"Sir Joel, malayo na po tayo, okey na po ba kayo?"
Tanong ni Emong sa kanya.
Si Emong ang isa sa pinagkakatiwalaan ni Joel sa trabaho nya.
"Oo! Bwisit na mga sundalong yun nakakapanginig ng laman! Muntik na akong maihi sa salawal kanina ng bigla tayong tutukan!"
Sagot ni Joel.
"Hahaha! Si Sir Joel talaga!"
Ito ang dahilan kaya hindi ibinaba ng mga tauhan nya ang mga armas nila, kinakabahan silang baka biglang magpaputok ang mga ito, mga sundalo itong lumalaban sa gyera, maganda na yung ready, mahirap na.
Si Joel ang boss ng isang private security and private detective agency.
Dati itong pagaari ng kanyang ama na ipinamana sa kanya.
Hindi napasok sa military si Joel katulad ng mga kasamahan nya pero magaling ito sa detective works kaya sa kanya ipinagkatiwala ni Issay ang paghahanap kay Jaime.
"Mabuti nga, Sir Joel at umalis na tayo sa mga yun, mukhang may plano pa atang maki join forces yung Major General sa atin!"
"Oonga po Sir, tapos malamang sila ang masusunod sa operation."
"Anong join forces? Neknek nila!
Alangyang Jaime yan, lulumpuhin ko talaga yan pag nakita ko e! Nanahimik ako, iniistress ako!"
Sabi ni Joel.
"Huwag na kayong magalala Sir Joel, naka open na ang signal ni General Jaime at malapit na tayo!"
Ang signal na sinasabi nito ay nagmula sa singsing ni Jaime.
Iniregalo ni Joel ang singsing na ito ng maging sundalo sya at sila lang dalawa ang nakakaalam ng secret ng singsing na yun.
"Ano bang malapit yang sinasabi mo? Tingnan mo nga umaandar! Malamang nasa tubig yan!
Langya, lulusong tayo ng tubig! Tyak na rarayumahin na naman ako nito eh!"
Sabi ni Joel.
"Eh kasi naman Sir Joel, sinabi na nanamin sa inyo na huwag na kayong sumama. Kami na ang bahalang maghanap sa pamangkin nyo, pero mapilit kayo."
"Aba syempre, pamangkin ko yun! Kailangan ko syang makita ng mabatukan sa mga pinag gagawa nya!"
Katwiran ni Joel.
"Asus, kunwari pa kayo concerned lang kayo dun sa pamangkin nyo!"
"Syempre, ganun na rin yun! Pero pagkatapos lulumpuhin ko na sya!"
'Haay naku General Jaime, kawawa ka naman. Makaligtas ka man tyak na gulpi sarado ka naman sa tyuhin mo!'
"Oonga pala, huwag nyong sasabihin sa asawa ko na sumama ako sa rescue mission. Maliwanag?"
Utos ni Joel sa mga tauhan
"Yes, Sir! Takot lang namin kay Madam Vanessa!"
Tama nga si Joel, nasa isang bangka si Jaime at tuluyan ng nakatulog matapos iactivate yung singsing.
Hindi nila basta basta matatanggal sa daliri nya ang singsing dahil sa sobrang higpit nito.
"Hanep 'tong si General, sobra kung matulog, hindi man lang nya nalalaman na dinudukot na pala sya!"
"Oonga at naghihilik pa!"
"Hahahaha!"
*****
Nagising si Jaime na nasa isang upuan na sya, nakatali ang mga kamay at paa.
Namulikat na ang leeg nito kaya nagising. Gusto nyang mag unat unat pero di nya magawa kaya ang ulo na lang ang ginalaw galaw.
"Oy, gising ka na pala General. Ang sarap ng tulog mo ah!"
Bati ng isang lalaki sa kanya.
"Hindi naman, binangungot nga ako e! Bakit kasi hindi mo man lang ako binigyan ng unan, namulikat tuloy ako! Tapos ikaw pa ang una kong nakita akala ko tuloy binabangungot pa rin ko!"
Sabi ni Jaime na nangiinis habang ginagalaw galaw ang ulo para mawala ang pamumulikat nito.
"Nag request ka pa! At anong ibig mong sabihin, mukha akong bangungot?"
Binigyan nya si Jaime ng isang suntok sa mukha.
Pak!
Tiningnan sya ni Jaime at nginitian.
"Salamat!"
Sabi ni Jaime.
Tunay ang pasasalamat ni Jaime dahil nakatulong ang suntok nito para mabawasan ang pamumulikat ng leeg nya pero iba ang nararamdaman ng lalaki. Pakiramdam nito, iniinsulto sya ni General.
Buong akala ng lalaki magagalit si Jaime sa ginawa nyang pagsuntok pero imbis na magalit, nagpasalamat pa ito.
Kaya imbis na matuwa ang lalaki, sya ang nainis.
"At ngingiti ngiti ka pa!"
Binigyan ulit nya si Jaime ng isa pang suntok.
PAK!
At buong ngiti ulit na nagpasalamat si Jaime.
"Salamat! Hehehehe!"
"Aba .... talagang nang iinis ka!"
Inulanan nya ng suntok si Jaime.
PAK! PAK! PAK! PAK! PAK! PAK!
"Tama na yan!"
Sigaw ng isang parating.
Hingal na tumigil ang lalaki sa pagsuntok kay Jaime.
"Hahahaha!"
Tawa ni Jaime sa lalaking sumuntok sa kanya.
Napikon ang lalaki at muling lulusob kay Jaime para suntukin ulit.
"Sabing tama na yan! Hindi mo ba napapansin na pinaglalaruan ka na nya?"
Sabi ng bagong dating.
Nakakapikon boss eh!"
"Hehehehe!"
Tuwang tuwa si Jaime sa kanila.
"Anong nakakatawa, General?"
"Edwin, Edwin, Edwin! Tsk. Tsk Tsk!
Ambagal mo naman!
Ang tagal kong nagaantay sa'yo, bakit ngayon ka lang dumating?
Sinadya ko pang mapag isa para mabigyan ka ng magandang chance pero grabe ha, sobrang kupad mo daig mo pa ang PAGONG!"
Bati ni Jaime na may panginis.
Napaisip si Edwin.
'Anong ibig nyang sabihin, inaasahan nyang darating ako?'
'Hindi, nilalansi nya lang ako. Imposibleng alam nya ang mga plano ko!'
Kita ni Jaime ang pag aalinlangan sa mga mata ni Edwin.
"Bakit General na miss mo ba ako? Huwag kang magalala dahil sisiguraduhin kong ang mukhang ito ang huling makikita mo bago ka malagutan ng hininga!"
Sabi ni Edwin na puno ng galit.
"Bakit Edwin, sa tingin mo ba ganun mo ako kadaling mapabagsak? Hahaha! Nakakatawa ka!"
Nakangising tanong ni Jaime.
Napapaisip si Edwin.
Narito si Jaime, magisa at nakatali ang mga kamay at paa pero bakit hindi mababakas ang anumang takot o pagaalala sa kanya. Kaya hindi maiwasang kabahan si Edwin.
'Hindi! Pinaglalaruan nya lang ang isipan ko!'
'Kailangan kong magfocus!'
"Masyado mo naman akong minamaliit General! Sa tingin mo ba makakauwi ka pa ng buhay?"
"Edwin, hindi na mahalaga sa akin kung makauwi man ako ng buhay ang tanong dito, worth it ba ang lahat ng pinag gagawa mong ito?
Nagfefeeling hero ka for what? Para ba mabigyan ng hustisya si Angela o para gumanti sa akin? Para maipakita sa anak mong si Diane na mas magaling ka kesa sa akin?
Alam ko na kung sino ka, Edwin! Kilala na kita! Hahahaha!"
Sabi ni Jaime na nanlilisik pa ang mga mata.
Kinikilabutan tuloy ang mga nasa paligid.
"Baliw na ata itong si General!"
Pero si Edwin, natulala.
'Papaano nya nalaman na anak ko si Diane?'
Si Diane ang batang inampon ni Jaime, halos kasing edad ito ni Kate.
Minsan pagkatapos ng isang enkwentro nila sa mga kalaban, nakita nya ang nanay nitong si Divina sa kalye, duguan.
Buntis pa sya nun kay Diane at kabuwanan pa nya ng mga oras na iyon.
Tinulungan nya ito at dinala sa ospital. Si Jaime ang gumastos sa panganganak ni Divina at pagkatapos mangananak ay pinatuloy nya ito sa tinutuluyan nya.
Si Jaime din ang nagpaaral kay Diane hanggang sa maka graduate ito.
Malaki ang utang na loob magina kay Jaime kaya buong puso nila itong pinagsilbihan.
Ni minsan hindi tinanong ni Jaime si Divina kung sino ang ama ni Diane.
Kinutuban lang sya ng makatulog si Edwin habang ininterogate nya ito.
Hindi sya pwedeng magkamali, may hawig si Edwin Diane.
"Totoo nga pala ang balita na magaling ka, General! Napabilib mo ako!
Tama ako nga ang ama ni Diane at asawa ni Divina, ang pamilyang inaangkin mo! Bakit General, may pamilya ka naman, kaya bakit ang mag ina ko pa?"
Galit na tanong ni Edwin.
"Bakit? Bakit ako ang tinatanong mo? Hindi ba ikaw ang nagtakwil sa mag ina mo dahil lang sa may nagsabi sa'yo na nangangaliwa ang asawa mo at hindi mo anak ang pinagbubuntis nya!
Napaka tanga mo para paniwalaan ang iba kesa sa asawa mo tapos ngayon ako ang sisihin mo dahil ginampanan ko ang responsibilidad mo!
Patayin mo na ako kung gusto mo akong patayin pero kahit mamatay man ako, natitiyak kong hindi mawawala ang respeto sa akin ng anak mo!"
Galit na kinuha ni Edwin ang baril at pinaputukan ng pinaputukan si Jaime hanggang sa maubos ang bala nito.
Pero hindi makikitaan ng takot si Jaime. Nakangiti lang ito kahit na may mga tama sya at ang isa nito ay malapit sa puso.
"Huwag mo akong gamitin sa pagfefeeling hero mo Edwin, dahil hindi mo ako KAYA!"
Biglang agaw ni Jaime ng baril sa pinaka malapit sa kanya at nagawa nyang makipag barilan ng putok.
Hindi nila namalayan na nakalas na pala sa pagkakatali ang isang kamay nito.
Nagawa nyang makapatay ng ilan hanggang maubos ang bala nito.
"Tapos ka na General? Ngayon ako naman!"
At itinutok ni Edwin sa ulo ni Jaime ang isa pang baril na hawak nito.