Habang lumalalim ang gabi ay lalong nag kakasayahan ang lahat sa kaarawan ni Paula. Tuloy ang kantahan nila Anna habang tuloy naman ang kwentuhan ni Paulo at Athena. Naging napaka saya ng gabing iyon para sa lahat. Mas naging magaan na ang loob ni Anna na mas ipakita ang mga kakayahan niya na noon ay takot siyang ipakita dahil ayaw niyang mahusgahan siya. Pero ang presensya ng grupo ni Paulo at pamilya nito ay para bang nagiging isang daan para sa kanya na mas makilala at mas malaman pa ang kanyang kakayahan.
Sa kabilang banda naman, ang gabing ito ay naging isang paraan ni Paulo para maghilom at tuluyan ng mag move on sa mga bagay na naging balakid sa kanya para tuluyang maibigay ang kasayahan na deserve niya at ng mga tao sa paligid niya. Ang naging pag uusap nila ni Athena ay nagpaluwag sa kanyang damdamin. At naging paraan din ito para masabi sa sarili na masaya na siya ngayon sa estado ng buhay niya. Sa lahat ng tinatamasa niya sa buhay kasama ang kanyang grupo, ang kanyang pamilya, at si Anna.
"Pau, uuna na ako ah," nakangiting paalam sa kanya ng matalik na kaibigan.
"Hatid na kita?" wika naman ni Paulo.
"Naku, hindi na. Para ang layo naman ng bahay ko," nakangiting tanggi nito sa kanyang offer.
"And may nga bisita pa kayo. Dito ka na lang. Naagaw ko na ang buong atensyon mo sa kanila," wika pa ng dalaga.
Isang ngiti lang ang isinukli ni Paulo sa kanya.
"Pero seryoso Pau, masaya ako para sayo. Masaya akong makita ka na kasama sila. Lalung-lalo na si Anna. Lahat ng ito deserve mo," nakangiting sabi ni Athena at muling niyakap ng mahigpit ang binata.
Pumasok sa loob si Athena para tuluyan ng mag paalam sa lahat.
"Ah. Tita, uuwi na po ako," paalam ni Athena sa ginang habang masayang nagkukumpol sa mga nag kakantahan.
"Ganun ba? Hindi ka na kumain. Sandali," wika ng ginang at nagtungo sa kusina.
"Paula, happy birthday ah. Wala ako regalo," nahihiyang wika nito.
"Okay lang Ate. Salamat sa pagbati," nakangiting sagot naman ni Paula.
"Oh Hija, ito oh. Iuwi mo na lang," wika ng ginang sabay abot sa isang container na may lamang pagkain.
"Ay! Nag abala pa po kayo. Salamat po!" sambit naman ng dalaga.
"Naku, basta iuwi mo yan," pilit ng ginang.
"Salamat po," pasasalamat niya.
Bumaling si Athena sa iba pang bisita upang magpaalam na.
"Mauuna na ako sa inyo. Nice meeting you all," paalam niya sa mga ito.
"Oh, Sige. Nice to meet you too," nakangiting wika ni Lester dito.
"Lagi ko kayong panonoorin. Lalu na ito," wika ng dalaga sabay kurot sa pisngi ni Paulo na nagpatawa sa lahat habang nakangiti lang si Anna sa nakita.
"Aray!" nasasaktang wika ni Paulo.
"Salamat sa pag-intindi sa kanya ah. Ganyan talaga yan. Si sungit kasi yan!" nakatawang wika ni Athena.
Bumaling si Athena sa gawi ni Anna at muling nagsalita.
"Naku, Anna siguradong ang sakit ng ulo mo sa mga ito," nakangiting baling kay Anna.
Ngiti lamang ang naging tugon ni Anna sa sinabi nito.
"Salamat sa pag aalaga sa kanilang lahat. Lalo na kay Pau," wika niya.
"Naku! Yun naman talaga ang trabaho ko," sagot naman ni Anna.
"Sige! Mauuna na ako. Sige po Tita. Bye, guys!" paalam at kaway nya sa mga ito.
"Pau, una na ako," baling ni Athena sa binata.
"Tara. Hatid kita sa gate," sagot naman ni Paulo.
Sabay lumakad ang dalawa palabas ng bahay. Makalipas ang ilang sandali ay bumalik na sa loob ng bahay si Paulo upang samahan ang mga ito sa kanilang kantahan.
Makalipas ang ilan pang sandali ay nakaramdam na ng pagod ang mga bisita.
"Guys, tara na! Maghahating gabi na. Si Kuya Joseph pa," wika ni Joshua sa mga kasama.
"Oo nga. Inaantok na rin ako. And inaantok na rin sila Tita," segunda ni Lester.
"Naku, kung gusto nyo pa, sige lang," wika naman ng ginang.
"Tita baka ipa barangay na kayo," nakatawang wika ni Jeremiah.
"Oh, pano ba kayo uuwi?" tanong ng ginang.
"Sa dorm po kaming apat tutuloy para makapagpahinga agad," sagot ni Joshua.
"Sasabay ka ba sa amin Anna?" tanong ng driver na si Joseph.
"Kuya hindi na po. Uuwi po ako San Pedro eh," sagot ni Anna.
"Paano ka uuwi," nakakunot ang noong tanong ni Kenji sa kanya.
"Mag commute na lang ako. May bus pa naman," sagot niya rito.
"Naku hindi pwedeng umuwi ka mag-isa ngayon," nag-aalalang wika ng ina ni Paulo.
"Pwede ba natin siyang idaan muna sa kanila, Kuya?" baling ni Joshua sa driver.
"Hindi na. Out of the way eh. Masyadong malayo," pagtanggi ni Anna.
"Lalu namang hindi kami papayag na mag byahe ka mag isa," giit ni Lester.
"Oo nga. Delikado," sabat ni Jeremiah.
"Dito ka na lang muna Hija. Ihatid ka na lang ni Pau bukas. Hindi ako papayag na magbiyahe ka mag-isa," pinal na sambit ng ginang.
"Oo nga Ate. Delikado na sa labas," wika ni Paula.
"Sige na guys. Lumakad na kayo. Ako na maghahatid kay Anna," wika ni Paulo.
"Sige. Uuwi pa itong si Kuya Joseph," wika naman ni Joshua.
"Tita, uuna na po kami," paalam ni Lester.
"Happy Birthday ulit Paula," wika ni Kenji
"Ay, salamat! Salamat sa pagpunta nyo," sagot ni Paula.
"Bye mga Kuya! Sa susunod ulit," paalam ni Phoebe sa kanila.
"Mag-ingat kayo ah. Magpahinga kayong maige," paalala ng ina ni Paulo.
"Salamat Tita," sambit ni Jeremiah.
"Pau, una na kami," paalam muli ni Joshua.
"Sige, ingat kayo," wika naman nito sa mga kagrupo.
"Bye Anna. Huwag ka uuwi mag-isa ah. Pau, hatid mo siya ah," habilin pa ni Lester habang nagsisi sakayan na sila sa sasakyan.
"Sige. Sige. Ako na bahala," wika ni Paulo.
"Mag-ingat kayo ah. Mag message kayo pagdating ng dorm," paalam at paalala ng dalaga sa mga ito.
"Kuya, ingat po ah," baling ni Anna sa driver.
"Yes, Ma'am," wika ng driver sabay busina at usad ng sasakyan.
Tinanaw nila ang unti-unting pag usad ng sasakyan ng grupo. Habang si Anna naman ay kinuha ang kanyang cellphone upang tawagan ang kanyang Kuya.
Anna: Kuya, bukas na siguro ng maaga ako uuwi. Madaling araw na eh. Dito muna ako makikitulog kanila Tita Jade.
Kuya Anton: Sige. Bukas na nga at baka wala ka pang masakyan. Pero may susi ka diba?
Anna: Oo, meron naman.
Kuya Anton: Maaga kasi akong pupunta kanila Grace. May usapan kasi kami eh. Baka kasi wala na ako pag dumating ka.
Anna: Sige Kuya. Message na lang kita.
Kuya Anton: Okay! Mag-ingat ka ah.
Anna: Oo na! Bye na.
Kuya Anton: Sige Bye.
Pagkababa ni Anna ng telepono ay nagulat siya na nasa likod pala si Paulo at nag hihintay sa kanya.
"Ay! Kalabaw ka," nagulat na usal ni Anna.
"Oh," tanging nabanggit ni Paulo.
"Bakit ka ba nandiyan," tanong ni Anna.
"Hinihintay ka," sagot naman ng binata.
"Pasok na tayo sa loob," pag aya sa kanya ni Paulo at binigyan siya ng daan para mauna.
Sabay silang pumasok sa loob ng bahay para magpahinga na. Sa kwarto ni Pauline nagpahinga si Anna kasama ang dalaga. Napakaraming napag usapan ng dalawa bago sila dalawin ng antok.