Hindi nais ni Charlie na magkaroon ng kumplikadong buhay na mas titindi pa sa meron siya ngayon. Kaya nga ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para umiwas sa gulo ngunit mukhang may ibang plano ang tadhana para sa kanya. Ever since witnessing a certain incident that involves Alessandro Roman Gatchalian a notorious womanizer known for his complicated taste in women, Charlie’s life also takes an even more complicated turn. Despite knowing how complicated he is—it seems that she can’t stop worrying about him. Before she knows it she found herself tangled in weaves of secrets, lies and intrigues that revolve around him. To make matters worse—habang tumatagal mas lalong nagiging malinaw para sa kanya ang tunay niyang nararamdaman para sa binata. Charlie found herself falling in love. It was a ridiculous notion even for her. And she only have two options left. One is to run away while she still can or two—make him fall in love with her despite knowing that hell would freeze over before that even happens. Either way, she’ll get herself hurt. Ano bang dapat niyang piliin?
"WAG mo nga akong sundan" hindi na napigilang asik ni Charlie sa kanyang nemesis turned stalker na si Teresita Valdez aka Tessa sa buong Rosenthal Academy. Nagmaang-maangan na tumitig naman si Tessa na animo'y wala itong binabalak gawing masama. Pinandilatan niya ito.
"I'm not following you" walang kagatol gatol na tanggi naman ng dalaga. Naitirik niya ang mga mata. Mas mabuti pang tapusin na lang niya ang usapan na iyon bago pa siya tubuan ng puting buhok.
Nagkibit balikat si Charlie. "Ok. Sabi mo e"
Tinalikuran niya ito at agad na nagmartsa paalis ng bigla siyang napahinto. Simula ng natapos ang meeting ng journalism club paglabas pa lamang niya ng clubroom ay sumusunod na sa kanya si Tessa kaya kung saan-saan din siya nagsususuot at lumiliko para inisin ito kaya nga lang siya ang unang nainis. Kaninang nasa meeting pa lang sila napapansin na niya ang walang palyang panlilisik ng mga mata nito na hindi maipagkakailang nakapukol sa kanya. Nagkahinala na siya kung anong susunod na mangyayari ngunit hindi pa rin niya nagawang maging handa sa napipinto na naman nilang pagbabangayan. Napabuntong hininga si Charlie.
"Leech!" mayamaya ay biglang sigaw ni Tessa sa direksyon niya. Nagpanting ang tainga ni Charlie. Bago pa man rumehistro sa utak niya ang gustong gawin ay naiinis na nagmartsa siya pabalik dito hanggang sa face to face na sila ng dalaga.
"May sinasabi ka?" Matalim ang tingin na tinitigan siya ni Tessa. Tinapatan naman iyon ni Charlie. Walang kumurap sa pagitan nilang dalawa.
"Makukuha ko rin ang posisyon mo. Maghintay ka lang" walang paligoy-ligoy na pagbabanta nito.
Natigilan si Charlie sa narinig. Malamang ang tinutukoy nito ay ang posisyon niya bilang bagong editor-in-chief ng school paper nila. Mula ng nailuklok siya sa pwesto hindi na natigil si Tessa sa pagpaparinig nito kumpara sa dati. Kahit noong isa pa lamang siyang dakilang Photographer ng Journalism Club nagkakasagupa na sila nito dahil magkapareho sila ng forte. Mahilig din itong kumuha ng mga litrato. Ang totoo niyan pareho din sila ng kinukuhang kurso at bukod doon pareho din sila ng goal na maging editor-in-chief ng school paper nila ngunit mas naunang natupad ang goal niyang iyon dahil siya ang nailuklok sa pwesto simula ng grumaduate ang mga seniors nila samantalang assistant-editor-in-chief naman si Tessa ngunit sa kabila ng lahat ng iyon hindi maiwasang isipin ni Charlie na may mas malalim pa itong pinaghuhugutan. It's just that she thinks that Tessa really hates her for some other reason aside from their rivalries that she still couldn't figure out until now. Competitive nga ito, nasaksihan niya iyon sa mga ibang taong nakakasagupa nito pero pagdating sa kanya—it's a whole new level.
Noong una ay hinahayaan lamang niya si Tessa dahil hindi pa naman talaga siya totoong nasasaktan pero may limitasyon din naman ang pagiging understanding niya at sa pagkakataong iyon talagang inuubos ng dalaga ang good graces niya. Kaya hindi na niya napigilan ang pagtaas ng kilay niya na naging kasing-taas na yata ng Mt. Everest at nakakalokong ngumiti.
"Ano nga ulit ang kasabihan—actions speak louder than words right? Naiintindihan mo naman iyon diba? O kailangan ko pang i-elaborate para sayo?" nanghahamong banat naman niya.
Katulad ng inaasahan nanlaki ang mga mata ni Tessa at animo'y nagsimula ng umusok ang ilong nito. Pulang pula na rin ang mukha nito sa galit. Agad siyang nagdiwang sa nakitang reaksyon mula dito. Kulang na lang magsasayaw sa tuwa si Charlie ngunit agad na lumipad ang momentum niya palabas ng outerspace ng bigla siyang may naalala. Nahulas agad ang ngiti niya. She already witnessed Tessa's anger beforehand and she just realized she didn't want to be in the receiving end of it. May tapang naman siyang naitatago pero hindi siya mahilig makipagsabunutan o makipag-away ng pisikilan. Agad na nagpalinga-linga si Charlie humahanap ng rescuer sa tabi-tabi pero sa kamalas-malasan isolated ang parteng iyon ng building. Lumipad pabalik ang tingin niya kay Tessa. Handang handa na siyang bawiin ang mga sinabi niya dito ng biglang…
"Te—"
"You bitch!" mabilis na lumipad ang mga kamay nito sa ere at handa na sa sabunutan galore na binabalak nito ng mabilis siyang nakaiwas ngunit panandalian lang ang reflexive response niya dahil biglang nanglambot ang mga tuhod niya dahil sa aftershock. Hindi agad nakahuma si Charlie, naestatwa siya sa kinatatayuan habang pinagmamasdan si Tessa na biglang tinubuan ng sungay at buntot sa paningin niya—kulang na lang humawak ito ng higanteng tinidor. Muli itong sumugod at sa pagkakataong iyon nahuli siya ng iwas at nahablot nito ang nakalugay niyang buhok. Agad na rumehistro ang matinding sakit na nanuot sa buong anit niya!
"Ouch! Bitiiww! Bitiiwwww!" makapatid hiningang tili ni Charlie habang patuloy siya sa pagpupumiglas. Nakakalokong humalakhak si Tessa.
"Bitiwan ka? Are you crazy? I finally got my hands on you. I'll make you suffer first!" nanggagalaiting singhal nito.
Ako pa talaga ang baliw? Eh sino kayang nagmumukhang psychokiller sa aming dalawa ngayon?! Hindi napigilan ni Charlie ang matawa sa naisip.
"Are you laughing at me?! You bitch!" Lalong nag-init ang ulo na singhal nito sa kanya. Pinaigting ang pag-murder sa buhok niya.
"Teka! Nakakarami ka na ng stri—aaaaaawwww!!! "
Anong gagawin ko? Anong gagawin ko? parang sirang plakang kausap ni Charlie sa sarili. Mapapanot na ako! Hindi pwede! Not my hair!
Charlie settled with a decision—to hell with her rules! Hindi siya dapat magpatalo at mapaiyak ni Teresita Valdez! Buong lakas na sinimulang pigilan ni Charlie ang pag-atake ng katakot-takot na mga kamay ni Tessa pagkatapos ay nagmamadaling nilakbay at kinapa ng isa niyang paa ang paa ng dalaga—ng maramdaman naman iyon ay ubod ng lakas na tinapakan niya ito. Pasalamat si Tessa hindi siya mahilig magsuot ng heels pero kahit rubber shoes lang ang suot niya epektibo ang plano niya dahil agad namang napahiyaw sa sakit ang dalaga at nagmamadaling binitawan ang buhok niya para inspeksiyunin ang na-murder nitong paa.
Napahiyaw sa tuwa si Charlie. She took that chance—she run like hell.
WALANG lingon-likod na kumaripas ng takbo si Charlie. Nang makakita siya ng nakabukas na pinto ng isang kwarto agad siyang pumasok doon at ini-lock iyon ngunit hindi pa man siya nakaka-recover nanlaki ang mga mata niya ng mapagmasdan niyang mabuti ang lugar na kinahinatnanan niya. Nasa may laboratory siya na personal na ginagamit ng mga professors at restricted sa mga estudyante na katulad niya. Kinakailangan niyang umalis bago pa may makakita sa kanya dahil siguradong malalagot siya kapag nakarating iyon sa Prefect Adviser nila na si Miss Rivas ngunit bago pa man siya makalabas ng kwarto may marinig na siyang yabag ng mga paa. Awtomatikong nagtago si Charlie.
"You bitch! Lumabas ka hindi pa tayo tapos!" nanggagalaiting tili ng boses sa may di kalayuan lamang sa pwesto niya. Hindi pa siya nakakabwelo dumating na naman ang bagyo ng buhay niya! Sumilip si Charlie at agad naman niyang nakita si Tessa—o mas tamang sabihin na nakita siya nito na sumisilip habang nakatayo ito sa may tapat ng bukas na bintana ng laboratory at nakamamatay ang tinging tumitig sa kanya. Agad siyang nagtago, naumpog pa ang ulo at gumapang palayo sa bintana.
"Nababaliw na talaga siya!" manghang bulalas ni Charlie. Hindi siya makapaniwala na nangyayari iyon sa kanya. Madami na nga siyang haters dumagdag pa ang isang mortal nemesis na may problema yata sa utak. Ano na lang ang mangyayari sa buhay niya? Marahas na napailing si Charlie dahil sa tinatahak ng isip.
"Hindi! Kaya ko 'to!" muling kumbinsi niya sa sarili. "Mabuti na lang talaga na-iloc—" napatili si Charlie sa gulat ng may biglang dumamba sa kanya. Natulos siya sa kinahihigaang matigas at malamig na tiled flooring habang pinagmamasdan ang devil incarnate na kasalukuyang dumadagan sa kanya.
"Surprised?" mala-kampon ni Satanas na tanong nito. Paano siya nakapasok? Nag-teleport ba ito?
"Well, looks like I'm way smarter than you"
"Huh?"
"Incoherent much? Good! I'm now getting through that thick head of yours. Listen to me! YOU CAN NEVER BEAT ME! I ALWAYS WIN CHARLIE. I ALWAYS WIN!" mariin nitong paalala with matching angil pa ng ngipin. Lalo siyang natigilan dahil sa narinig. Nagsimula siyang magbilang sa isip nang makaabot siya ng sampu kahit paano nagawa niyang pakalmahin ang sarili bago magsalita.
"Pwede bang umalis ka sa ibabaw ko" mahinahong utos niya kay Tessa. Ngumisi lamang si Tessa bilang sagot at lalo lamang binigatan ang sarili. Ininda ni Charlie ang bigat nito na lalong nakapagpalawak ng ngisi ng dalaga. Habang tumatagal lalong nagdidilim ang paningin ni Charlie at mas lalong lumilinaw naman ang kahihinatnanang tadhana ni Tessa at iyon ay ang mabura ang mukha nito sa mundong ibabaw! Bago pa magbago ang isip niya buong lakas na inumpog niya ito ng ulo niya. Tessa screamed in pain and she was free. Nagmamadaling gumapang palayo si Charlie sa dalaga na namimilipit pa rin sa sakit samantalang nanginginig naman ang mga tuhod niya. Agad siyang naghanap ng mahahawakan para suportahan ang sariling makatayo ng biglang may humila ng paa niya. Napapagod na tinignan na lamang niya si Tessa. She already broke the rule of getting into physical fights more than once in just a day. Wala na siyang natitirang lakas para muling makipag-away dito.
"Tessa tumigil ka na nga! Napaka childish mo talaga!" naiinis na bulalas na lamang niya. Ngumisi lamang ang dalaga. Nakabuhaghag na ang kulot na buhok nito na kanina lang ay naka-ponytail at na-smudged na rin ang mascara at eyeliner nito dahil sa naluluha nitong mga mata pero mukhang walang pakialam si Tessa sa kung anumang hitsura nito ngayon.
"Hindi mo alam ang sinasabi mo! Hindi ko matatanggap na isang tulad mo lang ang aagaw ng dapat ay sa akin!" nag-aapoy sa galit ang mga mata na singhal nito. Lalo ring humigpit ang pagkakahawak nito sa paa niya pakiramdam niya mababalian na siya ng buto.
Still, she chose to be calm. KALMA. Charlie chanted inside her head.
"Hindi ko ala—" natigilan si Charlie ng makarinig ng panibagong yabag ng mga paa kasunod niyon ay halakhak ng isang babae na nasisiguro niyang nasa loob na talaga ng laboratory ng mga sandaling iyon. Mabilis pa sa alas-kwatrong pinakawalan naman siya ni Tessa at sinilip nito ang mga bagong dating.
Ano bang nangyayari? Bakit ngayon pa may dumating?
Mayamaya lamang ay nakarinig naman si Charlie ng mahinang tunog ng pag-lock ng seradura ng pinto. Napangiwi si Charlie. Si Tessa nga nakapasok kahit siniguro niyang naka-lock ang pinto pwera na lang talaga kung kaya nitong mag-teleport katulad ni Son Goku. She's been suffering from countless shocks and surprises of her life merely brought by Tessa's presence that's why nothing could surprise her anymore.
Woah! Wait! Seryoso? Hindi makapaniwalang pinagmasdan ni Charlie si Tessa na biglang na-estatwa sa pwesto nito. Lumapit siya sa dalaga at kinalabit ito—ginawa niya iyon ng makailang ulit pero hindi man lang ito natinag para singhalan, bulyawan o bugahan man lang siya ng apoy dahil sa kalapastanganang ginawa niya. Sinilip niya ito at muntikan ng mapahiyaw sa gulat si Charlie ng tuluyang makita ang hilatsa ng mukha ng dalaga. Pakiramdam niya bigla siyang nag-travel sa isang alternate universe dahil sa nakikita.
Before: Wild, energetic and crazy Tessa.
Now: Super pale, slack-jawed Tessa who also looks liker her puppy got kicked to death. She looks like she's suffering.
Sino ba ang mga bagong dating at naging ganoon na lang ang hitsura nito?
"Love, walang ibang tao dito ngayon kaya…" mayamaya ay mapang-akit ang boses na saad ng isang babae. Parang pamilyar sa kanya ang boses na iyon. Hindi lang niya matandaan kung kanino.
"Let's just put the blinds on" anang isang baritonong tinig na hindi niya maintindihan kung bakit nakapagpataas ng balahibo niya sa katawan. Animo'y nagdedeliryong humagikhik naman ang kasama nito. Bigla siyang nanlamig at kinilabutan dahil sa nabubuong scenario sa utak niya.
Teka lang! Blinds daw! Agad na lumipad ang tingin ni Charlie sa bintanang malapit sa kanya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya ng mapagtantong natatakpan na ang bintana sa may parteng iyon na pinagtataguan nila. Bumaling ang atensyon niya kay Tessa na nakapagkit pa rin ang tingin sa mga bagong dating. Mayamaya lamang biglang nakarinig na si Charlie ng kung ano-anong ingay na siguradong maririnig lang with clarity sa isang x-rated movie. She can actually hear gasps and moans! For the love of all that's holy! Muntikan na siyang mapakaripas ng takbo mabuti na lang agad niyang napigilang ang sarili.
Is this really happening right now?! Bakit ngayon pa?!
Gusto nalang sana niyang i-tune out ang ingay at maghintay hanggang sa matapos ng mga ito ang makamundo nitong gawain pero bigla siyang hindi mapakali. Humugot siya ng isang malalim na buntong hininga pagkatapos ay dahan-dahan na pinatong ang dalawang kamay sa balikat ni Tessa para makapag-balanse at sinilip ang babaeng nagdedeliryo. Mabuti na lang masyadong engross sa pagsilip si Tessa kaya hindi siya nito naiitsa. Nang maiayos ni Charlie ang katawan sa magandang anggulo tsaka lang niya napagtuunan ng pansin ang mga nangyayari at ng magawa niya iyon pakiramdam niya luluwa ang eyeballs niya sa kakatingin kay Ms. Cacapit habang nakaupo ito sa may desk, nakaliyad at patuloy itong hinuhubaran ng isang lalaking hindi pa rin niya makita ang mukha. Nang akmang hahalikan na ng kasama nito ang dibdib ni Ms. Cacapit ay impit siyang napatili. Agad niyang binusalan ang bibig gamit ang namamanhid niyang mga kamay.
Then she fell off the grid.
Wala ng mas titindi pa sa gulat na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.
Si Mr.Sungit iyon.
Si Alessandro Gatchalian!
She can't believe she's seeing this. She's been hearing things pero hindi siya makapaniwala na makikita niya iyon ng live!
Kaya pala ganoon na lang ang hitsura ni Tessa. Hindi niya ito masisi sa naging reaksyon nito dahil kahit siya pakiramdam niya papanawan siya ng katinuan sa nakita.
Just why the heck is this happening to me?! hindi na napigilang piping usal ni Charlie sa kawalan.