webnovel

Whirlwind Marriage (Tagalog)

Mayaman, makapangyarihan, at gwapo. Si Gu Jingze ay ang "cream of the crop" ng bansa. Ang mga lalaki ay nangangarap na maging katulad niya at ang bawat kababaehan naman ay siya ang pinapangarap na mapangasawa. Perpekto ang kanyang buhay... ngunit... may isang madilim na sekreto sa kanyang pagkatao na walang sino man ang pwedeng makahawak o makalapit man lang sa kanya...lalo na kapag babae. Hanggang sa isang araw, nagising na lang siya sa loob ng isang silid kasama ang isang di-kilalang babae.: si Lin Che. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay kinailangan niya itong pakasalan--bagama't malayong-malayo ang personalidad nilang dalawa, Simpleng babae lamang si Lince na may iisang pangarap sa buhay: ang maging isang sikat na artista. Dahil itinakwil ng pamilya kaya't napilitang maging independent, nag-isip siya ng isang plano para mas mapalapit sa minimithing pangarap. Ngunit, nabigo siya sa kanyang plano at labag sa loob na nagpakasal sa isang walang pusong lalaki na si Gu Jingze. Bukod pa rito, kailangan niya ring hanapin ang kanyang lugar sa isang lipunan na kinabibilangan ng napakaraming inggiterang babae at mga masasamang tao-- lahat ng iyan, habang tinatahak ang kanyang pangarap. Dalawang istranghero sa isang bubong. Sa pagsisimula, nagkasundo silang huwag manghimasok sa kani-kanilang personal na buhay. Pero sa hindi malamang dahilan, laging naroroon si Gu Jingze sa mga panahong kailangan niya ang tulong nito. Lingid din sa kaalaman ni Lin Che, unti-unting nagiging mahirap para sa kanya ang harapin ang bukas nang wala si Gu Jingze. May patutunguhan kaya ang kanilang pagsasama o ang kanilang pag-aasawa ay mananatili lamang sa isang kontrata?

a_FICTION_ate · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
165 Chs

Napunit Na Mga Damit

Lumabas na sina Yu Minmin at Lin Che mula sa venue. Habang naglalakad, nagsalita si Yu Minmin, "Mabuti na lang at hindi gaanong masama ang iyong performance kanina. Tiyak na wala kang magiging problema."

Sumagot si Lin Che, "Talagang gagawin ni Lin Li ang lahat para lang sirain ako."

Ngumiti si Yu MInmin habang nakatingin sa kanya. "Hindi ba't magkapatid kayo?"

Sumagot naman si Lin Che, "Asa ka pa. Eh hindi na nga siguro naaalala ng mga Lin na mayroon silang anak na Lin Che. Matagal mo na akong kilala kaya alam kong alam mo na ang tungkol sa bagay na ito."

Ngumiti muli si Yu Minmin at tiningnan si Lin Che. "Hindi ko talaga minsan maunawaan kayong mga mayayaman. Ang pamilya namin ay simple lang. Sapat na sa amin ang makapagpadala ako ng pera kada buwan sa account ng nanay ko para sa pang-araw-araw nilang gastusin at matustusan ang pag-aaral ng kapatid ko."

"Eh simple lang din naman ang buhay ko ah!"

"Oo na. Pareho tayong napapabilang sa mga taong walang inaasahang backing kaya kailangan nating kumayod para lang mabuhay. Ganoon pa man, mas maganda na ang sitwasyon mo ngayon. Tingnan mo. Inaalagaan kang mabuti ni Gu Jingze at isa pa, maganda na rin ang takbo ng career mo ngayon."

Lin Che: "Oh, tama na. Tanging ang career ko lang talaga ang inaasahan ko ngayon. Kung sa lovelife naman…"

"Bakit, sa palagay ko'y maaasahan din naman si Gu Jingze ah."

Sagot naman ni Lin Che, "Sadyang nagpapaka-responsible lang talaga siya sa akin ngayon."

"Responsible?" Nagtatakang tanong ni Yu Minmin.

"Basta. Masyadong komplikado ang anumang nasa pagitan naming dalawa. Huwag mo ng isipin pa iyan. Isa-isa lang muna. Ano man ang mangyari, kailangan ko pang magtrabaho nang mas maigi para sa aking career."

"Tama ka. Ang career lang talaga ang maaasahan mo ngayon."

"Mas masarap pa rin kapag pera ang nahahawakan mo."

Napangiti na lang si Yu Minmin habang pinagmamasdan ang kwela niyang ekspresyon.

Hindi inaasahan ni Lin Che na sa susunod na araw ay kaagad na kakalat sa internet ang kanyang video na kinuha ng isang netizen na nandoon sa scene.

Sa video na iyon ay makikita kung paano niya binali nang walang pangingimi ang takong ng kanyang sandals at isinuot nito pagkatapos na para bang walang kahit anong nangyari.

Sa ginawa niyang iyon ay naisip ng mga netizen na napaka-professional niya. Maliban pa dito, napaka-charming din ng kanyang mga ipinakitang kilos.

Hindi maiwasan ng kahit sino na isipin kung gaano ba katatag si Lin Che bilang isang babae. Sa ganda ng mukha nito ay wala itong kahit kaunting kaartehan o pagpapanggap, at napaka-pilya pa nga.

Dahil dito, patuloy pang tumaas ang bilang ng fan count ni Lin Che sa kanyang Weibo page.

Ang isa niyang post sa Weibo ay nakahakot na ng libo-libong komento mula sa kanyang mga fans.

Habang nasa bahay ay buong araw lang na nakababad si Lin Che sa kanyang Weibo. Paulit-ulit niyang binabasa ang mga comments na iyon at pakiramdam niya ay napakataas na ng kanyang naabot.

Hindi rin nagtagal ay nai-publish na rin ang official news tungkol sa nangyaring iyon. Nakalagay sa headline na parehong dumalo sa programa sina Lin Che at Gu Jingyu at talaga naman daw na umaapaw ang chemistry nilang dalawa habang nagfi-film. Nakalagay din doon kung paanong iniligtas ni Gu Jingyu si Lin Che at ang pag-aalala raw ni Lin Che na baka atakihin siya ng mga fans nito.

Kung ihahambing sa ibang babaeng artista na dumalo ng araw na iyon, si Lin Che ay may pinakamaraming exposure at mas malawak na parte sa mga balita. Sobrang satisfied naman ang kanyang company at sinabi pa na personal pa siyang pinuri ng director. Sinabi rin ng director na malaki ang kanyang potential sa future.

Nakamasid naman si Gu Jingze kay Lin Che na nakahiga sa sofa habang nakangiti nang mag-isa. Naglakad siya palapit at nagtanong, "Ano'ng nangyari?"

Buong pagmamalaki namang sumagot si Lin Che, "Naniniwala na talaga ako ngayon na may potential akong sumikat. Tingnan mo oh. Umabot na sa ilang milyon ang bilang ng mga fans ko."

"Talaga?" Tiningnan ni Gu Jingze ang news sa screen at ngumiti. Naisip niya na talagang mababaw lang ang kaligayahan nito.

"Mas marami pa rin ang fans ni Gu Jingyu kaysa sa bilang na iyan."

". . ." Itinaas ni Lin Che ang ulo. "Si Gu Jingyu ay isang super A-list celebrity, okay? Baguhan pa lang ako noh."

Pumasok na sa kwarto si Lin Che at naghanda ng matulog. Pero napansin niya na mukhang bagong ayos ang wardrobe sa kanilang kwarto.

Binuksan niya ito, kumuha ng pajama at pumasok sa banyo para mag-shower. Nang matapos na siyang mag-shower, napansin niya na parang may kakaiba sa suot niya.

Nang tumingin siya sa salamin, noon niya lang napansin na sobrang nipis ng pajama na suot niya…

Napasigaw siya palabas. "Gu Jingze, sino ba'ng bumili ng mga pajama na ito? Bakit napaka-weird ng mga 'to?"

Sumagot si Gu Jingze, "Ano naman ang weird diyan?"

"Ano kasi, parang…basta…napaka-weird…"

Sumimangot lang si Gu Jingze. Binuksan nito ang wardrobe at tiningnan ang laman nito bago sumigaw pabalik kay Lin Che, "Sa tingin ko'y bagong bili lang ang mga damit na 'to at ipinadala dito ni Mama."

". . ." Hindi niya mapigilang sumimangot. "Napakalaswa naman ng taste ng mama mo. Bakit naman siya magpapadala dito ng malalaswang damit…"

"Marahil ay gusto na niya talagang magkaroon ng apo sa lalong madaling panahon…" Nakangiting sabi ni Gu Jingze.

". . ." Hiyang-hiya sa sarili na tumingin si Lin Che sa salamin. "Tulungan mo nga akong maghanap ng ibang pajama diyan!"

Tiningnan ni Gu Jingze ang iba pang pajama na nandoon. Lahat ng nandoon ay may kanya-kanyang kaweirduhan. Hindi niya mapigilang maging curious nang kaunti. Hindi niya ma-imagine kung paanong ang mga pajamang ito, na punong-puno ng temptasyon, ay babagay sa katawan ni Lin Che.

PAgkatapos suriin ang lahat ng mga iyon, wala pa rin siyang nakitang normal na pares ng pajama. Mukhang buo na talaga ang plano ng mama niya ngayon na pagsamahin silang dalawa. Tiyak na ito ang dahilan kung bakit ito nagpadala ng ganoong uri ng mga damit.

Nagsalita si Gu Jingze,"Walang matinong damit dito."

"Kung ganoon, ano na'ng gagawin ko…" Ilang sandalling nag-isip si Lin Che bago nagpatuloy, "Pahiram nalang muna ako ng damit mo para may suotin ako."

"Damit ko?" Sabi ni Gu Jingze. "Tiisin mo nalang muna at suotin mo nalang ang mga ito. Isa pa, anong bahagi ba ng katawan mo ang di ko pa nakikita?"

"Ayoko. Huwag kang mag-alala. Hindi ko na isasauli pa sa'yo ang damit mo pagkatapos ko itong suotin. Marami ka namang damit diyan na hindi pa nasusuot diba. Wala lang sa'yo iyan kung manghingi ako ng isa."

Maya-maya ay kumatok si Gu Jingze sa pintuan ng banyo. Maingat na binuksan ni Lin Che ang pinto at nag-iwan lamang ng maliit na space. Mula sa loob ay mapapansin ang ilang patak ng mga tubig na tumutulo mula sa kanyang pag-shower kanina at maaamoy din ang bango ng ginamit niyang body wash. Habang nakatingin sa mukha ni Lin che na kasalukuyang namumula, nakaramdam naman si Gu Jingze ng kakaibang init na lumukob sa kanyang katawan.

Hindi naman iyon napansin ni Lin Che. Hinablot niya na agad ang damit at mabilis na sinarhan ang pinto.

Mabilis siyang natapos na magbihis. Habang komportableng suot ang damit ni Gu Jingze ay masaya siyang nagsalita, "Hmmmp. Mas tuso pa rin ako sa kanya."

Nang marinig siya ni Gu Jingze, napalingon ito sa kanya. Nakita niya si Lin Che na suot ang kanyang pajama. Malaki at maluwag ang mga ito kaya mas lalong nagmukhang maliit ang katawan nito. Mahaba rin ang mga manggas ng Tshirt kaya naka-roll ito pataas. Ang mga braso nito ay parang mga ugat ng isang lotus. Ang sa may bandang leeg naman ay malapad din kaya kapansin-pansin ang maputi nitong collarbone at maaaninag ang cleavage ng dibdib nito mula doon.

Kaagad na iniiwas ni Gu Jingze ang tingin. Nagpapaunahan sa pagtaas-baba ang kanyang Adam's apple.

Siyempre, kapag suot ng isang babae ang pajama o damit ng lalaki ay talagang iisipin ninuman na may kakaibang relasyon silang dalawa.

Napakadali lang sa kahit sino na mag-isip ng maraming kakaibang bagay.

Muling humarap si Gu Jingze. "Lin Che, bumalik ka sa banyo at magpalit ka ng sarili mong damit."

Hindi makapaniwalang napalingon si Lin Che. "Bakit?"

"Magpapabili nalang ako ng damit mo." Tumayo si Gu Jingze pagkatapos nitong magsalita. Hindi na ito muling tumingin pa sa katawan ni Lin Che habang binubuksan ang pinto.

Napanguso naman si Lin Che. "Hindi ko naman 'to sisirain ah. Pero sige na nga. Since hindi mo talaga gusto, ibabalik ko nalang sa'yo itong mga damit mo."

Sabi pa ni Lin Che, "Pero kung mag-uutos ka na bumili ng damit ko, hindi ba ito malalaman ng mama mo at baka maghinala siya na may mali sa pag-aasawa natin?"

Ano man ang mangyari, mag-asawa pa rin silang dalawa. At ang pagsusuot ng manipis na damit ay hindi dapat big deal para sa mga mag-asawa.

Napatingin si Gu Jingze kay Lin Che at naglakad palapit. Mahina ang boses na nagsalita, "May alam akong paraan para mawala ang mga hinala nila."

Nagtatakang tiningnan ni Lin Che si Gu Jingze. Ngunit ngumiti lang ito sa kanya. Kinuha nito ang mga malalaswang damit na para sana kay Lin Che at sa kaunting lakas lamang ni ginamit ni Gu Jingze ay napunit na kaagad ang mga ito.

Hindi naman makapaniwala si Lin Che sa nakita.

Binuksan ni Gu Jingze ang pinto ng kwarto at sinabi, "Ano'ng klase ng mga damit ba 'to? Sa isang hawak lang, napunit kaagad. Tulungan niyo ang Madam ninyo na palitan ang mga iyan ng mga damit na may mas magandang tela."

Itinapon nito sa gilid ang napunit na pajama. Hindi naman maiwasang magtinginan sa bawat isa ang mga maids habang tinitingnan ang mga damit.

Hindi ba kinaya ng mga damit na 'yon ang kanilang sobrang excitement?

Sa likod nila ay sobrang pula naman ng mukha ni Lin Che.

Buwisit na Gu Jingzeng 'to…

Mabilis namang nakahanap ng normal na mga damit ang mga katulong. Nanunukso ang tingin ng mga ito sa kanilang dalawa. Base sa sulyap ng mga ito ay para bang sinasabing, 'kayong dalawa talaga, masiyado naman kayong excited…'