"Saan mo siya nakilala?" Tanong ko at hindi na maiwasang maging interesado.
"Hindi mo ba siya kilala?"
Umiling-iling ako.
"Haynaku! Same university lang tayo niyan." Paliwanag niya.
"Paano napunta sa usapan si lianna?"
"Ex yan ni lianna Sarvaro, no! Pagkakaalam ko nga naghiwalay na ang dalawa dahil kay mason. Yung lalaking hinalikan mo!"
Napatakip ako sa bibig ko.
"Talaga? Kung ako iyon hindi ko yan iiwan." Napabaling ako sa lalaking nakaupo dun sa dulo at hindi maiwasang matitigan siya ng husto. Ang guwapo niya para iwan. Ano naman kaya ang dahilan. Ah, oo nga dahil kay mason? Bakit ba parang pinag-aagawan pa nila yung lianna na yun? Pwede naman ako ang piliin niya. Napatawa ako sa iniisip ko.
"Hindi ka magugustuhan niyan. Iba ang mga matipo niyan sa babae, hindi kagaya sa'yo maingay." Umirap ito at tumawa ng bahagya. "Tsaka akala ko nga magtatagal sila ni lianna..kilala kaya sila sa university. Totoo nga talaga ang sabisabi no..hindi nasusukat sa itsura ang pag-ibig. Kahit gaano kapa kaperpekto kung hindi talaga sapat ang pagmamahal, wala parin talaga." Seryoso na sabi niya.
Napatigil ako. Hindi naman kasi ako sanay sa ganitong usapan. Hindi ko pa kailanman naiisip na pumasok sa seryosong relasyon.
"Ang guwapo niya talaga no?" Si stefan.
"Suplado nga lang." sagot ko.
"Ano sabi niya sa'yo kanina?"
"Sabi niya umuwi naraw ako. Bakit daw andito pa ako sa ganitong oras."
"Kasi nga ayaw niya sa mga ganoong babaeng na nasa bar, at naglalakwatsa pa sa des oras ng gabi kaya huwag ka ng umasa!" Tumawa ang bakla.
"Hindi naman ako umaasa ah! Marami pang mas gwapo pa sakanya!"
Hindi ko naman kasi yan gusto at bakit naman ako aasa sa kanya. Pakiramdam ko nga napakaboring niyang tao kaya siguro siya iniwan at ang suplado niya pa.
"Mabait yan hindi gaya ng iba diyan.."
"Anong mabait diyan..ang suplado niya kaya!"
"Kasi nga heart broken parin yan!"
Hindi na ako sumagot pa. Umalis narin si stefan para makipagsayawan sa mga lalaki. Pasimpleng sinulyapan ko naman siya. Napansin ko rin ang karamihang babae na kinuhanan siya ng litrato o di kaya nakatitig rin kagaya ko. There's just something about him na naging interesado ako na hindi ko alam kung bakit.
Or maybe, hindi lang ako sanay na binabalewala ng laki. That's why he caught my attention.
Lapitan ko kaya?
Kakausapin ko nga 'to!
Mabilis na tumalon ako mula sa counter chair at inayos muna ang sarili bago matapang na naglakad palapit sa direksyon niya. Ni hindi man lang niya napansin ang presensya ko nang nasa tapat niya na ako. Kumawala ako ng malalim na hininga.
"Hi." Simula ko. Pero nadismaya lang ako nang hindi man lang niya ako pinansin o dikaya umangat man lang ang ulo niya para matignan ako.
"Hello." Ulit ko. Dahil hindi parin siya kumibo at sumimangot na ako.
Suplado talaga!
"Sabi ko hello!" Halos sumigaw na ako sa inis.
Unti-unti ay napansin kong binaba niya na ang iniinom niya at tinignan ako. Nakaramdam naman ako ng kaba dahil sa bigat ng titig niya saakin. Nakataas ang mga kilay nito at parang hindi niya talaga nagustuhan ang presensya ko ngayon. Agad na kinabahan ako.
"T-thank you kanina! Kanina pa kita hinahanap para pasalamatan sa—"
"Welcome. Now, leave." Masungit na sabi niya bago ibinalik ang sarili sa paginom ng alak.
Pa hard to get kapa. Sinusubukan mo talaga ang pasensya ko ha. Ito gusto ko eh, iyong mahirap makuha.
Ngumiti ako at umupo sa tabi niya. Hindi pinansin ang galit sa mukha niya.
"Kung hindi ka dumating kanina baka may nangyari na saakin no?"
Hindi siya sumagot. Nagpatuloy ako.
"Grabe, hindi ko akalain matakot ng ganoon ang lalaki sa'yo. Ano nga yun, campbell corp?"
Hinintay kong sumagot ito pero litseng lalaki hindi parin ako pinapansin. Kung iba ito baka nga inaya na akong sumayaw!
"Hindi pamilyar yun saakin pero saan—"
"Will you please shut your mouth?" He cutted me.
Tinikom ko ang bibig ko nang makitaan na ang iritasyon sa buong mukha niya. Dumepina rin lalo ang makapal niyang kilay dahil sa pabalik-balik na pagigting ng panga niya.
"Bibig ko ito kaya magsasalita ako sa ayaw at gusto mo." Sagot ko.
Kala mo tatahimik ako. Hindi na siya sumagot at supladong iniwas ang ulo niya saakin. Kung hindi ko lang pinigilan ang sarili ko baka kanina pa ako natawa dito. Ewan ko ba at parang gusto ko atang nakikita siyang naiinis saakin.
"Ano ba ginagawa mo dito?" Tanong ko kahit alam ko naman na hindi niya ako sasagutin.
Sige, tanong ka lang ng tanong, ivanna hanggang sa sasagot yan sayo.
"Ah, dahil ba heart broken k—uy saan ka pupunta?"
Napatayo rin ako kagaya niya nang tumayo ito at naglakad malayo saakin.
"Uy!" Tawag ko habang hinahabol siya." Ares campbell!" Sigaw ko.
Nang makaabot kami sa labas ng bar ay hinarap niya na ako.
"Bakit mo alam ang pangalan ko?"
Ngumisi ako.
"Nalaman ko lang.". Mayabang na sabi ko. "Bakit kaba umaalis? Hindi pa nga ako tapos sayo. At interesado rin ako sa co—"
"Pwes ako hindi interesado sa'yo."
Ang sakit naman makapagsalita ng lalaking ito.
Sige, Ivanna inisin mo lang.
Hindi niya na ako hinintay na sumagot pa at tinalikuran na ako. Pilit ko man habulin siya ay mabilis siyang nakapasok sa kotse at iniwan ako. Hindi nga bastos pero ambastos naman makipagusap! Hindi pa nga ako tapos, e.
Busangot ang mukha ko ay bumalik ako sa bar.
"Firs time yun, te?" Tumawa si stefan na hindi ko naman mapigilang mainis sakanya.
Ngayon ko lang din napagtanto na nakita niya pala ang ginawa ko.
"Akala niya naman type ko siya."
"Sabi ko naman sa'yo hindi ka tipo nun. Humalakhak ito. "Hindi pa yun tapos sa ex niya."
Umikot ang mga mata ko.
"Pakipot pa yun!"
"Ayaw mo lang kasi matanggap na hindi ka napansin nun. Hindi ka sanay no? Ibahin mo si ares kasi."
Daming alam talaga ang baklang to! Inirapan ko siya at nilagpasan na ito para makapasok ulit sa bar. Sumunod naman ito saakin.
"Halika na nga at uuwi na tayo. Hinahanap narin ako ni ate."
"Sige na nga!" Sagot ko.
Halos magmadaling araw narin bago kami nakauwi ni stefan.
Habang nakahega ako sa sariling kama ay hindi ko maiwasang kunin ang cellphone ko para magawa ang gusto ko pang gawin kanina pa.
Mabilis na binuksan ko ang facebook at pinindoot doon sa search bar ang pangalan niya. Agad nakita ko ang pangalan niya kasama ang litrato. Mabilis na pinindot ko ang litrato niya. Nakatagilid at nakapamulsa habang seryosong nakatingala sa eiffel tower.
Wala naman akong mahagilap ng ibang litrato niya at ito lang.
"Suplado mo.." sabi ko habang tinitigan ang litrato niya. Napatawa naman ako nang maalala ang pang-iinis sakanya kanina.
"Akala mo gusto kita no? Hindi, a! Kaya huwag kang feeling!"
Nababaliw na ata ako at kinakausap ko na ang sarili ko.
Bahala na nga. Bakit ko ba siya hinanap sa facebook. Hindi rin ako nagdadalawang isip na pindotin ang pag aadd friend sakanya.
Paniguradong hindi rin naman ako papansinin nito.
Pero baka makita ko siya bukas. Sabi pa naman ni stefan parehong university lang kami pero bakit hindi ko naman siya nakita o napansin man lang palakad-lakad doon?
O baka naman hindi yun magala sa campus at laging nasa library.
Hahanapin ko talaga yun bukas!