Habang tumatagal na nagkakamessage kami and inistalk ko sya, sa araw-araw, naeexcite akong makita na nakaonline sya. Mas madalas ko na ngang gamitin yung dummy account ko kesa sa real account ko para lang maimessage sya. Madalas na iupdate nya ako and iupdate ko sya sa mga ginagawa ko. Hindi na din nakukumpleto ang araw ko without her messaging me.
"Hey, it's been long ever since na naging friends tayo online pero di ko pa nakita yung real you. "
"Ah yun ba? Am not ready yet to show myself here in this account. Alam mo naman yung reason ko di ba? "
"Yeah, the present of your ex must not know na inistalk mo sya. The girl na umagaw, right? "
I feel guilty kasi sa lahat ng pinag-usapan namin, sya naman talaga yung tinutukoy ko pero di nya nahahalata. She thought that I'm talking about another person.
"Yeah... so, Alyssa, nabanggit mo non na nagkaron ka din ng karelasyon that you hide to everyone. Would you mind kung itanong ko kung ano yon?"
"No, not at all. We're friends naman for long and I'm comfortable talking things to you. So why not? "
"Then, tell me more please. "
"So... ganto kasi yun. Bago maging kami ni Gio, I was in a 4-year relationship with someone. Please, don't judge me pag sinabi ko sayo kung kanino. "
"Yeah, sure, di naman ako judgmental. "
"Thanks. So kasi nagkaron ako ng karelasyong... tomboy."
"Really? So does that mean na... bi ka? "
"Yes... bi ako. Actually mas madami akong nakarelasyong babae kesa sa lalaki. And to tell you, hindi yun alam ng present na karelasyon ko. I found out na di sya pabor sa mga LGBTQ+ kaya di ko masabi sa kanya yung totoo kasi ayokong mawala sya. Mahal ko sya and ngayon ko lang ulit naramdaman to after 2 years na nagbreak kami nung sinasabi ko sayong lesbian. Kaya ayokong malaman nya because for sure magagalit yun sakin and hindi lang basta magagalit kundi baka hiwalayan nya ko"
"He'll never know. Your secret is safe from me. "
Magagalit? So this can be a reason para maghiwalay sila? I thought of this for a second maybe because sumagi sa isip ko na at last makakabawi ako sa panloloko ni Gio. That mararamdaman nya pano lokohin. Pero bakit ganito? Mas lamang pa sa akin ang thought na hindi pwedeng mangyari na malaman ni Gio ito dahil masasaktan din si Alyssa. Bakit ba ako ganito? Bakit nasasaktan ako na masasaktan din sya? Best friend ko si Allie pero di naman ako naging sobrang ganito sa kanya. Bakit naiibahan ako sa nararamdaman ko?
To prove myself na wala lang yung nararamdaman ko kay Alyssa, nag-stalk ako kay Gio. Binura ko na yung account nya sa phone ko simula ng magkachat na kami ni Alyssa dahil naliwanagan na ako sa nangyari. Kahit papano nawala na yung sakit na naramdaman ko sa ginawa ni Gio pero may gusto akong patunayan ngayon. Mapatunayan yung feelings ko ay na kay Gio pa din kahit papano. Para macompare yung nararamdaman ko towards him and towards Alyssa. This is really hard to accept pero sa tingin ko nai-infatuate ako sa kanya. Hindi ko alam kung ito ba yung tinatawag nilang girl crush lang or ewan. Hirap iexplain. Kahit ako naguguluhan na din.
As I browse his account I can say that I have finally moved on. Wala ng kirot, wala ng sakit, wala ng kahit ano. Oo, yung memories with him nandun, pero pag naaalala ko, like now, memories na lang talaga, no feelings attached anymore.
Then, I saw their pictures, nakatag si Alyssa so I thought of stalking her as well. I browsed her profile pictures like I've never looked at them one by one before. Through the years, her pictures keep getting better and better. I once again looked at every pictures she has, and naaaliw ako. Seeing her pictures together with Gio, makes me think, pano kung kami yung magkasama ni Alyssa? Sa ngayon, wala naman akong selos effect na nararamdaman towards sa thought na magkasama sila that's why I'm wondering kung ano ba itong feeling na ito. Pero yun nga, I'm thinking na pano kung kami yung magkasama, ganun din kaya kaganda ang mga ngiti nya same sa ngiti nya with Gio? Ganun din kaya kami kasaya?
But then, biglang sumagi sa isip ko, ex ako ni Gio, sya ang present, and wala syang kamalay-malay na kami ang magkachat. Anong worst case scenario kapag nalaman nya na ako to? Of course, this would be really awkward. As in AWKWARD. I have to think of another plan. Ano nga bang pwede kong gawin para maging smooth ang magiging mga pangyayari? Ang mga susunod na pangyayari?