"Sino ka at bakit mo ako tinatawag na Elise?"
Tanong ng babae kay Ethan.
Kinuha ni Ethan ang isang panyo, meron itong nakaburdang pangalan.
Elise.
"Nakuha ko ito sa bulsa ng coat mo!"
"Coat?"
"Oo may suot kang sleeveless coat ng makita kita. Yan ang pinangkukumot ko sa'yo para hindi ka lamukin at ginawin pag umuulan."
Pero napansin ni Ethan na wala sa babae ang coat, marahil ay nalaglag ito ni Elise ng hindi nya napapansin.
"Ibig bang sabihin nito, Elise ang pangalan ko?"
Nagulat si Ethan sa tanong ng babae.
"Anong ibig mong sabihin, hindi mo alam ang pangalan mo?"
Umiling ang babae.
"Hindi kaya nagkaron ka ng amnesia ng bumagsak ka?"
"Bu ..mag.. sak ako?"
Nalilito ang babae.
At si Ethan hindi alam paano ipapaliwanag ang sinabi nya.
"Ikaw at ako ... paano tayo nagkakilala?"
Tanong ng babae na napahawak sa sentido nya.
Sumasakit na kasi ang ulo nya.
"Hindi pa tayo magkakilala. Ako nga pala si Ethan."
"Kung hindi tayo magkakilala, paano...?"
Sabay tingin ni Elise sa tyan nya.
"Ay hindi! Wala akong malay dyan! Buntis ka na ng makita kita!"
"Hindi ikaw ang gumawa nito sa akin?"
"Hindi ah!"
"Eh bakit kanina gusto mo akong akapin?"
"Natakot kasi ako, paggising ko wala ka na! Akala ko iniwan mo na ako! Huwag mo ng uulitin yun ha, huwag mo akong iiwan dito! Iniligtas ko ang buhay mo kaya huwag mo akong iiwan! Kung gusto mong umalis isama mo ako, ayokong maiwan magisa dito!"
Sagot ni Ethan na parang bata.
"Para kang bata dyan! Paano naman kita iiwan sa kalagayan ko?"
Natahimik si Ethan sa inasal nya. Ngayon lang kasi sya nakaramdam ng ganito katinding kaba.
Hindi nya mawari pero ramdam nyang mahalaga sa kanya ang babaeng ito, marahil ay sa sobrang tagal nilang naistranded dito sa isla.
"Sabi mo iniligtas mo ako, pwede mo bang ikwento sa akin kung paano mo ako nailigtas?"
"Yung nasakyan ko kasing taxi dinala ako sa isang liblib na lugar at duon hinoldap. Tinangay lahat ng gamit ko at inwan akong magisa dun! Wala akong nagawa, para kasing may inispray sa akin kaya bigla akong nanghina.
After kong mahimasmasan dumating naman ang isang sasakyan sa di kalayuan at nakita ko nga ang mga armadong lalaki na bitbit ka!
Tapos binaril ka nung isa. Nung makita kitang nahulog sa bangin agad kitang sinundan, tumalon din ako para sagipin ka pero ... mas nauna akong bumagsak sa tubig at ikaw nakasabit sa isang sanga ng puno.
Maya maya nahulog ka sa pagkakakapit mo kaya nahulog ka rin.
Ang hindi ko maintidihan ay kung bakit may suot kang life best? Pero nakatulong ito para hindi ka lumubog at malunod sa tubig. Unconscious ka na kasi ng dumating ka sa tubig, nauntog ang ulo mo sa may nakausling bato.
Then after that ay inanod tayo hangggang sa makarating dito sa isla.
Dito ko na napansin ang sugat mo sa noo na tama ng bala, dumaplis ito pero malalim pa rin ang sugat, pati na rin ang pasa mo sa batok at sa kanang braso.
Akala ko nga sa kalagayan mo, hindi ka na aabutin ng bukas, pero hindi ka man lang nilagnat!"
Chineck ng babae ang ulo nya, hinahanap ang mga sugat pero naghilom na ito.
"Anong ginawa mo, paano mo ako ginamot?"
"Yung mga gamot mo na dala mo ang ipinainom ko sa'yo lalo na yung may nakalagay na for emergency. May nakita din akong mga gamot mo para sa baby kaya nalaman kong buntis ka pero hindi ko alam kung ilang buwan na yan, anlaki e!
Araw araw din kita pinakakain ng kamote minsan ay isda pagsiniswerte kahit na unconscious ka pero ... hindi ko pa rin talaga akalain na mabubuhay ka sa napakatagal na panahon na wala kang malay!"
Nagulat si Elise sumakit ang ulo nya sa dami ng impormasyon na narinig nya.
'Jusko ano bang klaseng buhay meron ako bakit nangyari ito sa akin?'
'At .... sino nga ba talaga ako?'
*****
Sa Tambayan Restaurant.
"Sir.... Sir Mel?"
Pilit na ginigising ni Raymond si Mel.
Dahan dahan nagbukas ng mata si Mel.
"Bakit? May kailangan ka ba?"
Pilit na naupo ng maayos si Mel, hihikab hikab pa.
Eh kasi Sir, kasi po..."
Napansin ni Mel ang mga tao na nakasunod kay Raymond.
"Anyare, bakit andito kayo lahat?"
Sabay sabay silang napatingin kay Lara kaya sinundan din ni Mel ang direksyon ng tingin nila.
"Oh, Miss anong nangyari sa'yo?"
Tanong ni Mel ng makita ang itsura ni Lara na punit ang suot na damit, magulo ang buhok at may mga pasa sa mukha at katawan.
Napataas ang kilay ng mga tao na naroroon na nakikiusyoso.
'Akala ko ba sabi ni Lara si Sir Mel ang may gawa nito sa kanya? Bakit tila walang kaalam alam si Sir Mel?'
'Hindi kaya isa na naman ito sa scheme ni Lara?'
"Eh, Sir minolestya daw po sya."
Si Raymond ang sumagot kay Mel.
Samantalang si Lara ay patuloy sa pag acting na kaawa awa.
"Minolestiya? Nino?"
Nagulat si Mel, wala syang kamalay malay na may nangyayari pa lang ganito sa Tambayan.
"Mabuti pa Raymond tumawag ka ng pulis para maireport natin agad at mahuli ang may gawa sa kanya nyan?"
Lahat: "????"
"Totoo ba ito, tatawag daw ng pulis?"
"Sabi ko na wala akong tiwala sa sinasabi nitong si Lara eh!"
"Si Sir Raymond lang naman ang naniniwala sa kanya."
Nadinig ni Lara ang mga bulung bulungan sa paligid.
'Hmp! Ang iingay ng mga chismoso't chismosang 'to!'
"S-Sir Mel, alam ko pong hindi ko po kayo dapat ginambala kanina, gusto ko lang naman pong makiusap na huwag nyo po sana akong tanggalin sa trabaho, pero .... pero .... huhuhu ... hindi ko po akalain na sasaktan nyo ako dahil lang sa ..... Huhuhu!"
Sobrang nakakaawa na ang itsura ni Lara.
Medyo naguilty naman si Mel sa pagkakasipa nito sa kanya kanina.
"Ah ganun ba, nasaktan ka ba? Kasi kanina ng tinanong kita sabi mo okey ka lang kaya akala ko, okey ka lang!"
Tumaas naman ang kilay ng lahat.
"Ibig sabihin totoo ang sinasabi ni Lara?"
Lihim namang nangiti naman si Lara.
'Kala nyo siguro hindi ko kayang paaminin itong mayari! Hmp!'
'Mga wala kayong alam! Ang mga ganyang itsura ng tao kahit na sabihing pang sila ang may ari ng restaurant, madali lang utuin!'