webnovel

Chapter 28

Millary POV

At nagpasya akong pumunta ng kusina at tinignan ko muna kung may ibang tao sa kusina ng nakompirma ko na walang iba tao doon ay kaagad akong kumain at nasa kalagitnaan ako ng aking pagkain ng may maramdaman akong tao doon sa aking likuran at muntik pa akong mabilaukan ng makita ko doon si annie at ng makita nito nakatingin ako dito ay ngumiti ito sa akin, siguro ay ansiyahan ito na kumakain na ako at ilang minuto lang ako nitong pinagmasdan at pagkatapos ay sumenyas na ito na aalis na ito at ng matapos akong kumain agad akong bumalik sa aming kwarto at ano ba ito tanong ko sa aking sarili bakit kakain ko lang pero nararamdaman ko nahihilo naman ako at napansin ko makalipas ang dalawang araw ay may kakaiba akong naramdaman sa aking sarili at parang napapdalas ang aking pagkahilo at parang dalawang araw ko na nararamdaman na lagi akong nahihilo at parang may kakaiba talaga sa akin kaya nagpasya ako magpaalam sa mayordoma na mapacheck up ng sumapit ang Friday ndi ko na mahintay na sumapit ang linggo para makapagpacheck up ako dahil alam kong may kakaiba na sa akin katawan , kaya agad kong natanong sa aking sarili kung buntis ba ako? kasi ilang araw na akong delayed at tama nga ang aking hinala nakompirma ito ng magpacheck up ako ngayon araw na ito, parang feeling ko nagkagulo gulo na ang aking buhay at ndi ko na amawari kung ano ang aking gagawin at kailangan ko na talagang umalis sa mansyon at ayaw kong sabihin sa kanya na nagdadalang tao ako baka bigla ako nitong alukin ng kasal, kasal na wala naman pagmamahal at patuloy pa rin bumabalik sa akin ang mga binitawan nitong salita noong isang araw na mahal na mahal nito ang kanyang dating asawa kaya mas gugustuhin ko nalang buhayin ang aking anak mag-isa at pauulanan ko ito ng pagmamahal at baka kasi kung magiging kasama namin si jann michael ay wala itong madamang pagmamahal mula dito. Habang nasa naglalakad ako naiisip ko na kailangan ko na talaga umalis sa mansyon pero bigla kong naisip na saan ako titira? At saan ako mamalagi?mga tanong ko sa aking sarili habang naglalakad dahil nagpasya muna na akong maglakad lakad at ayaw ko pang umuwi sa mansyon ng mga dela munoz at naisip ko kailangan ko munang pumunta sa parke na malapit dito para makapag-isip ng maayos at makapagmuni muni ng aking dapat gawin at hindi dapat gawin at kailangan ko mag-isip ng tama kasi dalawa na kami ngayon ng anak ko at hindi nalang ako nagdedesisyon para sa aking sarili kundi para sa aming dalawa na at kaagad kong naisip na at naisip ko na hindi ako pwedeng bumalik sa amin kasi baka ipakasal ako kay ronel at pagnalaman nila mama at papa na buntis ako ay baka itakwil nila lalo ako at baka hindi tanggapin ang aking anak pero kailangan ko ang pamilya ko ngayon kasi sila ang lubos na makakaunawa sa akin at sila ang lubos na tatangap sa akin pero paano ko sila haharapin? paano ako hihingi ng tawad sa kanila sa katigasan ng ulo?at paano ko maipapaliwanag o mapapaintindi sa kanila na buntis ako ngayon at hindi ako pwedeng pakasal kay ronel? Paano? Mga katanungan hindi maalis alis sa aking isipan at makalipas ang ilang oras na panantili ko doon ay nagpasya na akong umuwi ng mansyon at nakabuo na ako ng desisyon na kailangan ko itong panindigan at kailangan kong lakasan ang aking loob at ng makakita ako ng taxi na pwede sakyan ay kaagad na ako sumakay at nagpahatid sa mansyon

Pagbaba ko palang sa taxi sinakyan ko ay kaagad kong nakita sa labas ng mansyon si sir jan michael, agad akong napaisip bakit ito nasa labas? bakit ang aga nasa labas ito ng mansyon? diba nasa seminar ito at nakauwi na ba ito at anong ginawa nito sa labas?mabilis kong tinignan ang aking orasan sa kamay at nakita11:00am pa lamangat ng nasa gate na ako kami ng masyon ay sinabi ko sa taxi na aking sinasakyan na ibaba na ako nito sa gata at nnagbayad na ako dito ayon sa metro ng taxi at alam kong may sukli pa akong 20 pesos pero ndi ko na kinuwa sa taxing aking sinakyan dahil mabait ito at makwento at ng makababa na ako ay kaagad nakita nito akong nakita at kaagad ako nito sinalubong at nakita ko nakatingin sa amin ang guard ng mansyon parang alam ko na ang naglalaro sa kanyang isipan na may rtelasyon kami ni sir jann michael , ndi ko na kailangan pang isipin ang naglalaro sa kanyang isipan dahil may malalim akong problema at tutal ndi na rin ako magtatagal sa mansyon na iyon kaya wala na akong pakialam sa kanyang iniisip

"Saan ka galing " tanong nito sa akin at pinapasok ako nito sa loob sasakyan nito sa harapan

" sa labas lang po sir" sabi ko dito , simpleng ngiti lang ang binigay ko dito

"kakauwi ko lang may naging seminar ako sa pampanga" sabi nito sa akin ng makapasok kami sa loob ng kotse nito ayyy naku parang ndi ko naman alam na nagseminar ito ngayon alam lahat ng tao sa mansyon na nagseminar ito sa pampanga

" dapat magpahinga na po kayo at halata sa mukha ninyo ang pagod" sabi ko dito dahil nababakas ko ang pagod nito sa mukha at ang lalim ng itim sa mata nito at parang kulang ito sa tulog at pahinga sa nakalipas na araw

"yun ang talagang balak ko kaya kita hinintay sa labas kasi kanina galing ako sa loob ang sabi nila nagpaalam ka daw na aalis upang magpacheck up may sakit kaba? gusto na kasing mapahinga kaya hinintay kita" sabi nito sa akin na kaagad kina noot ng aking noo at kinataas ng aking kilay anong kinalaman ng paghihintay nito sa labas pang makapagpahinga ito kaya agad kong sinabi na

"sana po sir tumuloy na po kayo sa mansyon para naumpisahan na ninyong magpahinga at hindi ninyo na po ako hinintay dito sa labas " sabi ko dito at ndi ko na sinagot ang tanong nito kung may sakit ba ako at bakit ako nagpacheck up

"actually yun ang balak ko talaga kasu hindi ako makakatulog at makakapahinga sa kama ko kung hindi kita kasama " sabi nito sa akin na lalong kina noot ng aking noo at nabigla ako ng bigla nitong dugtingan ang kanyang sinabi at kinatingin ko dito

"alam mo ba kanina pa akong 8:20 naghihintay dito umalis ka daw sabi ng mayordoma at ng tanungin ko ang guard kanina sabi niya sa akin 10 minutes ka palang umalis at alam mo ba sinubukan kita habulin kaso hindi ko na makita sinakyan mong taxi at ndi ko alam saan hospital ka tutungo kaya nagpasya akong hintayin nalang kita dito sa labas at hindi ko naman alam na aabutin ka ng ilang oras" sabi nito sa akin na kinalaki ng aking mata at ganoon katagal na pala itong naghihintay na bigla naman akong nahiya sa nangyrai at ibig sabihin kanina pa nito ako hinihintay, bigla akong nakonsensya sa sinabi nito dapat kanina pa ito nagpapahinga pero sinayang nito ang oras nito sa kakahintay sa akin sa labas kaya napabuntung hininga ako ng malalim

"Tara na po sa loob sir para mkapagpahinga na po kayo sir" sabi ko dito

" I prefer sa condo nalang ako magpahinga " sabi nito sa akin na kinatingin ko dito at hindi ako sumagot dito, saan daw sa condo nito

" doon nalang tayo magpahinga at sinabi ko na din sa mayordoma na sasama ka sa akin ngayon dahil may inuutos ako sayo kaya alam niya kasama kita" sabi nito sa akin ng hindi pa rin ako nagsasalita

'gusto kong matulog ng payapa ngayon sa aking condo at isa pa makakatulog ako ng maayos doon kasi katabi kita" sabi nito, ndi ko alam kung kikiligin ba ako o ano at dahil naawa na ko sa itchura nito na mababakas ang pagod sa kanyang mukha kaya nagpasya na kong pumayag

"okay sir" sabi ko dito dahil sa naging sagot ko ay ngumiti sa akin ng matamis dahil sa pagpayag ko at kaagad din akong napangiti dahil napakagwapo nito kapag nakangiti at napapnsin ko napapadalas na ang pangiti nito at kaagad kong naisip na isa iyon sa mamimiss ko sayo ang pangiti nito kapag umalis na ko sa mansyon at agad na nitong sinuot ang seatbelt ko at ng mapadikit ito sa akin naamoy ko ang mabagong hininga nito at ang pabango nito at napapikit ako inaamoy ko lalo ang pabango nito , isa din ito sa mamimiss ko , sabi ko sa aking sarili at ng sinuot na nito ang kanyang seat belt ay kaagad nitong binuhay ang makina ng kanyang kotse at umalis na kami sa harap ng mansyon ng mga dela munoz