webnovel

Trembling Hearts

Hindi nais ni Charlie na magkaroon ng kumplikadong buhay na mas titindi pa sa meron siya ngayon. Kaya nga ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para umiwas sa gulo ngunit mukhang may ibang plano ang tadhana para sa kanya. Ever since witnessing a certain incident that involves Alessandro Roman Gatchalian a notorious womanizer known for his complicated taste in women, Charlie’s life also takes an even more complicated turn. Despite knowing how complicated he is—it seems that she can’t stop worrying about him. Before she knows it she found herself tangled in weaves of secrets, lies and intrigues that revolve around him. To make matters worse—habang tumatagal mas lalong nagiging malinaw para sa kanya ang tunay niyang nararamdaman para sa binata. Charlie found herself falling in love. It was a ridiculous notion even for her. And she only have two options left. One is to run away while she still can or two—make him fall in love with her despite knowing that hell would freeze over before that even happens. Either way, she’ll get herself hurt. Ano bang dapat niyang piliin?

Sharelvandor · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
15 Chs

ROSENTHAL ACADEMY

"Are you alright?! I'm sorry!" natatarantang bulalas ng lalaking nakabangga sa kanya. Agad na inilahad nito ang isang kamay para tulungan siyang makatayo aabutin na sana iyon ni Charlie ng mapansin niya ang mga nagkalat na magazines at pictures sa semento. Nanlalaki ang mga matang napatutok siya doon. Muntikan na siyang mapatili ng biglang dinamba ng lalaking nakabunggo sa kanya ang mga nagkalat nitong magazine at pictures gamit ang buong katawan nito at mabilis pa sa alas-kwatrong nilikom iyon habang maya't maya ang tingin nito sa paligid. Nang matapos ito sa paglilikom ay nagmamadali itong tumayo at sinuksok ang mga iyon sa dala nitong paper bag. Agad na tumayo si Charlie at sinalubong ng tingin ang binata ngunit agad na nag-iwas din naman ito ng tingin sa kanya.

Biglang itong tumikhim. "Isusumbong mo ba ako?" alangan nitong tanong.

Nagtatakang napatitig siya dito. "Bakit naman kita isusumbong?" balik tanong naman niya dito. Tinignan siya nito na animo`y lumuwag ang turnilyo niya sa kukote. Tumaas ang kilay niya. "Dahil sa mga dala-dala ko. And besides, you're a prefect" he stated plainly. She rolled her eyes. Of course, dahil prefect siya sumbungera na agad siya.

"Hindi kita isusumbong" Charlie said with an indifferent voice. Telling silently to the douche like she cares with matching tirik pa ng mga mata niya.

"Talaga?" tuwang tuwang kumpirma nito. Imbes na mainis ito dahil sa hilatsa ng pagmumukha niya kabaligtaran ang nangyari parang nanalo lang ito sa lotto. Napabuntong hininga na naman si Charlie. Naging loaded na ang pag-consume niya ng air ng araw na iyon dahil sa walang kamatayang buntong hininga niya.

"Of course. Photography major ka ba? o Fine Arts?" mayamaya ay tanong niya dito trying to make a conversation. His warm brown eyes widens. He flushes bright red.

"Uhmm…Hin—di Civil Engi—nee—ring" nauutal namang sagot nito. Natigilan si Charlie. Then realization sinked in. "Ooohhh" Charlie mouthed. "Well, goodluck with the posi—er angles I mean" Charlie finished lamely.

Bahagyang tumaas ang sulok ng labi nito. Mayamaya lamang ay umalis na ito at pinagmasdan na lamang ni Charlie ang nagmamadaling papalayong pigura ng binata. Nagmamadali siguro ito na makapaglagay agad ng distansiya sa pagitan nilang dalawa dahil baka magbago ang isip niya at mai-report niya ito sa office. Nagpatuloy sa paglalakad si Charlie. She thinks that it's pretty normal for boys to have those kind of things that's why she won't interfere as long as it doesn't cost any harm to the school's reputation. Well, that's what she thinks she just don't know if Keilah and Ana shares the same thinking. Kung isa sa mga ito siguro ang nakahuli dito—without even so much as a protest he'll be directly sent to the prefects office. On the other hand having a student-teacher relationship is a serious violation. They can be kicked out of the school and Charlie knew that it's her responsibility to report it to office pero hindi niya magawa kahit makailang ulit na siyang nagtangka. Aminado siyang mas maluwag siya kumpara sa ibang prefects pero iba ang kaso nina Alessandro. Sa mga ganoong ka-sensitibong bagay ang normal niyang gawain ay ipaabot iyon sa kinauukulan.

Makakahinga na din siya ng maluwag kapag ginawa niya iyon dahil hindi na niya poproblemahin si Ms. Cacapit. Still, despite all that—she just can`t. She even felt scared for that stupid pervert na mas lalong nakapagpatindi ng isipin na hindi na niya talaga maintindihan ang sarili nitong mga nakaraang araw.

It'll be even worse if the other prefects and Miss Rivas knew about what she failed to do. It might even cost her, her scholarship. Usap-usapan na dati pa sa eskwelahan ang preference umano ni Alessandro pagdating sa babae. Dumagdag pa na popular ito at team captain ng swim team kaya parang apoy na kumakalat sa buong campus ang iba't-ibang speculations.

Miss Rivas the prefect's adviser wanted to adress the issue right away pero dahil sa parte ng board of directors ang ama ni Alessandro at isa sa nagbibigay ng pinakamalaking donasyon sa eskwelahan wala itong magawa lalo na't wala pa din silang ebidensiya na makakapagpatibay sa mga akusasyon sa binata but Charlie bet those pictures are more than enough of an evidence to be used against him.

Bakit ba siya concerned sa mokong na iyon? Bakit ba gusto niya itong tulungan? Kung tutuusin tinanggihan nga siya nito dati ng humingi siya ng tulong dito para turuan siya nitong lumangoy noong mga panahong sobrang problemado siya dahil ibabagsak siya ng professor niya sa PE. Sa sobrang inis niya kay Alessandro tinago niya ang paboritong swimming trunks nito. At iyon ang pinakauna at ang akala niya pinakahuling beses na magkukrus ang landas nila. Naputol ang pagmumuni-muni ni Charlie ng biglang may tumawag mula sa likuran niya.

"Wait up!" Nagtatakang tumigil siya at hinarap ang lalaking nakabunggo niya kanina. Humihingal na tumakbo ito pabalik hanggang sa huminto ito sa tapat niya at gahibla na lang ang layo nila sa isa't-isa. Awtomatikong napaatras si Charlie ng isa.

"I forgot to say, thank you" pulang-pula ang mukhang saad nito.

"Hindi mo na kail—"

"No" agap na pigil nito sa sasabihin niya. "Those stuffs it`s not mine. It`s my friend`s. I`m just carrying it f—"`

"You really don`t have to explain anything" pigil naman niya dito. "It`s not my business at all"

Natigilan ito. Then he did a slow once over on her. From her head to toe, then back to her face again. Na-conscious tuloy si Charlie sa hitsura niya. Kasalukuyang siyang nakasuot ng skinny jeans, fitted red top at ang kanyang paboritong red converse. Nakalugay lang din ang mahaba niyang buhok na umaabot hanggang baywang niya—and she`s actually wearing a hair clip that may looked a tad to childish. Its even more embarrassing that she's not even wearing any make up at kasasabi lang ni Ana kanina na parang hindi siya nagsuklay. Napakapit siya sa buhok niya. She must have looked like a complete mess! Then suddenly, he blinks as if breaking out of a trance and then he grins.

"You`re nice" anito sa boses na parang hindi pa rin makapaniwala. He even sounded breathless. What was that?

"I`m not nice" Charlie countered.

"Nope. You are. I`m Stefan, by the way" inilahad nito ang kamay. Tinanggap niya iyon.

"I' m Ch—"

"Charlaina. Charlaina Santiago right?" Charlie cringes. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?"

"You`re a prefect" nangingiting saad nito. Well he has a nice smile exposing a straight row of bright white teeth with that thought she decided to let the prefect comment go.

"See you around Charlaina!" he waves before leaving and the next thing she knew Charlie started stomping her foot on the floor.

"Stop calling me Charlaina! Idiot!" singhal niya sa papalayong pigura nito. She hates being called like that. Charlie growled out in frustration then marched up ahead like there`s no tomorrow.

ROSENTHAL Academy is a pretty tight school and as a prefect, and a member of the disciplinary group they have the responsibility to keep the students in line as well as to be the role models in following the rules and regulations of the school to uphold its reputation. A year ago, napasama si Charlie sa listahan ng masu-swerteng estudyante na nabigyan ng pagkakataong makapag-kolehiyo sa Rosenthal Academy through full scholarship. Ang eskwelahan nila most definitely are for rich students with pedigree and most of all from influential families. Mahirap makapasok at maraming naghahangad, especially sa isang katulad niya na normal lang na mamamayan. Dati exclusive lang talaga ang eskwelahan para sa mga privileged students pero noong nakaraang taon bumuo ng programa ang eskwelahan at nagsimula silang tumanggap ng mga scholars na kagaya niya. Wala siyang pera, pero utak ang naging puhunan niya. Sa dami ng mga kumuha ng entrance examination, isa siya sa pitong estudyante na napiling makapasok.

Nang makapasok siya sa eskwelahang iyon pakiramdam niya nanalo na siya sa lotto but that was a year ago now not so much because everything changed when she became a prefect. A responsibility that were given to them the seven lucky scholars. Hindi naman sa pinagsisisihan niya ang pagiging prefect, ang totoo niyan she's enjoying it pero hindi maiiwasan ang animosity sa kanila ng ibang tao. Kilalang kilala na siya ng mga estudyante dahil sa nickname sa kanya as one of the "notorious prefects" at dahil din sa dumadaming lupon ng haters nila. Kaya nga kanina lang, ang akala ni Ana na-bully siya kahit ang totoo nakalimutan lang niyang magsuklay. Almost every student from Rosenthal Academy only feels three things about them prefects. First, they don't like them at all. They thought that their very existence is a disgrace in the school, tainting their bluebloods. Ugh! Secondly, they don't care about them at all because thirdly, they don't exist in their world. Shortly speaking, they are outsiders. Ayos lang naman sa kanya iyon, except sa mga pagkakataon that they are being intolerable.

Biglang natigil sa paglalakad si Charlie ng matanaw sa may di kalayuan ang glass dome building na napapalibutan ng mayayabong na puno at iba't ibang uri ng halaman at bulaklak. Ang swimming pool ng Rosenthal Academy nasa may loob ng glass dome building na iyon na nakapwesto sa medyo bandang likod na parte ng eskwelahan. Ang layo na pala ng nalakad niya and without even knowing dinala siya ng mga paa niya sa direksyon papunta ng swimming pool. Nagsimulang tumibok ng mabilis at pagkalakas-lakas ang puso niya, pakiramdam niya sasabog iyon anumang oras. Bakit ba kasi siya napadpad sa lugar na iyon? At bakit doon siya dinala ng mga paa niya? Sisibat na siya habang wala pang nakakakita sa kanya. Pumihit si Charlie pabalik sa pinanggalingan niya ng manigas siya sa kinatatayuan dahil sa nakitang pigura sa may harapan niya. Lumipad ang lahat ng iniisip niya at naging blangko ang utak niya. Bago pa mapigilan ni Charlie ang sarili namalayan na lamang niya ang sarili na nakatitig sa mga mata into. Her heart practically stills. It even felt like she stop breathing for awhile. He stares back. Dark. Deep. Dangerous. Scary. Para siyang nalulunod. And thus, yours truly sadly and deeply in trouble, Charlaina Santiago. Mahilig sa movies kaya nga Film major siya. Maraming pangarap sa buhay, katulad na lang ng makagawa ng mga de-kalibreng films na pwedeng ipanglaban sa mga International Film Festivals. Kaya kailangan niya pang mabuhay ng matagal para matupad ang mga pangarap na iyon. Kaya lang ng mga sandaling iyon hindi inaakala ni Charlie na may isa pa pala siyang pangarap na di siya nilulubayan at iyon ang maging supulturero at maghukay ng sarili niyang libingan.

Damn it. She's doomed because for a while she thought, she wants to drown in his gaze and she wants to fall deeper. Go deeper. Patay na!

Kailan pa siya naging suicidal?