80 Kutob

"Pero Mr. President, paano ka nakakasigurong nakapasok si Gen. Malvar sa Sinag Island? Alam nating hindi basta basta nagpapasok dun!"

Tanong ni Vice President Sales.

"Humingi ako ng permiso kay Don Miguel at pinaunlakan naman nya ako."

"Ganun ba? Mr. President, makakahingi ka ba ulit ng permiso para makapasok ang iba pa?"

"Sa tingin ko hindi! Nagmakaawa lang ako sa kanya para matapos na ang chismis na naroon yung Crown Prince, kaya mismong si Gen. Malvar ang pinapunta ko."

Sagot ng presidente.

"Pero bakit sya?"

May pagkainis na tanong ni Vice.

"Eh, sinong gusto mo ... AKO?"

Busy ako! Sangdamakmak ang trabaho ko oh! Saka, pwede ko namang iutos bakit kailangan ko pang personal na magpunta ng Sinag Island? Para ano, para magpa pogi?"

Sarkastikong sagot ng presidente.

Hindi naman sa ganun, Mr. President. Ang ibig ko lang sabihin sa tanong ko ay bakit hindi si Wesley ang pinapunta nyo eh teritoryo nya yung lugar, kabisado nya yun dahil dun sya nagpapatrol?"

Kasi, hindi kilala ni Don Miguel si Wesley ako nga hindi ko kilala yang Wesley na sinasabi mo tapos gusto mo isuggest ko pa?Saka, kumukwestyon mo ba ang kakayahan ni Gen. Malvar? Sya ang head ng lahat forces. Sa dagat sa ere at sa lupa, kaya boss yan ni Wesley kaya bakit mo sya kinukwestyon?"

May dating na pagdududa ang tanong ng presidente.

Naalarma tuloy si Vice.

"Mr. President, hindi naman sa kinukwestyon ko ang kakayahan ni Gen. Malvar. Ang akin lang naman ay, alam ko naman na busy ito kaya dapat lang ang maliliit na bagay kagaya ng pagiinspeksyon ay dapat lang na si Wesley na ang gumagawa."

Napataas ang kilay ni President Guran.

"Ikaw Vice, hindi kita maintindihan! Nagbibisyo ka ba? Kanina gusto mo personal akong magpunta ng Sinag tapos ngayon kinukwestyon mo kung bakit ko pinadala si Gen. Malvar sa Sinag dahil busy sya. Bakit, ako ba hindi busy? Ano sa tingin mo ang ginagawa ko dito, nakikipag tongits sa mga gabinete?"

"????"

'Kelan ko sinabi ang mga sinabi nya?'

'Mababaliw akong kausap ang taong 'to!'

"Eh, Mr. President hindi naman sa ganun, gusto ko lang kasing makatulong. Hehe!"

"Bakit Vice, gusto mo bang ikaw ang magtungo duon sa Sinag Island?"

"Well, nakasalalay kasi dito ang reputasyon ng bansa natin sa mga chismis na kumakalat kaya bilang public servant kailangan nating kumilos kaya kung magagawa nyo sana na ipakiusap kay Don Miguel na makapasok ako sa Sinag?"

"Asus, ayun naman pala ang gusto mo Vice bakit naman nagpaliguy ligoy ka pa dyan? Sana sinabi mo ng mas maaga para nasabi ko agad kay Don Miguel!"

"Eh, Mr. President, hindi pa naman huli ang lahat."

"Bueno, kakausapin ko si Don Miguel first thing in the morning para makahingi ng request na makapasok ka."

"Ha? B-Bukas pa? Hindi ba pwedeng ngayon na?"

"Nababaliw ka na ba Vice? Hindi mo ba nakikita kung anong oras na? Mag aala una na, tulog na yun! Gusto mo gisingin ko sya para sa'yo? Hindi pa ako nababaliw! Hindi ko kayang istorbohin ang pagtulog nung matanda! Saka pag ginising ko yun iinit ang ulo nun at tyak hindi ka bibigyan ng permiso nun!"

Walang nagawa si Vice, may katwiran ang Presidente.

'Naman!'

Kaya iniba na lang nya ang usapan.

"Syanga pala Mr. President, alam nyo ba kung saan nagpunta si Sec. Damian?"

"Aba malay ko sa taong yun! Pinapunta ko sya dito para makausap tapos hindi ako sinipot, antay ako ng antay!"

Inis na sabi ng presidente.

'Hindi kaya may kinalalaman itong si Vice sa mga pinagagawa ni Damian kila Dr. Gonzales?'

"Hindi mo ba pinaimbestigahan kung bakit sya biglang nawala?"

Usisa ni Vice.

"Bakit, may idea ka ba kung anong nangyari kay Sec. Damian, kung bakit ito nawala?"

"W-Wala! Bakit nyo naman ako tinatanong ng ganyan Mr. President? Naghahanap lang naman ako ng mapapagusapan natin!"

"Dami mong dahilan!"

"W-Wala talaga! Cross my heart! Mamatay man si .... si ...."

"Sino?"

Matalim syang tiningnan ng presidente.

"Si Sec. Damian!"

Tarantang sagot ni VP Sales.

Lihim na napangiti si President Guran.

'Haaay kahit kelan ang isang basurang tao na katulad nito, walang idudulot na maganda sa bayan!'

'Sa sobrang pagka ganid at tuso, kayang ibenta ang bayan sa pansariling interes!'

*****

Sa IDS Hospital.

"Madam, kamusta po si Chief?"

Tanong ni Vicky.

Humahangos ito mula sa pinanggalingan OR kung saan katatapos lang nilang operahan si Roger.

Sanay na si Nadine na tinatawag syang Madam ng mga tao dito kahit na si Vicky.

"Wala pa ring balita. Pero si Kate .... "

".... Dr. Vicky, pwede bang tulungan mo kaming mapaupo si Kate. Kanina pa kasi syang ganyan."

Pagdating palang napansin na agad ni Vicky si Kate na nakatayo lang sa harap ng pinto ng OR.

Nilapitan nya ito at napansing nyang tulala ito at umiiyak.

Inakap nya si Kate at saka binulunga.

"Kate, hindi magugustuhan ni Mel kung makikita ka nyang nagkakaganyan ka, Alam kong nagaalala ka pero .... masasaktan sya kapag makita ka nyang ganito.

So please, tulungan mo sya para hindi sya magalala."

Nang marinig nya ang sinabi ni Vicky, tiningnan sya ni Kate.

Ito ang unang beses na inalis ni Kate ang tingin sa pinto at inilipat kay Vicky.

"Ate .... please, tulungan mo si Kuya, please!"

Mugto ang mga mata at puno ng pagmamakaawa syang tiningnan ni Kate.

Nagdudurugo ang puso ni Vicky, awang awa ito kay Kate.

Inakap nya si Kate bago pumasok ng OR.

Pero pagpasok nya sa OR nakita nya si James nirerevive si Mel.

Tiningnan nya ang monitor.

Flatline.

Kinabahan si Vicky.

'Ito ba ang dahilan kaya nya sinabing tulungan ko si James?'

'May kutob na kaya sya?'

avataravatar
Next chapter