webnovel

100% Off

Mas tumatagal ang pagchachat namin ni Alyssa, mas lumalalim ang kakaibang feelings ko towards her. Months and it feels na ayoko ng matapos ang ugnayan namin and gusto kong mas lumalim pa to. Sa ngayon, knowing that she is happily in love with Gio hurts. Now, gusto ko ako lang ang kausap nya and it sucks to know kapag nalalaman that nagdedate sila. Wala na akong pake kay Gio, all I care now is her.

"Bakit di ka nagchat? "

"What do you mean? "

"I waited for your chat yesterday and today, nakita ko naman na online ka but why are you ignoring my messages? "

"Lily? You are getting so confusing. Jowa ba kita to chat you always when I'm online? "

"No, but at least you have to message me. Nag-aalala din naman ako sayo"

"Bakit? Sa tagal natin na magkachat you know that I'm always ok. I don't have to always tell you that"

"Come on, Alyssa, matagal na naman natin ginagawa na laging nagmemessage and naga-update sa isa't isa di ba? Bakit bigla kang nagbago? Ano? Pinagbawalan ka na ni Gio? "

"Labas dito si Gio, and wala ka ng pakialam kung ano man ang dahilan Lily, so please, back off".

"Ano ba'ng nangyayari sayo? Did I do something wrong? "

"Wala! Wala kang ginawang masama, ok? So please, leave me alone! "

"What the heck! "

"Please, Lily, please, stay away from me"

"Wait, nasan ka ba ngayon? What's wrong? Ano? Puntahan kita dyan para makapag-usap tayo para di ka nagkakaganito"

"Puntahan? Oh come on, Lily, ang tagal na natin magkachat pero ni hindi ko alam ang true identity mo. Di ko alam kung sino ka bang talaga. "

Napatigil ako ng pagchachat. Yeah, she is right, and until now, I'm not ready yet to show myself to her. I know na once na makita nya ko she'll know that it's me. Nakwento na nya ng madaming beses na nagseselos sya sa ex ni Gio, which is me, dahil naiinsecure sya. I explained to her a thousand times na wala namang dahilan para mafeel nya yon, pero yon daw ang nararamdaman nya everytime na makita yung old pictures namin ni Gio. She can't tell Gio to remove them on fb dahil napag-awayan na nila dati dahil nonsense naman daw na tanggalin pa according to Gio.

Naiinis ako sa sarili ko to think na sobra akong affected sa away naming 'to ni Alyssa.

"Okay, Lily, if that's your real name, sige, gusto mong maayos tayong dalawa di ba? Then agree kung ano ang sasabihin kong condition. "

"Okay, I'll agree"

"Meet me tomorrow, 7pm sharp at the park. Take it or leave it."

"I'll take it"

Sa sobrang kagustuhan ko itong maayos, di na ko nakapag-isip sa reply ko. 'I'll take it', binasa ko ulit yung messages, and I can't believe what will happen. Pano ko malulusutan to? Do I have to disguise myself? Wig? Make up? I searched sa Google and YouTube how to not be known pero lahat ng nakita ko is weird and I can't take to do. Do I have to hire someone na magpanggap for me? Pero in the long run, lalo lang lalala.

Class is dismissed and this is the final day for the school year. Wasn't able to take the exam so seriously dahil sa pag-iisip ko kung pano ang gagawin ko mamaya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Got to think of better plans quickly. So after ng practice, I hurriedly go to the park lalo na't ginabi kami. It's 6:50 when I got to the place. I wear all black para hindi ako maging pansinin lalo na sa dilim. I looked around and found her. Grabe, seeing her in the pictures and seeing her in person kahit medyo malayo pa ko sa kanya is different. Lalong kumabog ang puso ko. She's so nice, I mean nice like sya yung type ng girl na madaming lalaki ang magkakagusto. Matangkad, sexy, actually sobrang bagay sa kanya ng jumper shorts na suot nya. She's sitting on one of the benches. Surely, she is waiting for me. She takes her phone in her backpack then I heard my phone.

"Anong kulay ng damit mo? I have to know to easily find you "

"Pink with sunflower sa breast pocket and white cap, black shorts, white shoes"

Lahat ng sinabi kong suot, yun yung extra clothes ko na nasa bag. Hindi pa ako ready na maidentify nya. I see her looking around as if alam nya na nasa place na ako. I'm just sneaking around from one place to another na malayo sa kanya, and sa madilim na spots ng park. Hindi ko alam ang gagawin ko. Bigla na lang ba akong susulpot sa harapan nya at sasabihin na 'Hey! I'm Gio's ex and I'm Lily, yung kachat mo? "

Di ba? Napaka-awkward. Ano na lang ang iisipin nya? Na pinaglalaruan ko sya? Anong kasunod? Tapos na agad ang kung anong meron kami? Hindi pwede to. Di ko kaya na ganun na lang yon. Bakit ako nagkakaganito?