webnovel

There is US not You and I

Ang sabi ng lahat hindi raw tayo 'BAGAY' para sa isa't isa. Pero sino ba sila para pakialaman tayong dalawa? Sya lang ang lalaking nagparamdam sa akin what really loves is! As long as we hold our hands together, kahit ano mang dumating kakayanin natin ng magkasama!

trimshake · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
154 Chs

Ito Ang Dahilan

"Kate, anak, kung ayaw mong umalis, halika maupo na lang tayo! Sasamahan ka ni Mommy!"

Suyo ni Nadine sa anak pero hinawi lang ni Kate ang mga kamay ng ina ng subukan nya itong hawakan.

"Kate ano ba? Listen to your Mom!"

Naiinis na sabi ni Jaime. Ayaw nitong makitang sinasaktan ng mga anak nya ang Mommy nila.

"Huwag mo syang awayin Jaime! Huwag mong pagalitan ang anak mo!"

Suway ni Nadine sa asawa.

"Pero. ... "

"Nasasaktan sya kaya sya nagkakaganyan. Ganyan din sya nun ... nung una silang nagkahiwalay ni Mel."

Hindi makapaniwala si Jaime sa nadinig.

Kilalala nya si Kate na matapang, at palaban. Ito lang sa mga anak nya ang lumalaban at sumasagot sa kanya.

Pero ito ang unang beses na nakita nya na ganito ang anak nya.

Isa isa namang nagpaalam ang mga naroong security para magkaroon ng privacy ang pamilya.

Pakiramdam nila kasi tumataas ang tensyon at ayaw nilang madamay.

"Kelan?"

"Huh?"

"Kelan yung binabanggit mo na nagkanito si Kate? Bakit hindi ko alam?"

Usisa ni Jaime.

"Kasi busy ka. Busy ka kung paano mo sisirain ang buhay namin ng pamilya mo!"

Sarkastikong sagot ni Nadine.

"Nadine ..."

May kirot sa puso ni Jaime ng madinig ito sa asawa.

"Naalala mo ba nung una mong pinaghiwalay ang dalawa? Nag asla balutan si Kate at iniwan ang lahat. Nagtungo sya sa Old Mansion at simula noon ay bihira ng tumuntong sa bahay."

Naalala yun ni Jaime dahil yun ang araw na nagbreak up ang dalawa at sya ang dahilan ng break up na yun.

Dahil tinakot nya si Mel. Kaya walang nagawa si Kate kundi iwan ang boyfriend nya para tigilan ito ng Daddy nya.

Masayang masaya si Jaime nun dahil finally nawala na sa buhay ng anak nya si Mel pero hindi nya akalain na yun din ang simula na mawalan ng respeto si Kate sa kanya.

Hangga't maari ayaw ni Kate na nagkakasama silang mag ama sa isang lugar, iniiwasan sya nito at wala syang magawa. Habang tumatagal lalong lumalayo ang loob ni Kate sa kanya.

"Natatandaan ko."

"Muntik ng mag suicide si Kate nun dahil sa sobrang lungkot. Hindi nya makayanan na mawala ng tuluyan si Mel sa kanya. It was Eunice who helped her recovered from that pain."

"W-What?"

"Patuloy na pinaalala ni Eunice sa kanya na kapag nawala sya masasaktan si Mel. Hindi kaya ni Kate na masaktan si Mel kaya pinilit nyang maging okey. Sa tulong ni Eunice at ng Papa pati na rin ni Tita Belen, naka recover sya."

"Jusko... hindi ko alam!"

"Nalaman ni Mel ang tungkol dito kaya mula noon ay nangako itong hinding hindi nya iiwan si Kate! But now that Mel is in danger ... natatakot ako!

Natatakot ako Jaime sa pwedeng gawin ng anak ko! Huhuhu!"

"I'm sorry Nadine, I'm really sorry! Patawad kung naging insensitive ako!"

Umiiyak na inakap ni Jaime ang asawa. Gusto nyang kahit papaano mabawasan ang sakit na nararamdaman nito.

Ito ang unang beses na naramdaman nya that he fails for being a father to Kate. Kaya pala kahit anong gawin nya, hindi nya magawang maayos ang relasyon nilang mag ama.

Ito rin ang dahilan kaya pilit na iniintindi ni Nadine ang anak alam nyang ang kahinaan ni Kate.

At ito rin ang dahilan kaya si James ginagawa ang lahat masagip lang ang buhay ni Mel sa bingit ng kamatayan kahit butil butil na ang pawis nito sa pagre revive kay Mel.

"Utang na loob Mel, lumaban ka para kay Kate!"

"Doc, ganun pa rin po, mababa pa rin!"

Sabi ng isang nurse.

Patuloy pa rin sa pag baba ang heartbeat ni Mel.

Natataranta na ang lahat maliban kay James.

Iisa lang ang nasa isip ni James ang mailigtas si Mel kahit maging lantang gulay ito basta buhay.

Kailangan nyang gawin ito para sa kapatid nyang si Kate. Alam nyang hindi makakayanan ni Kate na mawala si Mel sa buhay nya.

Kaya kahit pagod na pagod na ito patuloy pa rin nyang nire revive si Mel. Hindi nya hahayaan na mawala ito.

Hanggang sa .....

Tut tut tut ...

"Doc tama na po..."

Pero hindi tumigil si James, nagpatuloy pa rin ito.

*****

Habang abala ang lahat sa Sinag, may bisita naman dumating kay President Guran.

Si Vice President Sales.

"Anong maipaglilingkod ko sa'yo Vice at naisipan mo akong dalawin sa ganitong oras?"

May halong pagdududa ang tanong ng presidente.

'Ano kayang pakay nito at hindi maipagpabukas?'

"Mr. President, salamat at pinaunlakan mo ako kahit na biglaan. Pasensya na pero may napagalaman ako na may putukan daw na nangyari sa Sinag Island?"

Nalaman nya ang putukan mula kay Wesley. Nakapag text kasi ito bago sila makapsok ng Sinag at ngayon ay bigla naman nyang hindi ito makontak.

Gusto nya ng update sa pinapagawa nya pero hindi nya alam kung paano kaya naisipan nyang magtungo sa Presidente bagay na ikinatuwa ng presidente dahil nalaman na nya kung sino ang nagutos na harangin ang yate na Mighty Issay.

"Saan mo nakuha ang impormasyon mo? Pwede ko bang malaman?"

Tanong ni Presidente Guran.

"Kay Capt. Wesley, isang pulis pang karagatan. At nagpunta ako dito para personal na hilingin sa'yo na pasukin ang Sinag Island at ng maibestigahan."

Katwiran ni VP Sales.

"Ganun ba? Pero andun na si Gen. Malvar, kaya na nya yun!"

"Ha? Paano napunta si Gen. Malvar duon?"

"Kasi, inutusan ko sya na salubungin si Gen. Gene, galing kasi syang Sinag. Gusto ko kasi syang makausap tungkol ba sa kumakalat na chismis na itinatago daw ng Sinag ang Crown Prince. Kaso hindi pa sila nakakarating ng daungan hinarang agad sila nila Capt. Wesley."

Naalarma si Vice.

'Interesado rin sya sa Crown Prince?'

'Nilapitan din kaya sya ng mga kumausap sa akin?'

"Uhm, Mr. President, paano nyo po nalaman ang tungkol sa Crown Prince?"

"Nagkalat sa socmed ang tungkol sa mga kwento ng Crown Prince. Saka may lumapit sa akin mga kamag anak daw nung Prinsipe hinihingi ang tulong ko na hanapin ang Prinsipe!"

'Lintek na mga yun! Akala ko ako lang ang kausap!'

'Kailangan kong maunahan ang Presidente para sa akin mapunta ang pabuya ng mga kamaganak ng Prinsipeng yun!'

Lihim na nangingiti si Presidente Guran.

'Muhang naniniwala sya sa mga sinasabi ko!'

'Sige Vice, mapraning ka dyan! Hehe!'