Nang marinig ni Yao Anqi ang mga usap – usapan sa paligid niya, agad siyang naglakad palapit kay Mo Zixi.
Tumugon si Mo Zixi sa pamamagitan ng paghila sa kanga papunta sa kanyang bisig at prinotektahan siya papunta sa sasakyan. Sa daan papunta ng bahay, kahit sino man sa kanila ay hindi nagkaroon ng pagkakataon na magsalita dahil sa nagmaneho ng mabilis si Mo Zixi.
Maaaring masabi ni Yao Anqi na masama ang loob ni Mo Zixi dahil noong huling pagkakataon ay ganito din siya, ipinapakita niya ang kanyang mga nararamdaman sa kanya.
"Bakit hindi mo sa akin sinabi?"
"Huh?" nalilitong tugon ni Yao Anqi.
"Ang tinutukoy ko ay kung paano piniresyur ng Chen Family ang hospital chief," matiyagang pagtatanong ni Mo Zixi, "Ano ang rason mo kung bakit kailangan mong magtiis at hindi sabihin sa akin sa pagkakataon na ito?"
"Ayoko lamang na maipit ka sa mahirap na posisyon sa pagitan ko at ng Cheng Family!" paliwanag ni Yao Anqi.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com