webnovel

Wild Wild Love (Complete)

Adolescente
Terminado · 142.3K Visitas
  • 56 Caps
    Contenido
  • valoraciones
  • NO.200+
    APOYOS
Resumen

Si Jann MIchael suplado, walang emosyon at mabangis ,para maitago ang durog nyang puso , pusong nadurog dahil sa pagkamatay ng kanyang asawa at kanyang anak. Si Millary ay isa sa mga katulong sa mansyon ng Dela Munoz, Mag iisag taon na siyang naninilbihan sa mansyon Dela Munozat may lihim syang pag-ibig sa knyang amo Saan kaya dadalhin si Millary ng kanyang lihim na pag-big?

Chapter 1Chapter 1

Millary POV

"Millllllllaaaaaaa.... "sigaw ni Annie sa akin ang isa sa kasama ko sa kwartong nakalaan sa aming mga katulong dit sa mansyon ng Dela Munoz

"Naku ano ba nakakabingi ka" yan ang ganting sigaw ko kay Annie

" Oras na kaya , kaya nga ginigising kita Mila, alas sais na kaya " ganting sagot ni Annie

Ganoon na lang aking biglang tayo ko dahil oras na, siguradong mapapagalitan naman kami ni Annie kay Manang Rosa ang mayordoma sa mansyon ito kung saan kami nag tratrabaho, agad akong pumasok sa banyo para magsipilyo, maligo at mag-ayos ng aking sarili , at makalipas ang kinse minuto ay natapos din ako, dali dali kong hinila si Annie sa labas ng aming kwarto, Tama ang hinala ko na mapapagalitan naman kmi ng dahil sa akin, Nakita ko naman nakakunot noo si Manang Rosa, kaya bigla tuloy akong nakonsyensya , kasi kung ndi ako hinintay ni Annie hindi sana siya madadamay, pero alam kong ndi ako iiwan ni Annie , kahit kailan naman hindi niya ako iniwan kahit na nga mapagalitan o masabon siya kay Manang Rosa, Hihintayin parin niya ako, sabi nga niya "ang magkaibigan hindi nag-iiwanan" kaya nga mahal ko ang bruhang ito.

" Bakit ngayon lang kayong dalawa?" tanong ni Manang Rosasa amin, habang nakataas ang kanyang kilay at nakakunot ang kanyang noo, ganoon nalang ang aking bigla ng bigla may magsalita sa aming gilid at hindi nga ako nagkakamali si sarah nga

" Paimportante kasi" sabat ni Sarah isa sa kasama naming kasambahay dito sa mansyon

Hindi ko alam anong ayaw sa amin ni sarah, bakit ang bigat bigat ng loob nito sa amin, bigla akong natawa ng biglang bumulong si annie sa akin" ingit sa atin ang bruha, mas maganda kasi tayo sa kanya" sabi nito sa akin, pagtingin ko nakatingin na sa amin lahat, kaya pasaimple kong iniwasa ang aking mata at pigil ang ngiti sa aking labi at ilang sglit lang nagsalita si annie sa aking tabi at binalingan nito si sarah

" Ikaw ba ang kinakausap Sarah, bakit sabat ka ng sabat" sagot ng aking kaibigan , halata sa boses sa inis kay Sarah

" E paimportante naman talaga kayung magkaibigan , late naman kayu" sagot ni Sarah na biglang tumalim ang tingin sa amin

Hindi ko alam ano ba ginawa ko kay Sarah bakit sobrang inis siya sa akin,, basta ako or si annie ang sangkot laging may sinasabi or may nasasabi lagi

"Papansin ka kaya sagot ka ng sagot kamo at Hin...." sabi ni Annie, Pinigilan ko na si Annie baka saan pa mapunta bangayan nila at bumulong ako sa kanya " friend tama na sayang ang laway at ganda mo" biglang guminti si Annie at sabay bulong sa akin" talaga ba sayang ganda ko kung pumatol ako sa kanya? Sabagay ndi naman siya maganda kaya kung pumangit siya tabla lang pero pag ako ang pumangit dehado ako kasi maganda ako" sabi nito sabay ipit ng kanyang buhok sa kanyang teanga

" oo, kaya tumigil kana" ang sagot ko sa kanya sabay ngiti

" O tama na yan" sabi ng mayordoma , magsilinis na tayo at yung iba sa inyo magsihanda na ng almusal

Ngayon araw na to nakatoka ako sa paglilinis ng silid sa ikalawang palapag habang si Annie nakatoka sa hardin. Binilisan ko ang king kilos matapos kong makuwa ko ang mga gamit panglinis, ng nasa ikalawang palapag na ako ng mansyon nagsimula ako sa unang kwarto sa kaliwang panig ng mansyon, maraming mga guest room ang mansyon na ito , meron ito pitong guest room at yung isang kwarto sa aking boss na sobrang sungit, suplado, manhid, arogante at walang damdamin pero gwapo si Sir Jann Michael, meron din isang kwarto dito na kahit kailan ay hindi ko pa napasukan o nakita ang loob dahil pinagbabawa lna buksan o pasukan na kung susubukin mo daw pasukin ito sobrang magagalit si boss at siguradong matatangal ka ng trabaho, naku kailangan ko pa naman ng trabaho kaya kahit gusto ko itong pasukin dala ng aking kursunidad at pinipilit kong huwag ito pasukin, at maliban pala doon naku napakaraming kandado ng kwarto na yun meron itong tatlong kandado, bali lahat ng kwarto sa ikalawang palapag ay siyam

Sinimulan ko na linisin ang unang kwarto, hanggang sa ikalawang kwarto at hanggang umabot ako sa ikawalong kwarto, hindi naman mahirap linisin ang mga kwarto dito kasi wala halus dumi kasi araw araw ito nalilinisan ,kaya napakadali sa akin ang makapaglinis ng mga kwarto. At ngayon nasa kwarto ako ng aking boss, bakit ako kinakabahan alam ko naman wala naman sa kwarto ito ang aking boss dahil sigurado nakababa na ito at nag aalmusal na alas 9 na ng umaga, pagkatapos ko pakalmahin ang aking puso at aking sarili , pumasok na ko sa loob, pagnasa loob ako ng kwarto ni boss parang ayaw ko na lumbas, pwede bang dito nalang ako tumira ang sarap sigurung dito matulog ang lamig ng kawartong ito at ang bago ng kawarto niya, lalaki laki ang amoy ng buong silid niya,parang ang sarap tumira dito habang kayakap si boss, ang sarap sigurung gumising ng isang araw o umaga na ang mabubugaran mo ang napakagwapong mukha ni boss, napakaswerte ng babaeng minahal nito o mahal nito, ano bang iniisip ko na "mahal" nito, eh wala naman akong nakikitang babaeng dumadalaw dito e mag-iisang taon na ko na nagtratrabaho dito pero wala pa ako nakita na girlfriend o asawa ni boss,, ihhh meron ba kaya? Hindi ko naman matanong si Anni, sabagay ndi rin massasagot ni annie halus kasabay ko lang dumating yun nauna lang akong dalawang linggo, kaya nga naging magkasanga o naging kaibigan ko yun, si Manang Rosa naku bawal magtanong doon baka kainin niya ako ng buo, kina sa Sarah naman hindi rin pwede magtanong doon kasi ang sama lagi ng timpla noon sa akin , ewan ko ba , ano ba ginawa ko doon , eh wala naman,,sabi ni Annie inggit daw sa akin yun dahil mas maganda daw ako, ewan ko ba sa babeng yun ang sabi niya sa akin kya minsan natatawa ako dito

Inawakan ko yung pinaghubaran na damit ni boss at kasabay noon aking nawika

"Wow ang bango, bakit kaya ang bago ni boss kahit pinagpawisan na,AMOY Baby parin " kinikilig kong wika, buti nalang talaga wala si sir dito, hindi pa ako nakontento matapos ko amuyin ang pinaghubaran na damit ni boss, huminga pa ako sa kama niya, wow ang bango sabi ko sa isip ko at ewan ko ba bakit hindi pa ako nakontento hinawakan ko pa yung unan ni boss at niyakap yakap koat inamoy amoy ko pa, pagtapos noon doon palang ako nakontento, kaya sinimulan ko ulit linisin ang kwarto nya.

Ng matapos na ko,kinuwa ko na ang mga gamit ko at nagpasya ng lumabas, papalabas palang ako ng marinig ko ang baritonong boses ni boss

"Bat ang tagal mo linisin ang kwarto ko"sabi ni boss

Kahit nanginginig ako nagawa ko sumago " ahhhhh po sssiir?" nakita ko ang aking kamay na naginginig, ndi lang pala yun pati boses ko ay nanginginig , ano ba ang ginawa ng boss ko sa akin

"I'm asking you what took you so long to cleaned my room" sabi ni sir jann Michael, halata sa boses nito na naiinis ito,napakatalim ng kanyang tingin, nakakunot din ang kanyang noo, naku ang gwapo kahit nakakunot noo, napansin nito na nakatingin ako dito kaya biglang tumalim ang tingin nito

"Po? Naglinis lang po ako sir"sagot ko dito habang nangiginig, ano ba ito mukha akong may ginawang masama at nahuli sa akto, kya nanginginig ako lalo

"Bakit nga"sabi ni Sir Jann Michael, nakikita ko na naiirata na ito

Naku nakakapanginig ang boses ni boss, at nakakatakot ang itchura ni sir na walang emosyon,,, naku naku naku matatangal naba ako sa trabaho, pumikit ako at nanalangin ako na sana hindi niya ako tanggalin sa trabaho dahil kailangan ko ang trabaho ko.

"Umalis kana " yan ang sabi ni sir Jann Michael pagkarinig ko doon sa sinabi , doon palang bumalik ang normal na tibok ng puso at ganoon din ang balik ng kulay sa aking mukha

"At ayaw ko ng ikaw ang maglinis ng kwarto ko naiintindihan mo ba? Ano kasi pangalan mo"-Sir Jann Michael

"Opo, Millary po sir" ang mabilisan kong sagot kay boss , bka bigla niya kasi sabihin tinatanggal ako sa trabaho,

"Okay , umalis kna, sabihin mo kaya Manang Rosa, ndi ka na pwedeng maglinis sa ikalawang palapag, sa hardin ka na nakatoka , simula ngayon araw na to" sabi ni Sir Jann Michael, habang sinabi ni boss yun, wala ka man mababakas na emosyon sa kanyang mukha, pati kanyang mata ay waang emosyon, nakakatakot.

"Opo" sagot ko at dali dali akong umalis sa kanyang harapan at dali dali akong bumaba.

También te puede interesar

One-sided Love by pinkyjhewelii

Someone loves you, but you loves someone else. But that someone else you love, loves someone else, too. Is this kind of a cycle? That's life. Sabi nga ni Bob Ong, huwag kang magagalit kung hindi ka mahal ng taong mahal mo dahil may tao ring nagmamahal sa'yo pero hindi mo mahal. Kaya fair lang. Si Princess Reiko Abellano, malaki ang pagkagusto sa kababatang si Enzo Shin-woo. Pero ang masaklap dun, hindi man lang siya nito napapansin. Bakit? Dahil may nagmamay-ari na ng puso nito. Sino pa ba? Si...oooppss, ang tanong pala dapat ay, ano kaya? Isang PAKWAN lang naman. Sa dinami-daming babaeng nagkakagusto dito, wala itong pinapansin. Minsan nga gusto niyang isipin na bakla ito pero hindi. He's one of the best basketball player of Shin-woo University's Wolf. Si Enzo Shin-woo na handang pakasalan ang kanyang one and only love, pakwan. Akalain mo bang sa halip na babae ang matipuhan niya, pakwan pa. Hindi niya napapansin ang mga babae sa paligid niya dahil ay mga mata niya ay malinaw lang kapag pakwan ang nakikita niya. Si Renzo Shin-woo, ang lalaking seryoso pero lihim na umiibig kay Princess Reiko. Marunong siyang magtago ng nararamdaman niya pero hindi niya maitago ang pagkainis dahil sabi nga niya, bakit si Enzo pa ang nagustuhan nito samantalang magkamukha lang sila? Yes, they are triplets. The famous Shin-woo triplets, Enzo, Renzo and Kenzo. Paano iikot ang mundo nilang tatlo kung ang namamagitan sa kanila ay one-sided love? Aano magkakatagpo ang dalawang puso? Sino ang masasaktan? Sino ang sasaya?

pinkyjhewelii · Adolescente
4.6
14 Chs

valoraciones

  • Calificación Total
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de Actualización
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Contexto General
Reseñas
¡Guau! ¡Si dejas tu reseña ahora mismo, sería la primera!

APOYOS