112 Mapapasok Sa Gulo

Napakunot ang noo ni Raymond.

'Nagiba na ba ang kulay ng dugo ni Boss Mel matapos makasal kay Mam Kate?'

'Posible naman na magkagusyo sya sa babae pero, parang napaka imposibleng magiging manyak sya!'

'Allergic ito sa mga babaeng umaaligid at nagpaparamdam sa kanya simula ng magka jowa ng amasona!'

'Takot nya lang multuhin sya ni Mam Kate!'

Pero kita pa rin sa itsura ni Raymond ang pagkadismaya samantalang panay ang bulungan ng mga ususero at ususera.

"Ibig bang sabihin totoo ang paratang ni Lara?"

"Siguro, sinaktan daw eh!"

"Hindi ko alam nakikiusyoso lang ako kaya ako andito!"

"Oonga mukhang magandang palabas ito!"

Lihim namang nakaingisi si Lara ng mapansin ang mga pagdududa sa paligid lalo na si Raymond na halatang hindi makapaniwala na totoong nagawang saktan sya ni Mel.

'Sa tingin ko malapit ko ng mahawakan sa leeg itong si Sir Mel, konti na lang!'

'Ngayon, ang kailangan ko lang gawin ay takutin itong si Mel.

Kailangan kong masabi ang demands ko!'

'Hihingi ako ng maraming pera! .... Hindi! Mas maganda kung jojowain ko 'tong si Mel!'

'Tama! Jojowain ko sya! Tutal dead na naman ang asawa nito eh!'

'Kahit na ganyan ito na napaka simple, pwede na ring pagtyagaan!'

'Mayaman naman eh!'

'Pag naging jowa ko ito, hindi ko na kailangan magtrabaho at susunod na sa akin ang lahat ng narito! Hehe!'

Nalunod na si Lara sa sarili nyang imahinasyon at naniniwala syang mangyayari ito ayon sa gusto nya.

Halos katulad kasi ni Mel ang naging jowa nya dati na ginawa syang kabit pero pumayag sya dahil sa mayaman ang lalaki.

Sunod lahat ang gusto nya pero isang araw dumating sa apartment na ibinigay sa kanya ng lalaki ang misis nito, inaway sya at pinalayas.

Mula noon hindi na sya pinansin ng lalaking kinakasama nya.

Yan ang dahilan kaya wala syang choice kundi ang magwaiter.

'Kailangan kong mapaalis ang mga ususero't ususerang ito para makausap si Mel.'

"Sir Raymond, wala naman akong planong magreklamo sa nangyari. Naintindihan ko naman ang sitwasyon ni Sir Mel ngayon."

Sabi ni Lara na akala mo napaka maintindihan tao kaya nya sinabi ito.

"Hoy kayo, magsibalik na nga kayo sa ibaba! Andito tayo lahat sinong tao sa baba at magaasikaso ng customer?"

Itinaboy nya ang lahat saka isinara ang pinto saka hinarap si Lara.

"Mabuti naman Lara, kung ganun!

Sa ngayon siguro mas mainam na umuwi ka na muna. Ipahahatid kita!"

"Ha? Sir Raymond huwag na po!"

"Pero hindi pwede Lara, kailangan kitang maihatid, yan lang tulong na magagawa namin sa'yo diba Sir Mel?"

Sabay lingon ni Raymond kay Mel na hirap na hirap tumayo at saka isa isang inilalagay ang saklay sa kili kili nya.

Napaisip tuloy si Raymond habang nakikita si Mel sa ginagawa nito tapos ay napatingin kay Lara.

Maya maya napaupo si Mel dahil namali ng lagay sa saklay.

"Sir, tulungan ko na po kayo!"

Napalapit din bigla si Lara.

"Sir Raymond ako na po!"

Gustong magpakitang gilas ni Lara.

Hindi tuloy maiwasan na magtaka ni Raymond ngayon.

'Papaano namolestya ni Sir Mel itong si Lara kung mismong sarili nya hindi nya makaya?'

'At papano magagawang nitong babaeng ito na lapitan ang taong sinasabi nyang nagmolestya sa kanya?'

'Ano ba talaga ang motibo ng babaeng ito?'

"Huwag na Miss, okey lang ako. Saka, hindi tayo close, hindi magandang tingnan na umalapit ka sa akin basta basta gaya ng ginawa mo kanina. May asawa akong tao, hindi tama ito."

Suway ni Mel kay Lara bago makalapit ito.

"Raymond, parating na si AJ Dude, kaya bababa na ako! Ikaw na ang bahala dito .... at sa kanya!"

Sabay turo kay Lara.

"Kaya nyo na po ba magisa Sir?"

"Oo kaya ko na. Magdadahan dahan ako sa pagbaba."

Saka nito tiningnan si Lara.

"Miss, pasensya ka na kung nasipa kita kanina, hindi ko sinasadya, nabigla mo kasi ako! Kung nasaktan man kita, si Raymond na ang bahalang magasikaso sa'yo! Sige maiwan ko na kayo!"

At tumalikod na si Mel.

"Pero Sir Mel, teka lang po antay po, gusto ko po kayong makausap!"

Habol ni Lara pero pinigil sya ni Raymond.

"Teka lang Lara, saan sa akala mo ka pupunta? Ha?"

"Susundan ko po si Sir Mel, kailangan ko po syang makausap!"

"Tapatin mo nga ako Lara, bakit mo sinasabing si Sir Mel ang nagmolestya sa'yo? Ano bang motibo mo, palitan si Mam Kate?"

"Ha? H-Hindi po Sir! Nagaalala lang po ako kay Sir Mel!"

"Pwede ba Lara huwag mo akong lokohin!"

Toktoktok.

Nagulat sila pareho ng may kumatok.

"At sino naman itong istorbo na 'to?"

Pagbukas ng pinto, tumambad ang mga pulis.

"S-Sarhento, ano pong ginagawa nyo dito?"

"Nag message si Sir Mel kay Chief na may minolestiya daw dito kaya pinapunta nya ako! Sino ba ang minolestiya?"

"Ha? a... e... "

"Ninong?"

Tawag ni Lara.

"Lara.... ikaw ba yan? Anong nangyari sa'yo?"

"Ninong, huhuhu huhu!"

"Bakit anong nangyari sa'yo? Ikaw ba ang sinasabi nilang minolestiya? Sinong may gawa nito sa'yo?"

"Ninong? Inaanak mo sya?"

"Oo at ngayon lang ulit kami nagkita! Ano bang nangyari bakit ganito ang itsura nya? Huwag mong sabihin....?"

Sabay tingin ni Sarhento kay Raymond

"Ay naku Sarg. excuse me ha, wala akong malay dyan! Saka hindi ko sya type ikaw ang type ko!"

Tiningnan ni Sarg. Gaspar si Raymond ng matalim.

"Kung hindi ikaw sinong may gawa sa kanya nito?"

"Aba malay ko dyan sa inaanak mo kung sino ang itinuturo! Bakit hindi mo tanungin?"

"Anong ibig mong sabihin, nagsisinungaling itong si Lara?"

"Ninong, huhuhu, huwag na po okey lang po ako, nagkausap na po kami ni Sir Mel."

"Anong okey? Sinong ngang may gawa sa'yo nito?"

"Oonga Lara, bakit hindi mo sabihin kung sino nga ang may gawa sa'yo nyan at baka pati ako mapagbintangan!"

"Si .... si .... "

Sabay tingin ni Lara sa upuan ni Mel.

"Si Sir Mel ba ang tinutukoy mong may gawa nito?"

Hindi nagsalita si Lara, kinagat lang nito ang mga labi na parang natatakot.

This time na realize ni Raymond kung gaano kagaling umarte itong si Lara.

"Raymond ano 'to? Bakit ganito? Pangaabuso ang ginagawa ninyo! Gusto nyo bang ipasara ko itong restaurant sa ginagawa ninyong ito?"

"Teka lang Sarg. maghunusdili ka, magpapaliwanag ako!"

"Hindi ikaw ang kailangan mag bigay ng paliwanag kundi ang Boss mo!"

"Pero wala sya dito, kaaalis lang! Hindi ba kayo Nagkasalubong sa baba?"

"Hindi ko sya nakita, Raymond! Hindi maari ang ganito! Babalik ako, at sa pagbabalik ko may dala na akong warrant para dyan sa boss mo at tityakin ko sa'yo, ipapasara ko itong restaurant na 'to!"

'Patay! Mukhang mapapasok sa gulo itong si Sir Mel!'

avataravatar
Next chapter