webnovel

There is US not You and I

Ang sabi ng lahat hindi raw tayo 'BAGAY' para sa isa't isa. Pero sino ba sila para pakialaman tayong dalawa? Sya lang ang lalaking nagparamdam sa akin what really loves is! As long as we hold our hands together, kahit ano mang dumating kakayanin natin ng magkasama!

trimshake · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
154 Chs

SECRET

Pagkatapos pagaralan ni Jaime ang sitwasyon, naisip nitong mas makakabuti kung lalapit sya sa NBI. Masyadong malalaki at maimpluwensya ang mga taong involve.

Sinabi nya kay Nadine ang kanyang desisyon.

"Hindi ako makakapayag na harapin mo ito ng magisa, anak ko rin sya!"

Tugon ni Nadine sa kanya.

".... at isa pa involve din ako dito kaya mas makakabuting sa umpisa pa lang makita na nila ako!"

Dugtong ni Nadine ng mapansin nyang gusto syang kontrahin ni Jaime.

Tiningnan ni Jaime ang asawa na hindi alam ang gagawin. Kilala nya ang asawa nya, hindi ito mananatili sa likod lang nya at mananahimik na lang sa isang tabi. Kaya wala syang nagawa ng samahan sya ni Nadine patungong NBI.

Naghain sila ng formal complaint para sa mga taong involve sa sindikato. Ginawa nila ito para matigil ang pag clear ng name ng bawat myembro ng sindikato na nahuli nila.

Nasayang ang effort nila na mahuli ang mga ito dahil isa isang nalilinis ang pangalan nila na hindi nila maintindihan kung bakit, kaya naisipan nilang lumapit na sa NBI.

Pagkatapos nilang maghain ng reklamo ay nagtungo silang Singapore para makausap si Dante at humingi ng tawad.

Hindi makapaniwala si Dante na na nahanap sya agad ni Jaime, nanghina sya at nanginginig sa takot sa pagaakalang narito si Jaime para gumanti sa ginawa nya sa kanyang ama.

"Pakiusap, nagmamakaawa akong huwag nyong sasaktan ang anak ko!"

Napaluhod si Dante, nakayuko iyong nakikiusap kay Jaime.

Agad naman nilapitan ni Nadine si Angela ng makita ang ginawa ng ama. Natakot ito at mukhang nagsisimula magka tantrum ng makita na nagpapanic ang ama.

"Papa ... Papa ... Papa ko!"

"Shhh... Angela, hello you want to play, huh? Halika pasok tayo sa loob play tayo!"

Sabi ni Nadine habang itinalikod si Angela para mawala ang paningin nito sa ama.

Sa edad na 21, mistula itong batang musmos na walang pang malay sa mundo.

"Angel ka po ba? Kamukha mo ang Mama ko, angel din sya! Ehehehe!

Tuwang tuwa si Angela habang hinahaplos nito ang mukha ni Nadine.

"Tumayo ka na dyan, hindi ko sasaktan ang anak mo at hindi rin kita sasaktan! Narito ako para makipagusap at himingi ng tawad!"

Sabi ni Jaime kay Dante.

Hindi makapaniwala si Dante sa sinabi ni Jaime. Pero papapsok na sa loob ng bahay ang anak nitong si Angela kasama ang babaeng yun. Kaya wala syang nagawa kundi tumayo at sundan ang anak.

Kinakabahan sya baka kung anong gawin ng babaeng yun sa anak nya.

Pagpasok, nadatnan nila si Angela at Nadine na nakaupo sa sahig naglalaro.

"Gusto mo bang magdrawing o mag color?"

Dinig nyang tanong ni Nadine sa anak.

Hindi nito inaalis ang tingin nya kay Angela.

"Both!" Yehey! Magcocolor si Angela!"

Pumapalakpak pang sagot ni Angela.

Tahimik lang na naupo si Dante at Jaime sa sofa malapit sa dalawa.

"Ano ba talagang kailangan mo sa akin, General? Gusto mo bang gumanti sa ginawa ko sa ama mo? Pakiusap lang kung gusto mong gumanti huwag sa harap ng anak ko, marami na syang naranasan na trauma ayaw ko ng madagdagan pa!"

Pakiusap nito kay Jaime na hindi inaalis ang mga tingin sa anak.

"Hindi ako narito para gumanti sa ginawa mo sa aking ama, gaya ng sinabi ko narito ako para humingi ng tawad."

At tumayo si Jaime ng tuwid saka yumuko sa harapan ni Dante na ikinabigla ng huli.

"Patawarin mo ako sa ginawa ko sa anak mo na nagdulot ng hirap sa kanya at sa'yo!"

Inalis ni Dante ang tingin nya sa anak at tiningnan ang nakayukong si General Jaime Santiago.

'Totoo ba ito? Humihingi sya sa akin ng tawad matapos kong gawin yun sa tatay nya?'

'Aware ba sya sa ginawa ko sa matandang heneral?'

"H-Hindi mo na kailangan gawin yan, alam ko namang hindi mo kasalanan ang nangyari.

Nalaman na nito ang nangyari sa bayaw nyang si Edwin at sa kinikimkim nitong galit kay Jaime.

'Kaya pala ganun na lang nya ako kulitin na maghiganti kay General Jaime!'

"Hindi ako narito para linisin ang pangalan ko dahil alam kong may mali din ako. Kung sana noon pa kumilos ako, disin sana nagawa ko ng mabuwag ang sindikatong yun at dahil duon, patawad."

"Ang totoo nyang napatawad na kita matapos .... matapos ng nangyari sa .... matandang heneral.... "

Bumuntung hininga si Dante bago nagsalita ulit.

".... k-kamusta ... nga .. pala sya?"

Kinakabahang tanong ni Dante.

Simula ng mangyari iyon, hindi na sya makatulog sa sobrang kaba. Gusto nyang malaman kung kamusta na ang lagay nito. Hindi nya makakayanang pag nalaman nyang natuluyan ang matandang heneral dahil sa ginawa nya.

"Hindi ko pa sya nakikita pero balita ko, nagkamalay na sya."

Sagot ni Jaime

Nakahinga ng maluwag si Dante.

".... hindi ko sinasadya ang nangyari, nagdilim ang paningin ko at ng matauhan ako, hindi ko namalayan na nasaktan ko na pala sya ng husto. Gusto ko syang makita para humingi ng tawad pero natatakot ako na baka ipahuli nyo ako at pag nagkaganun tyak na malalayo ako sa anak ko! .... Hindi ko makakayang malayo kay Angela kaya ako tumakas kasama sya!"

Naluluhang pahayag ni Dante.

"Huwag kang magalala Dante, wala kaming planong magsampa ng reklamo laban sa'yo. Tapusin na sana natin ang hindi natin pagkakaunawaan."

Nangingiti naman si Nadine sa ipinahayag ng asawa.

Pagkatapos nun naging maaliwalas na ang paligid. Nawala na ang tensyon na bumabalot sa paligid kanina.

Kapwa kalmado na ang dalawa.

"Personal akong nagpunta dito hindi lang para humingi ng tawad, kundi para malaman mo na nag file na kami ng reklamo laban sa mga sindikato."

Sabi ni Jaime.

"Bakit mo sa akin sinasabi ito? Gusto mo bang tumestigo ako?"

Sagot ni Dante.

"Hindi! Gusto ko lang na malaman mo para mapaghandaan mo. Magiging magulo ang lahat at baka mahalungkat ang tungkol kay Angela. Kaya sinabi ko sa'yo."

"Sinasabi mo ba ito dahil ayaw mong mahalungkat ang involvement mo kay Angela?"

Umiling si Jaime.

"Kung sakaling mahalungkat iyon, hindi ko pipigilan. Ang gusto ko lang ay sana mapaghandaan nyo. Ang mahalaga ngayon ay malaman ng lahat ang tungkol sa sindikato at kung sino sino ang mga nasa likod nito."

Buong sinseridad na sagot ni Jaime.

Nasa tabi ni Angela si Nadine nilalaro ito, pero nakikinig sya sa usapan ng dalawa.

At ng madinig nya ang sagot ni Jaime, hindi nya maiwasang hindi lingunin ang asawa.

'Mukhang galing sa puso ang sagot nya!'

May inabot si Jaime na file kay Dante.

"Ano 'to?"

"Gusto ko lang malaman mo ang involvement ni Edwin sa kaso."

"Sino si Col. Reyes?"

"Si Col. Reyes ay superior ko na nalagpasan ko ng ranggo. Malaki ang galit nya sa akin dahil dun.

Nakipagkasundo si Edwin sa kanya para makaganti sa akin at para sirain ako pero hindi inaasahan ni Edwin na madadamay si Angela. Nagulat na lang sya na mainvolve ang bata.

Binibigay ko sa'yo yan para mapagaralan mo, kung sakalaing mahalungkat ang nangyari kay Angela."

Batid ni Jaime na gagawa ang kalaban para masira ang reputasyon nya kaya natitiyak nyang idadamay ng mga ito si Angela.

Kalakip ng file ay isang usb na naglalaman ng video ng nangyari kay Angela bago ito iniregalo kay Jaime.

*****

"Kuya, mabuti at nandito ka na."

"Bakit mo ba ako gustong makausap? Kung tungkol ito sa gusto kong sabihin, sinasabi ko sa'yo, tumigil ka na dahil hindi ako magsasalita hangga't wala pa si Mommy!"

Sabi ni James kay Kate.

"Hindi ito tungkol dun Kuya, kundi tungkol dito."

At pinakita ni Kate ang surveillance video kung saan nakunan ang sasakyan ni James papunta sa direksyon ng kagubatan.

"Saan ka papunta Kuya?"

Naalarma si James tapos ay tumingin sa paligid.

"Huwag kang magalala walang nakikinig sa atin. Nasa akin ang control ng cctv at kanina ko pa inoff ito para makapagusap tayo. Saan ka ba talaga papunta, Kuya?"

Sabi ni Kate.

"Secret."

Sagot ni James

"Kuya naman!"

"Duon nga ako papunta!"

"Saan nga?"

"Sa SECRET!"