webnovel

When a heart skips a beat

When there's love there's pain. Join krystal and thea as their heart skips a beat.

MissPaui · LGBT+
Sin suficientes valoraciones
52 Chs

Chapter 27

Krystal POV

Napapangiti ako everytime na maalala ko yung sinabi sakin ni thea.

Ewan ko ba

Ano naman kaya nakain ng isang yun at ganun na lang kung humirit.

Saka ang sama ng tingin kay kyle gaya ngayon.

Kung nakakamatay lang ang tingin malamang kanina pa nakabulagta yang si kyle.

Bat ba kasi ang sama ng tingin niya dun?

Baka nagseselos?

Napatigil naman ako sa ginagawa ko. Nagseselos? Si thea? Bakit naman? Oh wait! Does she like kyle?

Napatingin ako sa table niya. She's busy cutting some ingredients habang nandadabog.

Bahagya akong napangiti. Cute. Nagmumukha tuloy siyang spoiled na bata sa paningin ko haha

Baka nga may gusto talaga siya kay kyle at ganyan na lang kung mandabog pero di ba dapat sakin siya nakatingin ng masama at hindi kay kyle?

Wait? Bakit biglang nakaramdam ako ng kirot?

Humugot ako ng malalim na hininga saka unti unti itong ibinuga.

Binalewala ko na lang yung iniisip ko pati yung kirot na saglit kung naramdaman.

Nang pinagpatuloy ko na yung ginagawa ko ay narinig ko naman ang marahan na sigaw ni thea "ahh!!" Automatikong lumingon ako sa table niya at ngayon hawak na niya yung daliri niya na dumudugo?! "Aray!"

Agad akong lumapit sa table niya. Bago pa man kunin ni ally yung kamay niya na dumudugo ay naunahan ko na siya.

Napansin ko naman ang saglit na pagtapon niya ng tingin sakin. Di na ako nag-abalang lingonin siya at nagfocus na lang sa nagdurugong kamay ni thea

"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ko

"Obviously I cut my finger" she said in a duh tone

Napatingin ako sa kanya. Agad naman niya iniwas yung tingin niya sakin

"Di ka kasi nag-iingat" medyo galit ko na sabi sa kanya

Bago pa man siya makapagsalita ay hinatak ko na siya papuntang sink. Pinadaluyan ko yun ng malamig na tubig saka hinugasan ng sabon.

Pinunasan ko yun pagkatapos at saka inutusan siyang bigyan ng pressure yung sugat niya at itaas yun lagpas dibdib niya ng sa ganun matigil yung pagdaloy ng dugo habang ako ay agad nagtungo sa first aid kit na andun sa gilid ng kitchen.

Naghanap ako ng cream para sa sugat niya. Agad din akong kumuha ng band aid

Nang makabalik sa kanya ay marahan kong pinahidan ng cream yung daliri niya. Medyo malaki din yung sugat.

Nararamdaman kong titig na titig siya sakin ngayon pero di ko siya binigyan ng pansin.

Nilagyan ko na ng band aid yung daliri niya

"Ayan magpasugat ka ulit" sarkastikong sabi ko

Nakita ko naman na inirapan niya ako habang nakangiting iniiling iling ang kanyang ulo

"Thank you" she simply said while showing me her hand na may band aid.

Tinignan ko lang yung kamay niya saka nilipat ang tingin ko sa kanya. Napangiti ako

"Sana all concern" si ally

"Ano sinasabi mo diyan?" tanong ko sa kanya ng makabalik ako galing sink para maghugas ng kamay.

Bumalik na din ako sa table ko

"Haha wag mo kong pansinin kinikilig lang ako" sambit niya habang naiihi sa kilig yung mukha

Kinikilig? Kanino naman siya kinikilig? Tsaka anong konek nun sa sinabi niya? Siraulo talaga to.

I just shook my head.

Pinagpatuloy ko na ulit yung ginagawa ko.

Wala sa sarili kong nilingon si thea na balik na din ulit sa ginagawa niya

Pero ang walang hiyang ally agaw eksena.

Imbis kasi na si thea ang tinitingnan ko ngayon mukha niya ang nakikita ko. Hinarangan ba naman ang maganda kong view.

Nang-aasar ba to? Grabe kung makangiti eh. Pektusan ko kaya to ng sumimangot? Nakakainis lang kasi yung ngiti niya.

"Ano nginingiti-ngiti mo diyan?"

"Sabi ko naman sayo diba kinikilig ako" napakunot na ako ng aking noo

"Alam mo nung isang araw ka pa kinikilig eh...sino ba yan, ha?" May hindi sinasabi to eh

"Secreeeeet! Mamatay ka sa inggit! Hahahaha"

Inirapan ko na lang siya saka binaling yung atensyon ko sa ginagawa ko.

Napatigil ulit ako. Ngayon ko lang nanotice ang grabeng pagkabog ng puso ko. Ang bilis. I subconsciously put my hand right to my chest. Bakit grabe yung kalabog nito?

Napakunot ako ng noo. Napagawi ulit ako sa table ni thea

Dugdug....dugdug...

——

Di ko alam kung bakit ganun yung naramdaman ko. Naguguluhan ako.

Ano yun?

Ugh! Nakakainis! Ano ba tong nangyayari sakin.

"Oyy! Okay ka lang?" Ally clapped her hands in front of me para bumalik na din ako sa wisyo.

Napapatulala ako sa mga iniisip ko eh.

"Kanina ka pa tulaley diyan...blema mo?" Iniling ko na lang ang aking ulo

"Wala. Wag mo kong pansinin" mataray kong sabi sa kanya

"Sus...ano nga kasi" pilit niya

I heaved a sigh

"Ang weird lang kasi ng nafefeel ko lately" wala sa sariling sabi ko

"Anong klaseng weird? Paki elaborate naman ng magets ko" ally demanded

"You know that feeling when you see someone and then everything around you suddenly gets blurred?"

Katahimikan

"when you see that person smile it also makes you smile..."

Di pa rin siya sumasagot kaya napatingin na ako sa kanya. She looked at me with an expression saying 'go on, continue'

Huminga ulit ako ng malalim "Kompleto na yung araw mo pag nakikita mo siya. Yung gusto mo siya laging kasama. You want that person to be safe all the time. Everytime she's around you feel butterflies in your stomach. She makes you feel nervous but in a good way kind of nervous" I smiled "You want to take care of her. You want her all by yourself. You want her to b—.."

"She?! Her?!" di ko na natuloy yung sasabihin ko sana kasi pinutol na ni ally

I looked at her feeling lost.

"You do realize you used she and her instead of someone and person, don't you?" She asked me

"What?" My eyebrows are now connected

"Yung someone na tinutukoy mo? Yung person na sinasabi mo..." I waited for her to continue "It's a she! It's a her! That someone is a girl!" She exclaimed

"How did you know?" di ko pa rin alam bat niya nasabi yun.. di ko naman sinabi sa kanya na babae yung tinutukoy ko diba?

"Ikaw sabi mo" tinuro ko yung sarili ko "ako?"

"Yes, beshy" sabi niya

"Talaga?"

"Oo nga! Nadulas yang dila mo! Sabi mo 'everytime she's around you feel butterflies in your stomach. You want to take care of her. You want her all by yourself' yun sabi mo baklang to" she imitated my voice while emphasizing the she and her "now, tell me whose that girl?" Taas baba yung kilay niyang tanong

Ang tanga ko talaga bat ba kasi nadulas pa ako. Tama nga sabi nila na mahuhuli mo talaga ang isda sa baba niya.

Napatingin ako kay ally. Should I tell her? Should I tell her that I'm having this weird feelings with thea. That she's the reason why I'm being so confused right now.

"So?" Ally is still waiting for me to tell her whose the girl.

Bahala na. Sasabihin ko kay ally kesa naman na di ko sabihin sa kanya baka mabaliw lang ako kakaisip kung ano ba talaga tong nararamdaman ko. For sure matutulungan niya ako.

"Thea" tipid kong sabi

"Ha? Asan si ganda?" tanong niya habang palinga linga pa sa paligid. Hinahanap kung asan si thea

Di niya nagets yung sagot ko sa tanong niya kaya inulit ko

"Thea..."

"Anong thea? Eh wala naman si thea" may pa gesture pa siya na walang thea sa paligid gamit kamay niya "hayss thea ka ng thea diyan sagutin mo na lang kasi tanong ko" I heard her gasped "wait..." she gasped again "Oh my God!" this time napatakip na siya ng kanyang bunganga

"What?"

She removed her hands over her mouth "don't tell me yung someone na tinutukoy mo na she ay si.... thea?!" napasigaw siya ng sabihin ang pangalan ni thea

Ang ingay talaga ng babaeng to kahit kailan

"Pwede ba wag ka maingay" suway ko sa kanya

"So totoo nga?! Si thea yung tinutukoy mo?" nanlalaki na yung mga mata niya. Parang di makapaniwala na ewan

"Oo! Siya nga!" Diin kong sabi "now shhh! Wag ka maingay" suway ko ulit sa kanya

Yung shocked face niya ay unti unting napalitan ng napakalaking ngiti.

"Oh. My. God!" Ayan na naman siya ang ingay talaga "thea will be happy to know this" she mumbled kaya di ko tuloy naintindihan except sa name ni thea na binanggit niya

"What? Ano sabi mo?" Agad siyang napatingin sakin saka iniling yung ulo

"Wala" sabi niya na parang kinikilig "so ano plano mo?"

I sighed. "I don't know. Di ko pa alam" totoo naman kasi naguguluhan talaga ako. Di ko alam kung anong gagawin ko

"Ally I'm confused"