webnovel

Whirlwind Marriage (Tagalog)

Mayaman, makapangyarihan, at gwapo. Si Gu Jingze ay ang "cream of the crop" ng bansa. Ang mga lalaki ay nangangarap na maging katulad niya at ang bawat kababaehan naman ay siya ang pinapangarap na mapangasawa. Perpekto ang kanyang buhay... ngunit... may isang madilim na sekreto sa kanyang pagkatao na walang sino man ang pwedeng makahawak o makalapit man lang sa kanya...lalo na kapag babae. Hanggang sa isang araw, nagising na lang siya sa loob ng isang silid kasama ang isang di-kilalang babae.: si Lin Che. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay kinailangan niya itong pakasalan--bagama't malayong-malayo ang personalidad nilang dalawa, Simpleng babae lamang si Lince na may iisang pangarap sa buhay: ang maging isang sikat na artista. Dahil itinakwil ng pamilya kaya't napilitang maging independent, nag-isip siya ng isang plano para mas mapalapit sa minimithing pangarap. Ngunit, nabigo siya sa kanyang plano at labag sa loob na nagpakasal sa isang walang pusong lalaki na si Gu Jingze. Bukod pa rito, kailangan niya ring hanapin ang kanyang lugar sa isang lipunan na kinabibilangan ng napakaraming inggiterang babae at mga masasamang tao-- lahat ng iyan, habang tinatahak ang kanyang pangarap. Dalawang istranghero sa isang bubong. Sa pagsisimula, nagkasundo silang huwag manghimasok sa kani-kanilang personal na buhay. Pero sa hindi malamang dahilan, laging naroroon si Gu Jingze sa mga panahong kailangan niya ang tulong nito. Lingid din sa kaalaman ni Lin Che, unti-unting nagiging mahirap para sa kanya ang harapin ang bukas nang wala si Gu Jingze. May patutunguhan kaya ang kanilang pagsasama o ang kanilang pag-aasawa ay mananatili lamang sa isang kontrata?

a_FICTION_ate · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
165 Chs

Malalim Na Ang Epektong Dala Nito Sa Kanya

Napakaganda at napakahimbing ng tulog ni Gu Jingze nang gabing iyon.

Mataas na ang araw nang siya ay magising.

Pagkagising niya ay napansin niya na nakaharap sa kanya ang mga paa ni Lin Che. Ang dalawa nitong binti ay nakapatong sa katawan niya. Dahil sa likot nitong matulog ay nakabaliktad na ang posisyon nito kumpara sa nagdaang gabi.

Ganoon pa man, hindi niya naramdaman ang kalikutan nito buong magdamag.

Masiyadong pagod si Lin Che kahapon kaya hanggang ngayon ay medyo naaalimpungatan pa ito.

"Anong… Anong oras na ba…" inaantok pa na kinuskos ni Lin Che ang paa. Ang isa niyang paa ay hindi sinasadyang tumama sa mukha ni Gu Jingze.

Nagdilim din naman agad ang mukha ni Gu Jingze at bigla itong napaupo. Hindi niya malaman ang sasabihin nang mapasigaw kay Lin Che, "Lin Che, ano ba'ng ginagawa mo?"

Napakurap-kurap naman si Lin Che habang tinitingnan si Gu Jingze na nakaupo sa kama. Nakakatawa ang hitsura nito na para bang nakalunok ng langaw.

"Ah, sorry…" kinamot niya ang ulo at inabot ang cellphone mula sa mesa. Alas sais pa lang ng umaga.

Muli siyang umunat sa pagkakahiga, "Diyos ko naman, ang aga aga pa. Bakit mo ba ako ginising?"

"May kasabihan na 'the early bird catches the worm'. At isa pa, mas magaan sa katawan kapag maaga kang nagigising; maganda din iyan para sa pag-iisip," bumaba na si Gu Jingze mula sa kama at magaan ang pakiramdam na pumasok sa banyo.

Sa isang sulyap lang ni Lin Che ay naisip niya kaagad na kapuri-puri talaga ang lalaking ito.

Gaano man ka-late itong natutulog sa gabi, talagang gigising pa rin ito sa eksaktong alas sais ng umaga. Kaagad itong bumabangon at uuwi ng gabi na para ipagpatuloy ang trabaho hanggang anong oras na at saka lamang magpapahinga.

Naisip ni Lin Che na tiyak na hindi nito nakukumpleto ang inaasahang pitong oras na tulog kada araw. Siguro ay nasa anim na oras lang ang itinutulog nito.

Siya naman, kapag nasa filming sila ay karaniwan talagang hindi siya natutulog nang ilang araw. Pero, kapag nakakahanap naman siya ng pagkakataon ay talagang natutulog siya na para bang isang patay na kahoy.

Marahil ay napakahirap ng sitwasyon ni Gu Jingze.

Habang nakahiga sa kama ay hindi niya maalala kung ano ang ginagawa nila kagabi at dahilan kung bakit magkasama silang natulog sa kama. At dahil wala namang ibang nangyari ay nakabalik din siya kaagad sa pagkahimbing.

Nang lumabas si Gu Jingze sa banyo ay napansin niya na nakatulog uli si Lin Che.

Napailing nalang siya habang pinagmamasdan ang posisyon nito. KInuha niya ang kumot at maingat na kinumutan ito bago lumabas ng kwarto.

Sa hapon naman ay nanonood lang si Lin Che sa mga katulong habang naglilinis ang mga ito ng kotse. Naisip niya na mukhang masaya kung sasali din siya sa mga ito.

Nakita ng katulong si Lin Che na papalapit kaya mabilis nitong pinatay ang tubig sa takot na baka mabasa ito.

Sumimangot naman si Lin Che dahil sa ginawa ng katulong. "Okay lang iyan. Gusto kong tumulong sa inyo na magpunas ng sasakyan. Noong nasa amin pa ako, ginagawa din namin ito palagi ng yaya ko. Magaling ako sa ganitong trabaho."

"Madam, hindi mo na po kailangang gawin iyan…"

"Okay lang talaga. Ako ang madam dito, kaya making ka sa akin."

Dahil sa sinabi niya ay wala ng nagawa pa ang katulong.

Nang dumating si Gu Jingze ay isinabit nito ang mga suit at nagtanong, "Nasaan ang Madam?"

Nag-aalangang sumagot ang katulong habang nakatingin sa may bandang bakuran. "Ang Madam po…naglilinis po ng sasakyan."

". . ."

Dumiretso kaagad si Gu Jingze sa bakuran at nakita si Lin Che na buong sipag na nagpupunas ng likod ng kotse. Napaka-propesyonal ng kilos nito.

Napailing nalang ng ulo si Gu Jingze habang pinagmamasdan ito na masayang nagtatrabaho. Ang kalahati ng suot nitong palda ay basa na at may iilang butil ng pawis ang pumapatak mula sa mukha nito. Pero, hindi ito natatakot na magmukhang lusyang o umitim. Habang nakabilad sa init ng araw ay nagmistula itong maliwanag na bituin. Ang sinumang nakatingin dito'y dagling gagaan ang pakiramdam.

Mukhang nahawaan kaagad siya nito dahil biglang nawala ang pagod na nararamdaman kanina.

Napansin ng katulong na hindi naman mukhang galit si Gu Jingze. Bagkus ay nakangiti pa nga ito. Mukhang maganda ang mood nito ngayon. Mula sa gilid ay nagsalita ang katulong, "Kahit kailan po talaga ay napakabait sa amin ng Madam. Tinutulungan pa nga niya sa mga gawain dito. Napakabuting tao niya ho talaga."

Nilingon lang ito ni Gu Jingze at ngumit bago naglakad palapit kay Lin Che.

"Ano'ng ginagawa mo?" Curious na tanong niya.

Tumingin naman sa kanya si Lin Che. "Nagtatrabaho. Dito ako magaling."

Ngumiti si Gu Jingze. "Paano ka naman natutong maglinis ng sasakyan?"

Lin Che: "May sasakyan din ang mga Lin, okay? Noong nandoon pa ako, ako ang naglilinis ng mga iyon. Marunong din akong mag-wax."

"Ganyan ka kagaling?"

"Siyempre naman. Marami akong alam, noh!" Proud na kinuskos ni Lin Che ang ilong gamit ang hintuturo na nag-iwan naman ng ilang bula sa ibabaw ng kanyang ilong.

Napatawa si Gu Jingze at inabot ni Gu Jingze ang kamay upang punasan iyon.

MUling kinuskos ni Lin Che ang ilong at tumingin kay Gu Jingze, ngumiti nang pagkaganda.

Agad namang bumilis ang tibok ng puso ni Gu Jingze.

Napatingin na lang siya sa mukha ni Lin Che. Napakasarap sa pakiramdam ang idinulot nito sa kanya.

"Ah, iyan ang maganda sa mga branded na sasakyan. Kapag natapos na akong linisan 'to, para na naman itong bagong bili. Napakaganda." Nakatingin si Lin Che sa sasakyang Porsche na naghahalagang million dollars.

Narealize naman ni Gu Jingze na wala pa pala itong sariling sasakyan. Tinanong niya ito, "Marunong ka bang magmaneho?"

"Ako? Hindi…"

Gu Jingze: "Napaka-bobo mo talaga. Ba't pa ba ako nagtanong."

"Hoy, masiyado akong busy para buhayin ang sarili ko. Wala akong panahon na mag-aral magdrive, okay?"

Ngumiti si Gu Jingze at naisip na hindi bagay dito ang magdrive ng kotseng ito. Mas bagay itong magmaneho ng mas maliit na kotse.

"Kailangan mong magkaroon ng sarili mong sasakyan at magsimulang mag-aral. Mas magiging convenient ito para sa iyo."

Lin Che: "Oo! Bibili ako kapag nakapag-ipon na ako."

Medyo kumikita na siya sa ngayon. Pero kahit makapag-ipon man siya, mumurahing sasakyan lang ang kaya niyang bilhin.

Sumagot si Gu Jingze, "Okay, fine. Habangbuhay ang hihintayin natin bago ka pa man makabili ng sarili mong sasakyan. Halika. Bibili tayo ng kotse mo."

"huh? Ngayon na?"

"Oo. Saktong-sakto lang kasi wala akong ibang gagawin ngayon. Bilisan mo na diyan."

"Naku, sobra-sobra naman yata iyan. Pera mo na naman ang gagamitin ko."

"So, ano, ayaw mong bumili?"

Agad din namang nagliwanag ang mga mata ni Lin Che. Siyempre, hindi niya pwedeng palampasin ang pagkakataong ito. Tumawa siya sabay sabing, "Hindi naman sa ganoon. Gusto ko ngang bumili eh. Bibili tayo ngayon."

Marahang sumagot si Gu Jingze, "Pwede ba, magpigil ka naman ng sarili mo?"

"Nope. Kailangan kong isipin ang magiging buhay ko pag mag-divorce na tayo. Bagama't ginagamit ko ang pera mo sa ngayon, pero darating pa rin ang panahon na ako na muli ang bubuhay sa sarili ko."

Napasimangot si Gu Jingze. Para bang biglang hindi niya nagustuhan na marinig ang salitang 'divorce' mula dito.

"Mukhang pera."

"Akala mo naman ngayon lang ako naging ganito kung mag-isip. Hindi ka pa rin ba nasasanay?"

Dinala ni Gu Jingze si Lin Che sa 4s shop.

Nakita ng may-ari ng shop si Gu Jingze kaya nagmamadali itong lumabas upang personal siyang batiin. Magalang nitong tiningnan ang dalawang dumating, "Mr. Gu, bibili ka po ba ng sasakyan para sa magandang dilag na ito?"

"Oo. Asawa ko siya", nilingon niya ito at ipinakilala si Lin Che.

Nabigla naman ang may-ari at mabilis na sumagot, "Kaya pala pamilyar sa'kin si Madam."

Siyempre naman, medyo sumisikat na siya ngayon kaya magiging pamilyar talaga siya dito.

Tinanong sila ng may-ari, "Anong sasakyan po ba ang gusto ni Mrs. Gu?"

Walang ideya si Lin Che tungkol sa bagay na ito kaya nagtatanong ang mga matang nilingon niya si Gu Jingze.