webnovel

Thieves of Harmony

Melizabeth has been cruel to the world. She was a murderer, an assassin, a thief, but no one knew about it. She was disguised. Perhaps, only the Gods knew about her. She knew that even if she's cruel, strong, and fast. She can never beat the Gods, and that she wanted to do. She trained herself to becoming a Semideus, a mortal favored by the Gods. She wanted to go to the Olympian world, but she did not want to belong. She only seeks for answers, truth and revenge. Will she do it despite of being so smitten in love?

lostmortals · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
62 Chs

Aphrodite

Melizabeth's PoV

Sinundan ko ang nymph na kasama ko paikot sa palasyo ni Aphrodite. It was full of riches, at natetempt akong magnakaw. Pero hindi iyon pwede, kailangan kong maging malinis dito. Huhu.

Pumasok kami sa isang gallery. Punong-puno ito ng paintings ni Aphrodite, pero iba-iba siya ng mukha because again beauty is within the eye of the beholder.

Kaunti lamang ang pagkakataon na nakapinta ang tunay niyang mukha, which I think is the most beautiful of all.

Lumapit ako sa isang painting na mayroong nakapintang golden apple sa gitna, at napapalibutan iyon ng maraming babae but Aphrodite stood out of the painting. Medyo nakita rin si Athena and Hera, pero may napansin din akong medyo nagstood-out sa background.

However, her face was unclear. She wore a bright red gown, at nagtaka naman ako sa painter. The background was supposed to be dull, pero nakalimutan nia ata ang isang 'to. This was too bright that it almost ruined the painting. Pero sabagay, mga metikoloso lang siguro ang nakakapansin.

Tiningnan ko ang pangalan ng nagpinta, pero bago ko pa nakita iyon ay dinala na ako ng nymph palayo.

Napanguso ako, ano ba yan! Hindi pa ako tapos e.

Napatingin naman ako sa ilang artifacts, plants or flowers na nakapaloob sa isang glass box. Tig-iisa ang bawat bagay ng box, at napansin kong mayroong pangalan ng lalaki ang kada glass box.

"These glass boxes are treasures or gifts that her suitors gave her. Sa totoo lang ay Goddess Aphrodite does not use things na binigay sa kaniya ng mga suitors niya. She likes to keep it, preserve it as a memory," wika sa'kin n nymph.

Umikot ako at namangha dahil mayroong mga halaman at bulaklak na buhay pa. Hindi rin nangangalawang o nagfefade ang mga jewelries kahit ang nakalagay sa date ay way back BCE.

"That's how she takes care of her gifts. Ang mga nagnanakaw dito ay hindi hinahatulan ng kamatayan, pero sila ay hinahatulan ng habang buhay na pagdurusa. Like hell," pagpapatuloy pa ng nymph.

"Sa totoo lang ay napakabait ng aming goddess, she is just mistaken sometimes of having affairs or such. Pero ano ba namang magagawa niya? She is the goddess of beauty, love and lust. Men want her," sabi niya pa.

True, I heard various rumors about her of having affairs. Napatanong naman ako sa kaniya, "Pati ba ikaw ay attracted kay Aphrodite?"

Umiling siya at napangiti, "I see the goddess as a motherly figure. Kaming mga nymphs ay inaalagaan niya nang mabuti. We would protect her at all cost."

"Hephaestus, her husband, kamusta naman ang relasyon ng dalawa?" Tanong ko uli.

"They... uh do not have that good relationship. Hephaestus disliked her because of the rumors and affairs. Turns out they actually hate each other," sagot naman niya. Hephaestus is the god of fire and a blacksmith. He is also known as the 'ugly god.' Iyon ay dahil ng haba at kapal ng balbas niya, ng mga scars niya na hindi na niya pinagamot dahil ayaw niya.

Beauty and ugly, married to each other pero hindi pala talaga sila nagkasundo kahit kailan.

"The gifts of Hephaestus is in her chambers, and are very much preserved than this. Hindi rin tinatanggal ni Aphrodite ang singsing niya, at para sa'kin ay she is a very loyal wife. Hindi lamang iyon halata," dagdag pa niya.

Napatango naman ako, at napatingin sa labas. Doon ay nakita ko si Aphrodite na nagdidilig ng mga bulaklak, napansin ko nga ang singsing sa kaniyang kamay.

Napapikit ako at naalalang may singsing din si Aphrodite nang magpakita siya sa'kin in her soul form. So does that mean that she is soul-bound to the ring? Or Hephaestus?

"Handa na pala ang chariot mo papunta sa isla ni Dionysus," wika sa'kin ng nymph.

Tumango naman ako. "Magpapaalam lang ako kay Goddess Aphrodite."

Tumakbo ako papunta sa labas at naabutang nag-aayos na si Aphrodite para pumasok sa loob. Kumaway ako sa kaniya at kaagad naman siyang ngumiti, "Melizabeth."

I bowed my head and smiled widely. "Thank you for blessing me with your magical girdle."

She chuckled, "Of course. There is a purpose why you are soul bounded to that girdle, Meli."

Nagtaas naman ako ng kilay.

"You are supposed to save lives with that girdle, pero napapansin ko ang pagkakaroon ng dark aura ng girdle ko."

"Napapansin ko na hindi pagiging Semideus ang pakay mo sa Olympian World. You wish to destroy it, am I right?"

I shivered at her words. Paano naman niya nalaman iyon? I lost my smile, at hindi napigilan ang masamang tingin sa kaniya.

"Meli, this is the Olympian World. Do you seriously think you could destroy it? It would take hundreds of years, and hundreds of powers."

"Quit your plans, and use the girdle for good. I will guarantee you to survive as a Semideus," sabi niya at hinawakan ang aking balikat.

I flinched kung kaya't napabitaw siya.

"Think about it, Melizabeth. Taking revenge will guarantee you death," sabi niya at nilagpasan na ako.

Pero bago pa siya mawala sa paningin ko'y narinig ko ang kaniyang pangako.

"I swear on the River Styx that I will not tell anyone about it."

Thieves of Harmony

By lostmortals

Plagiarism is a crime.

Thank you for reading!