Athena.
Nang makarating na ako sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto ko at pumasok sa CR. Binuksan ko ang gripo at sinahod ko ang aking kamay at saka naghilamos ng mukha.
"Nakakalito ang mga pangyayari ngayon."
Tinitigan ko lang ang mukha ko sa salamin at huminga ng malalim. They might put the blame on me when they see the corpse of that girl.
"Shit!" I cuss because of frustration.
Pinunasan ko na ang mukha ko at lumabas na ako ng CR. Nahiga muna ako sa kama ko at ipinikit ko ang aking mga mata.
Kung buhay ka pa nga Ricko, may posibilidad na ikaw ang may kagagawan ng bagay na 'yon. But for what? For my downfall?
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at agad akong nagbihis ng damit. Napag-isip-isip ko na baka kailangan kong libangin ang sarili ko dahil masyado na akong naguguluhan sa mga nangyayari ngayon. I'm stressing myself out.
Nang makapagbihis na ako ay lumabas na ako at agad akong pumunta sa kotse ko. Hindi muna ako magdadala ngayon ng kahit anong armas. For now, I'll try to be the usual I am before. The usual I am when everything is still fine. I miss that time. How I wish that I can have a time machine and go back to that time, but I can't. It's too impossible.
Binuhay ko na ang makina at pinaandar ko na ang aking sasakyan. Hindi sana hahantong ang lahat sa ganito kung hindi ako pinamigay ng tunay kong magulang. Wala sanang malalagas na buhay, wala sanang masisirang pamilya, at higit sa lahat, wala sanang panibagong Athena ang isisilang..
I just can't accept the fact that I'm the mafia queen. That's bullshit! Kung ganoon lang din ang kapalaran ko, mas mabuti nalang kung magpakamatay na lang ako. Tutal, ang pagiging mafia queen ko naman ang puno't dulo ng lahat ng mga pangyayaring 'to.
Pinarada ko na sa parking lot ng park ang kotse ko at agad akong lumabas. Naglakad-lakad lang ako habang pinagmamasdan ang mga iba't ibang uri ng tao na nagkakasiyahan dito.
Naupo ako sa isang swing at saka ko dinuyan nang marahan ang aking sarili. Minsan, kailangan talaga nating mag-isip-isip. Kailangan din nating mapag-isa, at kailangan din natin ng oras para sa sarili natin. 'Yon siguro ang kulang sa 'kin. A time for myself. A time to think, a time to find yourself. . .
Natigil ako sa pagduyan sa sarili ko nang may batang babae ang lumapit sa 'kin at ibinigay sa 'kin ang kulay puting papel na nakatupi.
"Kanino 'to galing?" I ask.
Itinuro naman ng bata ang likuran ko kaya agad akong lumingon do'n. Hindi ko naman alam kung sino sa kanila dahil napakarami ng tao sa likod ko, "Sino sa kani--" Hindi ko na natapos ang tanong dahil napagtanto kong wala na ang bata sa harapan ko. Ang bilis naman niyang mawala.
Napailing na lamang ako at binuksan ko ang papel na nakatupi. Dahil sa aking kuryosidad, agad kong binasa ang nakasulat doon.
Embrace your death.
Tatlong salita na nagpanindig sa aking balahibo. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid para alamin kung may kahina-hinala mang tao pero wala. Pinunit ko nalang ang papel na 'to at tinapon. Tss. Baka mga nanti-trip lang.
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa swing at naglakad-lakad pa ako dito sa parke. Sa gitna ng aking paglalakad, may nakita akong pamilyar na likod ng isang lalaki kaya agad ko 'yong hinabol.
Nang maabutan ko na siya ay agad ko siyang hinawakan sa braso. Lumingon siya sa 'kin at nakita ko kung paano nanlaki ang kaniyang mga mata, "Athena?"
"Zans!" Walang ano-ano'y agad ko siyang niyakap. Kahit papaano naman, na-miss ko ang mokong na 'to. Ilang araw din siyang hindi nagparamdam matapos ng araw na dinala niya ako sa lugar ng mga mafia.
Medyo nagulat pa ako nang maramdaman kong yumakap siya pabalik sa 'kin, "Miss me?"
Dahil sa sinabi niyang 'yan, umalis na ako mula sa pagkakayakap at binigyan ko siya ng isang suntok sa tiyan kaya naman napasigaw siya sa sakit. Aba! Nayakap lang siya, yumabang na siya bigla. Ang ibang tao naman dito sa park grabe kung makatingin sa 'min. Woah! Baka mamaya akalain nila tino-torture ko ang isang 'to.
"Teka nga! Para saan 'yon?" Naguguluhang tanong ni Zans kaya naman napa-irap ako. Sige lang Zans, umakto ka na parang wala kang kasalanan sa 'kin.
"Para sa paglilihim mo sa 'kin ng totoo kong pagkatao sa loob ng mahabang panahon." I answer directly.
Binigyan ko naman ulit siya ng isa pang suntok sa pisngi na nagpa-upo sa kaniya sa sahig. Bigla naman niyang sinapo ang gilid ng labi niya na may dugo at pinaningkitan ako ng mga mata, "Nakakadalawa ka na ah. Para saan ulit 'yon?"
Nginisian ko siya at saka ko siya tinulungang tumayo, "Para sa hindi mo pagpapakita sa 'kin ng ilang araw."
This time, tumawa na siya sa sinabi ko at ini-spread niya ang braso niya na para bang sinasabi na, 'Halika nga, let me give you a hug'. I didn't move on my place that's why he's the one who walks towards me and he give me a tight embrace.
"Ibang klase ka rin maka-miss sa isang tao, nananapak." Natatawang sabi niya kaya naman nahampas ko 'yong likod niya.
"Sira!" I said while suppressing my titter. Wala lang, I just can't help to laugh with what he had said.
"I miss you too." Marahan at mahinang sambit niya pero tagos 'yon sa 'kin. Hindi ko alam pero bumalik na naman ang mala-roller coster sa sikmura ko. Masama na 'to.
Naghiwalay na kami mula sa pagkakayakap sa isa't isa at nginitian ko siya, "Sa bahay ka na mag-dinner, tutal magdidilim na rin."
Ginulo naman niya ang tuktok ng ulo ko at tumawa, "Sige ba. Alam mo naman na hindi ako makatanggi sa 'yo."
Tumalikod nalang ako para maitago ang pamumula ng pisngi ko at hinila ko na siya papunta sa kotse ko. Zans, why are making me feel this way?
NANG makarating kami sa loob ng bahay ay nadatnan ko sila tita at tito na nasa sala at nanunuod. Ang sweet lang nila. Siguro, kung nabubuhay lang ngayon sina mama at papa, ganiyan din sila ka-sweet sa isa't isa.
"Oh, nandito ka na pala Athena. Baka gusto mo namang ipakilala sa 'min ang lalaking kasama mo." Sambit ni tita habang binibigyan ako ng mapanuksong tingin. Naman e!
"Ah.. Tita, tito, siya po si Zans Zhyne Dy. Kaibigan ko po." Pagpapakilala ko habang tinuturo si Zans.
Ngumiti naman si Zans at lumapit kila tita at tito, "Hindi ko po kaibigan si Athena. Manliligaw niya po ako."
Dahil sa sinabi niyang 'yan, nanlaki ang mga mata ko at napanganga na rin ako. What the hell? Is this some kind of a joke?
"Tita, tito.. 'Wag po kayong maniwala sa sinabi niya. Hindi ko po siya--" Hindi na pinatapos pa ni tito ang sasabihin ko dahil ay agad siyang tumayo at tinitigan si Zans, simula ulo hanggang paa.
Naku! Mamaya ka lang sa 'kin Zans, gigilitan talaga kita ng ano--ng leeg! Bwishit!
"So, you're Zans? Manliligaw ka pala ng pamangkin ko. Kung gano'n, ayus-ayusin mo lang ah. Dapat, dito lang sa bahay manliligaw hindi sa tabi-tabi. Is that clear?"
Muntik na akong maiyak sa sinabi ni tito. Waah! Tito talaga! Hindi man lang ba niya pipigilan si Zans sa panliligaw sa 'kin? Kakaiba siya.
"Tito.. hindi nga po siya nanliligaw sa 'kin--" This time, binigyan ko naman ng masamang tingin si Zans. Sana naman makuha siya sa tingin, "-- 'di ba Zans?"
Binigyan naman ako ni Zans ng isang nakakaasar na ngisi at lumingon kay tito, "Sure po tito! Dito po ako sa bahay manliligaw, hindi naman po ako ligaw-tabi e." Kampanteng sagot niya kaya naman bumagsak nalang ang dalawa kong balikat. I'm now helpless.
"'Yan ang gusto ko! Osya, dalhin mo na Athena ang manliligaw mo sa dining area at ng makapag-dinner na siya dito. Nando'n naman na si Thamia kasama ang kaklase niya." Sambit ni tito kaya naman napatango nalang ako.
Napalingon naman ako kay tita at nakita ko namang napapailing nalang siya. Tita help me! Ikaw nalang ang pag-asa ko.
"Dali na Athena, baka gutom na si Zans." Tita said.
Huhu! Akala ko pa man din pipigilan niya si Zans sa panliligaw sa 'kin. I just can't believe what's happening today.
Nadako naman ang tingin ko kay Zans at nakita ko siyang nakangiti nang malawak kaya naman napa-irap nalang ako. Naglakad ako palapit sa kaniya at kinurot ko siya ng palihim sa tagiliran kaya naman napa-igtad siya.
"Aww!" Daing niya pero hindi ko na 'yon pinansin dahil agad ko siyang hinila papuntang dining area.
"Ano bang trip mo Zans?" I ask while pulling him towards the dining area.
"I'm not fooling around Athena. I am serious about what I had said to your auntie and uncle."
Dahil sa sinabi niyang 'yan, napahinto ako sa paghila sa kaniya at hinarap ko siya. Nakapameywang ako at nakataas pa ang isa kong kilay, "Just drop the act boy! Don't make me stupid."
Nagpakawala naman siya ng isang buntong hininga at hinawakan ang dalawa kong mga kamay, "Sinabi ko naman sa 'yo 'di ba, seryoso ako about sa panliligaw na sinabi ko kanina. Why don't you just let me?"
"E bakit mo nga kasi ako liligaw--"
"Because I like you! Gusto kita Athena, hindi mo ba mahalata 'yon? All this time, I thought you're aware of my feelings for you but you it turns out that you're not. Can't you feel it?"
I was taken with what he had said that's why I just shrugged my head, "E..ewan ko, hindi k-ko rin alam. Might as well, kumain na tayo ng dinner." Pagkatapos kong sabihin 'yan ay nagsimula na akong maglakad paalis sa kinatatayuan ko.
Masyado pa akong naguguluhan. Kumbaga, nasa stage palang ang utak ko ng pag-loading sa mga pangyayari. Masyadong mabagal, masyadong.. aish ewan! Wala kasing preno ang bibig niya e, tuloy-tuloy lang. Parang tambutso ng isang sasakyan. Sana nga kanina pa ako nilamon ng sahig para naman naka-iwas ako sa kahihiyan.
And I think, this is not the right time to think about my love life. Marami pa akong dapat asikasuhin, marami pa akong dapat itama.
Nang makarating na kami sa dining area, agad akong naupo sa katapat na upuan ni Thamia. Hindi ko na nagawang i-introduce pa ang sarili ko sa lalaking katabi niyang kumakain dahil nga sa masyado pa akong pre-occupied.
Maya maya lang, naramdaman kong dumating na si Zans at tumabi na siya sa 'kin. No..no! Lumayo ka muna sa 'kin, please. Hindi pa naa-absorb ng utak ko ang mga sinabi mo kanina kaya layo-layo lang ng kaunti.
Nagsimula nalang akong kumain para naman hindi na ma-open up pa ang topic na napag-usapan namin kanina. Nakakahiya 'yon, surely.
"Athena. Si Luke nga pala, classmate ko. Siya rin 'yong nag-birthday no'n sa resort na pinuntahan natin."
Napatingin nalang ako sa lalaking katabi ni Thamia at tinanguan siya. I have no time for knowing who really he is. 'Di ba nga, sinabi ko na sa inyo. Masyado kasing ginulo ni Zans ang utak ko.
"Nice meeting you Athena. How's your day? Especially in school?"
Bigla naman akong nabilaukan sa tanong niya kaya naman agad niya akong inabutan ng tubig, and Zans did too. Napabuga nalang ako sa hangin at nagsalin ng tubig sa baso ko.
Agad kong ininom ang sinalin kong tubig at nang medyo maka-recover na ako, saka ko lang nginitian ulit si Luke at sinagot ang tanong niya, "Okay naman." I answer simply.
"Well.. I see! Sana hindi ka magkaroon ng problema sa school."
This time, natigil na talaga ako sa pagnguya sa pagkain ko at nilingon ko siya. Nakita ko namang nakangiti siya ng nakakaloko sa 'kin. That's.. Ugh! Nevermind.
"Kasi.. alam mo na, masyadong maraming projects and tests. Mauuna na pala ako. Salamat sa masarap na dinner at salamat na rin sa pag-inform sa 'kin Thamia ng mga na-miss kong discussion." After he said that, he give me first a sly grin then he immediately run away from where we are sitting.
Napa-isip naman ako bigla sa kakaibang inasta ng lalaking 'yon. I know.. he's up to something and what he had said a while ago that he hopes that I have no problem in school--
—it has a double meaning.
You're unfathomable Luke.