webnovel

Whirlwind Marriage (Tagalog)

Mayaman, makapangyarihan, at gwapo. Si Gu Jingze ay ang "cream of the crop" ng bansa. Ang mga lalaki ay nangangarap na maging katulad niya at ang bawat kababaehan naman ay siya ang pinapangarap na mapangasawa. Perpekto ang kanyang buhay... ngunit... may isang madilim na sekreto sa kanyang pagkatao na walang sino man ang pwedeng makahawak o makalapit man lang sa kanya...lalo na kapag babae. Hanggang sa isang araw, nagising na lang siya sa loob ng isang silid kasama ang isang di-kilalang babae.: si Lin Che. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay kinailangan niya itong pakasalan--bagama't malayong-malayo ang personalidad nilang dalawa, Simpleng babae lamang si Lince na may iisang pangarap sa buhay: ang maging isang sikat na artista. Dahil itinakwil ng pamilya kaya't napilitang maging independent, nag-isip siya ng isang plano para mas mapalapit sa minimithing pangarap. Ngunit, nabigo siya sa kanyang plano at labag sa loob na nagpakasal sa isang walang pusong lalaki na si Gu Jingze. Bukod pa rito, kailangan niya ring hanapin ang kanyang lugar sa isang lipunan na kinabibilangan ng napakaraming inggiterang babae at mga masasamang tao-- lahat ng iyan, habang tinatahak ang kanyang pangarap. Dalawang istranghero sa isang bubong. Sa pagsisimula, nagkasundo silang huwag manghimasok sa kani-kanilang personal na buhay. Pero sa hindi malamang dahilan, laging naroroon si Gu Jingze sa mga panahong kailangan niya ang tulong nito. Lingid din sa kaalaman ni Lin Che, unti-unting nagiging mahirap para sa kanya ang harapin ang bukas nang wala si Gu Jingze. May patutunguhan kaya ang kanilang pagsasama o ang kanilang pag-aasawa ay mananatili lamang sa isang kontrata?

a_FICTION_ate · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
165 Chs

Tutuparin Ko Ang Lahat Ng Ipinangako Ko Sa'yo

"Stepmother, sinabi ko na sa'yo noon. Hindi na ako babalik pa dyan, kaya kalimutan mo na yan," sabi ni Lin Che.

Hindi nakikita ni Han Caiying si Lin Che sa kabilang linya kaya't pinipigilan nito ang sarili na h'wag magpadalos-dalos. Sa tono ng kanyang boses ay mahahalata na parang gusto siya nitong pakalmahin. "Lin Che, ginagawa ko lang ito para sa ikabubuti mo. Wala namang masama sa pamilya ng mga Cheng. Bagama't walang silbi ang PWD na 'yon, at least, okay naman ang pamilya nila. Kung pakakasalan mo siya, magiging masagana ang buhay mo. Magiging madam ka na ng pamilyang 'yon at mabibili mo na ang lahat ng gusto mo; hinding-hindi ka pipigilan ng kanilang pamilya. May sakit ang mapapangasawa mo kaya't hindi ka rin nito makokontrol. Kung magkakagayon, mapapasailalim sa iyong mga kamay ang buong sambahayan ng Cheng."

Ngumisi naman si Lin Che, "Kung ganyan naman pala kaganda, bakit hindi nalang si Lin Yu ang ipakasal mo sa kanila?"

"Kasi hindi nila gusto si Lin Yu." Sa loob-loob ni Han Caiying ay sinabi nito, ipapakasal ko si Lin Yu sa kanila? Balang araw, magiging madam din si Lin Yu pero hindi sa ganoong klase ng asawa. Bakit ko naman gagawin yon?

Malamig naman ang tugon ni Lin Che dito. "Stepmother, hindi ko pangarap ang maging Madam. May inutusan na ako para kunin ang mga gamit ko dyan at hinding-hindi na ako muling babalik sa lugar na 'yan."

Nang maramdaman na talagang nagmamatigas si Lin Che, biglang nag-iba ang tono ng pagsasalita ni Han Caiying. "Lin Che, gusto mo na ba talagang putulin ang lahat ng kaugnayan mo sa pamilya'ng ito? Sige. Pero, una, ibalik mo muna ang lahat ng perang ginastos ko sa'yo mula nang bata ka pa. Pinalaki kita nang maayos tapos ngayong malakas na ang mga pakpak mo, gusto mo nang umalis?"

Hindi naman makapaniwala si Lin Che sa kanyang narinig. "Sige. Kakalimutan ko nalang na lumaki ako na parang isang katulong-- na kung tutuusin ay dapat binabayaran niyo ako-- okay lang, nagkaroon din naman ako ng matutuluyan. Pag-iipunan ko ang perang ipambabayad ko sa'yo."

"Hoy... Lin Che, ano bang problema mo? Akala mo ba hindi ko alam ang tumatakbo diyan sa isip mo? Gusto mong kunin ang pagkakataon na mapansin ka ni Qin Qing kaya't sumali ka sa production team ni Lin Li, diba, tama ako?"

"Stepmother, masyado nang malayo 'yang imagination mo." Walang balak na magpaliwanag pa si Lin Che.

Lalong nagalit si Han Caiying. "Bakit hindi mo tingnan 'yang sarili mo? Saang parte ba ng katawan mo ang makakapantay man lang sa daliri ni Lin Li? Tapos, umaasa ka pa rin na mapapansin ka ni Qin Qing? Kung talagang hindi 'yan ang iniisip mo, pwes, umatras ka sa filming ngayon din."

Gustong mapamura ni Lin Che. "Lilinawin ko lang sa'yo ito. Trabaho ko 'to. Hindi ako susunod sa'yo at aatras dahil lang sinabi mo."

"Ano..."

Nagpatuloy naman si Lin Che, "At isa pa, kung talagang natatakot ka na agawin ko si Qin Qing kay Lin Li, pwes, mas pagandahin mo pa yang anak mo. Ano bang ikinatatakot mo sa'kin, ha?"

Nang matapos na siyang magsalita, ibinagsak niya ang kanyang cellphone.

Pagkaangat niya ng kanyang ulo ay napansin niyang nandoon na pala si Gu Jingze.

Parang malalim na dagat ang maiitim nitong mata, napakagandang tingnan at napakamisteryoso.

Medyo may pagka-awkward na tiningnan niya ito, "Bakit ba hindi ka gumagawa ng ingay kapag naglalakad ka?"

"Yan ang tamang paraan ng paglalakad, ang hindi maingay. Hindi naman lahat ng tao ay kagaya mo, na halos lahat ng ginagawa ay maingay at hindi nag-iingat." Malalaki ang mga hakbang nito na pumasok sa loob.

Dismayado naman ang tono ni Lin Che. "Oo na. Oo na. Ikaw na ang may pinakamagandang-asal at ako ang pinaka-walang modo. Mabuti na lang at magdi-divorce din tayo kaagad. Kung hindi, baka mabaliw ako sa kale-leksyon mo at panghahamak mo sa akin."

Habang nakatagpi ang mga kamay nito sa likod ay sumagot si Gu Jingze, "Tama nga 'yang sinabi mo."

"Na ano?"

"Na ako ang may pinakamagandang asal at ikaw ang pinakawalang-modo. Totoo nga 'yan." Sagot ni Gu Jingze.

"Hoy..." Masama ang kanyang tingin habang hinahabol ito. Nilapitan niya ito, habang ginagaya ang paglalakad ng isang mahinhin na babae.

Nang makita siya ni Gu Jingze, halos mapabunghalit ito sa tawa.

Humarap naman si Lin Che dito. "Ganyang lakad ba ang gusto mo? Nagaya mo ba ito nang tama?"

"Ang bobo mo talaga", sabi nito. "Sa utak mong 'yan, hindi na ako nagtataka kung bakit nagkamali ka sa taong mabibiktima mo."

"Hoy, di ba nag-usap na tayo na hindi mo na ulit babanggitin pa ang tungkol diyan?" Galit na galit na saad ni Lin Che.

Tiningnan siya ni Gu Jingze na para bang may gusto itong sabihin, pero hindi magawa. "'Yang Qin Qing na 'yan ba ang lalaking gusto mo?"

Biglang nawala ang ngiti sa mukha ni Lin Che. May matinding kalungkutan ang sumilay sa kanyang mga mata. "Hindi ka ba naaasiwa na pag-usapan ang ganyang bagay sa harap mismo ng iyong asawa?"

"Hindi," sagot nito.

"..." Hindi agad makasagot si Lin Che. "Fine. Sabagay. Actually...oo. Okay lang naman na sabihin ko sa'yo kasi di mo naman siya kilala. Hindi lahat ng tao ay maswerte na magustuhan rin ng taong gusto nila. Pwede rin naman kaming matawag na childhood sweethearts pero sa kasamaang-palad, si Lin Li talaga ang gusto niya."

Nang iangat niya ang kanyang ulo, nakasalubong niya ang malalim na mga mata ni Gu Jingze. Pakiramdam niya ay tumatagos ang titig nito sa buo niyang katawan.

"Kung gusto mo, pwede kitang tulungan na makuha siya."

"Makuha siya?" Nagtatakang tanong ni Lin Che. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Kung anong iniisip mo, ganun nga iyon. Kung gusto mo, kaya kong gawin na magustuhan ka niya at magsasama kayong dalawa." May pagmamayabang na sabi ni Gu Jingze.

"Ha, paano mo naman magagawa 'yun?"

"Halimbawa, pwede kong pigilan ang pagpapakasal niya sa iyong kapatid. Kaya ko siyang i-pressure na magustuhan ka." Sagot ni Gu Jingze.

"Ha, pwes, kalimutan mo nalang 'yan." Agad niyang sinabi. "Bakit hindi mo nalang madaliin na magpakasal silang dalawa nang sa gayon ay hindi isipin ng lahat na inaagaw ko siya kay Lin Li? Hindi talaga ako masaya sa ganyang sitwasyon."

Napakunot naman ang noo ni Gu Jingze. "Hindi din naman iyan imposible. Pero sigurado ka bang 'yan ang gusto mo?"

"May asawa na ako ngayon. Okay lang ba talaga sa'yo na magsalita nang ganyan sa harap ng isang may-asawang babae?" Mabilis niya itong pinatigil sa pagsasalita habang nakatingin sa matigas nitong mukha.

"Hindi naman 'yan importante. Sinabi ko na sayo ito dati. Pinilit kitang magpakasal sa'kin, kaya gagawin ko ang lahat ng gusto mo bilang kabayaran. Bukod sa pera, iisipin ko ring parang pagbabayad-utang ko ito sa iyo."

"Kalimutan mo nalang 'yan. Sa ngayon, feeling ko tama na'ng narinig ko ang pangalan niya. Sa totoo lang, isang bahagi lamang ng buhay ko ang love life na 'yan. Ang gusto ko talaga ay umarte at i-improve ang aking sarili, career ba. Sa ganitong paraan, mas makikilala ako ng mabubuting tao. Tapos, makakahanap din ako ng mas tamang lalaki para sa akin. At 'yang si Qin Qing? Magiging maliit na bahagi na lamang siya ng buhay ko pagdating ng araw na 'yon. Isa pa, sino ba naman ang hindi nakatagpo ng taong gusto niya, pero hindi niya pwedeng makuha, diba?"

"Hindi pa ako nakatagpo ng ganyang tao," Mayabang na sabi ni Gu Jingze.

"..." Oo na, naisip ni Lin Che habang hindi alam kung ano ang isasagot dito. Pero alam naman niyang nagsasabi lang ito nang totoo.

"Okay, sige. Maliligo na muna ako." Sabi ni Lin Che.

"Sige. Pero kung magbago ang isip mo, pwede mong sabihin sa'kin anytime."

"Salamat." Naisip ni Lin Che na kahit ano man ang gusto niyang isipin, gusto lang nitong tulungan siya.

Sumagot naman si Gu Jingze. "Okay lang 'yan. Asawa mo naman ako, kaya tama lang isipin ko rin kung ano ang gusto mo."

"At kasama na don ang pagtulong sa iyong asawa na makahanap ng bagong mapapangasawa? Gu Jingze, ang bait-bait mo talaga." Nanunukso ang ngiti ni Lin Che.

Nang makita ni Gu Jingze ang masayang ngiti ni Lin Che, sandali siyang napahinto sa pagtitig dito ngunit kaagad niya din namang iniwas ito. "Totoo 'yan. Tutuparin ko ang lahat ng ipinangako ko sa'yo." Nang magpakasal silang dalawa, sinabi niya na talaga dito na babayaran siya nito at talagang gagawin niya talaga ito.

Napatigil naman saglit sa pagtibok ang puso ni Lin Che. Habang nakatayo si Gu Jingze doon at nagsasabing "Tutuparin ko ang lahat ng ipinangako ko sa'yo", palagay niya ay binibigyan siya nito ng nakamamatay na pakiramdam.

Inalis niya ang pagkakatingin dito at kumurap bago ngumiti nang mahina. Kahit gaano pa man ito kabait sa kanya, may iba na itong mahal at hindi magtatagal ay makikipag-divorce na ito sa kanya, bukas o makalawa.