webnovel

Thieves of Harmony

Melizabeth has been cruel to the world. She was a murderer, an assassin, a thief, but no one knew about it. She was disguised. Perhaps, only the Gods knew about her. She knew that even if she's cruel, strong, and fast. She can never beat the Gods, and that she wanted to do. She trained herself to becoming a Semideus, a mortal favored by the Gods. She wanted to go to the Olympian world, but she did not want to belong. She only seeks for answers, truth and revenge. Will she do it despite of being so smitten in love?

lostmortals · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
62 Chs

Eleusia

Hera, Queen of the Gods. Goddess of Marriage and Birth.

Her test is next. Kasalukuyan kaming papunta sa mortal world. Hindi ko alam kung bakit dito kami papunta, but sabi niya dito raw magaganap ang tests.

I'll be back to my world again.

Walang sinabi kung ano ang magiging hamon, pero sinuotan kami ng singsing at huwag daw naming tanggalin kung gusto pa naming makabalik.

The ring looked really mesmerizing and beautiful. Kung ako, hindi ko na ito ibabalik at hindi ko talaga tatanggalin.

At mukhang alam ko na ang magiging battle. We should protect the ring at all costs, at dapat hindi namin hayaang manakaw ito...

Or not.

Hindi ko alam kung nasaang parte ako ng mortal world. My outfit was changed to an ancient-like one. I noticed that my hair was brown, and I was tan.

Ok. This is not me!

Na-realize kong napunta pala ako sa katawan ng iba, and probably this is not my timeline.

"Dea!" Napansin kong bati sa akin ng isa. Dea? Huh? Sino si Dea? Ako? Ako si Dea? Ahh... napunta ako sa katawan ni Dea?

I smiled at nabigla siya nang gawin ko iyon. Bakit? Hindi ba nangiti si Dea? Tinanggal ko tuloy ang ngiti ko at seryosong tumingin sa kaniya. I raised an eyebrow at her, at napatawa naman siya.

"Nakita kong ngumiti ka! First time!" Sabi ng babaeng 'to. She was blonde and she had green eyes. Adonia. Hindi ko alam kung paano ko nalaman ang pangalan niya, but I just did.

I felt someone take control of this body, malamang ay si Dea iyon. I spoke, "Kailan gaganapin ang pagpupulong?"

"Ngayon na," mariing sabi ni Eleusia. "Kaya nga tinawag na kita." Hinila naman niya ang kamay ko kaya't nagpadala ako.

Sa kalayuan ay nakita ko ang isang babae na nakaluhod at pinapalibutan siya ng mga tao. Tumutulo ang dugo sa kaniyang palad. Mortal. Isip ko nang makitang kulay pula ang dugo niya.

She was chanting some words, pero hindi iyon lubusang naintindihan. May kakaiba na namang kaalaman na rumehistro sa utak ko.

Lady Emetria. Ang shaman ng Eleusia, ang bayan kung nasaan ako ngayon. I also noticed that they were mortals. With magic. Nagulat ako nang makita si Circe.

Did she teach these mortals magic?

Tumayo si Emetria, at nakapikit na nagsalita. "Sisirain ng mga Diyos ang ating hinaharap! Aagawan ng buhay tayong mga mortal!"

"Pero sila rin naman ang nagbigay buhay sa'tin. Hindi ba't nararapat ngang sila ang kumitil ng buhay natin?" Tanong ng isa.

Tumawa si Emetria at sinagot ang tanong, "Magkakaroon sila ng digmaan, hanggang sa umabot sa punto na masira ang buong universe. At kahit sila ay mawawala rin."

Nagsimula ang bulungan. Nagtaka naman ako, it was one memory of when I was in Apollo's test. The non-existent world.

Nagsalita naman si Adonia, "Ano po ang maaari nating gawin Lady Emetria? Hindi natin pwedeng hayaan na masira ang universe."

Nanliit ang mata ni Emetria. "Lilikha tayo ng taong may kapabilidad upang salbahin ang mundo."

"Po? Paano? Hindi naman tayo mga Diyos, para makagawa nang higit pa sa Diyos!"

Tumawa si Emetria at tila baliw sa kaniyang nanlalaking mga mata, she suddenly held fire within her hands, next water, next air, and leaves. She manipulated elements, yet she was only a mortal.

"Mortal lang tayo, pero may mga kakayahan tayong ganito. Kaya't hindi imposible na makagawa tayo ng isang tao na nasakaniya lahat ng kapangyarihan ng Olympus," sabi niya.

Adonia whispered, "She has a point, pero magiging posible lamang iyon kung magkakaroon tayo ng ichor o dugo ng Olympians."

I breathed heavily. Ano ba itong nawiwitness ko? Why did Hera send me here? Or siya nga ba ang nagpadala sa akin dito?

Nagulat ako nang tila nagtime-lapse at biglang may twelve na katao ang naroon nakapalibot kay Emetria.

Ngayon, ay may hawak na libro si Emetria. The book glowed as she spoke, "The last Eleusinian Mystery."

"In time, the seed of our sacrifices will flourish. The seed will turn into a mortal with the ability and power of Olympians. It would be the most powerful being ever to save or destroy the whole universe," wika ni Emetria.

"Now it is a mystery whether the seed will save us or destroy us. That is the last Eleusinian Mystery. It is our last shot," dagdag pa niya habang nakatingin sa langit.

Gamit ang kaniyang mga kamay, naghukay siya ng lupa. Doon ay may nilagay siyang isang pilas mula sa libro. Isa isa ring lumapit ang twelve na taong nakapalibot sa kaniya, and I noticed the bowls they held and the golden fluid in.

Ichor. I noticed.

"May the seed possess Dionysus strong alcohol tolerance, and harmonious relationship with mortals. May the seed possess the soul of Dionysus' ichor."

Matapos ay binuhos niya iyon sa pinaghukayan niya. The next man approached her.

"May the seed possess the flames and abilities of the blacksmith. May it possess the soul of Hephaestus' ichor."

"May the seed possess the ability to harvest, and may it possess the sacred law, the ability to control the cycle of life and death. Demeter."

"May the seed possess the beauty of Aphrodite, enough to lure enemies, enough to persuade, enough to keep allies."

"May the seed possess Artemis' warrior soul. May it be fearless and brave."

"May the seed possess the knowledge, the ability to foresee the future and the past. The ability to read prophecies. May the sun, Apollo, bless the seed."

"May the seed possess the physical strength of Ares. May it bring on true courage in war."

"May the seed possess the wisdom of Athena. May she be favored by the Gods."

"May the seed possess Hera's authority. Queen of all Queens."

"May the seed possess the powers of all underworld. Death, spirits, wealth, and darkness. May she be a child of Hades."

"May the seed possess the calm and serenity of Poseidon. May she be able to manipulate waters, and take control of the seas."

"Lastly, may the seed be above all. May it become God of Gods. May it take control of the skies, and have the most power."

"May she possess the Olympian soul. A soul to save us."

My mouth was gaped open in shock all throughout the ritual. Why am I suddenly witnessing this ritual?

Mas lalo pa akong nagulat nang biglang tila may golden light na bumuo ng isang figure ng babae. It looked like a soul. So pure, so golden...

I looked at its face, and squinted my eyes to have a better look.

A-ako? Sigurado akong mukha ko iyon! Am I witnessing my creation? Kung gayon, may abilidad nga ako ng lahat ng Olympians.

"This is the soul. Now we need to sacrifice for it to produce a physical body. Hindi natin alam kung gaano kadaming sakripisyo ang kailangan ng seed para mabuhay. But I think the universe will sacrifice to give life to her," wika ni Emetria.

"Imposible! Ano pa ang saysay nitong ritwal kung ang paraan para mabuhay siya ay ang masira ang buong universe! Kaya nga natin siya ginawa para isalba tayo!"

Emetria smiled, "She will. She will save us. Naniniwala ako roon. The time the universe dies, and she becomes alive. She will go back in time to save us. After all, mayroon siyang ganoong abilidad."

"Paano ka naman nakasisigurong babalik nga siya para sagipin tayo?" Tanong ng isa pa.

Emetria didn't answer; however, she looked around unil she finally set her gaze on Dea, on me.

"Sigurado ako, dahil narito na siya."

In that moment, muling nawala ang paligid at dinala na naman ako sa isang scenario na mas lalong sumagot sa'king mga katanungan.