webnovel

Nagagalit si President Mo

Traductor: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ninong, nagkakamali ka. Sa palagay mo ba mgiging interesado siya sa isang katulad ni Tangning na mayabang at may simpleng pinanggalingan lamang? hindi ko nga alam paano siya nakilala ni Mo Ting, ngunit sa huli, talagang nabiyayaan siya dahil dato."

"Hindi ang lalaking tulad ni Mo Ting ang magpapatali sa isang hamak na modelo: si Mo Ting ay hari ng entertainment industry, makukuha niya kahit na sinong babae na kanyang magugustuhan. Kaya, sa nkita mo... kahit na tinulungan niya si Tangning, hindi siya pumayag na mahayag ang kanilang relasyon."

"Maghintay ka lang at manood. Magpapakasal si Mo Ting sa mga susunod na panahon at si Tangning ay babagsak sa kinalalagyan niya ngayon. Kapag dumating ang oras na iyon, magkakaroon na tayo ng pagkakataon upang gantihan si Tangning," pangangatwiran ni Lu Xiaoqian habang pinapanood ang likod ng tatlo na papalayo.

"Paano ka nakakasiguro na hindi si Tangning ang pakakasalan ni Mo Ting?"

Capítulo Bloqueado

Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com