webnovel

Trouble

ATHENA.

"Umuwi ka na nga kasi." I said.

Kanina pa kami nagtatalo ni Zans dito. Matapos ko kasing kumain, dumiretso agad ako sa garden at hindi ko akalain na susunod sa 'kin ang aking manliligaw kuno.

"Bakit ba gusto mo na akong pauwiin agad? Uuwi rin naman ako mayamaya e."

Dahil sa sinabi niyang 'yan, nanahimik nalang ako. Wala namang patutunguhan ang pag-uusap naming 'to kung papatulan ko pa ang sinabi niya.

Naramdaman ko namang naupo siya sa tabi ko kaya naman napalingon ako sa kaniya, "Zans, seryoso ka ba talaga sa panliligaw mo sa 'kin?"

Aba--naninigurado lang ako, mahirap na 'no. Kung magkakaroon man ako ng first boyfriend, 'yong gusto ko ay 'yong seryoso. Ano bang malay ko kung nan'ti-trip lang pala 'tong si Zans.

Nakita ko namang nag-igting ang bagang niya at napailing na lamang. Teka, galit na siya niyan?

"Bahala ka Athena, basta sinabi ko na sa 'yo kanina ang nararamdaman ko. It's your choice if you're going to believe it or not. Aalis na ako." And with that, he left me without saying a word.

Dapat na ba akong maniwala ngayon?

NATIGIL ako sa pag-i-sketch ng isang bahay nang biglang may estudyante ang sumulpot sa may pinto. Geometry ang subject namin ngayon at wala akong balak makinig sa walang kwentang discussion ng teacher namin.

"Good morning po ma'am, may I excuse Ms. Choi?" Sambit ng estudyanteng mukhang sophomore.

Napunta naman ang lahat ng atensyon nila sa akin. Tinanguan na lamang ako ng teacher namin kaya naman ipinasok ko na sa bag ko ang sketch pad ko. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at lumabas na ako ng classroom.

"Spill it out." Walang ganang sambit ko sa babaeng nagpa-excuse sa 'kin. Para naman siyang natakot sa way ng pagsasalita ko kaya naman napaatras siya ng kaunti.

"Ah.. pinapatawag po kayo ng principal." Pagkatapos niyang sabihin 'yan, agad siyang tumakbo paalis. Weird.

Nagsimula na akong maglakad papuntang principal's office na mangyaring nasa ground floor pa. Nyeta! Ang hirap kayang bumaba lalo na't nasa fourth floor pa ang room ko. Tss.

Nang makarating ako sa principal's office, nadatnan ko ang principal na may binabasa sa isang folder na humaharang sa mukha niya. Kumatok naman ako at nakuha ko ang atensyon niya.

"Take a sit.. Ms. Choi?"

Napangisi naman ako nang mapag-alaman kong mukhang hindi pa siya sigurado kung sino ako. Naglakad na ako papasok ng principal's office at naupo sa upuang nasa tapat ng lamesa niya.

"So, what's the matter?" Agad na tanong ko.

Nakita ko namang may kinuha siya sa drawer ng lamesa niya at nang makuha na niya 'yon, agad niya 'tong hinagis palapit sa kung saan ako nakaupo. Tinignan ko naman agad 'yon at napataas ang isa kong kilay nang makita ko ang larawan ng babaeng na-murdered kahapon. I knew it, they already put the blame on me.

"Ano 'yan?" Tanong ko.

Inayos naman ng principal ang salamin niya sa mata at pinagsaklop niya ang kaniyang dalawang kamay, "May kinalaman ka ba sa pagkamatay ni Ms. Ong, Ms. Choi?"

"Sinisisi niyo ako? Bakit, may proweba ba kayo na ako ang gumawa niyan? Hindi niyo ba alam na mali ang mambintang?"

Napapikit naman nang mariin ang principal at huminga ng malalim, "May mga nakapagsabi kasi sa 'min Ms. Choi na ikaw daw ang huling nakitang kaaway ni Ms. Ong at nagawa mo nga raw siyang pagbuhatan ng kamay."

Tumawa naman ako ng peke dahil sa sinabi niya, "Yeah right, nakaaway ko nga siya. But.. really? You believe that easily in rumors? Kaya kong manakit ng tao pero hindi ko kayang pumatay, lalo na't kung wala naman akong sapat na dahilan."

"Pwede kang ma-kick out sa ginagawa mong pananakit Ms. Choi, that will consider as a bullying. Physical bullying."

Napairap na lamang ako sa sinabi niya, "Go and kick out me. Basta ang sinasabi ko sa inyo, wala akong kinalaman sa pagkamatay ng babaeng 'yan." Sabi ko habang tinuturo ang larawan ng babaeng nakahandusay sa sahig.

Medyo ligtas ako dahil walang CCTV sa parking lot. Pero wala naman talaga akong kinalaman sa pagkamatay ng Ms. Ong na 'yan. Hanggang ngayon nga ay pala-isipan pa rin sa 'kin ang nangyari kahapon. Kung sino ang pumatay sa babaeng 'yan at kung sinong walang hiya ang naglagay sa kaniya sa kotse ko. Damn!

"Basta Ms. Choi, the police will investigate you."

What? For some odd reason, I feel edgy. Ugh! Wala dapat akong ika-kaba dahil wala naman akong kinalaman sa pagkamatay ng babaeng 'yan!

"'Wag niyo na siyang imbestigahan dahil wala naman talaga siyang kasalanan. Kasama ko siya buong araw matapos ang klase kahapon."

Pareho kaming napalingon ng principal sa lalaking nakatayo ngayon sa may pintuan. What the heck are you doing Luke?

THIRD PERSON.

Natigil si Ricko sa paglalaro ng susi ng kaniyang kotse nang pumasok sa kaniyang opisina ang isang lalaki. Tinignan niya lamang ito ng matalim at sinenyasan niyang maupo.

Agad na naupo ang lalaki at nginitian siya, "Ano pong ipauutos niyo sa akin la eme Ricko?"

"Sundan mo si Athena kahit saan siya magpunta. Gumawa ka ng bagay na ikapapahamak niya." May awtoridad na sambit nito.

Tumango na lamang ang lalaki at maglalakad na sana paalis nang may sambitin pa si Ricko, "Thunder, I trust you."

Lumingon muli ang lalaki at napangiti, "Thanks for your trust la eme Ricko."

"Don't call me la eme Ricko my son. Just dad. Sooner, you'll be the one who will be known for being la Eme."

Napangiti naman ng malawak ang lalaki at medyo mangiyak-ngiyak na ang kaniyang mga mata. Hindi niya inaakalang sasabihin ito sa kaniya ng kaniyang ama. Yes dad, I'm not going to disappoint you.

ATHENA.

"Bakit mo ginawa 'yon Luke?" Tanong ko habang nakatuon ang aking paningin sa pagmamaneho. Matapos kasi ng klase, napag-isipan kong magpakasaya dahil iniligtas ako ng lalaking 'to.

"Because it's the right thing to do."

Napailing na lamang ako dahil sa sinabi niya. Yeah right, "To lie? Is that the right thing to do?" I said sarcastically. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya kaya naman tinignan ko siya saglit sa may rearview mirror.

"Kakaiba ka rin Athena, 'no? Imbes na mag-thank you ka nalang, ang--"

I immediately cut him off and said, "Thank you! Happy?"

"You're always welcome." He said while smiling.

Hindi na ako nagsalita pa at nanahimik na lamang dahil.. wala lang, trip ko lang manahimik. Masama ba?

Ipinarada ko na sa gilid ng kalsada ang sasakyan ko nang makarating na kami sa tapat ng isang bar. Madalas ako sa bar na 'to tumatambay once na may problema ako na sobrang bigat o kaya naman kapag masaya ako.

"Bakit tayo nandito? Hindi naman tayo papapasukin diyan." Natatarantang sabi ni Luke kaya naman natawa ako. Masyado siyang tensyonado.

"Easy there Luke. Don't you worry, that bar is for everyone. Can't you see? There's no bouncer at the entrance." Pagkatapos kong sabihin 'yan, agad akong lumabas ng kotse ko at gano'n din naman ang ginawa ni Luke.

Sabay na kaming pumasok sa loob at sumalubong agad sa 'min ang malakas na tugtog at ang malilikot na ilaw, isama niyo na rin ang usok ng sigarilyo na nagmumula kung kani-kanino. Naupo na kami ni Luke sa may pinakaunang stool sa may tapat din ng bartender.

"Order ka lang, my treat." Sabi ko kaya naman napangiti siya.

"Kung ano nalang din ang iyo." Sabi niya habang nakatapat pa ang bibig niya sa tenga ko. Hindi na kasi kami magkarinigan dito dahil sa sobrang lakas ng tugtog.

Tumango na lamang ako at tinawag ko palapit ang bartender, "Dalawa ngang whisky."

Umalis rin agad ang bartender at kumuha na ng order ko. Naramdaman ko naman na medyo naiihi ako kaya naman nagpaalam ako kay Luke na pupunta muna akong ladies room.

Nang makarating na ako sa CR, agad akong pumasok sa bakanteng cubicle at nilabas ko na ang dapat ilabas. Agad akong lumabas nang matapos na akong umihi at hinugasan ko na ang kamay ko sa sink.

Lumabas na ako ng CR at maglalakad na sana ako pabalik sa pwesto namin ni Luke nang may isang lalaki ang sinadya akong banggain, "Hi miss! I'm Thunder." Masayang bati niya.

Hindi naman siya mukhang naka-drugs at lalong lalong hindi naman siya naka-inom dahil maayos naman ang pagsasalita niya at hindi rin siya amoy alak. Ano namang trip ng lalaking 'to?

"Wala akong pakialam kung ikaw si Thunder, lightning o ano pa man. So if you don't mind, excuse me." Maglalakad na sana ako paalis pero humarang ulit siya sa dadaanan ko.

Ang mas ikinagulat ko, tinulak niya ako bigla sa pader at agad niya akong hinalikan! What the fuck! Marahas ko siyang tinulak kaya naman napaatras siya. Agad ko siyang sinuntok sa mukha na naging dahilan ng pagkatumba niya.

Narinig ko naman ang pagsinghap at pagtili ng ibang tao na nakakita sa ginawa ko. Maglalakad na sana ako paalis nang may isang babae ang lumapit sa akin at agad akong tinadyakan sa tiyan kaya naman napasandal ako sa pader dahil sa sakit.

"What the hell is wrong with you?" I ask.

Nakita ko namang nakayukom ang mga kamay niya at tinignan ako ng masama, "I must the one asking that question to you! Why did you do that to my boyfriend?"

Napangisi ako bigla dahil sa sinabi niya. Nice! A girl trying to be a knight in shining make-up and skirt. Haha, funny.

"Tss. Ah, so he's your boyfriend?--" I pause for a while and pinpoint the guy who kissed me a while ago. Psh, he's still lying on the ground because of my punch. "--I just want to inform you that your boyfriend kissed me, he deserves that anyway."

"Bitch!" Pagkatapos niyang sabihin 'yan, agad niyang hinila ang buhok ko nang sobrang higpit. Hila-hila lang niya 'to hanggang sa makalabas na kami ng bar.

'Yong ibang tao naman ay nagsi-sunudan sa 'min hanggang labas. Binitawan na niya ang buhok ko at tinulak ako kaya naman muntik na akong mapa-upo. Damn this girl!

"Hinahamon kita ng drag racing. Kapag natalo mo ako, pwedeng-pwede kang makabalik kahit kailan mo gusto sa bar ko na 'to. But if you lose, I don't want to see your fucking face anymore. Is that clear, little coward?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Kaya pala ang lakas ng loob niyang manghamon dahil kaniya 'tong bar. Tss. At ako pa ang hinamon niya ng drag racing? Nah, talo na agad siya.

"Kung pino-problema mo ang gagamitin mong kotse, I can lend you--" Hindi ko na siya pinatapos pa at agad kong kinuha mula sa bulsa ko ang susi ng kotse ko.

"I don't need your damn car, I have my own. So let's start? Kating-kati na kasi akong matalo ka."

Napangisi naman siya dahil sa sinabi ko, "Take it easy bitch, wala pang nakakatalo sa 'kin." Pagmamayabang niya.

Naglakad naman ako palapit sa kaniya at nang makarating na ako sa mismong tapat niya, hinawakan ko agad ang baba niya at nginisian ko siya, "You're the one who said, wala pa. E 'di ako ang una at huling makakatalo sa 'yo."

Tinulak niya ako nang marahan at tinaasan ako ng isang kilay, "As if namang matalo mo ako.. Kung sino man ang unang makarating sa 'tin sa may jeepney station na medyo malapit dito, siya ang panalo."

I just nod my head lazily then I walk towards my car. Bago pa ako makapasok, nakita ko si Luke na nakatingin sa 'kin na may ngiti sa labi.

"Bring home the bacon!" Sigaw niya kaya naman napailing na lamang ako.

Sumakay na ako sa kotse ko at agad ko 'yong inihanda. Magkatabi na ang kotse namin ngayon at nakababa ang parehong bintana namin kaya naman kitang-kita ko kung pa'no siya ngumisi sa 'kin. Ewan ko lang kung makangisi ka pa mamaya once na matalo kita.

"Nice car!" Dinig kong sigaw niya. Plastik. Inirapan ko na lamang siya at tinuon ko na ang pansin sa harapan.

Nang makita kong naka-go signal na ang lalaki na nasa harap namin, agad kong pinaandar nang mabilis ang kotse ko. Halos sabay lamang ang takbo naming dalawa.

Mayamaya pa ay mas nauungusan na niya ako. Dinoble ko pa ang bilis para magkapantay kami at hindi naman ako nabigo.

"Bullshit!" Giit ko dahil binabangga niya ang kotse ko gamit ang kaniya.

"Kainis! Hindi porque mas maganda ang kotse ko sa 'yo, gagasgasan mo na ang baby ko." Sigaw ko pero tumawa lang siya.

Mas binilisan ko na lamang ang pagpapatakbo sa kotse ko para hindi na niya ako maabutan pa. Fortunately, naunahan ko na siya.

In no time, natanaw ko na ang jeepney station kaya naman inihanda ko na ang pag-apak sa break.

Kaso..