webnovel

Ang Paghahayag ng Kanyang Pagbabalik

Editor: LiberReverieGroup

Ang mga haplos na kanyang nararamdaman na tumatakbo sa kanyang katawan ay parang isang nakahuhumaling na gamot na kung saan nakapagbibigay ng pakiramdam sa isang taong gumamit nito na para nawawala siya sa kanyang sairiling katinuan. Itinulak ni Mo Ting si Tangning pahiga sa sopa at sinimulan niyang tanggalin isa – isa ang pagkakabutones ng puti nitong damit; ito ang bagay na matagal na niyang pinapangarap na gawin…

"Ting …" nahihiyang sigaw ni Tangning, "Masakit…"

Sinubukan pigilin ni Mo Ting na pumusok sa hangganan ng kayang tiisin na sakit ng babae, sa halip ay bumalik siya sa labi nito upang halikan. Nagpatuloy ang dalawa sa pagpapahiwatig ng kanilang pag – ibig sa isa't isa sa sala bago pinakawalan ni Mo Ting si Tangning mula sa kanyang pagkakayakap.

"Bukas ay mahalagang araw para sa iyo. Kailangan mong matulog ng maaga."

Sa loob ng banyo, isa sa mga kasambahay nila tumutulong sa kanya sa paliligo habang ang isa naman ay tumutulong na patuyuin ang kanyang buhok – kaya naman ang kailangan nalang ni Tangning na gawin ay ipikit ang kanyang mga mata. Ang lahat ng ito ay dahil kay Mo Ting – na siya ring dahilan kung bakit nakakatulog siya ng mahimbing nitong mga nagdaang araw.

Nang sumunod na araw, dumating si Lin Wei at Long Jie sa Hyatt Regency para sunduin siya para sa event na kanyang pupuntahan. Ngunit nang makarating sila sa venue, ikinabigla nilang tatlo na naroon din sa Han Yufan. Kung makikita marahil ito ng iba, maaaring akalain nila na naroon ito upang magbigay ng suporta sa kanya bilang president ng kumpanya, pero ang katotohanan, naroon lamang ito para makasigurado na maaalala niya ng malinaw ang pangalan ni Mo Yurou.

"Paano ko malilimutan?" sagot ni Tangning.

"Tangning, alam kong mahirap ito para sa iyo, pero… kung ano man ang meron tayo noon ay matagal na itong wala. Hindi mo na kailangan pang makaramdam ng pagkainggit kay Yurou, inosente siya sa lahat ng pangyayaring ito."

Lumalabas na, kinakailangan lang pala ni Han Yufan ng ilang araw upang tapusin ang kanilang matagal na pinagsaluhang relasyon.

"At ako, hindi inosente?" tugon ni Tangning, "Ang maraming taon ng pagkabata ko at lahat ng sakripisyo ko para sa'yo ay balewala lang? Mas mabuti pa ang aso, iiling – iling niya ang kanyang buntot habang pinaglalaruan ko ito dahil marunong itong kumikilala ng utang na loob sa kanyang amo."

"Tangning, pakinggan mo nga kung ano ang pinagsasabi mo," binalaan ni Han Yufan si Tangning. "Pareho nating ginustong gawin ang lahat ng ating ginawa sa maraming taon ng ating pagsasama. Hindi ko kahit kailan hiniling sa'yo na maging sobrang bait mo sa akin, iyon ay isang bagay na ginusto mong gawin."

Tumahimik na si Tangning, dahil sa mga sandaling iyon, kumatok na sa pintuan ng kanyang silid na kinaroroonan ang kanyang makeup artist. Hindi na niya gusto pang makita si Han Yufan, kaya agad na siyang tumayo upang magtungo sa kinaroroonan ng kanyang makeup artist.

Galit – galit si Han Yufan habang papalabas ng silid. Nang masalubong niya si Lin Wei, inutos niya rito na, "Bantayan mong mabuti si Tangning, huwag mong hayaan na makagawa siya ng hindi tama."

"Sisiguraduhin ko," tumango si Lin Wei.

Ang event ay nakatakdang magsimula ng 9 am at ang paglabas naman ni Tangning ay mangyayari ng 9:30 am. Nakasanayan na ng mga kumpanya na magpadala ng isang kinatawan para simulan ang event bago pa man ipakilala ang guest. Sa mga oras na iyon, kasalukuyan nang nagsisimula ang event at handa na si Tangning na pumunta sa stage. Suot – suot ni Tangning ang isang silver deep V dress at ang kanyang buhok ay bahagyang kinulot at itinali sa isang parte ng kanyang ulo. Hindi masyadong kapansin – pansin ang kanyang itsura, pero dahil sa ipinanganak si Tangning na may perperktong kurba ang katawan na bumabagay sa kahit anong damit na kanyang isinusuot.

"Tangning, maghanda kana, sa ilang saglit lang ay aakyat ka na sa stage." Kinakabahang pagpapaalala ni Lin Wei.

"Tangning, 'wag kang matakot, narito lang kami sa likod mo para suportahan ka," panghihimok ni Long Jie.

Tumango lamang si Tangning, bakit siya matatakot? Ngayon ang araw na sisimulan niya ang kanyang unang pagsalakay laban sa Tianyi. Ngayon, sa kanyang puso, bukod sa pagnanais na magtagumpay, kailangan niyang manatiling kalmado.

"Go!" sinamahan ni Lin Wei si Tangning papalabas ng waiting room.

Ang lugar na kung saan gaganapin ang event ay hindi gaanong malaki – ang hall ay maaari lamang pagkasyahan ng higit kumulang na 200 na upuan. Pero, alam ni Tangning na bukod sa mga taong naroroon ngayon sa venue, mayroon ding mga taong nanunood gamit ang kanilang mga TV screens. Bakit? Dahil gusto nila makita siya na i – indorso ang isang walang kwentang produkto at makahanap ng maaaring mapag – usapan. Ngunit sa kasamaang – palad, mabibigo sila.

Kasabay ng malakas na pagpapakilala sa kanya ng host at pagsuporta ni Lin Wei sa kanya, umakyat na si Tangning sa stage. Matagal nang panahon mula ng huli siyang tumuntong sa entablado, kaya naman makikita sa kanyang mga kilos na parang kinakailangan pa niya ng konting panahon na mag – adjust.

"Talaga namang mayroong dalawang pares ng mahahaba at kaakit – akit na binti si Tangning! … halika, simulan natin ang event na ito sa pamamagitan ng pagpapakilala ng ating panauhing pandangal."

Ipinasa ng host kay Tangning ang mikropono at mahinahon niyang hinarap ang higit kumulang na 200 katao, "Hello everyone, I am Tangning."

"Maligayang pagdating Tangning, ikinararangal naming maimbitahan ka sa event na ito sapagkat alam naman natin nitong mga nakaraang araw ay labis na pinag – uusapan ng mga tao ang iyong pangalan. Labis din kaming nagpapasalamat na nakadalo ka dito upang partikular na suportahan aming produkto. Maaari ba akong magtanong sa'yo?" Sinubukan ng host ang lahat ng kanyang makakaya upang mapasaya ang buong venue.

"Please speak."

"Naniniwala akong nagamit mo na ang aming produkto. Maaari mo bang sabihin ang iyong saloobin tungkol dito?" direktang pagtatanong ng host sa kanya.

Ginamit ito? Bahagyang kumunot ang noo ni Tangning.

Ito ang mga sandali na kung saan ang lahat ng mga manonood sa live stream online ay gusto nang magsulat at magsabi ng kani – kanilang mga opinyon.

"Cheap model! Kapag inirekomenda mo ang produktong iyan, katapusan mo na..."

"Katatapos ko lang na iphotoshop ang GIF ni Tangning, mayroon bang gustong makakita?"

"Iniisip ko kung gaano karaming tao ang maloloko ng produktong iyan. Tangning bakit kailangan tulungan mo sila?"

Alam ni Tangning na sa mga oras na iyon, punong puno na ang internet ng mga reklamo, kaya … pagkatapos niyang matanggap ang tanong, sinulyapan niya si Han Yufan, Lin Wei at Long Jie, at pagkatapos ay pumunta siya sa harap ng kamera bago niya ibinuka ang kanyang bibig para magsalita.

"Unang una sa lahat, nais kong pasalamatan ang aking agency, ang Tianyi Entertainment, para sa kanilang tulong upang tanggapin ang paanyaya ng produktong ito para suportahan ko… na kung saan ni kahit kalian ay hindi ko pa naririnig,"

"Pangalawa sa lahat, pinilit lamang ako na umakyat sa entabladong ito, bilang isang modelo, buong buo ang aking moral. Kung ang isang produkto ay hindi kayang pagkatiwalaan ng mga mamimili, syempre bilang isang modelo ay iboboykot ko din ito. So, ang produktong ito… kahit kailan ay hindi ko pa nagagamit."

"Huli sa halat, labis akong nagpapasalamat sa lahat ng pansin na inyong ibinigay sa akin ngayong araw na ito. Kahit na alam ko na nawala na ang aking kasikataan, nguniy ang aking mga pinaniniwalaan ay hinding hindi magbabago."

Tatlong simpleng pahayag. Napakabilis ng mga pangyayari gayundin ang mga pagsasalita ni Tangning kung kaya hindi nabigyan ng pagkakataon ang lahat na makatugon agad sa kanyang mga nasabi. Sa oras na mapagtanto na nila ang pagbabago sa attitude ni Tangning, ang babae ay tapos na makapagsalita.

"Sasamantalahin ko na rin ang pagkakataon na ito upang sabihin na ako'y opisyal nang magbabalik sa industriya. At sa ilang sandali lang, may mas malaking iskandalo pang mabubunyag. Maraming salamat sa inyong suporta."

Pagkatapos niyang magsalita, yumuko si Tangning sa lahat habang sila ay tulala pa sa mga pangyayari bago siya lumakad pababa ng stage…

Bigla na lamang nagbago ang kondisyon ng kapaligiran pati na rin ng ekspresyon ng mukha ni Han Yufan. Sa kabilang banda naman, ang isipan nina Lin Wei at si Long Jie ay nagbubunyi dahil sa pagtatagumpay ni Tangning.

Ng dahil sa kaganapan sa event, nagkagulo ang mga netizens sa online world.

"OMG, anong sinabi ni Tangning? Hindi ko masyadong narinig, kailangan kong ulitin ang sandaling iyon at pakinggan ito ng mabuti. Paano niya nagawa ang ganito ka astig na bagay?"

"Ako rin, ako rin! Handa na sana akong kutyain siya, pero bigla na lamang ginawa niya ang ganitong nakakagulantang na bagay. Isa itong malakas na sampal sa kanilang mukha!"

"Bukod kay Tangning, sino pa ang may malakas ang loob na sampalin sa mukha ang kanyang agency at ang kanyang kliyente sa isang live event!"

"Cool, cool, cool! Napaka – astig ni Tangning! Kung magbabalik siya, our eyes are in for a treat!"

"Hahaha, nakita ko kung gaano nagulantang ang host sa ginawa ni Tangning…"

"Kahanga – hanga talaga si Tangning! Naantig talaga ako. Mabuti nalang hindi ko muna siya hinusgahan. Simula ngayon, sa lahat ng modelo sa industriya, siya lamang ang kikilalanin ko!"

Punong puno ang internet ng pagsuporta sa ginawa ni Tangning – hindi lamang mga tagahanga, kundi pati na rin ang mga sikat na social media personalities ay inedit ang 2 minutong video clip ni Tangning at kumalat ito ng mabilis na parang wildfire. Sa ilang sandal lang, ang lahat ng bakas ng mga negatibong balita tungkol kay Tangning ay biglang naglaho.

Gayunpaman, lingid sa kaalaman ng lahat, ang kalagayan ni Tangning sa likod ng entablado ay hindi maganda sapagkat direktang siyang nilapitan ni Han Yufan at ng kliyente upang magreklamo.

"Tangning, may problema ba yang utak mo? Ang isang maliit na modelong katulad mo, ay talagang may lakas ng loob para gumawa ng ganitong klase ng kaguluhan sa harap ng maraming tao?" Dinuro – duro ng kliyente si Tangning habang pinagagalitan ito, "Gusto mo pa bang mabuhay? Talagang ginawa mo pang parang sarili mong press conference ang aming event?"