan. Hindi kami makalabas ng aming row dahil nakaharang siya sa daraanan namin.

"Ken, makikiraan."

Tumingin sa akin si Ken at matalim na tumitig sa akin. Napalunok ako at napabitaw kay Sean.

Gumilid si Ken upang magkaroon kami ng madadaanan.

Susundan ko na sana si Sean nang makadaan siya ngunit humarang muli si Ken.

"Tawag ka ni Ma'am Xavier. May sasabihin daw siya sa'yo...ngayon na."

"Ano daw?"

"I don't know. Pumunta ka na lang." Nagkibit-balikat si Ken at tumalikod sa akin.

"S-sige."

Tumakbo ako palabas upang puntahan sa faculty si Ma'am Xavier. Nang makalapit ako sa sa pinto ng faculty, lumabas si Ma'am Xavier dala ang kaniyang class attendance at isang libro.

"Sonny, bakit?"

"May sasabihin raw po kayo sa'kin?"

"Huh? Wala naman bakit?"

"Ang sabi kasi ni...Ah sige po...akala ko po meron. Sige po Ma'am."

Tumalikod ako kay Maam Xavier at nagmartsa pabalik ng classroom. Nakaramdam ako ng inis kay Ken. Pinagtitripan lang ba ako nito?

Pinilig ko ang aking ulo. Pilit kong inaalis sa isipan ang mga negatibong bagay na maaaring makasira ng aking araw.

'Hindi, baka nakalimutan lang talaga ni Maam Xavier.'

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Kinakalma ko ang aking sarili. Kailangan masanay na ako sa ganitong bagay. Sa unang pagpasok ko pa lang dito ay alam kong hindi na ako gusto ng mga kaklase ko. Pero ipapakita ko sa kanila na mali sila ng tingin sa akin. Ipapakita ko na mali sila sa paniniwalang 'hindi bagay ang isang tulad ko rito.'

Napatigil ako sa paglalakad nang makita si Ken na nakasandal sa pader. Nakapuwesto siya malapit sa pintuan ng classroom namin.

Dumiretso ako ng paglalakad upang lampasan siya.

"You have to learned kung totoo ba ang pinapakitang pagmamalasakit ng iba sa'yo. Hindi mo alam ginagamit ka lang nila."

Nilingon ko siya. "A-anong ibig mong sabihin?"

Inalis niya ang pagkakasandal ng kaniyang likod sa pader at lumapit sa akin.

"Sa simpleng salita lang, naniwala ka agad? Kung ganiyan ka , mabilis kang maloloko."

"Ken..."

"Akala ko ba tatalunin mo ako? Pa'no mo gagawin yun kung mabilis kang naiisahan ng tao?"

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang salita niyang iyon. Tungkol ba iyon sa panloloko niya sa akin o mayroon pa siyang malalim na pinaghuhugutan?

Tumalikod ako sa kaniya. Babalik na lang ako sa classroom. Wala akong panahon upang pag-isipan ang mga sinabi niya sa akin.

"Sandali! Bitiwan mo ako!" Nagulat ako nang hawakan ako ni Ken sa palapulsuhan. Napakahigpit ng pagkakawak niya rito kaya hindi ko magawang tanggalin ang aking kamay.

Nagpatangay na lang ako sa kaniya.

"Bakit mo'ko dinala rito?" Nilibot ko ang aking tingin sa kabuuhan ng garden. Nasa ilalim kami ngayon ng puno ng mangga.

"Sonny..."

Seryoso ang mukha ni Ken na nakatitig sa akin. Mababakas sa mukha nito na may gusto siyang sabihin ngunit hindi niya alam kung paano sisimulan.

"B-bakit?"

Lumapit siya nang lumapit sa akin kaya umatras ako nang umatras. Bumibilis ang kabog ng aking dibdib sa tuwing ihahakbang niya ang kaniyang paa.

Nilibot ng aking mata ang paligid. Sinusubukan kong humanap ng pagkakataon at daraanan upang makalayo sa kaniya.

Patagilid akong humakbang ngunit bigla niyang pinatong ang kaniyang kamay sa aking balikat. Tinulak niya ako nang bahagya at sinandal sa katawan ng puno.

"Sonny..."

Napalunok ako ng laway bago tumitig sa mata nitong seryoso.

"Gusto kita."

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kung sabihin sa kaniya. Hindi ako makahanap ng tamang salita upang sagutin siya. Para bang umatras ang aking dila. Tama ba ang narinig ko na gusto niya ako?

Maniniwala ba ako sa sinabi nito? Ngunit, seryoso ang mukha niya.

Magkahalong saya at takot ang nararamdaman ko ngayon. Magiging masaya ba ako dahil may isang Ken Krizian William na nagkagusto sa akin. Isang lalaking matalino, mayaman at perpekto sa paningin ng mga kababaihan ay nagkagusto sa isang tulad ko. Totoo bang nangyayari ito? Ngunit paano kung pinagti-trip-an lang ako nito? Paano kung gusto niya lang ulit akong lokohin?

Tinulak ko siya ng marahan.

"Sorry, Ken."

Lalakad na sana ako ngunit pinigilan niya ako. Napatingin ako sa aking kamay na ngayon ay hawak na niya. Marahan niya iyong pinisil.

"Gusto kita Sonny."

Marahas niya akong sinandal sa pader at saka hinalikan.

Nanlaki ang aking mata sa kaniyang ginawa kaya wala sa sarili ko siyang sinampal.

Napahawak siya sa kaniyang pisngi.

"Sorry Ken," hingi ko ng paumanhin sa pagsampal ko sa kaniya.

Tumitig ako sa kaniya. Gumagalaw ang balikat nito. Nang magtaas siya ng ulo ay nakita ko ang ngiti sa labi nito.

"Do you really believed in what I said?" Hinampas nito ang kamay sa katawan ng puno at saka tumawa nang malakas.

"I fooled you again. Ito ang gusto kong ipa-realized sa'yo. Kung mabilis kang magtitiwala sa tao, mabilis ka nilang maloloko. Kung hindi mo kayang protektahan ang sarili mo, better leave this school. You're not belong here."

Para akong sinampal nang ma-realized ko ang ginawa ni Ken. Niloko niya na naman ako.

Napaupo nalang ako sa lupa habang tinatanaw ang paalis na si Ken.

Pumatak ang luha sa aking mga mata.

Ang bigat ng aking dibdib. Gusto kong humagulgol upang mailabas ang lahat ng aking sama ng loob. Gusto kong sumigaw. Gusto kong magalit sa ginawa ni Ken pero...

Hindi ako papatalo!

Tatalunin ko siya para ma-realized niya na mali siya sa pangmamaliit sa isang tulad ko.

Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili pagkatapos ay tuwid na naglakad. Pinunasan ko ang luhang nasa aking pisngi at taas-noong nagpatuloy sa paglalakad pabalik sa room.

'Ken Krizian William, hindi mo 'ko mapapaalis dito!'

Next chapter