Simula
"Ivanna, tigilan mo 'yang mga pinaggawa mo! Halos suntukin kana nga ng mason na iyon dahil sa paghalik mo sakanya. Kung hindi ako dumating baka ano pa nagawa sa'yo!" Pagalit na sabi ni stefan na kaibigan kong bading.
"Malay ko ba, gusto ko lang naman subukan kung malambot nga ba ang labi nun." Umirap ako.
"Alam mo naman na hulog na hulog iyon kay lianna sarvaro!"
Hindi ako kumibo at nagpatuloy sa paghahanap ng magandang lalaki dito.
Kanina pa ako nagmamasid ng magandang lalaki sa bar na ito pero pakiramdam ko hindi na ata ako makakahanap. Dadagan pa ng kaingayan ni stefan.
"Pwede ba, tumahimik kana at para makahanap na ako ng makakausap ngayon."
"Bahala ka nga diyan! Maghahanap na nga lang din ako."
Ngumisi ako at hinayaan na siyang umalis. Naging kaklase ko rin si stefan sa lahat ng subject. Siya lang din ang nagiisang kaibigan ko. Kontento narin ako sakanya kasi siya lang naman ang nagpakatotoo saakin, hindi gaya ng iba diyan.
Wala naman akong ibang natanggap na insulto sa kanila, sa mga kaklase ko noon kung hindi malandi, mang-aagaw at kung ano-ano pa. Ano pa ba ang bago?
Oo, mas naging praktikal ako sa pagpili ng lalaki. Gugustuhin ko pang makapag-asawa ng mayaman para lang sa pamilya ko. Minsan nga hinahayaan ko nalang ang sarili kong makisama sa ibang lalaki. Minsan rin ay doon na ako nakakahanap ng pera. Hindi ko alam bakit bigla nalang ako binibigyan ng pera kahit wala pa naman akong ginagawa. Alam ko rin ang ginagawa ko. Kahit ganito ang daloy ng buhay ko, naniniwala parin ako sa sex after marriage.
Ang dami rin naniniwalang nakuha na ako nang kung sino-sinong lalaki. Pagod narin akong pilitin silang paniwalaan ako sa mga sinasabi ko. They only believe what they saw. Ganun naman talaga sila, hinuhusgaan ka agad kahit hindi pa nila alam ang totoo. I don't care what people say about me, alam ko kung sino ako. Alam ko kung bakit ko rin ito ginagawa. I'm tired of pleasing people around me. Nakakapagod rin. Laking pasalamat ko nga at andito si stefan sa tabi ko para maging kakampi ko sa lahat.
Kahit wala pang buwan ay minsan sinasagot ko na agad ang manliligaw ko pagnalaman kong mayaman nga ito. Pakiramdam ko kasi nabibigay nila lahat ang gusto ko, ang gusto ng pamilya ko. Hindi naman ako mayaman kagaya nila.
Alam kong mali itong ginagawa ko pero wala na akong pakialam pa. Kung pamilya lang ang pag-uusapan, gagawin ko ang lahat kahit sarili ko pa ang kapalit.
Ang dami na ng lalaking dumarating sa buhay ko at alam ko sa sariling kong hindi ko sila minahal kung hindi pineperahan lang. Hindi naman kasi ako naniniwalang makakahanap pa ako ng matinong laki sa mundong ito at nirerespeto ako bilang tao.
Lahat ng lalaking dumaan saakin ay iniwan ko agad sa ere pagpinipilit nila ako sa bagay na ayoko pang maibigay.
"Hi, miss." Biglang sulpot ng lalaki. Matangkad ito at may kaitiman ng kaonti. Pero masasabi kong gwapo rin siya. Ang mga mata niya ay kumikinang sa ganda nito.
"Hello." Nakangiti na bati ko pabalik.
"Kanina pa kita tinitigan. You are really so beautiful." He paused at bumaba ang tingin sa suot ko. Ano pa nga ba? Sanay naman ako sa ganitong tingin nila sa mga suot ko kahit nakatakip pa ang binti ko binabastos ka parin.. "At ang sexy mo pa."
Gwapo na nga, manyak naman.
"Thank you..ikaw rin naman, you look so hot." Malambing na sabi ko. Mabilis naramdaman ko ang paggapang ng mga kamay niya sa baywang ko.
"You smell so nice.."
Naiilang ay naitulak ko siya nang bahagya.
"Your place or mine?"
Bilis, a..Dahil alam ko na kung saan patutunguhan ito ay tumayo na ako.
"Uhh-A-alis na ako."
"Darling, wait..you made me so horny, baby.."nakita ko ang pamumungay ng mga mata niya. Kahit ang pagkagat ng labi nito ay nandidiri na ako. Mabilis na itinulak ko siya.
"Pwede ba, hindi ako interesado!"
"Pakipot kapa saakin! Eh, alam ko naman bibigay ka."
Hindi na ako sumagot pa at mabilis at bayolenteng itinulak siya. I heard him groaned.
"Tangina!"
Lumingon ako sa likod at nakita ang mabilis na pagtayo nito. Hindi naman ako nagdadalawang isip ay tumakbo na agad ako. Walang pakialam ang mga tao ay nagpatuloy lang ito sa pagsasayaw. Hindi ko rin alam nasaan na si stefan.
Shit! Muntik narin akong natumba.
Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko.
"Huli ka!" Tumawa ito. Halos napapikit ako sa baho ng amoy niyang alak.
Tangina talaga!
"Ano ba! Pitiwan mo kasi ako!"
Nagulat at nataranta na ako nang inaamoy-amoy niya na ang leeg ko.
"Sabing tama na!" Mabilis na tinadyakan ko siya sa paa pero sa lakas nito ay nahuli niya parin ako. Bago pa ako makasigaw ay napa atras at nabagsak na ako dahil sa lakas ng pagbagsak ng lalaki sa sahig.
Napaawang ang labi ko at wala sa sarili na nilingon ko ang lalaki na nasa likod ko.
"Get off your hands of her!" Kalmado at walang takot na sabi niya sa lalaki.
"Sino kaba?!" Sigaw ng lalaki.
Napamulsa ito at matapang na tumitig sa lalaki.
"Kilala kita, Marson Varsisco. Kung ayaw mong masali pa ang pamilya mo dito, tumigil kana sa karantaduhan mo!" Seryoso na sabi niya.
Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Ano magkakilala sila?! Sino nga iyon? Marson?
Mabilis na tumayo ako at umikot para magtago sa lalaki. Matangkad siya at malapad ang kanyang balikat kaya halos natabunan ko narin ang sarili ko. Kahit sa ganitong distansya ay na amoy ko parin ang bagong ligo at shave niya. Siguro kakarating niya lang din dito, tapos ito pa ang nangyari!
"Yabang mo, ah! Sino ka?!" Tumayo ang lalaki at aambamg susuntok ito nang maunahan siya.
Napatili ako.
"Shit!"
"We are the owner of the campbell corp at alam mong nakiki invest lang ang pamilya mo saamin, hindi ba?" He smirked.
Umawang ang labi ko at pabalik-baling ang tingin sa dalawa. Hindi alam anong pinagsasabi nila. Nakita ko rin ang gulat sa lalaki at mabilis na humingi ng tawad bago tumakbo. Litong-lito parin ako kaya hindi na ako nakagalaw pa sa bilis ng pangyayari.
"Umuwi kana." Pangunguna nito bago nagsimulang maglakad at hindi man lang ako hinintay.
Bumalik naman ako sa ulirat at hinabol siya.
"Uy! Thank you!" Sinubukan kong habulin siya sa paglalakad pero ang laki lang talaga ng mga hakbang niya. Sa haba pa naman ng bias nito talagang matatalo ka niya sa takbuhan.
Ang suplado naman.
"I'm Ivanna Arago—"
Natigilan ako nang humarap na ito sa wakas. Suplado at madilim lang ang titig niya saakin. Ngayon ko lang din natitigan ang buong mukha niya, at hindi ko akalain ganito pala siya kagwapo!
Paano pa kaya pag nasa maliwanag kami na parte?!
Ang kanyang magulong buhok ay inihipan ng hangin na nagpaattract pa sakanya lalo.
"Umuwi kana. Sa ganitong oras andito ka parin sa bar na ito?" He shooked his head in dismay.
Hindi ako nakapagsalita. Kung ibang lalaki ito baka binastos o dikaya humihingi na ng kapalit saakin. Pero bakit parang wala atang epekto ang kagandahan ko sakanya.
"Ang sabi ko ako si, Ivanna Aragon." Ulit ko habang nakangiti.
"I'm not asking your name, woman." Umirap ito at tinalikuran na ako.
Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala sa sinabi niya. Kahit kailan hindi ako napahiya ng ganito sa harap ng lalaki!
Pa hard to get pa! As if I know, type naman ako nun!
Suplado. Pasalamat siya at guwapo siya!
"Hoy, babae! Nasaan kaba galing at kanina pa kita hinahanap!" Hampas ni stefan matapos akong mahanap sa counter. Hindi parin nawala saakin ang mukha ng lalaking iyon. Ni hindi ko na nga siya nakita pagkatapos niya akong talikuran.
"Hoy!"
"Ano ba!" Reklamo ko. "Malapit na akong ma rape dahil iniwan mo ako kanina!"
"Ano?! Sino gumawa? Bakit hindi mo ako tinawagan?" Gulantang na tanong niya.
"Buti nalang talaga at dumating siya." Sabi ko habang inaalala ang nangyari kanina.
"Sino?"
Hindi ako sumagot.
"Hoy sino nga?" Iritado niyang tanong ulit.
"Hindi ko nga kilala, e." Malungkot na sabi ko.
"Omygod! Andito si ares campbell!" Biglang tumili ito.
"Sino?"
"Si ares campbell nga!" Tumingin siya sa ibang direksyon. "Madalas ko na siyang nakikita dito pagkatapos sa nangyari sakanila ni lianna, a. At ang haba na ng buhok niya!"
Dahil sa pagbanggit niya sa pangalan ni lianna ay napabaling na ako sakanya.
"Sino ba kasi?" Irita na.
"Ayun oh!" Agad na tinuro niya ang lalaking tinutukoy niya.
Nanlaki naman ang mata ko nang makita siya sa dulo na naka dekwatro ang upo habang seryosong nakatingin sa iniinom niya. Na para bang may malalim na iniisip ito.
"Siya yung tumulong saakin, steffy!"
"Si ares campbell?? Seryoso kaba?"
"Oo nga!"
Sumilay ang ngiti saking labi. So si ares campbell pala pangalan mo. Apelyido palang ay alam mo ng mayaman nga siya.
Ares campbell..