52 Ang Kwintas ni Lolo

"Sa Secret?"

"Oo, sa Secret!"

"Kuya, are you telling me na ang pinupuntahan mo is a place called SECRET?"

"Yup! Secret!"

"May place sa Sinag Island na Secret ang name? Saan banda yun?"

"Sa gitna ng forest, may secret cave duon."

Sabi ni James.

"Sooo ... bakit Secret ang name ng place, dahil ba sa secret cave?"

Curious na tanong ni Kate sa misteryosong bagay na nalaman nya.

Hindi alam ni Kate kung bakit inuutos ni Don Miguel na kailangan higpitan ang pumapasok at lumalabas sa Sinag Island

Sobrang higpit ng security sa loob at paligid ng Sinag Island, bibihira ang nakakaalam sa lugar na ito.

Kahit ang mismong nasa loob ng Sinag Island ay limitado rin ang lugar na ginagalawan nila.

At isa pa, bakit kailangan ni Don Miguel buuin ang Elite Group? Saan nya pinaglalagay ang mga genius na nirerecruit nya?

"Kaya tinawag yun na SECRET dahil lahat ng nagaganap duon SECRET! At walang sino man ang dapat makaalam niyon."

Pagtatapat ni James.

"Kuya kung walang dapat makaalam, bakit mo alam?"

"Dahil isa ako sa pinagkakatiwalaan ni Lolo Miggy sa secret!"

Sagot ni James na nagpatindi lalo ng pagnanasa ni Kate na malaman ang misteryong lugar na iyon.

"Isa ka sa pinagkakatiwalaan? So ibig sabihin meron pang iba maliban sa'yo?"

"Yup!"

"Pwede ko bang malaman kung sino?"

"Oo naman! Ikaw si BigBoss natural na alam mo ang tungkol dito!"

"Kuya hindi ko alam! Ngayon ko lang narinig ang tungkol dito!"

"Alam mo ang tungkol sa lugar na yon. Your just to lazy to think sometimes!"

Sabi ni James.

"What?"

"Remember the times na may pinagagawa sa'yo si Don Miguel sa Sinag but you never ask what's that for?"

Naalala nga ni Kate ng utusan sya ni Don Miguel na paigtingin ang security sa lugar na iyon para walang sino man ang makapasok.

Kaya nagtataka sya ng makita ang sasakyan ng kuya nya papunta sa lugar na iyon.

Naalala rin nya na may times na pinapablock out nya ang buong Sinag Island para walang makapasok na radar para hindi ma trace ng sino man ang lugar.

"Kuya, pwede mo ba akong dalhin duon? Gusto kong makita ang lugar!"

"Ang totoo nyan, hindi ako pwedeng pumunta duon hangga't hindi ako pinapatawag kaya hindi ako basta basta makakapasok. Pero ikaw, dahil sa ikaw si BigBoss may karapatan kang maglabas masok duon! So kung gusto mong samahan kita, ikaw ang gumawa ng paraan para makapasok tayo duon."

Paliwanag ni James.

"Kuya, gusto kong pasukin ang lugar bago dumating si Mommy anong araw ka free?"

"Ngayon!

Nasa airport na si Mommy nakauwi na sila ni Daddy from their trip. Kaya malamang bukas narito na yun! So the best time is now my dear Sister!"

"Then let's go find a way to get inside Secret!"

Kinontak ni Kate si Don Miguel sa personal account nito. Kung Secret ang lugar, tyak na may dahilan kaya kailangan wala ring makaalam ng paguusap nilang ito.

"Mabuti naman at naisipan mo ng iexplore ang island! Ilang araw ka na dyan, may isang buwan ka na hindi mo pa rin na nalilibot ang buong Island?"

Singhal ni Don Miguel kay Kate.

'Isang buwan na pala ang nakalipas.... Wow! First monthsary namin ni HubbyLabs! Ano kayang gagawin ko? Gusto ko syang bigyan ng surprise! eeeeiiiiiii! kinikilig ako!'

"Kate anong nangyayari sa'yo bakit nangingisay ka dyan? Binabalisawsaw ka ba?"

Tanong ni Don Miguel ng makita ang reaction ni Kate na kausap nya sa video chat. Parang nawala ito sa sarili.

"Ayyy, Lolo Miggs anjan ka pala! Hehe!"

Buong ngiting sabi ni Kate.

"Kanina pa tayo naguusap, Kate! Bakit ka ba nagkakaganyan?"

"Eh, wala po Lolo Miggy, naalala ko lang po na monthsary pala namin ni HubbyLabs ko. Saka hindi po ako nangingisay, kinikilig po ako sa surprise gift ko sa asawa ko! Hehe!"

'Haaay jusmiyong bata ito ang sarap batukan!'

"Pwede ba mamya na yang HubbyLabs mo, may gusto kang itanong diba?"

"Ay oonga po pala! Lolo Miggs paano po ako makakapasok sa Secret?"

"Diba may ibinigay ako sayong kwintas? Yan ang gagamitin mong token para makapasok, kaya huwag na huwag mong iwawala yan! At siguraduhin mong hindi yan mapapasakamay ninuman! Maliwanag? Asan na ba ang kwintas?"

"Yung kwintas? .... uhm ..... "

"Huwag mong sabihin nawawala yung kwintas?"

"Hindi po, Lolo Miggy andyan lang po yun sa tabi tabi! Hehe!"

"Anong sa tabi tabi? Kabilin bilinan ko sayong huwag mong aalisin sa leeg mo yun!"

"Eh kasi sagabal po sa dessert!"

"Ano?!"

"Ang ibig ko pong sabihin nalaglag po sya habang kumakain ako ng turon este ... ng dessert!"

"Pwes hanapin mo sya at gawan mo ng paraan para hindi na muling matanggal sa leeg mo!"

"Lolo Miggy pwede po bang gawin ko na lang bracelet? Naiilang po ako sa leeg eh!"

"Bahala ka basta siguraduhin mong nasa katawan mo yan at hindi mapupunta sa iba! Maliwanag?"

"Yes Sir!"

*****

Tama si James, nasa airport na nga sila Nadine at Jaime mula sa trip nila sa Singapore.

"Darling ko, what's your next plan?"

Tanong ni Jaime kay Nadine.

"Hinahanap na ako ni Khim kaya kailangan ko na syang puntahan. Malaki ang naging trauma ng bata sa nangyari kaya mas minabuti kong mag home schooling na lang sya habang nag te therapy."

Sagot ni Nadine

"Mas mabuti kung ganun. Pasensya ka na kung hindi kita masasamahan kailangan ko ng bumalik sa kampo, ipinapatawag na ako."

Sabi ni Jaime.

Tiningnan nya ang asawa at napabuntung hininga na lang ito.

Hindi pa sya gaanong magaling sa mga tinamong sugat. May plaster pa nga ang ulo nito at may benda pa ang dibdib nito. Kung tutuusin dapat nagpapahinga pa si Jaime at nagpapagaling pero heto at ipinapatawag na agad sa kampo.

Gusto nyang magreklamo but what's the use.

"Naiintindihan ko."

Ang tanging nasambit ni Nadine

"... itutuloy mo na ba ang retirement mo?"

Tanong nya kay Jaime.

"Oo 'Ling pagod na akong sumabak sa hindi matapos tapos na gyera."

"Kung ganun, pwede bang samahan mo muna ako kahit ngayon gabi lang, bukas ka na mag report sa kampo?"

Nagulat si Jaime sa request ni Nadine. At nangiti ito.

"Pwede naman! Na mi miss ko na ngang maka date ang asawa ko! Hehe!"

Buong ngiti nitong sabi.

Seryoso lang ang mukha ni Nadine, hindi nya alam kung bakit sinabi nya yun sa asawa. Pero huli na para bawiin nya, nakatawag na si Jaime sa isang hotel para sa dinner date nila.

Alam ni Nadine na deep inside, mahal pa rin nya ang asawa nya at hindi pa rin nya ito magagawang makita sa piling ng iba.

'Tama si Nanay Issay, kung hindi ko sya kayang ipamigay sa iba, panahon na para patinuin ang asawa ko!'

*****

Samantala sa kampo.

"Nasaan ba si General Santiago, bakit hindi pa sya nagpapakita? Tama ba na pagantayin nya ako?"

"Sir, kasalukuyan pong nasa trip si General kaya hindi nya agad natanggap ang message ko. Kahapon ko lang po ito nasabi. Paumanhin po!"

"Major General Cinco, huwag mo ng pagtakpan ang superior mo. Alam ko namang may kalakihan na talaga ang ulo nyang si General simula ng maging general sya, hindi na nya nirerespeto ang mga katulad kong mas matagal ng general akala mo kung sino na kung umasta!"

"Sir, totoo po ang sinasabi ko, hindi ko po pinagtatakpan ang superior ko! Injured po si General Santiago kaya po sya binigyan ng isang buwan for recovery kaya wala po sya dito ngayon."

"Wala akong pakialam! Basta pag pinatawag ko sya, sumunod sya! Hanapin mo sya at dalhin mo agad dito! And that's an order!"

avataravatar
Next chapter