webnovel

When a heart skips a beat

When there's love there's pain. Join krystal and thea as their heart skips a beat.

MissPaui · LGBT+
Not enough ratings
52 Chs

Chapter 28

Ally's POV

Kawawa naman mga kaibigan ko.

Parehong naguguluhan sa feelings nila for each other.

Ang di nila alam eh pareho sila ng problema. Problema nila ang isa't isa. Hahahaha

Si thea problema niya kung pano aminin kay krystal ang feelings niya while krystal pinoproblema niya kung ano ba talaga yung feelings na nafefeel niya kay thea.

O diba? Ang saya saya ng love story nila.

Ang saya saya ko din kasi siyempre alam ko yung nararamdaman nila. Siyempre isa kasi akong magiting na kaibigan. At bilang isang magiting na kaibigan eh pareho silang nagsasabi sakin ng problema nila sa isa't isa.

Naku for sure matutuwa si thea pag nalaman niya na may feelings din si krystal sa kanya although naguguluhan eh dun pa rin naman ang punta nun hahaha

"But I don't swing that way ly" nakikipagdebatehan ako ngayon kay krystal dito sa clinic

She won't give consideration kasi sa possibilities na she's into girls. I mean duh! Girl andiyan na nga yung possibilities oh. Nangyayari na sayo. Bakit di mo pa tanggapin na ganyan ka. Hayss

"I know but that's before. Iba na ngayon krys especially na may feelings ka na din for thea"

"I did not say that" agad niyang kontra

May amnesia ata to eh. Nakalimutan niya ba yung kinonfess niya sakin yesterday?

May pa 'Everytime she's around you feel butterflies in your stomach. You want to take care of her. You want her all by yourself' tapus sasabihin niya sakin ngayon na wala siyang feelings para kay thea na hindi niya sinabi yun? Aba'y sino niloloko niya?

Napabuntong hininga na lang ako "sige ideny mo lang. Papayagan kita ngayon pero sinasabi ko talaga sayo di makakatulong yang pagdedeny mo sa gusto mong malaman"

"Kasi naman eh. Straight ako alam mo yan"

Napasapo ako ng aking ulo "Push mo pa yan te makakatikim ka talaga sakin"

"Eh bat ba kasi pinipilit mo sabihin sakin na bakla ako. Eh di nga ako ganun" hay masasabunutan ko talaga to. Ang tigas ng ulo

"Hoy babae! Di ko pinipilit sabihin sayo na bakla ka. Ang akin lang andiyan na yung proof na di ka na straight!" pinapainit ng babaeng to ulo ko "lawakan mo nga pag-iisip mo" dagdag ko pa

Nasa ganun kaming conversation ng biglang sumulpot si nurse cassie.

"Oh bat kayo nagsisigawan" takang tanong niya "may problema ba?"

"Nurse cassie, eto kasing si krystal pinipilit niya sabihin sakin na straight siya eh may prweba na nga na magpapatunay na di na siya ganun"

"Ally!" sinamaan ako ng tingin ni krystal "nurse cassie wag ka makinig sa kanya"

"Wait, what do you mean?" Si nurse cassie

"Ganito kasi yan nurse cassie..." biglang tumayo si krystal at agad nagtungo sa upuan ko para pigilan akong sabihin ky nurse cassie yung pinoproblema niya na di naman dapat pinoproblema.

I mean bakit di na lang kasi niya tanggapin. That's how life works. Walang permanente. If kanina straight ka, mamaya bakla ka na. Ganun!

"Si krystal kassdkkd"

"Ha? Ano si krystal?" Di niya maintindihan sinasabi ko kasi tinakpan na ni krystal ng kamay niya yung baba ko

"Wala nurse cassie. Sabi ko naman sa inyo wag niyo na pakinggan to"

Nakatingin lang samin si nurse cassie habang iniiling ang kanyang ulo

"Hay.. ewan ko sa inyo" sabi niya at agad nagtungo sa kanyang desk "pero krystal kung ano man yang crisis na pinagdadaanan mo just try not to deny it"

Pareho kaming nakatingin kay nurse cassie "I know, at first mahirap tanggapin but if you'll try to understand everything that's been going on in yourself. You'll find the answer in no time"

Nagkatinginan kami ni krystal. May pinaghuhugutan ata tong si nurse cassie ah.

"Marerealize mo na lang na yung bagay na dinedeny mo yun pa pala yung magbibigay sayo ng kaligayahan"

"Nurse cassie?" si krystal

Napatingin naman siya sa gawi namin "hmm?"

"May pinagdadaanan po ba kayo?" tanong ni krystal

She laugh a bit "akala ko ba ikaw ang may pinagdadaanan? Eh bakit ako yung tinatanong mo?"

"Grabe kasi yung mga sinabi mo. Parang may pinaghuhugutan" sabi ko

Nalipat yung tingin niya sakin. She smiled then heaved a sigh "well, what can I say" binaling niya yung tingin niya kay krystal "we have the same problem. The only difference is, I already figured out mine" she smiled then pinalipat lipat niya yung tingin niya sa aming dalawa ni krystal

Nagkatinginan naman kami ni krystal. Ano ibig sabihin ni nurse cassie?

"Di na kayo straight?" I curiously asked

"Sabihin na lang natin na, I've met a girl who made me question my sexuality" she confessed

"Whose the girl?" Agad kong tanong

"How did you figured it out?" Tanong naman ni krystal

"So you like girls now?" Dagdag ko pang tanong.

She laughed "pwede ba isa-isa lang" sabi niya "to answer your questions.... How did I figured it out? well I just accepted the fact that I'm no longer the person l thought I am! Do I like girls? yes, Actually I like both genders and... Whose the girl?" Pagsabi niya nun ay agad siyang napatingin sakin "It's a secret" sagot niya habang nakatitig pa rin sakin

Weird.

——

Krystal's POV

I sighed for nth time now already. Di ko talaga alam ano gagawin ko.

Mababaliw ata ako kakaisip kung ano nangyayari sakin ngayon.

Lalo lang akong naguguluhan kasi kanina pa nakatambay si thea sa isip ko.

Ewan ko kung bakit siya yung laman nito kanina pa.

Kakainis! Wala na akong ibang inisip kundi siya buong maghapon

"Hoy! Tulala ka na naman" agaw pansin ni dian

Nasa trabaho ako ngayon. May 30 minutes kaming break para mag-merienda or early dinner na din.

"May problema kaba?" tanong ni dian

Umiling lang ako ng aking ulo sabay buntong ng hininga

"Sure ka?" Tumango ako sa kanya "di ako naniniwala"

Napatingin ako sa kanya.

"C'mon you know you can tell me" bumuntong na lang din ulit ako ng aking hininga

"Is it about jim? Pinupush pa rin ba niya yung panliligaw sayo?" Nag-aalalang tanong niya

As what I did earlier, eh iniling ko lang ulit yung aking ulo as an answer to her question

"kung di si jim... si sir mark ba?"

Isa pa tong si sir mark.

Simula nung nakakasama ko na ng madalas si thea ay nakalimutan ko na si sir mark.

Aaminin ko madalas na nasa isip ko si sir mark dati kasi nga gusto ko siya but its different now.

It's like yung feelings na yun for him unti-unting nawawala at nasasapawan yun ng weird kong nararamdaman para kay thea.

Ayan na naman tayo kay thea.

"So? Si sir mark nga?" tanong ni dian na nagpabalik sa atensyon ko mula sa kawalan.

"Anong si sir mark?" Dinig kong tanong naman ni jim na kakarating lang mula sa kusina.

"Eto kasing friend natin may problema ata" sabi ni dian

"And yung problema mo si sir mark?" si jim na nakatingin sa direksyon ko "bakit anong ginawa niya? May ginawa ba siyang di maganda?"

Hinampas naman siya ni dian sa braso. Magkatabi kasi sila habang ako naman nasa harapan nila nakaupo. "Aray! Bat ka nanghahampas diyan?"

"Wag ka kasing mag-isip ng ganyan" suway ni dian kay jim "di ganun si sir mark" pagtatanggol niya pa

"Eh malay mo ba! Baka pakitang tao lang yun" hinampas ulit siya ni dian pero this time nakailag na siya "ikaw ang hilig mo talagang manghampas" reklamo ni jim

"Ikaw eh! Ang hilig mo din mangjudge"

Aso't pusa talaga tong dalawang to. Bakit kaya di na lang sila. Bagay naman sila eh

"Alam niyo bagay kayo"

Pareho naman silang napatingin sakin "duh! Di kami bagay ng unggoy na to" saad ni dian

"Di talaga" pagsang-ayon din ni jim

"Talagang talaga! At isa pa tao kami kaya di kami bagay" tumawa naman si dian ng bahagya saka sila nag high five ni jim

Mga baliw

"Teka nga...iniiba mo usapan eh" si dian

"Oo nga! Iniiba mo usapan k. So anuna?"

Pareho na silang nakatingin sakin ngayon hinihintay ang sagot ko.

I sighed.

"I think... I think I'm falling"